Chapter 38

Chapter 38

Nanatili lang akong nakayakap kay ate kanina pa. Nang umiyak ako kanina ay niyakap ko na lang siya at ayoko ng magsalita pa ng kung ano. At isa pa hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko, dahil masyasong natunaw yung puso ko ng tinanong niya ako kung may problema ba ako.

Grabe lang..

Imagine.. masyado kong dinamdam yung sama ng loob ko, samantalang si ate, ako pa rin yung inaalala..

Kaya ngayon habang yakap niya ako ay sobrang nahihiya talaga ako. Ito na ata yung malaking away namin ni ate sa buong buhay ko.

"Huy, ano ba kasing nangyayari sayo?" tanong pa rin ni ate. Pilit niya akong inilalayo niya sa kanya pero hinihigpitan ko lalo ang yakap ko.

"Huy, ano ba? Isa! Hindi ka aayos?"

Kahit ayoko ay wala akong nagawa kundi ang umayos na lang ng upo. Mukhang galit na kasi ang boses ni ate. At ayoko ng dagdagan ang galit niya ngayon.

Pinunasan ko ang pisngi ko. At nanatili pa ring nakatungo. Buti na nga lang at hindi na ako ganoon umiiyak tulad kanina, kahit papaano ay kumalma
na rin ako.

"Anong nangyari?" tanong pa ulit niya.

Humugot muna akong malalim na hininga bago sinubukan na magsalita. Sinulyapan ko saglit si ate at nakita kong abang na abang na yung mukha niya.

Lumunok muna ako..

"Gus..gusto ko lang m-ag sorry sa nagawa ko sayo ka..kaninang umaga.." napalabi akong nakatitig lang kay ate..


Ang kanina'y nakakunot na noo niya ay ngayon ay luminaw na..


"Sorry po.." ulit ko. Napaubo pa nga ako habang pinupunasan ang mata ko.

"Jusko kang bata ka!" ani ni ate at napahawak pa siya sa dibdib niya at huminga ng malalim, napailing. "Akala ko naman kung ano na.."


"Pero ate.. sorry po talaga.."

Umiling siya. "Tama na yung isang sorry lang. Hindi naman ganon kalaki ang kasalanan mo no.. At isa pa, may kasalanan din naman ako sayo."


Hinaplos niya ang aking mukha. "Minsan talaga hindi maiiwasan ang pag sasagutan sa magkakapatid no.. at normal lang talaga na may mga bagay tayong hindi mapagkakasunduan..kaya't anong iniiyak mo diyan?"

Hindi ako sumagot. Ito ang kauna unahan na away namin ni ate kaya ako umaakto ng ganito. Hindi ako sanay na may samaan kami ng loob ni ate. Hindi ako komportable.

"Umayos ka na diyan.. ito naman, minsan talaga may pagka o.a ka ano,?" sabi niya. "Ako din. Gusto ko rin mag sorry dahil sa mga nasabi ko sayo. Alam kong masaktan din kita."

"Ate..alam ko naman na sinabi mo lang 'yun para may marealize ako. Alam kong sinabi mo 'yon dahil love mo ako.." sabi ko ng maintindihan ko na ang lahat ng nangyari.

Ngumiti siya.

"Sobra, bunso.."

Natapos ang gabing iyon na sabay kaming kumain ni Ate.

Kinaumagahan ay late na rin akong nagising. Mag 2:00 am na kasi ako nakatulog.

Maaga natapos yung usapan namin ni ate pero, nakausap ko pa kasi si Rogerr e. Tinawagan niya ako at matagal kaming nagkausap. Nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga bagay na nangyari sa araw na iyon.

Kinuwento ko rin sa kanya yung nangyari sa amin ni ate ko. Akala ko nga papagalitan niya ako, handa na ako e, pero hindi naman..pinagsabihan lang ako.

"Next time.. pag may hindi ka maintindihan, sabihin mo sa akin at iintindihin ko para sayo." sabi niya ng sinabi ko lahat lahat.

