Chapter 27
Chapter 27
Hindi ko lubos maisip kung bakit ako sumama sa kanya ngayon dito. Nasa 7/11 kami ngayon at nakaupo sa harap ng salamin. Tahimik lang at hindi nag uusap. Ako nakatingin sa labas at siya alam kong tinitignan niya ako pero ayoko siyang tignan.
Nang sabihin niya kanina na mag uusap kami ay hindi ako pumayag, pero hindi rin naman ako umayaw. Kaya ito, magkasama kami ngayon.
Kanina bago kami umalis sa bar i mean.. sa harap ng bar, ni hindi man lang nga kami nakapasok. Nanghinyi ako ng pabor sa kanya na gusto kong malaman kung nasaan si Cita. Nag aalala kasi ako, sabay kaming pumunta dito at ako ang kasama niya at nag kahiwalay kami. Alam kong sanay na si Cita sa pagba bar pero babae pa rin siya. Hindi ko alam kung nakita na ba niya yung kaibigan o ano. Hindi ko naman siya ma text dahil hindi ko dala yung cellphone ko.
Nang sabihin niya sa akin na mag kasama na sila Kuya Matias at Cita, ay doon ako napanatag. Napapansin ko kasi na parang malapit naman si Cita kay Kuya Matias.
"Just a moment." napalingon ako sa kanya ng mag salita siya.
Tumango ako habang nakatago ang labi. Nakita ko pang inayos niya yung muntik nang matumba na upuan, dahil sa pag tayo niya.
Hindi ko alam kung ano'ng pag uusapan namin pero wala naman na akong magawa e, nandito na so.. haharapin ko na lang.
Kahit na kinakabahan at natatakot ka sa isang bagay, wala ka naman choice kung hindi gawin pa rin 'yon. Kailangan e.
Sabihin ko na kayang gusto ko siya? Pwede kaya yun? Tutal nandito na rin naman kami diba? At sa tingin ko okay lang yun, dahil sasabihin ko lang naman e, pwede na babae ang mag make ng first move. Ganito kasi yung naaalala ko na ginawa ni Cita nung high school kami. At successful 'yon! Naging sila nung crush niyang si Julius.
So.. baka may chance na mangyari rin 'yon sa akin?
Oh my gosh! Tama!
Saglit kong nilingon ko si Rogerr na nakita kong nakapila sa cashier at may bitbit na mga pagkain.
Mabilis kong ibinalik ang tingin ko sa glas wall sa labas. Napangiti ako. Sa tingin ko ay maganda ang naisip kong 'yon!
Tama! Hindi ko naman gusto na mag hintay ng mahabang panahon, na habang minamahal ko siya ay hindi ko alam kung may mahal ba siyang iba. Kaya dapat lang na sabihin ko na, para hindi na ako aasa sa kanya kung sakali. Kung masaktan man ako ngayon, okay lang.. i mean.. Hindi okay.. pero atleast sinubukan ko.
"Water?" bigla lang siyang sumulpot sa gilid ko at nilapag sa harap ko yung bote ng tubig.
"Salamat," sabi ko at hinaplos yung malabong lamig galing doon sa tubig.
Sinulyapan ko siya habang tinitignan ang mga binili niya. Binuksan pa nga niya yung tupperware na puno ng ibat ibang slice ng prutas. After nun ay inabutan niya ako ng stick para makakuha. Kagat labing kinuha ko 'yon at kumuha na rin ako ng slice ng kiwi habang nakatingin sa kanya. Nakatingin din siya sa akin kaya ng lumukot ang mukha ko dahil sa asim, ay nakita ko kung paano niya ako pagtawanan.
Yumuko na lang ako para hindi na niya makita yung maasim na mukha ko. Ano ba naman 'tong kiwi na to! Hindi man lang nag sabing maasim siya.. ano ba?
"Are you okay?" tanong niya at hinawakan pa ako sa balikat.
