Chapter 34

Chapter 34

Kahit gaano pala talaga kakisig at ka macho ang isang lalaki, may tinatago pa rin pala silang lambot. Tulad ng hawak ko ngayon, kamay siya ng isang matikas na lalaki pero pakiramdam ko may hawak akong unan sa aking kamay.


Nasa sinehan kami ngayon magkatabi at magkahawak ng kamay habang nanonood. After kasi namin kumain ay nag aya pa siya ng manood dito.


Kahit madilim dito sa loob, ang liwanag pa rin dahil katabi ko siya. Hihi.

Ang saya ko sobra..

Finally nakanood na rin ako ng sine na hindi kasama si Cita.

At kasama ko pa yung boyfriend ko. Jusko po!

Dahan dahan ko siyang nilingon at nakita ang seryoso niyang mukha habang nag coconcentrate sa movie. Well.. Sci-fi kasi itong napili kong movie. Nang tinanong niya kasi ako kanina ay kung ano na lang ang naturo ko, kahit hindi naman ako interesado sa movie na to. Masyado kasi akong na overwhelm sa isipin na manonood ako ng movie kasama siya.

Dahan dahan kong sinandal ang ulo ko sa balikat niya. Napapikit pa ng ako ng naramdaman ko ng matigas niya balikat at mabango niyang amoy.

Uy grabe naman!

"Okay ka lang?" tanong niya ng maramdaman ako. Inangat ko ang tingin ko sa kanya at bahagyang ngumiti.

"Hmm..'kay lang,"

"Alright." aniya at hinalikan ako sa noo ko. "Mahal kita.."

Halos mamilipit naman ako sa kinauupuan ko hindi malaman kung paano babaluktutin ang katawan ko dahil sa narinig.


Hinigpitan ko ang paghoholding hands namin.

"Mas mahal kita.." balik na bulong ko sa kanya.

Umiling siya at tinaasan ako ng kilay. "Huwag mong umpisahan ang usapan sa kung sino ang mas nagmamahal sa ating dalawa. Dahil baka kahit naka seventeen na anak na tayo, hindi ka pa rin nananalo." Napaangat naman ako sa pagsandal sa balikat niya. pinindot pa niya ang ilong ko.

Napanguso naman ako. "Seventeen na anak?" di makapaniwalang sabi ko sa kanya. Ngumisi naman siya sa akin.

"Pero sixteen lang kaya ko.." dun naman siya napabaling sa akin at nawala ang ngisi.

Ako naman 'tong hindi na napigilan ang pagtawa. Sa hitsura niya ngayon parang hindi niya inaasahan ang naging sagot ko.. Nanlaki ang mata at hindi makapagsalita. Kinilig siya?

Kinilig si Rogerr!!

"Charlene!" pigil niya sa pagtawa ko. Lumingon pa siya sa likod niya dahil napatingin ito sa amin. Hinila pa niya ako palapit sa kanya pero hindi ko pa rin talaga mapigilan ang tawa ko..

"Yung mukha mo, Rogerr!" natatawa pa rin talaga ako sa mukha.

Napatigil lamg ako ng may nagsita na sa akin.

"Hoy! Pwede bang tahimik kayo? Horror tong pinapanood natin pero ang lakas ng tawa mo! Lumabas na lang kayo kung maglalandian lang kayo dito!"

Napatakip naman ako sa bibig.

"Sorry po.." sabi ko na lang. "Lumabas na tayo.." hila ko sa jacket ni Rogerr kahit pa nakatingin siya. Parang gusto pa kasing magsalita ni Rogerr doon sa nagsalita sa akin e.

Sumunod naman si Rogerr ng walang ingay.

Parang gusto pa naman ni Rogerr yung movie na yun. Nakakahinayang lang. Dahil sa akin hindi niya natapos.

Pagkalabas namin ng theater ay hindi ko alam kung anong nangyari pero nung nagkatinginan kami ay bigla na lang kaming natawa parehas.

"Sorry.." sabi ko at niyakap siya. "Hindi mo tuloy natapos yung movie.."

"Okay lang ano ka ba?" hinaplos pa niya ang buhok ko habang ang isang kamay ay nasa beywang ko. "Boring din naman.."

