Chapter 23
Chapter 23
Nandito talaga siya.
Si Amor.
Pero ang alam ko kasi nasa Canada siya. Dun na siya nag aral mula nung nag tapos kami ng high school. Ano'ng ginagawa niya dito ngayon?
Bakasyon? Pero bakit siya nandito sa school?
Si Amor yung 'almost boyfriend' ko. Pero hindi na nangyari dahil nga umalis siya ng bansa. Hindi naging kami dahil naisip ko noon na aalis din naman siya so, anong sense na sagutin ko siya? Ayaw ko sa long distance relationship. Idagdag mo pa yung masyado pa kaming bata nung panahon na iyon. Si Cita lang yung nakakaalam nang nangyari sa amin.
Sa kanya ko sinabi lahat at nakita rin naman niya yung nangyari sa amin. Hindi ko rin kasi sinabi kay Ate na may nanliligaw sa akin dati dahil natatakot ako sa kanya, baka pagalitan niya ako.
Kaya nakakagulat na makita siya dito sa school. Mabuti na nga lang at malayo kami sa kanya. At hindi rin ako inasar nitong kasama ko dahil sa busy siya sa butong pakwan niya.
Muli kong tinignan ang relos ko. Medyo padilim na ang paligid. Hindi na siguro dadating yun.
Wala na naman sa oras na tinapik ako mg katabi ko. Muli akong napatingin sa kanya. Hindi ba niya narerealize na may kalakasan yung pag tapik niya?
"Oh ano na? Wala pa ba siya? Nilalamok na ako dito Abigail," si Cita na tumayo na. Naubos na kasi ata yung butong pakwan niya. Kaya ako yung napag diskitahan. Napatingala naman ako sa kanya.
5:30 na ng hapon at nandito pa rin kami sa school. Siguro nga busy siya.
Bakit kasi ako naniwala na susunduin niya ako? He's a busy man. At isa pa hindi naman niya ako responsibilidad.
Nag pasya na akong tumayo. Marami pa akong gagawin sa bahay. May mga papers pa akong kailangan na reviewhin para sa midterm. Tsaka pag hihintayin ko pa siya sayang ang oras. Marami marami na rin akong mababasa nito.
"Sasabay na lang ako sayo." sabi ko kay Cita.
"Sure ka? Hindi mo na hihintayin?"
Umiling ako at bumuntong hininga. " Hindi na," sabi ko. "Baka busy din iyon sa work niya. Samahan mo na lang din ako a, bibili ako ng pagkain ko mamaya."
"Sabi mo.."
Habang naglalakad kami ay panay pa rin ang tingin sa akin ni Cita. Na para bang may nagawa ako sa kanya. Hindi ko na lang sinita dahil kung gagawin ko iyon ay hahaba na naman yung usapan. Minsan pa naman nakakapagod kausap si Cita. Hindi siya nauubusan ng sasabihin. Tsaka nakakatamad na mag salita.
Nakabili na rin kami ng kakainin ko para sa hapunan ko mamaya. Malapit lapit na kami sa bahay namin ngunit habang nasa sasakyan niya kami ay tumunog ang cellphone ko. Nang tignan ko iyon ay si Rogerr. Tumatawag.
Kanina pa ata ito. Hindi ko lang napansin dahil abala ako sa pagtingin sa labas ng sasakyan. Nakita ko rin nakailang tawag at texts na pala siya.
Napakagat ako ng labi.
Iniisip ko kung sasagutin ko ba o hindi. Kung sasagutin ko kasi ano naman ang sasabihin ko? Hindi ko alam ang sasabihin.
"Sino yan?" silip ni Cita sa akin. "Si Rogerr?"
"Cita, eyes on the road nga!" hindi mapigilan hiyaw ko sa kanya. Hindi na kasi siya tumitingin sa daan. Pilit niyang kinukuha ang cellphone sa akin.
"Ito naman ang damot!"
"Hindi ako madamot, pero baka maaksidente tayo sa ginagawa mo.."
"Oo na nga Mother Abigail.."
Inirapan ko naman siya dahil don.
Namatay na ang pag riring ng cellphone ko at nakatanggap naman ako ng text galing sa kanya.
Pero bakit naman siya tatawag sa akin? Wala na ba siyang trabaho sa oras na ito? Hindi na ba siya busy? Baka kasi nakakaistorbo ako sa kanya. Baka akala niya wala pa rin sumundo sa akin.
Kaya ko naman ang sarili ko. Kaya ko.
Rogerr : Where are you? Sorry something came up. Text mo ko kung nasaan ka.
Something came up? Ano naman kaya yun? Hindi naman na kailangan pang mag reply. Naiintindihan ko naman ang trabaho niya at siya.
Mabilis akong bumaba ng sasakyan pagkaparada ni Cita sa harap namin. Ewan ko kung bakit pero bumaba rin si Cita.
"Salamat.." sabi ko.
Tinanguan niya ako bago nag salita. "Sino yung tumawag? Si Rogerr?"
Napahinga ako ng malalim. Hindi parin pala niya nakalimutan. Tumango na lang ako sa kanya.
Bigla naman may sumilay na ngiti sa kanya. Creepy..
"Aha! Siguro pumunta siya sa school! Na late lang siya!"
"Ewan ko. At tsaka nakauwi naman na ako. Itetext ko na lang siya." sagot ko.
"Abi.." aniya at lumapit pa sa akin lalo. Nanliit naman ang mga mata ko. Ano na naman kaya ito?
"Natitigan mo na yung leeg niya diba?" bakit naman kaya niya tinatanong? Ano na naman kayang kalokohan ang nabubuo sa utak nito?
"Bakit?"
