CHAPTER 34: "I Need a Priest, Not a Psychiatrist"
"Hon, inumin muna 'tong gamot. Tutal naman tapos kanang kumain"
"Arrrrgh!"
"Sige na hon, inumin muna 'to"
"Arrgghh!"
"Sige na inumin muna"
"Yaaah!"
"Aaaaiiip!"
Aray!
Tinulak ako ni George at nabangga ako sa matigas na upan na 'to.
Teka may dugong umaagos mula sa...
Binti ko!
Saan ko ba nakuha 'to?
.
.
.
Kaya naman pala eh
May gunting na nakalagay dito sa upuan.
Sino ba ang gumamit nito at hindi ibinalik sa tamang lalagyan?
"Hon, please inumin mo na 'tong gamot"
Ano naba ang nangyayari sa kaniya?
Hindi na siya nagsasalita at iba na ang boses na lumalabas mula sa kaniyang bibig.
Parang aso na gustong mangagat o kaya parang isang halimaw na gustong kumain ng buhay na tao.
Ano ba ang gagawin ko?
Ilang araw na siyang umiinom nitong gamot pero hindi pa rin siya gumagaling.
Hindi tatalab sa kaniya ang gamot.
Mga 1 week na rin simula nung kinonsulta siya nung doktor.
Marami-rami na rin akong napagdaanan sa pag-aalaga at pagbabantay sa kaniya.
Araw-araw akong nakakatamo ng mga pasa at mga galos sa katawan.
Ilaw araw na akong nasasaktan dahil sa pagtulak niya sakin tuwing lumalapit ako sa kaniya.
Pero ang pinakamasakit na natamo ko ay ang makita siyang nahihirapan.
Bakit siya pa?
Bakit pamilya ko pa?
Sana ako nalang.
Dapat ako nalang.
Pero Hindi ako susuko, kahit anong mangyari.
Hindi ako susuko sa laban na 'to.
Lalaban na kung lalaban.
Malalampasan rin namin 'to.
"Ma"
Daniel?
"Anong ginagawa mo dito?! Diba sinabi ko ng doon lang kayo sa kawrto niyo?! Kung nagugutom kayo, diretso lang sa kusina. Bakit ba ang tigas-tigas ng mga ulo ninyo!"
"Pero ma-"
"Alisss!"
DANIEL'S POV
Nagbago na talaga si mama.
Lage nalang mainit ang ulo niya.
Lage nalang balisa.
Hindi ako makapaniwala sa nakita ko kanina kay papa.
Kaya pala ayaw ni mama na makita namin ang loob ng silid na iyon.
Kaya pala ganun kung kumilos si mama.
"Oh kuya, bakit malungkot ka? Napagalitan ka na naman ni mama noh?", tanong sakin ni Chris.
"May sakit si papa", sagot ko.
"May sakit si papa?', si Melly naman ngayon ang nagtatanong.
"Oo", matipid kong sagot.
"Nakita mo si Tito George kanina? Matagal ko na siyang hindi nakikita ah, mga 1 week na. Ang sabi ni mama ay pumunta sa kanila at nagbakasyon, tapos nakita mo ngayon?", sabi ni Chris.
"Oo, iyon ang akala natin pero mali. Hindi si nagbakasyon papa. Nakakulong lang siya sa silid nina mama. Kaya dito si mama natutulog sa room natin at kaya niya tayo hindi pinalalabas dito ay dahil ayaw niyang makita natin ang kalagayan ni papa."
"Kawawa naman si mama at pati na rin si papa", sabi ni Melly.
"Kumain muna tayo kuya, nagugutom na ako. Baka pagalitan pa tayo ni mama dahil hindi pa tayo kumakain. Mamaya na natin ipagpatuloy ang pag-uusap tungkol niyan", putol ni Chris sa usapan.
"Mas mabuti pa nga", pagsang-ayon ko.
.
.
.
"Kuya, pakiabot nga iyong bacon", utos ni Melly sakin.
"Oh heto"
"Kuya, si mama paparating dito", sabi ni Chris.
Kawawa naman si mama.
Iyong ilang araw na hindi namin nakikita si papa ay ilang araw ding nahihirapan si mama.
Gusto ko siyang tulungan pero magagalit lang siya.
Teka!
Ano iyang nasa braso niya?
May mga malalaking pasa at iyang binti niya may hiwa?
Sariwa pa ang mga dugong umaagos mula sa sugat na iyan.
"Ma? Bakit may pasa ka sa braso at bakit may sugat ka rin sa binti mo?", tanong ko.
"Ah ito? Ahm wa-wala 'to. May kinuha kasi akong bagay dun sa ibabaw ng closet namin kaya ayun na out of balance ako at nalaglag ako ng di oras. kaya tumama ako dun sa isang matigas na bagay. At i-itong sugat naman, hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko kaya ayun nadapa ako at tumama dun sa isang gunting na nakahandusay. Teka lang, sino sa inyo ang gumamit nung gunting at bakit niyo hindi ibinalik sa lalagyan niya? aber! Nakadisgrasya tuloy. At baka hindi lang ako ang mabiktima nun kundi baka madamay pa kayo?"
"Hindi po kami ang gumamit nung gunting ma dahil meron din po kami nun", depensa ko.
"Hindi rin po ako mama kasi meron din akong sariling gunting", depensa rin ni Chris.
"Ako din po", sabi ni Melly.
"Ipagpatuloy niyo na iyang pagkain niyo", utos ni mama samin.
Saan pupunta si mama?
Doon ata sa sala.
Mas mabuti pa ngang itong pagkain ang atutupagin namin.
"Huhuhu! *sob*"
"Umiiyak si mama kuya", sabi ni Chris.
"Huhuhu! Hek..hek!"
"Puntahan natin", sabi ko.
"Huhuhu!"
"Ma, andito lang po kaming mga anak niyo.", sabi ko kay mama.
Mas lalong napahagulgol si mama sa pag-iyak paglapit namin sa kaniya at dahil nga dun niyakap niya kami agad ng mahigpit.
Napaiyak na rin ako pati mga kapatid ko.
"Hello gu-.. Ate, Daniel, Chris, Melly. Anong nangyari sa inyo? Bakit kayo umiiyak?"
"Ate Nash", sabi ko.
Sabay kaming lumapit kay tita Nashra at isa-isa kaming humalik sa pisngi niya.
Ayaw kasi ni tita Nash na magmano kami sa kaniya dahil daw magmumukha siyang matanda.
"Alam ko na po ang totoo tita Nash, na may sakit si papa", sabi ko kay Tita Nashra.
"Tama ka Daniel, may sakit nga ang papa niyo"
"Nash, ikaw pala iyan.. Hek..hek..", boses ni mama iyon.
"Ate, anong problema? Heto lang kami, handang makinig sa iyo"
"Halika nga muna Nash, Dun tayo sa kusina. May sasabihin akong importante sa'yo. Diyan lang kayo Daniel"
"Opo", sabay naming sagot.
"Tayo na Nash"
.
.
.
"Nash, hindi isang Psychiatrist ang kailangan ni George, Kundi isang priest. Iyon ang kailangan niya"
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top