Chapter 28
CHAPTER 28
"What.."
"Ang sabi ko.. Gusto kita.."
Hindi ko alam kung bakit ba siya na estatwa sa sinabi ko. Gulat na gulat ang mukha niya at at hindi maka pag salita. Nakatingin lang siya sa akin na para bang hindi makapaniwala na sinabi ko yung sinabi ko.
"Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko gusto kita.." inurong ko pa kaunti ang inuupuan ko at hinawakan ang kamay niya. Napatingin naman siya doon.
"Alam kong nakaka gulat 'tong sinasabi ko.. Pero gusto ko lang naman sabihin ito sayo, hindi ako nag hahangad ng iba.. i mean.. ano kasi.."
Jusko! Ano bang sinasabi mo diyan Abigail! Syempre may hinahangad ka, kaya nga sinasabi mo e! Kailangan ko na lang sabihin ang dapat, huwag ka na mag salita ng hindi naman naka compose sa utak mo!
"Kanina ko lang to narealize. Nag punta ako kay Cita dahil gusto kong sabihin sa kanya 'to. At sabi naman niya sa akin na okay lang naman daw na gustuhin kita.. at sabi pa niya na kung ano man daw ang kalabasan ng nararamdaman ko na to, para sayo ay kailangan ko daw tanggapin."
"At naiintindihan ko yung sinabi niya. Kaya ngayon nag decide akong sabihin na gusto kita. Kasi gusto kong malaman mo yun. Maiintindihan ko kung iiwas ka sa akin. Alam ko naman kasi na dahil lang kay Ate kaya ka mabait sa akin, at hindi mo naman inutos sa akin na magustuhan kita pero ito na e.." sabi ko pa.
"Gusto kong malaman kung may Girlfriend ka ba? Kasi kung meron.. syempre irerespeto ko yung relationship niyo hin-"
"Wala ako'ng girlfriend." mabilis niyang sagot.
Napatigil ako doon. Gusto kong mangiti pero pinipigilan ko lang.. pero napapangiti pa rin ako. Jusko po!!
"Edi good..i mean.. Ano.. Ahmm..okay.." nginitian ko na siya dahil hindi ko na rin kayang pigilan 'yon dahil nga masaya ako na marinig na wala naman pala siyang Girlfriend.
Binitawan ko na yung kamay niya at umayos na ng upo.
Okay.. Nakuha ko na yung gusto kong sagot.
Muli akong nag tusok ng prutas sa tupperware.
"Abigail.." napalingon ako sa kanya ng tawagin niya ako. Nakangiti pa rin ako.
Samantalang siya mukhang gulat at problemado pa rin sa kung ano.
Mukha siyang stress, pero pogi pa din.
Inayos pa niya ang buhok niya at ngumuso at huminga ng mababaw.
"I just..wanna say that-"
"Hoy, Abigail Charlene Abad! umuwi na nga tayo!" si Cita na naka simangot na bigla na lang pumasok sa store. Kasunod niya si Kuya Matias na nakangiti.
Lumapit sila sa amin.
"Halika na.. Napakarami kasing epal sa mundo." aniya at hinila na ako pero pinigilan siya ni Rogerr.
"I'll drive you home." si Rogerr na napatayo na rin. "Naka inom ka na Cita, delikado."
Hinarap naman siya ni Cita at pinameywangan.
"Hindi mo na kami kailangan ihatid. Ihatid mo na lang 'yang kaibigan mo'ng pakielamero. At isa pa, hindi ako nakainom, at paano ako makakainom, may asong sunod ng sunod sa akin na maski ice tea, hindi ako nakakuha dahil sa kanya!" galit na galit si Cita at nakikita ko 'yon dahil sa mga ugat niya sa leeg niya.
"Nagagalit ka sa akin just because tinapon ko yung drinks na binigay sayo nung Ean na yun?" si Kuya Matias naman.
"Who's Ean? our Ean?" rinig kong bulong ni Rogerr. Tumango lang si Kuya Matias.
"No! Nagagalit ako ngayon dahil sa ginawa mo dun sa harap ng mga kaibigan ko! Hindi ka na nahiya ang tanda tanda mo na!"
"Cita.." pigil ko sa kanya dahil tingin ko ay hindi na tama ang mga sinasabi niya. Below the belt na ata yun.
Nakita kong nagbabaga na rin ang tingin ni Kuya Matias kay Cita. Parehas silang galit.
"Cita.. Umuwi na lang tayo.." sabi ko pa at pilit na siyang hinihila paalis don dahil nakatingin na sa amin yung cashier. Pasalamat na lang dahil walang ibang tao ngayon dito sa store bukod sa amin. Walang ibang makakakita ng nangyayari. Pwera na lang sa cctv ng 7/11 na 'to.
