Chapter 39
Chapter 39
"Ate sunday naman po ngayon.." pikit mata kong reklamo kay ate ng gisingin niya ako. Linggo naman kasi at pahinga ko ngayon. At gusto ko
pang matulog ng matulog..
At isa pa, wala akong inaasahan na bisita ngayon. Ang naiisip ko lang ngayon na manggugulo sa akin ngayong linggo ay si Cita.
At kung si Cita nga yun, kailangan ko nga ng sobra pang tulog.
"Alam ko bunso..pero may bisita kasi sa baba." sagot niya at hinaplos pa ang buhok ko. "Kaya gumising ka na diyan at maligo."
"Sino ba yun 'te? Ang aga mo naman tumanggap ng bisita.."
"Hindi ko sasabihin, puntahan mo para makita mo." hinila pa niya yung kumot sa katawan ko.
"Ate kasi.."
"Bumaba ka na don.. mag ayos ka bago bumaba!"
Tumalikod ako sa kanya. "Opo.." sagot ko na lang kahit pa sa totoo lang ay matutulog pa rin ako. Pagod na pagod pa rin ako at hindi ko pa maidilat ang mga mata ko.. Kailangan ko ng tulog at makakapaghintay naman siguro kung sino man ang bisita sa baba.
Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay laking pasalamat ko.
"Hay..salamat.." di mapigilang buga ko.
Bumalik agad ako sa pagtulog.
Pero hindi man din nakakatagal ay bumalik ulit si ate at niyugyog ng niyugyog yung katawan ko.
Inipit ko na ang unan ko sa aking tenga..
Gusto ko pang matulog!
"Ano ba, Abigail! Akala ko naman nag aasikaso ka na!"
"Ate kasi!" nasipa ko pa yung unan sa paanan ko. "Napakaaga pa po bakit ka po tumanggap ng bisita!"
"Eh maaga damating e! May usapan ata kayo nun.."
Inisip ko naman mabuti.. Pero wala naman akong lakad ngayon e. Wala nga akong plano sa araw na ito, usapan pa kaya.
"Wala po.."
"Inuugat na yung tao kakahintay sayo Abigail, mahiya ka naman!"
"Hindi ko naman po siya sinabihan na puntahan ako dito.."
Hinampas ako ni ate sa may puwet ko. "Aba't talagang may sagot ka pa rin ah!"
Napaupo ako dahil dun.. Malanit ang hampas ni ate kaya hindi ko mapigilan na indahin iyon. "Ate naman e!"
Pinanlakihan niya ako ng mata.
"Sorry po.."
"Bumaba ka na ron! Mag ayos ka!"
Napairap ako. Nakayuko naman ako kaya hindi niya iyon makikita.
"Bakit kailangan pa po'ng mag ayos?"
"Basta!" sabi niya lang. "Bababa na ako.. Bumaba ka na! Pag natulog ka pa ulit, bubuhusan na kita ng tubig sa mukha mo, makita mo!"
"Opo.." napakamot ako sa ulo ko.
Pagkalabas ni ate ay bumaba na rin ako ng kama.
Hindi na ako nag abala pa na mag ayos o ayusin man lang ang buhok at
hitsura ko. Dahil sa tingin ko si Cita lang naman 'yon. Sanay na yun na makita ako ng bagong gising at walang ayos.
Ano na naman kayang kailangan ng babae na 'yon? Kay aga aga, nang iistorbo..
Tinatamad at nakasimangot akong bumaba ng sala.
Hindi na ako nag ayos o nag suklay man lang. Wala rin akong pakielam kung may muta o wala.
Pagababa ko don sa sala ay wala naman akong nakitang tao. Nakabukas lang ang pintuan at nagdidilig ng halaman si ate.
Dumiretso ako kay ate.
"Ate.. nasaan naman yung bisita na sinasabi mo?"
Napatingin sa akin si ate. Napailing siya.
"Ay nako ka'ng bata ka, hindi ka talaga nag ayos? O naghilamos man lang?"
"Tsk! Ate naman.. hindi naman-"
"Charlene.." tawag ng nasa likod ko.
Namilog ang mga mata ko. Kilala ko ang boses na iyon!
Natawa si ate. "Oh ano? Huwag mong sabihin na hindi kita sinabihan ah!" ani ate at bumalik na sa pagdidilig.
Napalunok ako. Ni hindi pa nga ako nag totoothbrush..
Narinig ko ang mga hakbang niya.. Papalapit sa akin..
Anong gagawin ko?
Mabilis kong inayos ang buhok ko.. Hindi ko alam kung may nag bago ba sa hitsura ko pero wala naman na akong magagawa..lalo pa at hinawakan na niya yung braso ko at hinarap na sa kanya.
"I love you.." aniya. "Goodmorning, darling.."
Tinakpan ko ang bibig ko. At tumango. Magegets na niya siguro iyon no..
Pero hindi ata.. Nanliit ang mga mata niya. "Why? may problema ba?"