Sumenyas lang ako na okay ako. Grabe naman kasi, nakuha ko na yung confidence ko e, ang bilis mawala.
Mabilis akong uminom ng tubig para maging okay na ako. Nararamdaman ko na lang yung lamig sa dila ko at wala ng asim.
Huminga muna ako ng malalim bago bumuwelo..
"Sabi mo kanina mag uusap tayo.. Ano'ng pag uusapan natin?" sabi ko at nakita ko naman na natigilan siya sa pag nguya. Sinulyapan niya rin ako ng tingin dahil hindi ko siya nilulubayan.
Isang beses pa siyang lumunok bago humarap sa akin at tinignan ako ng seryoso. Yung tipong nangangain pero hindi masakit.
"Gusto ko lang itanong sayo, kung may nagawa ba akong hindi no gusto?"
Kumunot ang noo ko.. Ayun ba yung pag uusapan namin?
"Ayos naman tayo kahapon right? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?" aniya at tinagilid pa ang ulo niya sabay dinilaan ang kanyang gilid na labi. "Kanina pa ako nasisiraan ng ulo kakaisip kung ano ba ang mali na nagawa ko sayo..pero wala'ng pumapasok sa utak ko, ayaw mo na ba na sinunsundo kita?"
"Gusto ko lang makauwi ka ng safe everyday.. Kung sa tingin mo nakakaistorbo ako sayo, maiintindihan ko naman.."
Bigla naman ako tinamaan ng guilt ng marinig ko yung lungkot sa boses niya. Pakiramdam ko tuloy, napakasama kong tao.
"Hindi ka naman nakakaistorbo.." sagot ko sa kanya.. Nakaka guilty naman kasi makita yung hitsura niyang ganito. Ibang iba sa pagiging matikas niya pag nasa trabaho siya.
Yung nangyari kanina kasi ay totoong nadamay lang naman siya sa asar ko kay Cita at sa akin din. Siya lang yung napag buntungan ko.
"Hindi lang talaga siguro maganda yung mood ko kanina.. sorry kung may nasabi ako.. pero promise, wala kang mali na nagawa sa akin."
Tumango tango siya pagtapos ng sinabi ko. "So.. Allow pa rin ba akong sunduin ka.." tumingin siya sa relos niya "-mamaya?"
Ngumiti ako. "Ikaw. Kung hindi nakaka abala sa trabaho mo, edi okay.."
"Hindi ka kailanman naging abala."
Nakagat ko ang ibabaw na labi ko para pigilan ang pag ngiti.
Dapat ba sabihin ko na yung side ko? Yun lang naman ata yung sasabihin niya e.
"May sasabihin ka pa bang iba?" tanong ko.
"Wala na.. gusto mo na bang umuwi?"
"No! i mean, hindi pa.." napaghahalataan ang pagiging excited ko. "Ahm.. may sasabihin lang kasi ako.."
"Ano 'yun?" tanong niya.
"Ahm.. kasi.. Hindi ko alam pero.. Sana huwag mong masamain yung sasabihin ko.."
Nanliit ang mga mata niya.. Hindi na rin siguro makapag hintay dahil sa ang dami ko pang sinasabi.
"No.. hindi,"
"Ahm.. kasi hindi ko alam kung kailan ba 'to nag simula o gaano na katagal pero.."
Pinisil pisil ko na yung daliri ko. Bakit naman ngayon ako nakaramdam ng kaba? Kanina naman wala to ah?!
Nang tignan ko siya ulit ay nakaabang na yung mukha niya.
Abi, go na!
Pumikit muna ako ng madiin bago bumuga..
"Gusto kita Rogerr!"
There! Nasabi mo na Abigail! Dinilat ko ang isang mata ko para tignan ang reaksiyon niya..
Nakita kong nakanganga lang siya.
"Gusto kita.." ulit ko ulit.. Baka kasi hindi niya narinig..
"What..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top