"Hindi rin tama na magagalit ka sa kay ate mo, dahil lang sa pinaghihigpitan niya tayo.."


"Alam ko naman 'yon e. Nag sorry na rin ako kay ate.." umayos ako ng higa dahil sa nangalay ang braso ko na nakatukod.

"Mabuti kung ganon.. intindihin na lang natin siya. Besides.. naninibago lang siguro si Chacha. At isa pa..gusto ko rin humingi ng tawad kay Chacha dahil sa nagawa natin sa bahay niyo.."

Napakagat labi ako.. "Next time..huwag na lang tayo sa bahay.. pwedeng sa car mo na lang tayo mag kiss, para walang makakita.."

Narinig kong tumikhim naman siya sa kabilang linya.

Kumunot ang noo ko.

"Rogerr? Ayos ka lang?" tanong ko ng hindi siya magsalita. May narinig pa akong kalabog sa background na parang may nalaglag.

"Huy, ayos ka lang?" tanong ko ulit.

"Ayos lang.." sagot niya.

"Okay.. " sabi ko at nawala ang pag aalala. "Sabi rin ni ate sa akin na pwede naman daw tayong mag date sa labas kaso, hanggang 10 lang ng gabi.."

"No, 9 lang ang curfew natin, darling.."

"Pero sabi naman ni ate, pwede hanggang 10!" pilit ko pa.

"Darling.."

Napanguso ako. "Okay.. hanggang 9 lang.."

"Pupuntahan mo ba ako sa school bukas?" tanong ko para maiba na lang ang topic namin. Masyado siyang masunurin sa mga sinasabi ni ate. Hindi naman masama, dahil alam kong ginagawa niya lang iyon para magtiwala lalo sa amin si ate.

Hanggang alas dos kami nag usap. Napag usapan rin naman na magkikita kami ngayon, kaya kanina bago umalis si ate ay agad na akong nagpaalam sa kanya. Pumayag naman siya tulad ng dati. Sinabi niya lang din sa akin na baka daw hindi siya makauwi dahil magkakaroon sila ng team building. Hindi pa naman daw sigurado 'yon kaya baka umuwi siya.

Ngayon naman ay magkasama kami ni Cita, dito sa mall kami nag iikot dahil tapos naman na ang klase at hindi rin naman gaano karami yung subjects na meron ako. Hindi ko nga lang alam kay Cita. Hindi ko alam kung tapos na ba yung klase niya o tinapos niya lang.

Nag aya siya mag shopping at sumama naman ako. Tinext kasi ako ni Rogerr na malilate siya dahil hindi pa tapos ang meeting nila, kaya sinabi ko na lang din na pupunta muna ako ng mall kasama si Cita habang hinihintay siya. Dito na lang daw niya ako susunduin.

Pumasok kami sa boutique ni Cita. Mga dress ang mga nakadisplay dun.. Mga pang formal kaya nagtaka ako bigla.

"Bakit nandito tayo Cita? Bibili kang dress?" tanong ko sa kanya habang tinitignan na niya yung puting dress na nakasuot sa maniquin.

Nilingon niya ako. "Oo.." sagot niya at lumipat naman sa isa pang maniquin.

"Para saan?"

"May date kasi ako bukas.."

"Yung lalaking kasama mo kahapon?"

"Hindi. iba yun.."

Nagulo yung mukha ko.
"Huh? Ano? Iba na naman? Akala ko yung kausap mo na yun?" sabi ko. Kahapon kasi ay tinanong ko siya tungkol dun sa nakita kong kasama niyang lalaki sa post niya kahapon. Ang sabi niya ay kausap niya daw at nagkakamabutihan na sila, tapos ngayon may idi-date siya? Iba?


"Hindi nga, Abigail..iba na 'to okay? huwag ka ng magtanong diyan. Ito..okay ba 'to?" aniya at pinatong niya sa katawan niya yung kulay violet na dress..

