Chapter 25
CHAPTER 25
Naabutan ko si Ate sa bahay na nag hahanda ng pagkain sa lamesa. At napansin ko rin na naka bihis siya. Siguro ay may pupuntahan na naman siya ngayong gabi.
"Oh, Abi mabuti at dumating ka na. Halika na, kumain na tayo." aniya ng makita niya akong nakatayo sa gilid ng kurtina.
Nginitian ko naman siya at lumapit na ako para makahalik na ako sa pisngi niya.
"May lakad ka po?" tanong ko habang nakayakap ako sa gilid niya.
"Oo. Babalik ako sa kasi ako sa office, may meeting kami mamaya." sagot niya at pinaupo na ako sa upuan ko. "Mamaya pa naman yun 10 pero kasi pupunta na ako ng maaga para hindi ma trapik, alam mo naman dito sa pinas diba?"
tumango bilang naiintindihan ko naman ang trabaho niya.
"Okay po.. Ingat,"
"Kaya mo naman na mag isa dito diba? don't worry kasi, uuwi rin ako after ng meeting, mabilis lang yun."
"Okay lang po. Mag rereview rin naman ako mamaya Ate dahil malapit na yung exams namin,"
"Oh sige na, kumain ka.. Basta huwag masyadong mag pupuyat okay? Pag inantok matulog, may bukas pa naman."
"Opo."
Pagkatapos namin kumain ay nag pahinga at nagpababa lang ng kinain sandali si Ate bago umalis. Ako naman ay nilinis muna ang kusina at natulala bago umakyat.
Marami rami pa akong gagawin at sasauluhin para sa exams namin next week.
Nakaupo ako sa ibabaw ng kama ko at may mini table lang ako kung saan nakapatong ang mga books at mga quizes namin na nirereview ko ulit.
Kanina pa nga ako nagbabasa at nag aaral ng mga lesson namin ngunit kanina pa rin walang pumapasok sa utak ko.
Parang yelo lang magbabasa ko pero natutunaw din sa utak. Hindi nagtatagal.
Ang laman lang ng isip ko ay yung ginawa ko kanina sa school. Hindi yung mga pinag aralan namin pero yung mga nasabi ko kanina kay Rogerr. Na hindi ko alam kung bakit ko sinabi 'yon.
Hanggang ngayon nga naaalala ko yung mukha niya.
Napapikit ako at binagsak na lang ang katawan sa kama.
"Hindi ba sumobra ako?" bulong ko sa sarili ko.
Pero wala naman akong sinabing masakit sa kanya diba? Sinabi ko lang naman na huwag na niya akong sunduin dahil kaya ko naman na mag isa. Masama na ba yun? At isa pa, bakit ko ba iniisip yun? Bakit ko ba siya iniisip.
Eh kasi nga dinamay mo sya sa init ng ulo mo!
Kay Cita naman dapat ako magalit dahil kung ano anong ipinapasok niya sa utak ko na hindi ko naman kailangan.
Dapat nga pag aaral lang ang iniisip ko ngayon, pero dahil sa kalokohan niya, wala na nagulo na. Buhol buhol na.
Siya itong may gusto kay Rogerr, tapos ipinapasa niya sa akin. Kung ano ano mga imbento na sinasabi niya.
Yung dwarf step? na sinasabi niya, imbento niya yun! Yung mga sinabi niya mga parte ng katawan ni Rogerr na titigan ko. Yung pag titig ko sa leeg, kamay at sa braso niya ay hindi ko alam kung para saan, pero hindi ko din maintindihan kung bakit ko sinunod. Pwede ko naman siyang hindi sundin pero dahil nauto niya ako ay nagawa ko. Ngayon hindi na mawala sa utak ko yung mga parte niyang iyon. Everyday ko na iniimagine iyon.
Everyday ko na rin hinahanap hanap. Araw araw iniisip ko kung, ano ba? Nakasuot ba yung dog tag niya? May pawis ba yung leeg niya? Ano kayang hawak ng mga kamay niya ngayon, nabibigatan ba siya? Malinis ba iyon o marumi?
Yung suot niyang damit? Fit ba sa maganda at healthy niyang braso?
Aagggghh!!! "Ano bang nagyayari sa akin?!" inuuntog ko pa yung noo ko aking braso sa isipin na mawawala siya sa utak ko pag ginawa iyon. Napapadyak pa nga ako dahil sa asar sa sarili ko, at hindi naman sadyang nasipa ko yung lamesa at gamit ko sa pag aaral.
Mabilis naman akong napabangon,
"Ay hala, sorry po.." wala sa sariling sabi ko doon sa lamesa. Nadamay pati lamesa
Napalingon ako sa cellphone ko ng tumunog iyon.
Si Cita nag text. Actually kanina pa siya nag tetext at tumatawag pero hindi ko lang pinapansin.
