Chapter 42

Chapter 42

Napatingin ako ng bumukas yung pinto ng kwarto. Si Cita pumasok. Hindi na siya nakauniform at may dala dala rin siyang paper bag. Napailing na lang ako at bumalik sa ginagawa. Malamang makikitulog na naman 'yan dito. Ganyan kasi palagi ang hitsura niya pag makikitulog dito.

Umupo siya sa harap ko at hinampas ako braso. Napadaing naman ako nun dahil yung singsing niya yung tumama sa balat ko..

"Aray ko.. Pancita!" Sigaw ko sa kanya, pinanlakihan naman niya ako ng mata niya.

Hinaplos ko ang braso ko na pinalo. Grabe talaga to.. Hindi man lang talaga niya inisip na nakasakit siya. Pinanlakihan pa niya ako mata niya.

"Huy, sabi ko sayo.. huwag mo akong tawagin ng ganon!"

"Eh, pangalan mo naman yun!"

"Kahit pa!"

Napairap na lang ako at sinara yung laptop. Nag aaral kasi ako kanina nang pumasok siya, at ngayon.. Kahit pilitin kong mag aral, alam kong hindi na rin ako makakapag focus.

"Anyways.. bakit kayo nag away kanina?" natawa ako bahagya.

"Nagtatanong ka, samantalang nandoon ka kanina diba?"

"Oo nga, pero hindi ko narinig ng kumpleto. Narinig ko lang yung huli mong sinabi na ayaw mong magpahalik!" sabi niya at umurong pa ng konti sa akin makalapit lang.

"Ayun lang naman yun..diba nga umakyat na ako?"

"Oh, ngayon nga..hindi pa kayo nagkakatext?"

Napalunok ako. Kanina pa nga rin 'yun sa inaabangan ko, yung text niya. Pero hanggang ngayon, wala! Ano? Kahit ni Hay, ni Ho, wala? Ganon siya ka busy? Edi shing! Siya na busy! Ganon siya ka work hard para maihatid lang yung telly na yun?

Hindi ko maintindihan kung bakit, pero naiirita talaga ako! Naramdaman naman niya siguro na galit ako kanina diba? Pero wala man lang siyang ginawa! Kanina nga nung nag walk out ako, akala ko hahabulin man lang niya ako o aakyatin dito sa kwarto, o sige kahit ipatawag man lang kay Cita para suyuin ako, pero wala Siyang ginawa ni miski isa sa mga yun!

Ang grabe niya lang!

At talagang mas inuna pa niya yung Telly na yun. Tama, dun na siya. In -off ko yung phone ko. Ayoko makaistorbo. Nakakahiya naman.

Mag sama na lang silang dalawa.

"Oh ano yan?" tanong ni Cita ng makita ang ginawa ko sa cp ko.

"Wala.." sagot ko at bumaba na ng kama. Ala syete na. Kailangan ko pang mag luto ng uulamin ni Ate.

"Aysus! First LQ!" si Cita at pakanta kanta p habang nakasunod sa akin.

"Mahal.. pangako sa iyo, hindi magbabago.. ikaw lang ang iibigin ko.."

Napapailing na lang ako sa kaibigan kong ito. May gana oa siyag kumanta at asarin ako. Well.. kanta ko kasi iyon para kay Rogerr..

Pagkatapos ko ngang mag luto ay kumain na ako, kasabay si Cita. Adobong baboy lang 'yon. Tinawagan ko na rin si ate sa cellphone ni Cita at sinabi niya na malilate daw siyang umuwi.

Kaya ngayon, eto magkatabi na kami ni Cita sa kama. Siya may katext ako naman nakatulala lang sa kisame.

Hindi mawala sa isip ko si Rogerr.. hindi lang ako makapaniwala na hindi man lang siya nagtext sa akin. Kahit isa! Kanina kasi ay hindi rin ako nakatiis at binuksan ko rin ang cellphone ko. Ngunit ng makitang wala pa rin siyang text ay pinatay ko rin 'yon.


Kahit isa lang wala man lang?!