"Hindi pa ako mag totoothbrush.." sabi ko habang nakatakip pa rin ang bibig.
Numiti lang siya at dahan dahan na tinanggal ang kamay ko sa aking bibig. Ayoko pa nga sana pero mas malakas kasi siya.. Sinubukan ko pang ibalik 'yon pero hinawakan niya ang dalawa kong kamay.
"Okay lang 'yan, hindi na lang ako hihinga.." aniya na nagpalaki ang mata ko..
Binawi ko ang kamay ko at mabilis siyang hinampas sa braso..
"Ang mean mo!" hiyaw at natawa lang siya.
"Binibiro lang kita.." aniya at niyakap ako. Naramdaman ko rin na hinalikan niya ako sa buhok.. "Mahal kita.."
Napangiti ako. "Mahal din kita.."
"Happy monthsary.."
Kumunot ng noo ko..
"Ha?" tanong ko at lumayo sa kanya.
"Monthsarry natin ngayon, antukin.."
"Jusko po!" napatakip ako sa bibig ko.
"Nakalimutan mo?"
Nakanguso akong napatango.
Monthsarry pala namin ngayon tapos nakalimutan ko. Sheba! First monthsary namin pati! First!
Marahan niyang hinaplos ang mukha. "Well..hindi ko naman talaga alam kung dapat bang i celebrate yung monthsarry, pero.. nakwento mo kasi minsan sa akin na nag celebrate si Cita ng monthsarry nila ng boyfriend niya. So..naisip ko na baka gusto mo rin mag celebrate ng ganon."
Napatanga ako sa kanya. Naaalala pa niya yun?
Nung minsan kasi ay naikwento ko sa kanya yung naikwento ni Cita sa akin, na nag celebrate sila nung ka date niya. Kinuwento ko lang naman sa kanya yun..hindi ko alam na maaalala niya.
"Okay lang naman kahit hindi na. Mas maganda pa rin i celebrate ang Anniversarry, diba.." sabi ko. "Happy monthsarryy pa rin!"
"Mahal kita.." hinalikan pa niya ako sa noo. "Sandali lang.." aniya at tumalikod na para bang may nakalimutan.
Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong kinuha niya yung isang piraso nang sunflower sa may lamesa. Nakita ko pa nga na may cake doon at may paper bag pa.
Nakangiti niyang inabot sa akin yung bulaklak.
"Salamat.."
Pansin ko lang na puro sunflower yung binibigay niya sa akin..
"Well..nagtataka ka siguro kung bakit sunflower?" parang nabasa niya yung nasa isip ko.
"Kasi nung una akong pumunta dito, siguro hindi mo na naaalala 'to pero, binigyan mo ako ng sunflower na bulaklak na hinugot mo sa mga halaman ng ate mo.." natawa pa siya. "Pinalo ka pa nga ng ate mo nun.. Dahil halos lahat kaming kaklase niya ay inabutan mo ng ganon."
Napayuko naman ako.
Hindi ko na maalala yung sinabi niya na yun. Wala na sa utak ko.
Pero ang sarap sa feeling na may dahilan pala yung bulaklak na to.
"Nag paalam na ako kay ate mo.. Idedate kita ngayon." aniya at napangiti ako ng isayaw sayaw pa niya yung kilay niya.
"Okay.." tango ko. "Ngayon na?"
"Kung kailan ka ready.."
"Maliligo na ako.." sabi ko at mabilis siyang kiniss sa cheek niya bago nagmadaling umakyat sa kwarto.
Habang naliligo ako ay hindi maalis sa labi ko ang ngiti.
"Jusko po! Date na to!" di mapigilang hiyaw.
Nasilip ko pa ang orasan.. 8:am pa lang! Tapos 9pm pa yung curfew namin! Mahabang oras yun!
Pero habang nag bibihis ay hindi ko alam kung anong isusuot ko.. Kanina pa ako nakatingin sa mga damit ko.
Mga short at tshirt lang kasi 'to. Ito lang ang mga sinusuot ko usually. Meron man akong iilan na skirt at pants, pero hindi ako komportable sa ganon..
Hinugot ko na lang ang puting maong na short at ang kulay pink na tshirt na printed lang na mukha ni mickey mouse.
Ayos na 'to kaysa wala diba? Pinarisan ko pa 'yon ng sandals na kulay nudes.
"Aalis na po kami, ate.." naghahanda na rin kasi siya sa pag alis niya.
"Okay..basta yung sinabi ko ha?" paalala niya.
"Opo.." sagot ko. Binalingan naman niya si Rogerr.
"Don't worry, 9pm sharp, iuuwi ko na siya." sagot naman nito.
"Saan mo iuuwi?" tanong ni ate.
Tumingin sa akin si Rogert bago sumagot kay ate.
"Dito. sa bahay mo.."
"Good. Mabuti nang nagkakalinawan tayo."
"Ate naman.." mahinang sabi ko.
