Chapter 22
Kinaumagahan ay maaga akong nag asikaso para makapasok sa school. Nagising kasi ako ng alas singko at hindi ko naman alam kung bakit. Parang sa pakiramdam ko kasi ay marami akong gagawin ngayong araw. Na eexcite ako na ewan.
Nauna pa nga akong Nagising kay Ate kaya ako na ang nag luto ng breakfast namin. Eight pa Naman ang pasok ko ngayong araw, Buti na lang din dahil kailangan ko pa atang hintayin si Cita, dahil nag papaantay na naman siya. Wala na naman ata kasi siyang magawa.
"Bakit ang aga mo atang nagising?" Tanong ni Ate sa akin habanag kumakain na kami.
"Wala lang po. Maaga po kasi akong nakatulog kagabi." sabi ko at umiwas na ng tingin. Wala lang.. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko.
Totoo naman iyon. Ang himbing kasi ng tulog ko kagabi. Wala akong ibang iniisip kagabi kundi ang magiging quiz namin ngayon. Matatawag mong isang peaceful at amazing night ang kagabi.
Naalala ko yung huling text namin kagabi.
Rogerr : Anong oras matatapos yung klase niyo?
Ako: 5pm po. Seryoso ka ba sa sinabi mo? Susunduin mo talaga ako?
Pagkareply ko nun, ay halos mahulog na ko sa higaan ko. Sa tingin ko masyado akong nag paniwala sa sinabi niya kanina. Hindi naman na siya teen ager, tsaka may trabaho siya at pulis pa. Ibig sabihin busy siya. Hindi siya katulad ko na nag aaral at maraming oras. Ano bang pumasok sa isip ko at naniwala ako?
Rogerr: Sinabi ko'ng susunduin kita diba? I mean it.
Napapikit pa ako sa reply niya. Hindi kaya isipin niya na masyado akong needy? Wala naman kasing rason para sunduin niya ako diba? Hindi kaya ginagawa niya lang iyon dahil lang kay Ate?
Ako : Ikaw ang bahala.
Wala na akong ibang mareply kaya nag goodnight na ako baka kasi magsawa siya. Baka isipin niya pa.. Ay basta. Pero may nireply na siya. Akala ko nga mag gogoodnight na siya e.
Rogerr: Gusto kong kumain ng burger bukas. Samahan mo ako pwede?
Napakagat ako ng labi doon sa reply niya.
Omygosh..
Ako: Okay..
Kaya nga umaga pa lang pakiramdam ko gusto ko na ng burger.
Pagkarating ko ng school ay agad akong pinagmasdan ni Cita. Nakaupo ako ngayon at siya itong halos pagdikitin na ang mga mukha namin. Ilang beses ko na siyang tinignan pero ayaw pa rin niya tumigil.
"Wait nga lang." aniya at ginalaw niya ang upuan niya para maiharap sa akin. "Hindi ito ang ineexpect kong magiging hitsura mo today."
"Ano bang sinasabi mo Cita?" nalilito kong sabi.
"Hindi. may iba talaga.. Tell me, may nangyari ba kahapon na hindi ko alam? Hindi ka na mukhang stress."
"Ano? Bad ang ma- stress, Cita, tapos gusto mo ako maging ganon?"
"Hmm.." nanliliit na mga mata niya ako hinawakan sa pisngi.
"Cita.."
"Parang may nangyari talaga kahapon. Tell me na kasi! Ano yun?"
"Wala nga.."
"Wala? eh bakit parang ang saya mo?"
"Bakit? bawal na ba akong maging masaya?"
"Oo! bawal! lalo na at hindi ko alam. baka nakakalimutan mo, bestfriend mo ako!"
"Sana nga makalimutan ko na lang.." sabi ko nagpanganga sa kanya.
"Napaka mean mo na Abi."
Palihim na lang akong natawa dahil mukha ni Cita na parang nalugi. Ayun pa naman yung pinaka ayaw niyang joke. Yung sasabihin ko na hindi na kami mag bestfriend. Ayaw na ayaw niya. Palagi niya aksing sinasabi na ako lang ang bestfriend niya, which is true naman.
Masarap din pala ang mang asar paminsan minsan. nakakatuwa pag nakikita mo yung kaibigan nakasimangot dahil may hindi ka sinabi sa kanya.
Kahit pa nga nagsasalita na yung Professor namin ay panay pa rin ang irap niya sa akin.
Kagabi kasi kahit pa na late na ako nakatulog ay ayos lang. okay lang talaga. Period.
Hanggang sa natapos na lang yung klase namin ay maingay pa rin si Cita tungkol sa hindi ko pagiging stress. Ewan ko ba sa kanya. Haay..
"Sabihin mo na." sabi niya pag kaupo na pagka upo namin. Inilingan ko na lang siya at sinundot sundot ng straw yung shake na nasa harap ko.
"Ano ba kasing sasabihin ko sayo? E, wala naman talaga. Maganda lang talaga ang gising ko."