Nakakaloka siya!

"Huy, para kang tanga diyan ah!" si Cita at ipinatong ang hita niya sa katawan ko.

Niyakap ko na lang si Cita at hindi na nagsalita.

"Huwag mo ng isipin 'yon, after ng class natin, susunduin ka rin nun.." aniya. "Good night, my Only bestfriend, mahal kita!"

"Love you too.." sabi ko.

Napapikit ako ng marahan niyang haplusin ang buhok ko.

Susunduin? Hindi siguro.. at isa pa.. ano naman pag uusapan namin? Hirap pa naman akong itago pag galit ako..

Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog ako at nagising na lang ako sa gulat ng masiko ni Cita yung dibdib ko. Pikit ang isang mata na tinabig ko yung kamay niya.

Napadaing ako.. Sinubukan ko pamg matulog sana ngunit hindi na rin nakabalik dahil nagising na yung diwa ko. Panay na rin kasi ang ikot ni Cita sa higaan.

Sinilip ko ang orasan sa ding ding at ng makitang 5:30 na ng umaga ay bumangon ako.

Kailangan ko pang magluto ng almusal at maligo.

Lumabas muna ako ng kwarto para tignan si Ate sa kwarto niya at kung nakauwi ba siya. Nakita kong nandon siya at mahimbing na natutulog kaya bumalik ako sa kwarto ay ng umpisa ng maligo.

Nang makarating kami ni Cita sa eskwelahan ay agad kaming dumiretso ng canteen para bumili ng energy milk ni Cita. Pagkatapos nun nag klase na kami.

Pasalamat na rin dahil marami kaming ginawa sa klase kaya nakalimutan ko yung problema ko kagabi. Isa pa..iniwan ko rin kasi ang cellphone ko sa bahay, sinabi ko na lang kay ate na lowbat kaya iniwan. Pero ang totoong dahilan talaga ay kung sakali man na magtext doon si Rogerr, atleast hindi ko mababasa. Diba, iwas stress na rin.

"Ano, ready ka na?" pag kuwan'ay tanong ni Cita habang palabas kami ng building.

"Ready?" lito kong tanong.

"Pa-inosente? Ayun oh! Nandiyan siya! Mag usap na kayo, para hindi ka lutang!"

Nanliit ang mata ko. "Kailan ako naging lutang?"

"Basta! Hi, tatay Rogerr!" bati niya don.

What?

"Anyway! Alis na ako huh? Alam mo na..may kailangan lang akong puntahan."

Hindi ko alam kung dapat ba akong umalis o manatili dito? Para akong puno dito na nakatayo kang habang ang dalawa ay nag uusap.

Galit pa rin ako sa kanya syempre. Kaya hindi ko pa feel kung kaya ko na ba siyang kausapin after ng nangyari kahapon.

Pagkaalis ni Cita ay dumiretso na ako sa sumakay sa likod. Buti hindi nakalock, kung hindi pahiya ako.

Nakatitig lang siya sa akin pagkasakay ko sa likod.

"Dito ka na sa harap.." sabi niya.

Umiling ako. "Ayoko. Aalis na ba tayo?" tanong ko.

Tinitigan niya lang ako hanggang sa napailing na lang siya.

Buti naman.

Dahil kahit anong pilit ang gawin niya, hinding hindi ako sasakay don sa harapan. Gusto kong sumakay doon sa harap kahapon pero hindi niya ako pinayagan.

Ngayon, gusto niya akong pasakayin doon, e ayoko na.

Kung saan kami pupunta ay hindi ko alam. Bahala siya, tutal naman gusto niya lang yung nasusunod dito. So..bahala siya.

Ayaw kong mag salita. Bahala siya. Nakita ko pang patingin tingin siya sa salamin. Asa naman siyang kausapin ko siya.

Hinatid niya ako sa bahay ng walang sali salita. At walang salisalita rin akong bumaba at hindi na siya hinintay. Bakit pa?

Pagkalapag ko ng bag ko sa sofa ay halos mapatalon ako ng biglang may yumakap sa akin sa likod.

