Chapter 31
Chapter 31
Maaga kami umalis sa bahay ni Cita dahil sa labas daw kami gusto niya na mag bebreakfast. At pumayag naman ako, para na rin hindi kami malate kung sakali.
Naghikab ako ng isang beses habang tinitignan si Cita na nakapila para mag order ng food namin. Dalawa lang naman silang nakapila doon. Maaga pa kasi kaya wala pa masyadong tao ngayon. Nasa pancake house kami.
Muli na naman akong nag hikab. Napapikit na ako ng madiin dahil sa antok. Anong oras na rin kasi akong nakatulog kanina. Mga 2:00 am na rin dahil nag kwentuhan pa kami ni Cita.
Pinag kwento ko kasi siya at hindi talaga tinigilan. Marami akong nalaman at alam ko na rin yung dahilan ng pag iyak niya. Naiintindihan ko si Kuya Mathias. Para sa kaligtasan ni Cita yung ginawa niya kaso ayaw intindihin ni Cita iyon. Trabaho yun ni Kuya Mathias at kailangan niyang gawin yung ginawa niya.
Hindi ko alam kung sinong kakampihan ko sa kanila. Yung tama ba o yung kaibigan ko. Gusto ko siyang pagsabihan tungkol doon pero iniisip ko kasi na, sobrang down na siya kagabi tapos dadagdagan ko pa. Kaya mas pinili ko na lang na hindi. May oras talaga para maging tikom ang bibig. Pero sasabihin ko rin naman sa kanya iyon pag naging Stable na ang isip niya. Ngayon, hahayaan ko muna siya.
Bumalik si Cita na dala dala ang pag kain namin. Dalawang order ng pancake with bacon at hot chocolate.
Habang kumakain ay nag salita si Cita.
Sinabi niya na kinukuha daw siya ni Tita niya para doon ipagpatuloy ang pag aaral niya. Pangarap kasi ni Cita na maging nurse, yun nga lang late niya nang narealize 'yon. Sinabi ko lang na kung anong sa tingin niya ang makakabuti, yun ang gawin niya.
"Uy!!"
Napatingin kami ni Cita ng may lumapit sa table namin.
Si Erie, hyper na hyper ngayong umaga. Ka blockmate namin siya. Nakita kong tumaas ang kilay ni Cita.
"Oh ano, umeepal ka na naman?" si Cita na nang irap pa.
Nginitian ko na lang si Erie para hindi masyadong awkward.
"May good news ako." ani Erie at hindi na pinansin si Cita.
"Tinatanong ko ba?"
"Ano yun?" tanong ko. Saglit pa nga siyang napatigil sa sinabi ni Cita.
Kawawa naman mukha siyang excited na excited sa sasabihin niya tapos sinusungitan lang ng isang to.
"Cita ang aga aga ah?" pansin ni Erie..tinaas pa niya ang kilay niya. Ngunit hindi naman natakot si Cita. wala naman 'tong kinatatakutan.
"Oh, e ano naman?"
"Anyways..." ani Erie. "Wala tayong class today! Ang saya no!"
Kumunot ang noo ko. "Paanong walang class?"
"Right. Si Erie, lang naman ang walang class dito.. if you know what i mean.." si Cita at tinignan pa ako.
Na gets ko naman agad ang ibig niyang sabihin doon. Nakita kong kumunot pa ang noo ni Erie saglit hindi na gets ang sinabi ni Cita sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?"
Hinawakan ko siya sa braso niya para maagaw ang pansin niya.
"So..ahm.. Bakit wala tayong klase?"
Napaling na siya sa akin. "May forum daw kasi lahat ng faculty e. Kaya kinansel nila ang lahat ng class today."
"Bakit daw?" tanong ni Cita habang natatawang nakatingin kay Erie.
Nagkibit balikat naman ito. "Hindi ko ala-"
"Bakit hindi mo inalam? Hindi mo pa nilubos ang pagiging chismosa mo today,"
"Cita.."
Nabigla na lang ako ng bigla na lang tumayo si Erie.
"Napaka bitch mo no?" aniya at nameywang pa. "Ako na nga itong nagbabalita sa inyo para hindi na kayo mag aksaya ng oras papuntang school-"
"Sinabi ba naming kailangan namin ng impormasyon mo?" ani ni Cita na kalmado pa rin. Paano niya nagagAwa yun? Mang away habang kalmado?
"Cita.."
"Ikaw lang 'tong biglang pumasok sa eksena, chismosa ka." ani pa ulit ni Cita.
Mabilis na ang pag hinga ni Erie habang si Cita naman ay kalmadong kumakain ng pancake niya. Ako ito..
"Cita..ahmm..Erie,salamat sa information ah? Ahm.."
"Hmmp! Hindi ko alam bakit kayo magkaibigan ng babaeng yan Abigail!"
