CHAPTER 4: Creepy Nightmare
KINABUKASAN...
AUTHOR'S POV
Maagang gumising si George para maghanda ng almusal. Wala kasi si Kathy dahil umalis ito alas singko ng madaling araw dahil sumama sa field trip kasama ang kaniyang mga katrabaho sa opisina. Magkapareha lang ng opisina na pinagtatrabahuan si George at si Kathy pero hindi sumama si George dahil walang magbabantay sa kanilang bahay at sa kanilang mga anak.
Ikalawang araw na ng pamilya Bernadas sa bahay na ito at tila hindi pa rin malilimutan ni George ang nangyari sa kanya nung isang gabi. Kaya itinuon na lang niya ang kaniyang sarili sa pagluluto ng hotdog at fried egg. Mga ilang minuto ay nagising si Daniel.
"Kailan po kaya ang balik ni mama, papa?", tanong ni Daniel kay George habang nagluluto.
"Sa tingin ko mga 2 days after ng kanilang field trip."
"Ah ganun po ba. Malapit na po ba iyang matapos papa? Gusto niyo po tulungan ko na kayo?"
"Sure. Mabuti pa ikaw nalang ang mag-arrange ng mga pinggan doon sa mesa at pati mga spoon and fork na rin".
"Sige po"
"Gising na ba ang mga kapatid mo?"
"Si Melly ay hindi pa po pero si Christopher ay gising na pero nandun sa kwarto niya, nagkukulong. Ayaw lumabas, inimbeta ko pa naman iyon para maglaro ng basketball".
"Ganun ba. Lalabas rin iyon maya-maya"
Maya-maya ay bumaba na rin si Christopher mula sa itaas.
"Oh nandiyan ka na pala Chris. Halika almusal na tayo", anyaya ni George kay Cristopher.
Subalit hindi ito umiimik at dinedma lamang si George kaya umalis ito at diretsong lumabas ng bahay.
"Hoy Chris! Huwag ka ngang bastos. Kinakausap ka ni Papa. Teka, hoy ano ba! Hoy!"
"Haaay!", napabuntong hininga nalang si Daniel.
"Hayaan mo nalang Daniel", tanging nasabi lang ni George.
"Pero papa, binabastos po kayo."
"Hindi bale. Magkakasundo din kami nun."
"How i wish"
SUMAPIT NA ANG GABI...
Tulog na ang lahat sa bahay. Tahimik ang paligid at napakalakas ng hangin. Mga ilang oras ng tulog ay nagising na naman si George dahil may narinig siyang isang ingay. Ito ay putok ng isang baril. Kaya dali-dali siyang bumangon at lumabas sa kaniyang kwarto. Hinanap niya kung saan nanggaling ang putok na iyon. Pinuntahan niya ang kwarto ni Daniel at dahan-dahan niya itong binuksan.
May nakita siyang isang lalake na kasingtangkad at kasinglaki niya. May dala itong baril at itinutok kay Daniel, ngunit sa kasawiang palad ay pinutok ito ng lalaki. Nang biglang lumingon ito sa kanya at nagulat siya dahil....
"Haaaaaaa!"
....Dahil kamukha niya ang lalake. Nanlilisik ang mga mata nito at may butas sa bandang ulo. Kaya sa sobrang takot ni George ay dali-dali niyang isinara ang pintuan at napalakas niya ang pagsara nito.
"Haaaaaaaaaa!..Haah!haa!haah!"
Panaginip lang pala. Napanatag ang loob ni George dahil panaginip lang pala iyon. Hay! Buti nalang at panaginip lang. Tumayo si George at patungo ito sa bintana. Tumingin siya sa labas para echeck ang boathouse. Nang may nakita siyang may nagtatapon ng isang bagay mula sa loob ng boathouse. Lumabas siya ng bahay at pinuntahan ang boathouse. Nang makapasok na siya sa boathouse ay wala namang tao at ang tumatahol na aso na si Harry ang tanging nasa loob. Lumapit siya sa ilog kung saan nasa loob ng boathouse at tumalon siya para sumisid. Naisipan niyang sumisid sa ilog dahil baka nandun lamang nagtatago ang taong nagtatapon ng isang bagay. Ngunit wala siyang nakita ni isang tao. Kaya tumigil nalang siya sa pagsisid at umahon din mula sa ilog. Lumabas na siya ng boathouse at pumunta sa labas. Nakita niya na nandun na naman si Harry at hindi ito tumigil sa pagtahol kaya nilapitan niya ito. "Ano ba ang tinatahol mo Harry? At bakit nakaharap ka sa bahay?"
Dahil sa pagtataka ni George ay sinundan niya ang direksyon kung saan tumitingin si Harry. Nakatingin pala ito sa bintana ng kwarto ni Melissa. Nagulat siya dahil may nakita siyang isang batang babae na nakatayo at nakaharap ito sa bintana. Tumitingin ito sa kaniya. Teka, mukhang pamilyar sakin iyang bata na iyan ha...Diyos ko, siya iyong bata na nagpapakita sa akin nung isang gabi. Biglang nawala ang bata. Kaya tumingin siya sa kabilang bintana at nandun si Melissa. Nandun din sa likuran ni Melissa ang batang babae. Dahil sa sobrang pag-aalala, pumasok ulit sa bahay si George at pinuntahan ang kwarto ni Melissa. Nang marating niya ito ay binuksan niya ang pinto. Nakita niyang natutulog si Melissa. Kanina nakita ko si Melissa na nakatingin sa labas pero bakit nakita ko siya ngayon na mahimbing na natutulog?
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BAKIT KAYA GANUN ANG NANGYARI?
SINO KAYA IYONG BATANG BABAE NA NAGPAPAKITA KAY GEORGE?
BAKIT KAYA LAGING NAGPAPAKITA SA KANIYA ANG BATANG IYON?
SA ANO KAYANG DAHILAN?
ITO NA BA ANG SIMULA NG TRAHEDYA SA PAMILYA NI GEORGE?
ABANGAN...
A/N: NASA ITAAS ANG LARAWAN NI MELISSA KASAMA IYONG BATANG BABAE NA NAGPAPAKITA KAY GEORGE
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top