Si Rogerr.

Hindi ko namalayan na sumunod pala siya dito sa loob.

Napakagat ako ng labi ko.

Bakit ganon? Kanina lang naiirita ako sa kanya.. bakit ngayon gusto ko na lang siyang yakapin?

"Sorry.." bulong niya sa tenga ko at hinalikan ang pisngi ko. "Alam kong tahimik ka, pero ayoko ng ganito ka katahimik. Nabibingi ako."

"Sorry sa kasalanan ko.."

"Ano bang kasalanan mo?" hawak ang labing tanong ko. Hindi ko alam.. Sa totoo lang gusto kong magtampo, kaya lang.. natutunaw na ako yakap pa lang.

"Lahat lahat. Hindi lang talaga ako makatanggi kay ninang.. Pagkatapos ko siyang ihatid ay dumiretso na rin ako sa trabaho ko kahapon."

"Okay.." sabi ko na lang at dinama na lang yung yakap niya. Masyado akong mahina sa yakap niya para magsalita pa.

"darling.." sabi niya at hinarap ako sa kanya.

Yinuko ko kaagad ang ulo ko. Ayaw ko muna siyang tignan.

Kumakabog kasi ang dibdib ko.. baka marinig niya..

"Tell me something.." aniya at hinawakan ako sa mukha at marahan niyang hinanap ang paningin ko.

"Nag selos ka?" tanong niya.

Mabilis akong umiling.

Sa totoo lang hindi naman talaga ako nag selos. May tiwala ako sa kanya.

Ang ikinalungkot ko lamang kahapon ay yung.. Hindi natuloy yung lakad namin. Hindi niya rin sinabi na cancel 'yon kaya umasa ako.

"Nagtampo lang ako dahil hindi natuloy yung date natin.. At isa pa.. siya yung katabi mo kahapon sa harap ng kotse mo.." ayoko naman mag sound na batang nangaaway or ano pa.. pero kasi..

Tiningala ko siya saglit para tignan ang reaksyon niya. "Baka isipin mo.. ang immature ng reason ko."

"No.. Ofcourse not.." mabilis niyang iling. "Your feelings are all valid. Kahit gaano pa kalaki o kaliit yung reason mo. Kung nasaktan ka, nasaktan ka. At naiintindihan ko 'yon."

"Im sorry.." pahabol niya at dahan dahan akong hinalikan sa labi.

Napapikit ako...

At tulad ng dati..saglit lang 'yong halik.

"Sobrang mahal kita, Charlene.." pinagdikit niya ang noo namin. "Sobra sobra.."

"Hindi ko man kayang maging perfect boyfriend mo.. pero sana alam mong mahal na mahal kita.."

Napatingin ako sa kanya kaya naman inabot ko sandali ang kanyang labi para mahalikan 'yon. Gusto ko pang damhin ang mga labi niya. Parang kulang pa yung halik.

At parang alam na niya yung gusto kong mangyari. Hinawakan niya ng maigi ang aking pisngi at hinalikan ako ng mas malalim.

Umangat naman ang mga kamay ko para kumapit sa katawan niya.

Ramdam na ramdam ko ang maligamgam na init na nanggagaling sa bibig niya.

Ang sarap nun sa pakiramdam..

Hindi man ako uminom ng alak ngunit nakakalasing..

Nang bitawan niya ako ay halos habulin ko ang hininga ko.

Pero imbes na mag alala ay napangiti ako..

Ang saya ng puso ko ngayon..

Parang gusto niyang makisali sa nangyayari ngayon sa akin..

Umangat ang tingin ko sa kanya.

At habang nakikita ang mapungay niyang mga mata ay nilipat ko sng hawak ko sa kanyang pisngi.

"Sobrang mahal din kita, Rogerr.." sabi ko bago siya niyakap ng napaka higpit.

(Sana safe ang lahat! Please, please.. Be safe. And pray.. na humina at umalis na ang bagyong Ulysses. Ingat kayong lahat. Pray lang..)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top