"Parehas kasi kaming maganda ni Abigail. Kaya nga hindi ka namin kaibigan diba?"
"Ang sama talaga ng ugali mo!"
"Alam ko.." ani Cita. "May sasabihin ka pa ba? Kung wala na, alis na.. may pinag uuusapan kasi kami ng bestfriend ko, epal ka."
"Cita! Erie, sorry.." habol ko sa kanya dahil nag walk out siya. Pero nandon na siya sa pintuan.
Nilingon ko si Cita. Kumakain siya na para bang wala siyang sinabi at ginawa.
"Bakit mo naman ginanon si Erie?" tanong ko sa kanya.
"Bakit ano bang ginawa ko sa kanya? Nag sabi lang naman ako ng totoo.."
"Pero iba kas-"
"Ano ba? Sira na nga ang araw ko, sinira niya pa. Tapos dadagdagan mo pa? Really Abigail?"
"Gusto ko lang sabihin na hindi dahil masama ang araw mo, magiging bastos ka na sa iba.."
"Abigail..ang bastos nakahubad tapos magkapatong pa sila at naghahahalikan haban-"
"Cita nga!" hiyaw ko sa kanya. Kung ano ano na naman kasi ang lumalabas sa bibig niya.
Paano napunta don ang usapan namin? Napakalayo!
"Ewan ko sa'yo.. Punta na alng tayo ng mall, shopping tayo." aniya at tumayo na. Pinagpatong patong niya ang plato na ginamit namin at nilagay iyon sa tray. Pinunasan niya muna ng tissue yung natapon na syrup dahil sa biglang pagtayo ni Erie kanina.
"Ano naman ang gagawin don?"
"Kasasabi ko lang diba? Mag shoshopping tayo. Don't worry.. Treat ko, alam ko naman na nagtitipid ka. Tsaka alam mo naman ikaw lang ang kaibigan ko. Wala akong ibang maaaya."
Pagkatapos ng usapan na yun ay dumiretso na kami sa mall. Wala naman na akong magagawa dahil nasa labas na kami at gusto ko din siyang samahan para naman kahit papaano ay malibang siya.
Magkahawak kamay kaming naglalakad sa loob ng mall.
Nag uumpisa ng magkabit ang mga stores dito ng mga christmas decores.
Sobrang liwanag na.
"Nagugutom ako Abi.." sabi niya bigla. "Anong gusto mong kainin?"
Nagkibit ako. Hindi pa naman kasi ako gutom. 11 am pa lang naman at naaaliw ako sa mga display dito sa mall kaya hindi ko nararamdaman ang gutom.
"Gusto ko japanese food.." aniya at hinila ako paakyat ng escalator.
"Hindi na talaga siya nagtext." bigla niyang sabi.
"Cita.. bigyan mo ng time." sabi ko ng marealize ang sinabi niya.
"Ayun dun na lang tayo kumain.." turo niya doon sa isang japanese restau. "Pero gaano katagal na time ba ang kailangan niya? Hindi ba niya naiisip na namimiss ko siya.. Tapos.. O! my goshh..."
Nanliit ang mata ko. Tinignan ko kung saan siya nakatingin sa loob ng restaurant.. Nang makita ko iyon ay hindi ko alam ang irereact ko.
"Bakit may kasama siyang iba? Akala ko ba nagka aminan na kayo?" ani ni Cita pero hindi ko maialis ang tingin ko sa dalawa.
Nagtatawanan pa sila habang kumakain sa tabi ng window.
"Magkaibigan nga sila.." napapailing na sabi ni Cita. "Ano? Sugurin na ba natin?"
Hinawakan ko siya sa braso. Hindi ko maialis ang tingin ko sa loob.
Napalunok ako. Bakit parang biglang lumamig?
So.. hindi pala talaga dahil sa pag aaral kaya hindi pwedeng maging kami?
Ito ba yung reason niya?
Ang sabi niya wala siyang girlfriend, nag sinungaling ba siya?
Tapos dinahilan pa niya si Ate ko..
Napangiti naman ako.. Bakit ba kasi ang bilis kong maniwala?
Masyado akong nalunod sa pagkagusto ko sa kanya. Hindi ko na naisip na mag kaiba nga pala kami.
Siguro inentertain niya lang ako dahil kapatid ako ni Ate chacha.
Kung tutuusin..pwede naman talaga siyang mag girlfriend kahit ilan at kailan.. Hindi naman kami.
Isa lang akong college student na nag tapat ng pag ibig sa kanya.
Napangiti na lang ako. Ano nga bang laban ko dun sa kasama niya?
Naka peplum dress pa ito na kulay maroon. Napakaganda niya at ng hubog ng katawan niya. Muka rin siyang mature. Career woman ang hitsura niya na nag uumapaw ang class..
Compare sa akin na naka t-shirt at jeans.
Siya naka stilleto, ako naka rubbershoes.