"Natitigan mo na nga?" tanong ulit niya.
"Oo. Sabi mo dati diba titigan ko?"
"Eh yung kamay niya natitigan mo na?"
"O-oo.. Bakit mo ba tinatanong 'yan?" naguguluhan na kasi ako.
"Good!" aniya at mas lalong lumaki ang ngisi niya. "Ngayon naman titigan mo yung ilong niya,"
"Ano? Bakit ko naman gagawin 'yan?"
"At bakit naman hindi mo gagawin? diba sabi mo, hindi mo naman siya gusto?"
"O..oo hindi ko g..gusto,"
"Oh! Yun pala e! Edi magagawa mo!"
"Eh bakit ba kasi kailangan titigan ang ilong niya? May ilong naman ako. Ang weird na ng pinapagawa mo.."
"Basta kasi!" aniya at napapadyak pa. "Ang tawag dun 'The dwarf steps,"
"The dwarf steps? Ano ba yun? Para saan naman yan?"
"Ang daming tanong! Para yan sa research paper ko okay?"
"Research paper mo? Eh bakit hindi na lang ikaw ang gumawa?
"Abigail ang daming tanong! " nanggagalaiti na siya sa akin. "Nagawa Ko na kasi iyon! Kailangan ko naman na manggaling naman sa iba yung experience."
May ganoon ba talaga? Hindi kaya gawa gawa lang nito iyon? Tinitigan ko siyang mabuti..
"Oh sige na! Baka gabihin ako sa daan.." aniya at hinalikan ako sa pisngi.
"Paano ka gagabihin? Paglabas mo ng subdvision namin ay papunta rin sa village niyo.."
"Eh basta! Baboom!"
Ang dami niya talagang alam. Minsan naiisip ko kung ano kayang pagkain ni Cita sa bahay niya? Ang lusog kasi ng utak niya.. Ang daming napoproduce na vitamins kaya ang dami niyang naiisip.
Nang makaalis si Cita ay tsaka Lang ako nagpasyang pumasok sa amin..
Pero hindi ko pa naisasara ang gate ay may tumawag sa akin.
Mabilis akong napalingon don ngunit may pumarada na naman na sasakyan sa harap namin.
Kilala ko ang sasakyan iyon.
Si Rogerr..
"Abigail!" muli na namang naagaw ang atensyon ko sa tumawag sa kin.
Nanlaki ang mata ko.
Si Amor.. Tumatakbo palapit sa akin.. Sabay naman na bumaba na si Rogerr..
Bakit.. bakit sila nandito?
Dumaan si Amor sa harap ni Rogerr papunta sa akin.
Mabilis na lumapit sa akin si Amor. May dala siyang maliit na box na kulay pula.
Nakangiti at medyo hinahabol ang hininga dahil sa pag takbo.
Mabagal kong binuksan ang gate na hindi naman nakasara. Shocks!
Wala sa sariling napatingin ako kay Rogerr na mariing nakatingin kay Amor.
"Abigail, kumusta na? Na miss kita," aniya at hinawakan pa niya ang kamay ko.
Ako naman ay nagulat sa ginawa niya. Hindi ako maka react. Ngingiti ba ako o hindi?
"Abigail, Are you okay? You look pale,"
"Ahehe.. O-okay lang ako.." sabi ko na lang at sinulyapan ulit si Rogerr. This time sa akin na siya nakatingin at nakasandal na siya sa kotse niya at mukha na siyang naiinip.
"Are you sure? Anyway," aniya at ngumiti ng ngumiti. "Dito na ako magtatrabaho."
"Ah.. O.oo"
"Charlene.." si Rogerr na nakalapit na pala sa amin.
Shocks! Bakit naman kasi..
"Yes? May kailangan ka?" baling ni Amor kay Rogerr. Lumipat naman ang tingin ni Rogerr sa akin kay Amor.
"Oo meron. Kailangan ko si Charlene." halos lumapit na si Rogerr sa kay Amor. Nakakatakot pa naman yung height difference nila. Ang tangkad at ang laki ni Rogerr. Kahit pa na matangkad si Amor ay Nag mumukhang college boy lang siya kumpara kay Rogerr.
"Bakit? Sino ka ba?" tanong naman ni Amor.
"Amor.. ano.."
"Sino ba 'to Abigail? Ang yabang.." si Amor habang nakatingin kay Rogerr. Ako man ay hindi na mag kamayaw. Para lang akong kuting na nasa gitna nila.
"Nakatayo lang ako sa harap mo, wala pa akong ginagawa, mayabang agad?"
"Amor, mauna ka na.. Ano.."
"Pinapaalis mo ako?"
"Hindi naman.. Ano kasi.. Ahm..tutor ko siya! Ano.." napasilip ako sa reaksyon ni Rogerr. Naniningkit na ang mga mata niya.
"Tutor?" tanong ni Amor. Mabilis namang nagbago yung hitsura ni Amor. "Pasensya na po Sir. Hindi ko po kasi alam."
Hindi naman sumagot si Rogerr at mariin pa ring madilim ang Mukha.
"Here, take this..pasalubong," inabot niya sa akin yung box na dala niya. Tinanggap ko naman iyon. "Kita na lang tayo sa school mo.."
Ngmiti ako.."Okay.."
Tumalikod na si Amor at sumakay na sa motor niya na nakaparada pala sa harap ng bahay ng kapitbahay namin.
Hind ko napansin kanina.
Hindi mapakali yung mga mata ko. Pakiramdam ko may nagawa akong mali.
Paikot ikot na yumg mata ko. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang tingin ko. Ayoko naman tumingin sa kanya dahil..
"Tutor pala.."
x
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top