Pancita : Tampo ka pa rin?:(
Napairap naman ako sa text niya. Hinagis ko ang cellphone ko sa may uluhan ko at hindi pa rin siya nireplyan.
Bahala siya mag isip ngayon. Para maranasan niya yung ginagawa niya sa akin.
Naaasar pa rin kasi ako sa kanya hanggang ngayon..
Naasaar ako sa kanya kasi..
Kasi... kasi.. totoo yung sinabi niya.. At ayoko lang tanggapin..
Totoong gusto ko nga siya..
Gusto ko si Rogerr.
My gosh! Gusto ko siya? Gusto ko siya!
At naaasar ako sa kanya dahil pinaparealize niya sa akin yung iniiwasan kong katotohanan.
"Diyos ko po! Diyos ko po! Diyos ko po!" hindi na ako mapakali, palakad lakad na ako sa kwarto ko at hindi na mapirmi sa isang lugar.
Omygosh! So all along tama si Cita sa mga sinasabi niya?
Natatakot lang siguro akong aminin dahil hindi ko naman alam ang gagawin at kung anong mangyayari sa akin.
Nung nag kagusto ako kay Amor noon, ay hindi naman ganito kalala. Lagi ko kasi siyang nakikita nun palagi kaming mag kasama. At hindi pa nga ako sigurado kung nagustuhan ko ba talaga o hindi.
Pero kasi ngayon yung kay Rogerr, first time ko itong naramdaman. Yung feeling na lagi mong inaabangan kung mukha niya, yun ba yung makikita mo sa araw na yun. Excited ka kung makakausap mo ba siya o maririnig mo man lang ba yung boses niya.
Gosh! Gusto ko nga siya!
Hindi ako mapakali kaya kahit 9:30 na ng gabi ay lumabas ako ng bahay.
Kailangan kong pumunta kay Cita. Kailangan ko siyang makausap tungkol dito. Hindi ko kasi alam ang gagawin, baka siya alam niya.
Marami naman na siyang naging boyfriend im sure na experience niya na itong nangyayari sa akin.
Alam kong baka sabihan niya ako ng o.a pero okay lang, tatanggapin ko na.
Pagkalabas ko ng subd. namin ay tumayo ako kung saan ako madalas naghihintay ng masasakyan ng jeep. Hindi ako sasakay ng kung ano, malapit lang naman kasi ang bahay ni Cita, walking distance lang. Yun nga lang kailangan kong tumawid para makapaunta sa kaniya.
Nakita kong marami pa ring sasakyan ngayon kaliwaan pa rin. Tiningala ko ng traffic light sa may bandang kanan ko at nakakulay green pa rin iyon.
Habang kagat kagat ang itaas na labi ay tinititigan ko yung traffic light na iyon. Hindi na makapag antay na pumula iyon para makapunta na kay Cita.
Nang makita kong pumula na iyon ay napa palakpak pa ako sa galak at hahakbang na sana, ng may biglang tumawag sa akin.
Napalingon ako doon at nakita kong si Sir Matias iyon. Naka uniform siya..
Naka pang sundalo siyang uniform.
Wait, akala ko Pulis siya?
Bakit iba ata yung uniform niya? At Ngayon ko lang ata siya nakitang naka uniform ng ganito.
"Sir Matias.." bati ko sa kanya at tinitigan pa sandali ang mga tumatawid sa kalsada bago bumalik sa pwesto ko dati.
"Saan ka pupunta?" aniya at tinignan ang cellpgone saglit bago iyon nilagay sa bulsa niya.
"Ahm.. Diyan lang po," sagot ko.
Tumaas naman ang kilay niya na para bang hindi naniniwala at tinignan ako sa paa paakyat sa mukha. Maging ako rin tuloy ay ganun ang ginawa sa sarili ko.
Dahil kasi sa pagmamadali ay hindi na rin ako nakapag isip. Hindi na rin ako nakapag palit ng damit. Suot suot ko pa rin ang pajama kong mickey mouse at sando na may print din na mickey mouse. Terno kasi 'yon e.
"Saan?" tanong niya ulit at lumapit pa sa akin.
"Diyan lang po.." sabi ko ulit dahil ayokong sabihin sakanya kung saan ako pupunta at hindi niya rin naman kailangan malaman yun
"Wearing only that?"
Napakamot naman ako sa baba ko. "Ka-kasi malapit lang naman po.. ahm.." ano ba Abi bilisan mo naman mag imbento kung saan ka pupunta! "Convenient store lang.."
Napanguso siya at napa tango tango.
Jusko po! Halata naman na hindi siya naniniwala sa sinasabi. Really Abi? Magsisinungaling ka sa harap ng sundalo?
"Alright. Sasamahan kita,"
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Hala!