"Infairness..maganda ha.." si Cita. Nakangiti akong tumingin sa kanya.
"Ay.. Nag iba na ang panlasa ko! Parang gusto ko na ng italian food... bet mo din?" aniya at hindi na ako hinintay sumagot at hinila na ako paalis doon.
Okay naman ako kanina ah? Pero bakit parang sumama yung pakiramdam ko?
Pakiramdam ko nasuntok ako sa dibdib.
Parang gusto ko na lang umuwi at matulog sa bahay.
"Huwag mo ng isipin 'yon Abigail." ani Cita. Nandito na kami sa italian restaurant na sinasabi ni Cita, kumakain na.
"Anong sinasabi mo diyan? Wala naman akong iniisip.."
"Minsan ka na nga lang mag sinungaling, sa akin mo pa napili. Hello! Bestfriend mo ako!" hinampas niya pa ako sa braso ko. Medyo malakas iyon kaya napatingin ang ibang kumakain sa amin.
"Hayaan mo na yun. Diba sinabi ko na sayo, una palang.. na hindi lahat ng love, nasusuklian."
"Pero hindi naman ako bumibili, Cita.." wala sa sariling sabi ko.
Hindi ko alam kung bakit ko nasabi 'yon.
"Alam mo Abi, kung tutuusin, maswerte ka pa rin dahil maaga pa lang, nalaman mo na may girlfriend pala siya. Baka ayun din yung sinasabi sa akin ni Mathias na matagal ng hinihintay ni Rogerr na babae."
Napalunok ako. So.. Merron pala siyang ganon? Wala nga siyang girlfriend, pero may hinihintay naman pala.
Siguro kasalanan ko, kasi tinanong ko lang kung may girlfriend ba siya, hindi ko naman naitanong kung may hinintay siya.
"Siguro.." dinaan ko na lang sa ngiti iyon.
Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. At nakuha naman iyon ni Cita kaya pagkatapos namin kumain ay hinatid na niya ako sa bahay.
Gustuhin ko man matulog ng gabing iyon ay hindi ko nagawa. Kaya eto ako ngayon, lutang. At nahihilo.
Nakasalubong ko pa si Ate sa hagdan. Kauuwi lang ata. Humalik lang sa ulo ko at pagkatapos ay nag paalam na siyang matutulog na.
Ako naman ay papasok na.
Napatigil ako sa paglalakad ng nag ring ang cellphone ko.
Si Rogerr tumatawag. At tulad kagabi at nilagay ko iyon sa silent mode para hindi ko marinig.
Bakit pa ba siya tumatawag? Dapat na siyang mag focus sa girlfriend niya.
Kahit gusto ko siya, ayoko naman makasira ng relasyon.
Kagabi ay iniimagine ko, pag nag kita kami ngayon. Anong gagawin ko? Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at may masabi ako sa kanya na hindi naman dapat.
Mabilis natapos ang klase namin ng araw na yun. Hiniling ko nga na dapat ma extend pa, kaso hindi na..
Habang naglalakad ay natigil ako, dahil Nakikinita ko na siya na nakatayo sa tabi ng kotse niya, wearing white t-shirt at faded jeans. Kumukinang din ang dog tag niyang suot.
Ngayon ako nagagalit kung bakit iisa lang ang gate ng school na to. Nandoon siya sa harap mismo ng gate, so..saan ako dadaan ngayon? Ayoko muna siyang makausap,
Humugot ako ng hininga bago nagpasiyang maglakad muli. Wala naman akong ibang choice. Gusto ko ng umuwi, at wala naman ibang labasan kungdi doon lang.
Bahala na!
"Charlene," tawag niya pagkalapit sa akin. Nakangiti pa siya.
Parang hindi siya nag sinungaling sa akin kung makangiti.
"Mauuna na akong umuwi.." sabi ko.
"I know. Ihahatid na kita."
Umiling ako. "Hindi na kailangan. Pasensya na nga pala sa mga nasabi ko nung nakaraan. Hindi ko naman kasi alam na may girlfriend ka.. Kasi tinanong kita diba? ang sabi mo wala..pasensya na hindi ko alam. Hindi ko gustong guluhin kayo." tuloy tuloy na sabi ko.
There!
"Sige..ahm..aalis na ako.."
"Wait!" pigil niya sa braso ko. "Anong sinasabi mo?"
Nginitian ko siya para maipakitang hindi ako galit.
"Nakita ko kayo ng girlfriend mo kahapon na magkasama." sagot ko. "Sana naging honest ka na lang sa akin, dahil naging honest naman ako sayo. Titigil naman ako kung sinabi mong may girlfriend ka, hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko sayo.. "
"Uuwi na po ako.." sabi ko at binigyang diin ang "po"
Dapat lang naman yun dahil kaibigan siya ni Ate ko at isa pa mas matanda siya sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top