"Saan mo pa gustong pumunta?" tanong pa niya.

Saglit akong nag isip.. Saan pa ba? Nalibot naman na namin ang mall na ito.. Bigla ko naman naisip yung tambayan namin ni Cita everytime na pupunta kami dito sa mall at gusto namin ng katahimikan.

"Doon na lang tayo sa park sa taas.."

"Sige..pero hindi ka pa ba pagod?"

Mabilis akong umiling. "Hindi ako pagod." sagot ko at hinila na siya pasakay ng escalator paakyat. "Bumili na lang tayo ng food at doon na lang natin kainin."


At yun nga ang ginawa namin.

Bumili lang kami ng chips at tubig. Bumili rin siya ng lasagna dahil kanina ay natakam siya pagkakita niya sa poster nito. Kaya ayun yung bitbit-bitbit namin.


Tahimik 'tong lugar na to dito. May makikita ka lang na mga ilaw na iba't- iba ang kulay na nakasabit sa mga puno na nagsisilbing ilaw ng lugar na to. May green, dilaw at asul.

May mga mag boyfriend din na magkaakbay at masayng nag-uusap sa bawat madaraanan namin na puno. Yung iba naman nakatapat sa telepono nila habang sumasayaw.

"Dito tayo.." aya ko sa kanya. Dito kasi sa medyo madilim na part na ito ang pwesto namin ni Cita.

Si Cita ang pumili nang pwesto na 'to dahil dito..malaya siyang nalalait ang kung sino man ang nakikita niya. Sa pwesto kasing ito tanaw mo lahat ng tao.. Pati yung guard..

Pero hindi masyadong kita ang pwesto na ito dahil sa isang pader sa gitna at isa pa madilim din.

Naupo na ako at nilapag ang dala kong paper bag.

"Wait.. tumayo ka muna," sabi niya. Wala sa sarili naman akong napatayo.

Nakita ko na lang na tinanggal niya ang jacket niya at nilagay iyon sa inupuan ko kanina.

Naka t shirt na puti na ulit siya.

"Huy, hala.. Huwag na.." sabi ko at tinupi ulit yun.

"Hayaan mo na. Malamig ang semento," aniya at nilatag ulit yun.

Umupo na lang ako doon at pinaupo rin siya.

"Madalas ka ba rito?" sabi niya habang binubuksan ang mga pagkain na dala namin. Naamoy ko na yung cheese ng lasagna.

"Oo. Kami ni Cita.. Tambayan namin tuwing stressed kami." maganda kasi talaga dito. Kita mo yung stars sa langit na nagsisilbing ilaw ng gabi. tapos tahimik. Walang pakielam ang mga tao. May sari-sarili kasing mundo.

"Minsan din dito kami nag aaral pag ayaw na namin ng elektrikfan sa bahay.."

"Si Cita ang nagdala sa akin dito.. nung 1st year high school kami.. Hanggang ngayon wala naman pinagbago yung lugar, lalo lang gumand-"

Napatingin ako sa kanya ng bigla niyang kunin ang kamay ko at dalhin ito sa kanyang labi.

Magaan niya itong hinalikan.

"Rogerr.."

"I love you.."

Nakagat ko ang ibabaw na labi ko. Everytime na sinasabi niya iyon ay napaptigil talaga ako. Para siyang magic word sa akin..

Para akong hinihele tuwing naririnig iyon mula sa kanya.

Sobrang nakakatuwa dahil sinasabi niya iyon tuwing sa oras na hindi ko inaasahan.

"Ang gaganda ng bituin diba?" kapagkuwan ay tanong niya. Nakatingin siya
sa kalangitan at bumaling sa akin.

Ngumiti ako bilang sagot. At bahagya ring sinilip ang kalangitan. Ang dami nga nila..

"Nasa harap ko pa yung isa.."

_

"Oh ano? Bakit ngayon lang kayo?" si ate na nakataas ang kilay habang hawak ang pintuan. Pinagbuksan niya kasi kami ni Rogerr.


"Diba ang sabi ko hanggang eight pm lang? Ano na.. 10 pm na!" sigaw niya at pinanlakihan pa kami ng mata.

