CHAPTER 36: The Escape
"HAHAHA.,. HAWAK KO NA ANG KALULUWA NG ASAWA MO AT ALIPIN KO NA SIYA. HAHAHAHA!"
"Ano ba talagang kailangan mo samin demonyo ka?! Bakit asawa ko pa? Kaluluwa ko nalang ang kunin niyo, huwag sa asawa ko!"
Nagsalita na naman ito ngunit boses babae at nag-iba na naman ang anyo at naging babae.
"HMP! HINDI MO NA MAILILIGTAS ANG ASAWA MO. PERO BAGO PA NAMIN MAGING ALIPIN ANG ASAWA MO AY IPAPAKITA MUNA NAMIN SIYA SA'YO"
"Kailan man, hindi magwawagi ang kasamaan laban sa kabutihan!
Biglang nagpakita si George ngunit nakatali ito isang sa upuan.
"Hon?...Hon!"
"Kathy, iligtas mo ako. Iligtas niyo ako."
Walang ibang nagawa si kathy kundi ang umiyak. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Tila isa itong bangungot sa kaniya at ng kaniyang pamilya.
"HAHAHAHA!"
Maya-maya ay biglang lumitaw ang kaluluwa ni Ali at ang mga kapatid nito at ang ina.
"Ali?"
"Iligtas mo si George Kathy, Iligtas mo"
.
.
.
Tumingin agad si Kathy sa masamang espiritu.
"Hindi ako susuko. Hindi kayo magwawagi!"
"HAHAHAHA!"
Bigla nalang naglaho ang masamang espiritu at bumalik sa dati ang anyo ni George ngunit wala itong malay. Nahulog si George sa higaan dahil tumigil na ito sa paglutang. Dali-dali itong nilapitan ni Kathy at niyakap ng mahigpit.
"Hon, *sob*. Sa wakas bumalik ka rin sa dati"
Nawalan ng malay si George ngunit sandali lang pala ang pagiging kalmado niya dahil bigla na naman siyang nagkaroon ng malay at tumingin kay Kathy. Kakaiba ang mga mata ni George dahil nagiging kulay pula at nanlilisik ang mga ito. Bigla niyang sinakal si kathy kaya napaurong si Kathy at pilit na kumakalas mula pagkakasakal niya.
"Ho-hon, aray! A-ano bang gina-ga-wa mo? Hu-hu-wag kang mag-papa-dala sa ka-nila, ple-please luma-ban ka, *sob*"
"HAHAHA! ALIPIN KO NA ANG KALULUWA NG ASAWA MO. HINDI MO NA SIYA MABABAWI PA"
"Hi-hindi! Hi-hindi ma-ma-mangya-ya-ri i-i-iyang gusto niyo!"
"HAHAHAHA!"
Mas diniinan pa niya ang pagsakal kay Kathy kaya hindi na makahinga si Kathy at nagiging kulay asul na ang mukha nito. Nawala na ang mga dugong dumadaloy sa mukha at ang mga mata naman nito ay namumula dahil sa mga dugong naiipon.
"Bitiwan mo si mama!", sigaw ni Daniel kay George at hinila-hila pa niya si George para makawala si Kathy.
"Bitiwan mo sabi siya eh!"
"HUWAG KANG PAKIALAMERO BATA KA!"
"Daniel, umalis ka-na. Ka-ya ko na 'to. I-ligtas mo ang sa-ri-li mooo at ang mga ka-patid mo!"
"Hindi ma, hindi ako aalis dito hangga't hindi kita nailigtas"
"Hu-huwag ng ma-ma-tigas ang u-u-lo Daniel!"
"Hindi ma. Hindi ako aalis!'
"Da-niel!"
"Bitiwan mo ang mama ko!"
"PAKIALAMERO KA TALAGANG BATA KA. ITO SA'YO!"
Tinulak ni George si Daniel kaya napasubsob ito sa sahig. Habang si Kathy naman ay nakawala sa wakas mula sa pagkakasakal sa kaniya ni George.
"Daniel? Nasan ang mga kapatid mo?"