"Yun nga! Sabihin mo bakit maganda yung gising mo? Ano bang nangyari kagabi? Nagkausap na ba kayo ni Rogerr?"
Huh? Paano naman niya yun naisip? Nagtaka naman ako.
"Eh syempre! siya lang naman yung laging laman ng isip mo these days diba?"
"Hoy.. Ano sinasabi mo diyan?"
"Oh bakit hindi? Totoo naman yun ah? Deny ka pa ng deny halata naman na gusto mo yung lalaking yun."
Nagulat ako sa sinabi niya. Ano bang pinag sasabi nito? Saan kaya niya napupulot yung sinasabi niya? Ako?
"Tumigil ka nga Cita. Hindi totoo 'yan." nag iwas ako ng tingin at binalingan na lang yung spagetti sa harap.
Masyado naman atang mabilis para sabihin iyon ni Cita. Gusto agad? Hindi ba pwedeng nababaitan lang ko doon sa tao?
"Ano'ng hindi totoo? Sinasabi mo yan habang namumula yung muka mo ngayon? Naniniwala ako ghurl. Don't me ha! So.. Liligawan ka na ba niya kaya ka happy?"
"Hindi Cita."
"Eh ano nga? Bakit kasi ayaw mong sabihin?! 3% na lang Charlene Abigail mapipikon na ako sayo!" ramdam kong gigil na gigil na siya sa akin kaya inirapan ko pa siya lalo.
"Susunduin niya lang ako. Yun lang naman yun e.. Ngayon kung hindi ka pa rin naniniwala. Wala na akong magagawa."
"Susunduin ka lang niya? Hindi kayo mag didate? Hindi ka nililigawan?" kulit pa niya sa akin. Umiling na lang ako bilang sagot dahil sumubo na ako ng pagkain ko.
Ligaw? Sa tingin ko hindi iyon gagawin ni Rogerr. Marami siyang kakilala na magaganda. At isa pa nasabi ni Ate na may ex daw yun na artista na ngayon. Kaya malabo. Tsaka siguro kapatid lang din ang turing niya sa akin. Parang kay Ate.
"Hindi. Hindi kami mag di-date. Malabong mangyari yun.."
"Oh bakit, hindi na lang ikaw ang mag aya?"
"Huh? Bakit ako?"
"Oh bakit hindi ikaw? Ayain ka niya o ayain mo siya parehas lang yun no! Ang boring talaga ng buhay mo Abi."
"At isa pa pala.. napansin ko na simula nung una nating encounter diyan kay Rogerr, hindi ka na niya nilubuyan. Pansin ko lang.. Lagi na siyang nasa paligid. Hindi kaya.. May gusto rin siya sayo?"
"A-ano ka ba Cita? Kung ano anong pinag sasabi mo. Kumain ka nga lang." sabi ko na lang para matigil na siya sa kakasabi ng kung ano ano.
Nagkibit balikat siya. "Naisip ko lang naman yun, Abi.."
Umiling ako. Sinusubukang tanggalin sa utak ko yung narinig ko sa bunganga ni Cita.
Muli kong sinulyapan ang relos ko. ala singko na pero nandito pa rin ako sa school. Nakaupo sa waiting shed kasama si Cita na kumakain ng Dragon sid.
"Oh ano? Wala pa rin si Daddy Rogerr?" tanong niya habang ngatngat yung buto ng pakwan.
"Wala pa. Kaka five pa lang naman.." nagkibit balikat lang siya at nag patuloy sa pagkain.
Napanguso naman ko. Umiikot na yung mata kakatingin sa paligid. Pauwi na rin yung ibang studyante yung iba naman bagong ligo pa habang nag mamadaling pumasok.
Kanina sinabi ni Ate na malilate siyang makauwi mamaya kaya bumili na lang daw ako ng makakain ko. Iniisip ko bibili na lang ako ng burger o kaya naman tinapay.
Halos mahulog ako sa kinauupuan ko
ng itulak ako ni Cita.
"Cita.." sita ko sa kanya. Pero parang wala lang siyang ginawa sa hitsura niya.
"Tumingin ka sa likod mo. Sa may bandang puno.. Huwag kang papahalata a.." aniya na diretso lang sa pagbabalat ng dragon sid niya.
"Bakit ba?"
"Gawin mo na lang, gaga!"
Umayos muna ako ng upo bago dahan dahan na tumingin sa likod.
Nakita kong nag lalaro lang naman ng bola yung iba..
"Saan bang puno?" simple kong sabi sa kanya.
"Yung may dahon na brown.."
Napadpad naman yung mata ko sa puno ng mangga sa may gilid ng canteen. At nahinto dun sa isang lalaking nakatayo doon na naka kulay maroon na tshirt.
Si Amor..
"Nakita mo na? Humarap ka na dito.. Halatado ka na.." sabi niya at hinila na ako paharap sa kanya.
Omygosh..
Bakit siya nandito?
"Nan..dito siya?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top