Nilingon ko naman si Rogerr sa gilid ko.

"Sorry Cha, hindi ko namalayan yung oras. Kasalanan ko."


Hinawakan ko siya sa braso. "Huy, hindi naman e.. Kasalanan ko din."

Hinawakan niya ako sa balikat at hinila kaunti para mahalikan ako sa ibabang ng tenga. "Shh..galit na si Chacha..don't say anything.. ako ng bahala mag paliwanag."

Saglit kong sinulyapan si ate na nakatingin sa amin bago tumango kay Rogerr.

"Oh ano? Titigan portion ba 'to?" aniya at hinila ako palapit sa kanya. "Pumasok ka na Abigail. Ikaw din Rogerr, at kahit pa magkaibigan tayo, wala kang special treatment na matatanggap sa akin. Walang kaibigan -kaibigan pag kapatid ko ang pinag uusapan."


"Ate naman.." sabi ko at nahihiyang tumingin kay Rogerr. Kung ano ano naman kasi ang sinasabi ni ate.

Pero kung iisipin mo.. Kasalanan naman talaga namin. Dahil nung nagpaalam kami ay sinabi lang ni ate na hanggang seven lang, tapos 10 na kami nakauwi.

"Tumigil ka Abigail, pumasok ka..mag-uusap tayo."

--

"Pinayagan ko na nga kayo, lumagpas pa kayo sa oras? Tama ba yun Abigail?" ani ni ate. Nasa harap ko siya ngayon nakatayo samantalang ako naman ay nakaupo ngayon sa kama ko. Nakababa ang ulo.

"Sorry po.." mahinang kong sabi. Kanina ko pa nga iyan sinasabi. Alam ko naman kasing mali din kami. Hindi namin namalayan ang oras.


Siguro ay nag alala rin si ate sa akin. Isa pa, nakalimutan ko rin kasi siyang itext. Kaya tanggap ko ang galit ni ate ngayon.

"Abigail, hindi kita pinipigilan mag boyfriend o lumabas kasama siya. Ang akin lang isipin mo naman ako! Nag alala ako sayo.. mahirap bang hawakan ang cellphone mo at itext ako? Mahirap ba yun? Tinatawagan kita pero hindi mo sinasagot!"

Nang angat ako ng tingin ng manginig ang boses ni ate.


"Kahit alam kong ligtas ka dahil kasama mo si Dylan..nag alala pa rin ako dahil hindi mo sinasagot ang mga tawag ko,"

"Sorry po.." tumayo ako at niyakap na si ate. "Hindi talaga namin namalayan ang oras ate.."

Hiniwalay niya ako sa kanya at hinarap ako. Ngumiti siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko..

"Alam mo naman suportado ko ang relasyon niyo ni Dylan diba?" tumango naman ako bilang sagot. "Ang akin lang, huwag mo naman akong kalimutan Abigail.."

napalabi naman ako.
"Ate..hindi naman sa-"

"Ikaw na lang ang meron ako, Abigail..."


"Pero ate hindi naman kita kinakalimutan.."


"Shh.." aniya at pinunasan ang pisngi niya. "Alam ko naman yun..kaya lang.. ano ba yan! Unang araw niyo pa lang ng boyfriend mo feeling ko mawawala ka na sa akin.." natatawa ngunit lumuluha na sabi niya..


Maging ako ay napaluha na rin.. umaabot sa akin yung lungkot ni ate..

Pinunasan ko ang pisngi ni ate. "Ate naman.. ikaw ang huling taong makakalimutan ko.. Kahit pa maging 97 na ako at may asawa ka na, kahit pa magsawa ka na sa akin hinding..hindi.. ako hihiwalay sayo. I love you ate.."


Patuloy naman ang pag iyak ni ate. Tumango tango siya at nginitia ako kahit pa puro luha yung mukha niya.

"Pasensya na huh? Naging o.a si ate.."


"Hindi naman o.a yun ate.. Mahal mo lang talaga ako."

"Sobra bunso.." aniya. "Sige nga.. kwentuhan mo ako sa naging date niyo ni Dylan."

Tumango ako at umupo kami sa ibabaw ng kama ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top