Chapter 41
Chapter 41
"Wala nga Cita, ano ba?" naiirita kong sabi kay Cita. Umagang umaga kasi nang iinis siya. Paano ba naman kasi, tinatanong niya kung anong nangyari kahapon sa celebration namin ni Rogerr, para sa first monthsarry namin, at kinuwento ko naman sa kanya lahat. Pero ito, ayaw pa rin niyang maniwala, dahil ginigiit niya na may iba pa daw kaming ginawa bukod sa mga kinuwento ko. Eh, wala naman e. Sinabi kong kiss lang ang ginawa namin pero eto, pilit pa rin ng pilit sa akin.
"Kung ayaw mong maniwala, ikaw na ang bahala no." sabi ko ulit at tinalikuran na siya. At kunwaring may kinakalikot sa phone.
"Weh? Sabihin mo na kasi, darating na si sir, oh!"
Kinalabit pa niya ako na lalong kinainis ko.
"Huy, ano ba?"
"Sabihin mo na kasi!"
Iniripan ko siya. Binalingan ko yung katabi ko pa. Si Keith. Lalaki siya. At kahit alam kong imposible ay kailangan kong subukan para sa ikakatahimik ng pag aaral ko.
"Pwedeng palit muna tayo ng seat?" tanong ko sa kanya habang nagbabasa siya ng librong calculus.
Tinignan niya lang ako at saglit na tinignan din si Cita at walang sabi sabing tumayo ito.
Nakuha ko na 'yon bilang sagot niya. Ibig sabihin pumapayag siya. Tumayo na rin ako.
"Huy, saan ka pupunta?" litong tanong ni Cita pero hindi ko na pinansin at nauna nang umupo sa upuan ni Keith.
"Hoy! Abigail!" tinignan niya ng masama si Keith. "Tumayo ka nga diyan!"
"Hindi mo ako utusan." nabigla ako sa sagot ni Keith. Nakita ko rin na natigilan si Cita.
Nakakabigla naman talaga, dahil sobrang tahimik lang kasi ni Keith. Tuwing discussion lang nag sasalita. Walang kaibigan dito sa room na 'to, at pag makakasalubong mo sa labas laging may earphone sa tenga.
"Abigail, bumalik ka na kasi dito!" sabi na lang ni Cita at hindi na lang ulit binalingan si Keith.
Umiling lang ako at inumpisahan ng basahin ang aking notebook.
Inalis ko na lang yun sa isip ko. Mabuti nga at natahimik na si Cita.
Nakakinig naman ako ng maayos sa klase na iyon, paminsan minsan ay sinusulyapan ko si Cita na nakataas ang kilay na tinitignan si Keith, pero parang wala lang naman 'yon kay Keith at hindi siya pinapansin.
Nang matapos yun ay dumiretso na ako sa klase ko dahil hindi naman kami parehas ng kinuha'ng program ni Cita.
Mabuti naman. Kahit kasi bestfriend ko siya may time talaga na niirita ako sa pang aasar niya. Minsan lang naman. At ito yung isa sa mga araw na 'yun.
Naglalakad na ako palabas ng Admin building dahil may kailangan akong gawin, kaso lang..
"Hoy!" napalingon ako sa humila ng bag ko.
Si Cita.
Napapikit na lang ako sa sobrang pagtitimpi. Dapat pala talaga ay umuwi na ako kanina pa ng may chance ako, Ngayon ay kailangan ko ng harapin ang kaingayan ng isang 'to.
Inunahan niya ako sa paglakad para maharap ako. "Bakit mo naman ako iniwan ha! Akala mo nakalimutan ko na yung ginawa mo kanina? Talagang itinabi mo sa akin yung Keith na yun?!"
Pinilit kong ngumiti para mkapag timpi. "Cita.." hinga ko.
"Alam mo naman na napaka sungit ng lalaking yun no? tatahi-tahimik pero ang tindi daw nun bumayo-"
Nanlaki ang mata ko. "Cita! Ano bang lumalabas diyan sa bibig mo?!"
Umismid lang siya. "Totoo yun, kalat kaya yun dito sa school."
"Kahit pa! Hindi mo naman kilala yung tao para magsalita ng ganyan sa kanya.."