"Ano ba gusto mong mangyari ha? Ipa mukha mo sa amin ang pagiging pulis mo?! na mas mataas ka sa amin?!" ani pa ulit ni Cita.
"Wala akong ginawang kahit anong mali sa harap ng mga kaibigan mo o sayo. At kahit kailan hindi ko ipinag yabang sa iba ang trabaho ko, kung gugustuhin ko lang gamitin ang pagiging pulis ko, wala ka sana dito ngayon at kanina ka pa humihimas sa rehas kasama ng mga kaibigan mo." yun lang at umalis na si Kuya Matias sa store.
Naiwan naman kami doon tulala. Anong ibig sabihin ni Kuya Matias?
Nang tignan ko si Cita ay nakita kong nag pupunas na siya ng luha niya habang nakatingin pa rin sa pinag alisan ni Kuya Matias.
"Ihahatid ko na kayo.." si Rogerr.
"Ihatid mo si Abigail, kaya ko ang sarili ko." ani ni Cita.
"Ayoko. Sayo ako sasama Cita." sabi ko. "Okay lang kami.. Sige na.." baling ko naman kay Rogerr.
"Tara na Cita.." hindi naman siya
tumanggi at sumama na sa akin palabas. Kasunod pa rin namin si Rogerr.
Nauna ng sumakay sa driver's seat si Cita. At umikot naman ako.
Nakita kong nakatingin sa amin si Rogerr.
"Salamat ah.. Uuwi na kami," sabi ko.
"Alright. Susundan ko kayo hanggang sa maka uwi kayo." aniya.
"Huwag na-"
Umiling siya. "I just want to make sure na you two are safe."
"Okay.." sabi ko na lang at sumakay na rin.
Umiiyak pa rin si Cita.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanilang dalawa pero tingin ko ay hindi maganda iyon dahil sa mga inasta nila.
Umiiyak si Cita dahil dun kaya alam ko na malaki talaga ang pinag awayan nila.
Ngayon ko nakumpirma na may namamagitan nga kina Kuya Matias at Cita. Sa pag aaway nila kanina e. At isa pa grabe makaiyak si Cita ngayon.
Habang nag dadrive siya ay alam kong dinadamdam pa rin niya ang nangyari.
Yung pag sigaw niya kanina ay galit talaga. Buti nga at hindi siya pinatulan ni Kuya Matias, sa galit niya kanina. Kung sinabayan siguro siya kanina ni Kuya ay baka hanggang ngayon ay nandoon pa rin kami.
Napangiti naman ako ng tinignan ko ang side mirror sa side ko at nakita kong nakasunod nga sa amin ang sasakyan ni Rogerr.
Kanina ng mag kausap kami ay para akong nakalutang sa ulap, lalo na nung nalaman kong wala pala siyang gf. Ibig sabihin lang nun syempre may chance ako.
Atleast alam ko na kung maaaksaya ba ang oras ko sa kanya or hindi. At hindi nga!
Ang saya saya ko lang! Tapos ngayon nakasunod siya sa amin at sinisigurado na ligtas kaming makauwi.
Masaya ako!
Concern siya.. Sa akin.. Ang sarap sa pakiramdam.
"Para kang baliw diyan." sabi ni Cita habang nag pupunas ng luha.
"Mukhang maganda yung napag usapan niyo ah?"
"Hmm.." tango ko. "Okay ka na?" umayos ako ng upo paharap sa kanya.
"Syempre hindi!" sagot niya at inirapan pa ako. Ewan ko kung bakit ko naisip itanong ang obvious.
"Sorry.. Ano ba kasing nangyari sa inyo?"
"Wala yun.."
"Anong wala? Galit na galit ka nga kanina e.."
Tinignan niya ako saglit tsaka inirapan.
"Kasalanan ko naman kasi.."
"Kwento mo kasi..."
Huminga muna siya ng malalim at lumiko na kami papasok Area namin.
"San ka ba? Ihatid kita sa inyo?" tanong niya at hindi sinagot ang tanong ko.
"Kung saan ka, doon ako." sabi ko. At dinikit ang ulo ko sa braso niya para kahit papaano ay maramdaman niyang hindi ko siya iiwan.
Saglit naman siyang tumahik at narinig ko ang pag hikbi niya..
Nalungkot naman ako dahil magkapatid na ang turingan namin sa isa't isa at iisa kasi ang puso ni Cita at ako. Pag masaya siya, mas masaya ako para sa kanya. Pero pag ganito siya kalungkot, mas doble yung lungkot na nararamdaman ko kaysa sa kanya.
Napapikit naman ako ng maramdaman kong siniko niya ako sa ulo. Pinapaalis.
"Cita masakit.." ani ko at hinaplos ang bunbunan ko.
"Pinapaiyak mo naman ako lalo gaga ka!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top