"Nasa kwarto po nila ma"
"Puntahan natin sila. Kailangang makalabas tayo dito"
Tumakbo agad sila papunta sa isang silid kung saan naroroon sina Melly. Nang makarating na sila dun ay pinalabas nila sina Melly at Chris at tuluyan na nga silang nakaalis dun ngunit sa kasamaang palad ay hinahabol sila ni George. Bubuksan na sana ni Kathy ang main door ngunit hindi niya ito mabuksan kahit anong pilit. Bigla niyang naisipang pumunta sa bintana para doon dumaan ngunit bigla itong sumara at hindi mabuksan. Halos lahat ng bintana at pintuan ay nakasarado at hindi na mabuksan.
"HAHAHA! HINDI NIYO AKO MATATAKASAN!"
Nakaisip ng paraan si Melly. Kaya umakyat siya sa hagdan.
"Melly saan ka pupunta?", sigaw ni Kathy sa kaniya.
Agad naman siyang sinundan nila Kathy. Sa kasamaang palad ay nakita sila ni George na umakyat sa hagdan kaya sinundan sila nito. Nang makaakyat na si George sa hagdan ay bigla nalang siyang may hawak na riffle gun, samantalang sila Kathy ay patuloy na inakyat ang mga hagdan habang sinusundan nila si Melly.
"Ma, hurry up!", sigaw ni Melly.
Natunton pa rin sila ni George. Binilisan ng binilisan nina Kathy ang pag-akyat sa mga hagdan hangang sa narating nila ang pinakatutok na palapag. Pumasok sila sa isang silid at nang makapasok na sila ay pumunta sila sa bintana at dun dumaan palabas ng bahay. Doon nila naisipang dumaan sa bubong.
Sa wakas ay nakalabas na rin sila sa bahay at dahan-dahang naglakad habang nakakapit sa bubungan. Natunton ni George kung saang silid sila pumunta. Pinuntahan niya ito ngunit ito ay nakasarado. Itinutok niya ang riffle gun sa pinutuan at ipinutok. Kaya nagkaroon ng malaking butas ang pintuan. Pagkatapos ay pumasok na siya. Nakita niyang nakabukas ang bintana kaya agad na pumasok sa isipan niya na dun dumaan ang mag-iina.
.
.
"Bilisan niyo mga anak, bago pa tayo maabutan ng lalakeng iyon!"
Muntik ng malaglag si Melly dahil madulas ang kanilang dinadaanan na bubong. Umuulan kasi ng malakas kaya napakadulas daanan at basang-basa na rin ang mag-iina.
"HINTAYIN NIYO KO DIYAN. HAHAHA!"
Tumingin si George sa kisami at itinutok dun ang baril. Pagkatapos ay ipinutok niya ito at saktong tumagos ang bala dun sa dinadaanan ni Kathy kaya napadapa ito bigla.
"Haaaah!"
Buti nalang hindi siya nataaman. Sa may gilid lang pala niya dumaan ang bala pero mga 1 inch ang pagitan niya dun sa area kung saan tumagos ang bala. Tumayo ulit siya at dahan-dahang kumapit sa bubong. Narating din nila ang pinakadulong parte. Dahan-dahan silang gumapang dahil medyo pa-slant ang area na iyon.
"Dahan-dahan mga anak, baka malaglag kayo, hindi na patag itong dinadaanan natin."
Sa kasamaang palad ay nasundan pa rin sila ni George dahil umkyat na rin ito sa bubungan.
"Ma! Nasundan niya tayo!", sigaw ni Daniel.
"Ano?! Bilisan pa natin."
Narating din nila sa wakas ang balak nilang puntahan at ito ay isang butas na may takip na screen. Binuksan nila ito at pumasok na dun. Samantalang si George ay patuloy pa rin sa pag-akyat. Hindi pala sumunod si Daniel sa kanilang Kathy at inabangan niya lang si George na paparating dun kung saan nakapwesto siya. Nang nandun na si George sa harapan niya ay pinalo niya ito ng matigas na kahoy sa mukha. Kaya nawalan ng control si George at nahulog ito. Pagkalaglag nito sa ibaba ay nawalan na ito ng malay pati ang baril na hawak-hawak ay nabitawan.
Sumunod na si Daniel sa kanilang Kathy at nakatakas na rin sila mula kay George.
Pero tuluyan na kaya nilang natakasan ang malagim at mapanganib na lugar na iyon?
Bumalik kaya sa dating katinuan si George?
Abangan...
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top