"Kilala ko siya. Classmate ko kaya siya nung kinder ako. Tsaka, hindi ako ang nagsalita nun no, si Ellen yung nagsabi sa akin. chinika ko lang sayo."
Humugot ako ng hininga at napailing. Sa lahat na lang talaga may sagot siya.
"Oh, uuwi ka na ba?" tanong niya.
"Oo.." sagot ko at tinignan kung dumating na ba yung sasakyan ni Rogerr. Wala pa naman.
"Hinihintay mo yung jowa mo?" sabi niya bago sinubo yung kababalat lang niya na lollipop.
Tumango lang ako.
"Gusto mo?" tanong niya at niluwa ang lollipop na inaalok niya.
"Kadiri ka."
"Arte mo! Pwede akong sumama sa date niyo?" tanong niya.
Nanliit naman ang mata ko. "Bakit? Wala ka bang date ngayon?"
"Wala. Break na kami nun 'e,"
"Ang bilis naman?"
"Anong mabilis don? Tagal na nga namin e, nag monthsarry na kami, meaning matagal na."
"Monthsarry na ba ang batayan ng tagal? Hindi ba Anniversarry dapat?"
"Ay nako, Abigail! Huwag mo na akong kausapin! Ay, andiyan na yung jowa mo!"
Mabilis naman akong napalingon sa nginuso niya. Nakita kong bumaba ng sasakyan si Rogerr.
Ang gwapo talaga.
Naka itim siyang t -shirt at maong pants.
Kuminang na naman yung dogtag niyang nasinagan ng araw.
Naglakad na ako patungo sa kanya. Namiss ko siya.
"Huy, sama ako ah? Di ko dala yung car ko, coding." ani ni cita sa likod ko.
Pero hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Tamang tama ay nakatalikod siya kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na yakapin siya sa likod. Naramdaman ko'ng nanigas siya sa gulat.
Inilusot ko ang ulo ko sa braso niya at matamis na ngumiti ng nilingon niya ako. "Hi, daddy!"
Ngmiti rin siya ng matamis at maluwag na inipit ang ulo ko para halikan ako sa ulo. "I love you.." aniya. At hinila ako paharap sa kanya para mayakap ako. Ikinawit ko ang braso ko sa batok niya para maipit siya at mayakap ng sobrang higpit..
Para kahit hindi ko sabihin..mararamdaman niyang love ko siya.
1..
2..
3..
4..
5...
"Aang.. sarap naman nun!" aniya ng binitiwan ko na siya..
"Na feel mo?" tanong ko..
"Sobra.." aniya at hinalikan ako sa noo.
"Tapos na kayo?" si Cita na hinarap pa talaga kami at nameywang pa. "Kumain na muna kaya tayo no? Masyado ng PDA guys.."
Inirapan ko si Cita ng mapatingin siya sa akin.
Napaka mapanira talaga nito ng moment. Binaba ko na yung kamay ko ng mapalingon din ako sa likod namin.
Tama siya. Andami ngang nakatingin.
"Alright.." si Rogerr at mabilis akong dinala sa likod para makasakay na. Ngunit nagtaka ako ng hindi niya ako isinakay sa harap.
"Bakit dito? Gusto ko tabi tayo.." sabi ko at mabilis na binuksan ang harap na pinto pero napatigil ako ng makitang may nakasakay na doon.
Babae. Hindi ko kilala.
"Kaya naman pala sweet.." sabi ni Cita doon sa loob ng sasakyan. Pero hindi ko siya pinansin at tinignan lang yung babae.
"Hi," bati niya sa akin pero hindi ako ngumiti. Binalingan ko si Rogerr.
"Sino siya?" tanong ko.
"Si Telly.. Kinakapatid ko." sagot naman niya. "Dito ka na lang muna sumakay sa likod, Charlene.."
Charlene? Charlene talaga? Hindi na ba darling? Biglang nag init bigla yung dugo ko.
Naiirita ako.
"Charlene.." tawag niya ulit sa akin ng hindi ako gumalaw.
"Pero gusto ko katabi ka e.."
"Pero nakaupo na kasi si Telly, dito ka na lang muna, tabi kayo ni Cita.." ayaw ko man sumakay ay wala na akong nagawa. Nakasimangot akong sumakay doon.