Napangiwi ako. Alam ko kasing fit na naman 'yon sa katawan niya at sa nakikita ko, mababa nanaman yung neckline niya. Well..okay lang naman dahil sanay na ako na makita siyang ganoon palagi ang suot at suportado ko naman yon. pero minsan kasi.. as in parang utong na lang niya yung tinatakpan niya.

"Magmumukha kang talong pag sinuot mo 'yan." sagot ko at nilapitan yung kulay yellow na dress na nakita ko na nakahang.

Kinuha ko iyon at pinakita sa kanya. "Ito oh! Mas okay sayo." maganda siya. Simpleng dress lang siya na plain yellow. Flowy dress siya at may isang maliit na ribbon sa gitna'ng parte nito.

Ngumiwi naman siya sa akin. "Ayy.. Ano ba 'yan Abigail? Hindi naman ako mag co-communion.." kinuha niya 'yon sa akin at binalik iyon sa hanger. "Wait..ito maganda oh.."

Tinignan ko naman yung hawak niya.


Kulay red na off shoulder dress iyon. Fitted at may kaunting hiwa sa gilid. Tinignan ko ang neckline. Okay siya. Hindi ganon kababa at revealing.

"Oh ayan..okay yan hin-" natigil ako ng mag ring ang cellphone ko.

"Hmmm.. 'di ko trip. Masyadong simple."

"Wait lang Cita.." sabi ko bago sinagot amg tawag. Si Rogerr.

Tumango naman si Cita.

"Hello?"

"Darling..Where are you?" tanong niya. Nilingon ko saglit si Cita at nakitang kinukuha yung nalaglag na dress.



"Sa mall.." wala sa sariling sagot ko.

"Nasa mall na rin ako.. Nasaan ka? Pupuntahan kita.."

"Nasa boutique kami ni Cita, sa 3rd floor."

"Okay..pupuntahan kita." aniya. "Kumain ka na ba?"

"Hindi pa. Tumingin pa kasi muna kami ng damit e.."

"Ikaw?"

"Hindi pa rin.. Sabay na lang tayo."

"Sige.." napangiti ako. Sa isipin pa lang na magkikita kami ulit ay kinikilig na ako. Makikita ko ulit siya.

Kahapon kasi ay hindi kami nagkita buong araw. Kaya ngayon susulitin ko ngayon yung araw namin na hanggang 9.

Kumaway ako sa kanya ng makita kong lumitaw siya sa may escalator at paling linga pa siya habang nasa tenga pa rin ang cellphone.

"Andito ako!" hiyaw ko kahit pa na realize ko din kalaunan na hindi naman niya ako maririnig.

"Huy! Abigail, bunganga mo!" si Cita at bahagya pa akong tinulak.

Di ko na lang ininda 'yon at lumabas na lang ng botique para mapuntahan si Rogerr.

"Uy.." tawag ko sa kanya at kinalabit siya sa beywang. Nakatalikod kasi siya.

"Hey.." reaksiyon niya pagharap sa akin.

"Hi.." kaway ko bago binaba ang cellphone.

"Hi.." sabi niya rin at ngumiti. Lumapit pa siya at hinalikan niya ako sa aking noo wala sa sariling napakapit ako sa braso niyang nakahawak sa aking batok ko. "I missed you.."

"Na miss din kita.." sabi ko ng ihiwalay na ang sarili niya. "Kamusta ka na?"


"I love you muna.." ngiti niya.


Napakagat ako sa itaas na labi ko. Para pigilan ang kilig..

Pero hindi pa siya nakuntento at kinindatan pa ako kaya hindi ko na napigilan ang pag ngiti..

"I love you din.." nahihiya kong sagot.

Pakiramdam ko sobrang pula na ng pisnge ko ngayon..

Jusko po! Ano ba..Nabigla ako don, hindi ako prepared. As in..Dito? Sa gitna talaga ako sa gitna ng mall kinikilig..gosh..


Bakit ba hindi pa ako nasanay sa bigla bigla niyang pagsasabi ng ganon?