Binalingan ako ni ate at inirapan. Napanguso naman ako. "Sige na.. Umalis na kayo.. Mag ingat ha!"
Pagkaalis namin ng bahay ay dumiretso muna kami sa pan cake house sa may tapat ng village namin. Hindi na kasi ako nakakain dahil ayoko naman lag hintayin si Rogerr.
Pagkatapos nun ay nag drive na ulit siya. Hawak hawak pa niya ang kamay ko. Di ko naman mapigilan ang ngiti ko. Ang saya ng puso ko ngayon.
Hindi ko maexplain pero sobrang saya ko ngayon na kasama ko siya. Sobra.
Maya maya lang ay nakarating na kami sa pupuntahan namin.
Sa Up sunken garden.
Kanina kasi ng tinanong niya ako ay iyon ang una ko'ng naisip.
Wala lang. Gusto ko lang ng tahimik na lugar. Yun bang makakapag usap kami ng walang nakikinig at kaming dalawa lang.
Kaya ang sinabi ko sa park na lang.
Nagbaon lang ng pancake. Tinake-out namin iyon kanina.
Pati yung nasa brown bag na dala niya kanina. Dinala rin namin. Ang laman pala nun ay sisig at kanin. Naghiwa lang din kami ng maliit na cake kanina at nilagay iyon sa transparent na tupperware. May naka slice din na mga apple dun. at bumili lang siya ng dalawang mineral water.
Pinili namin sa gilid yung wala masyadong tao. Naglatag lang kami doon ng maliit na kumot.
Ang sarap ng hangin dito.. At kahit linggo kakaunti lang ang tao.
Napatingin ako kay Rogerr ng bigla niyang kunin ang kamay ko at may nilagay doon.
Pinadulas niya doon ang isang singsing na kulay silver at may infinite design. Sa hintuturo niya iyon sinuot. Simple lang iyon ngunit maganda.
"My gift." sagot niya bago pa man ako makapagtanong.
"Ang ganda..." tanging nasabi ko. Ang kasimplehan ng singsing na ito ang lalong nagpaganda dito. At isa pa, bagay din ito sa kamay ko.
Hinaplos ko ito..
"Salamat..." maingat akong umagat sa kinauupuan ko para lang mabigyan siya ng isang mabilis na halik sa labi.
"Salamat daddy.."
Napangiti naman siya. "Welcome."
Sanay naman na siya na tinatawag ko siyang daddy. Ewan ko ba..tingin ko kasi bagay naman sa kanya 'yon. Hindi na rin kasi nawala sa isip ko yun simula nung tinawag siyang ganon si Cita. Ngayon naman ay tatay na ang tawag nito kay Rogerr. Nainis kasi siya ng kinain namin ay grilled chicken at hindi fried.
Bigla lang yun lumabas sa bibig nung minsan na kinukulit niya ako. Nasigaw ko yun. At sa tingin ko okay lang naman sa kanya dahil hindi naman siya nagrereklamo.
Hinaplos niya ang kamay ko na may sing sing.. "Dito muna natin ilalagay 'to.." aniya "Next naman.." gumapang ang kamay niya sa palasingsingan ko. Hindi ako makahinga sa saya at kaba. "..dito na."
Kahit na naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin ay nakakunot pa rin ang noo ko.. Hindi ko naman sigurado dahil baka magkaiba kami ng iniisip pero..
Nang mag angat siya ng tingin sa akin ay tsaka ko lang nakumpirma. Wala pang lumalabas na salita sa bibig niya ay alam kong parehas kami ng nasa isip.
Ang mata niya ay punong puno ng kasiguraduhan at umaapaw sa pagmamahalan.. Na kahit hindi niya sabihin na mahal niya ako ay nararamdaman ko agad..
"Hahayaan muna kitang tuaparin lahat ng pangarap mo, gawin lahat ng gusto mo. Nasa likod mo lang ako palagi.. Ako ang magtutulak sayo, pag matutumba ka na sa pagod at problema. Hindi kita hahayaang mag isa.. "
Hindi ko alam kung bakit may pumatak na luha sa pisnge ko..
"Tutuparin natin ang mga pangarap mo ng magkasama.. Kahit ano pa yan.. Alam kong kaya mong abutin 'yon." ngumiti siya at saglit na hinalikan ang palasingsingan ko. "Sa oras na iiyak ka..kung wala man panyo sa tabi mo, maghuhubad ako para sayo."
"Huy, ano ba, daddy.."
Natawa naman siya sa reaksyon ko pero nagpatuloy pa rin.
Hinaplos niya ang aking labi ng marahan at magaan.. Wala pa man din ay parang nanghihina na ako sa paraan ng pagtitig niya dito..
"I really wanna kiss your lips, every minute i'm breathing.."
Napalunok ako..
"Can i?"
Hinaplos ko ang kanyang gwapong mukha.. Ito ang unang boyfriend ko, unang halik at unang pag ibig.. Mahal na mahal ko talaga siya.
"Yes."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top