Nakakairita!
Hindi maalis ang tingin ko don sa Telly na 'yon. Paminsan minsan ay nagkukwentuhan sila ni Rogerr. Galing pala siyang abroad. At si Rogerr ang sumundo sa Airport.
Ang bilis ng paghinga ko at naka isang guhit ang labi.
Kinakapatid ha!
Parang ang saya saya nila mag usap. Kinakapatid? Eh kung maka haplos sa braso ng boyfriend ko ganon na lang! Really?! At itong boyfriend ko naman, okay lang?
Napatingin ako kay Cita ng siniko niya ako. Tinignan ko siya masama.
"Ano ba?" taas na kilay na sabi ko.
"Duda ako diyan sa kinakapatid ni Tatay.." bulong niya.
"Huwag mo nga siyang tawaging tatay!" inis na bulong ko din. At ibinalik ang tingin sa harap.
"Ang arte mo! Basta iba ang pang amoy ko diyan.." aniya at siniko ako ulit.
"Huwag mo akong sikuhin.."
"Anong gagawin mo?" tanong niya. Kumunot ang noo ko.
"Gagawin saan?"
"Bobo mo talaga!" biglang hiyaw niya. Kaya napatingin sa amin sila Rogerr.
"Ayos lang kayo diyan?" tanong niya ng maistorbo sila sa tawanan ni Telly. Hmp! Hindi ako sumagot at tumingin na lang sa bintana sa labas.
"Okay lang, tay!"
Sa pagtingin ko sa bintana..napansin kong daan ito pauwi sa amin..
Napatingin ako ulit kay Rogerr..wait, akala ko ba kakain kami sa labas?
Iuuwi na niya ako agad sa bahay? Pero 4 pa lang!
Nasigurado ko iyon ng tumigil ang sasakyan niya sa tapat ng bahay namin.
Ganon?
"Akala ko ba mag didate kayo?" malakas na sabi ni Cita. "Hindi tayo kakain sa labas?"
Nakasimangot na bumaba ako sa sasakyan niya. Nakita kong bumaba rin siya pero hindi ko na pinansin.
Nakakagalit lang. Dahil buong akala ko lalabas kami. Ni, hindi niya nga sinabi sa akin na hindi pala matutuloy yun. Edi sana alam ko diba? Hindi yung wala akong alam, tapos umaasa sa wala.
Dumiretso na ako sa gate namin para buksan 'yon.
"Charlene.." tawag niya. Dumiretso na ako sa loob ng mabuksan iyon.
"Charlene sandali,"
"Go, Abigail!" rinig kong sigaw ni Cita pagkasunod sa akin. Nauna pa nga itong umupo sa sofa.
"Charlene," sabi niya ng naharap niya ako. "Galit ka ba?"
Tinignan ko siya ng hindi makapaniwala. Seryoso? Itatanong niya talaga yun? Hindi pa ba obvious?
"Tingin mo?" tanong ko. "Ang sabi mo sa akin lalabas tayo ngayon diba? Bakit mo ako hinatid dito sa bahay?"
"Kailangan ko kasing ihatid si Telly sa batangas ngayon, nakapangako na ako sa ninang ko,"
"At sa akin hindi?"
"Charlene, pwede naman tayong lumabas anytime..kailangan ko lang talaga siyang maihatid ng safe sa batangas. Bukas lumabas tayo."
Tama ba yung narinig ko? Lumabas anytime? Parang hindi pa din niya nagegets yung pinopoint ko. Ang pinupunto ko dito ay, hindi siya tumupad sa usapan! ni hindi ko man lang alam na cancel 'yon!
Huminga ako ng malalim. Pilit kinakalma ang sarili.
"Okay.." sabi ko. Nakita ko pa si Cita na nakatingin sa akin habang iniikot ang hintuturo malapit sa ulo niya.
"Salamat, darling.." sabi niya at hahalikan sana ako sa labi ngunit umiwas ako.
Nakita kong natigilan siya dahil doon.
"Ayokong magpahalik. Aakyat na ako sa taas." sabi ko at tumalikod na.
Naririnig kong tinatawag niya ako pero, ano naman diba?
Wala naman siyang pake.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top