"Why?" tanong niya at pilit na hinuhuli ang tingin ko.

Hindi kasi ako makatingin sa kanya. Parang masyado siyang mainit at napapaso ang pisnge ko.

"Wala.."

Sinulyapan ko siya saglit at nakita kong nanliit ang mata niya.. Alam komg hindi siya naniniwala sa sagot ko.

"Really?" natatawa niyang tanong. Niyakap pa niya ako sa aking beywang. "Namumula ang pisnge mo, naiinitan ka ba?" sinimangutan ko siya dahil alam kong alam niya ang dahilan kung bakit ganito ako ngayon pero painosente pa siya.

"Tsk..tumigil ka nga.." suway ko sa kanya, pilit kong tinatanggal ang yakap niya sa beywang ko pero masyadong mahigpit 'yon at patuloy niyang hinahabol ang tingin ko.

"Isa!" bilang ko sa kanya. Banta na yun pero kinikindatan pa niya ako.

At imbes na tumigil.. ay lumala pa siya!

"Dalawa kasi!"

Laking pasalamat ko na lang marinig ko ang boses ni Cita..

"Hoy, anong kalandian 'yan?" nakapameywang pa siyang nakatingin sa amin.

Napatingin si Rogerr dun kaya ginamit ko ang pagkakataon na yun para makawala sa yakap niya.

"Cita.."

"At talagang sa gitna kayo ng mall nagyayakapan? Ang insensitive niyo naman!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ano?"

"Insesntive!" ulit niya. "Alam niyong single ako diba! Mga painggit kayo!"

Napairap ako. Si Rogerr naman ay natawa at inakbayan ako.

"Do i have to say sorry?" natatawang tanong pa ni Rogerr.

Umismid naman si Cita. "Hmp! ewan ko sa inyo!"

"No.. i mean for Mathias-"

"Hep! Don't mention basura here!" ani ni Cita at tinaas pa ang hintuturo niya.

Kumunot ang noo ko.

"Who's basura?" tanong ko kay Cita "Si Kuya Ma-"


"I said don't mention basura, Abigail!"

"Ha?" ani ko ng hindi pa rin siya nagegets.

"The 'basura's she's talking is Mathias.." bulong ni Rogerr sa akin.

Nanlaki ang mata ko.

"Cita huwag naman ganon ang itawag mo kay Kuya M-"

"Abigail Charlene!" sabat niya agad.

"Alright.." si Rogerr na napapailing na.

"Ewan ko sa inyong mag jowa!" si Cita at lumapit kay Rogerr at sumabit sa kabilang braso nito.


"Kumain na lang tayo, daddy Rogerr.."

Nanlaki ang mata ko. "Cita.." grabe! Tinawag niyang ganon si Rogerr sa harap nito mismo? Nakakahiya!

"Oh, bakit ganyan ka na naman makatingin sa akin?" malakas na loob pa niyang tanong.


Kung pwede pang kumunot ang noo ko, swear! Kukunot pa to.

Hindi ba niya narerealize yung tinawag niya ngayon kay Rogerr?

"Cita tumigil ka nga.."

Ngumiwi lang siya at kinalabit pa si Rogerr. "Daddy Rogerr yung jowa mo, masyadong kj no?

"Cita nga!" napatigil ako ng haplusin ako ni Rogerr sa braso. Napatingin ako sa kanya.

'It's okay.' he mouthed. Napanguso ako.


Anong okay dun? Hindi okay yun.

"Ililibre mo ba kami ng food?"

"Cita!"

"Ano bang gusto mong kainin, Charlene?" tanong nito sa akin at hindi pinansin si Cita.

"Gusto ko ng chicken.."


"Grilled or Fried?"

"Fried!"

"Grilled."

Sabay naming sabi ni Cita.

"Fried na lang, Abi!"

"Mamantika pag fried.." wala sa sariling sabi ko.

Ngumiti si Rogerr. "Alright. Grilled chicken then."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top