"Hindi na kailangan Sir--"
"Huwag mo na akong tawagin Sir, kaibigan ko si Cha cha, you can call me Kuya."
Napalunok ako. "Okay po, Kuya.. Ahm, ako na lang po, baka nakakaistorbo ako,"
"No. Hindi ka nakaka istorbo, sasamahan na kita, inutos niya e.."
Pahina ng pahina yung boses niya kaya hindi ko masyadong narinig yung huli niyang sinabi.
"Po? Ano pong sinabi niyo?"
Umiling siya at ngumiti "Nothing, sabi ko, let's go?"
"Ayoko pa rin po.." napalingon ako ng muling mag pula yung traffic light at may tumawid na mag boyfriend doon. Tatawid na ako.
"Alis na po ako," mabilis kong sabi at kumaripas ng takbo. Hindi ko na siya liningon at nagpatuloy lang sa pagtakbo. Alam ko naman kasing walang dadaan na sasakyan dahil nakapula ang ilaw kaya malakas ang loob ko. Naunahan ko pa ngang tumawid yung mag jowa e.
Nilingon ko si Kuya Matias ng nakatawid na ako. Pero kumunot ang noo ko ng hindi ko na siya nakita doon sa pwesto niya kanina.
"Asan na yun?" hinihingal na bulong ko.
Nawala siya, saan na napunta iyon? Lumingon ako sa gilid ko dahil baka sumunod siya sa akin ng hindi ko lang napapansin. Pero wala.. Yung mag jowa lang yung nakita ko doon.
Saan na napunta iyon? Imposible naman na mawala agad iyon?
Inalis ko na lang iyon sa isip ko at nagpatuloy na ako sa aking paglalakad. Tutal wala na siya sa pwesto niya, baka may pinuntahan lang.
Kailangan kong mag madali. May importante pa akong gagawin at hindi na makakapag hintay ito.
Malaki naman na siya at isa pa Sundalo din siya alam na niya ang gagawin niya, Hindi rin siya mapapahamak.
Ilang lakad pa ang ginawa ko ay nakarating na rin agad ako sa Village nila Cita.
Hindi naman ako nahirapan pumasok dahil kilala na ako ni Manong guard bilang kaibigan ni Cita. At nasa guestlist din.
Sunod sunod akong nag doorbell ng sa gate ng bahay ni Cita. Madilim na, at kahit pa may konting liwanag galing sa ilaw na nakalagay sa puno ay kinakabahan pa rin ako. Malinis na kasi ang daan. Wala ng ibang tao kundi yung guard na nakita kong nakabike na nag iikot ikot. Binati pa nga niya ako at nginitian ko siya saglit, at hindi na masyadong napansin dahil sa kaka pindot ko sa doorbell.
Naisip kong tawagan siya ngunit ng tignan ko ang bag ko ay wala itong laman maliban lang sa iilang max kendi na nandoon. Napapikit ako dahil sa kapalpakan ko.
Ito lang kasi yung dinampot ko kanina dahil sa pagmamadali.
Anong gagawin ko ngayon?
"Cita!" hiyaw ko sabay ng pag dodoorbell baka sakaling maging effective.
Pero wala pa rin e!
Napaupo na lang ako don sa pavement ng makaramdam ako ng pag ngalay.
Napahilamos pa ako ng mukha ng maramdaman ko na yung pagod ko sa paglakad.
Ang grabe naman ng gabi'ng to! At grabeng kamalasan na bakalimutan ko ang cellphone ko at nadala yung mga candy! Really? Aanhin ko yun?
Bakit naman kasi ako pumunta dito?
Pwede ko naman ipagpabukas to!
"Abi?"
Napatayo ako ng makitang nakatayo si Cita sa harap ko. Hinahawi pa niya ang magulo niyang buhok galing sa paggising.
Tulad ko ay napantulog na siya. Ang iba nga kang ay kung ako nakapajama, siya naman ay naka panty lang at t shirt na orange.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya at hinila ako papasok sa bahay niya.
"Cita.." naiiyak na sabi ko. Hindi ko na mapigilan ang paglabas ng mga luha ko dahil kanina ko pa ito pinipigilan. Pigil na pigil na yung emosyon ko kanina pa. Nakita ko naman na nag alala agad siya dahil sa inasta ko.
"Abi, may nangyari ba?"
Umiling ako.
"Cita, gusto ko siya.." mahinang sabi ko.
"Ha?"
"Si Rogerr! Gusto ko siya!" napapapadyak na sabi ko.
"Eh bakit ka umiiyak?" natatawang tanong niya. Hinahaplos naman niya yung buhok ko. May nakakatawa ba sa akin ngayon?
Inirapan ko siya.
Saglit akong hindi sumagot at umiiyak lang.. Hindi ko alam kung bakit ako umaakto ng ganito.
"Anong gagawin ko Cita?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top