CHAPTER 29: The House's Dark History

PREVIOUS CHAPTER

"Hindi ko sinabi sa kaniya ang totoo na buhay pa si Leo dela Torre at pinuntahan ko siya kung saan siya nakakulong"

"What!? Buhay pa siya!?"

"Ssssssh! Huwag kang maingay, atin-atin lang muna 'to"

"Sensya na ate Kath. Tapos?"

At ikinuwento ni kathy ang lahat-lahat kay Nashra.

"Ha! Ano!"

"Sssssh!"

"Pasensya na talaga ate kath. Pinsan mo pala si Leo. So ibig sabihin, kamag-anak mo pala ang mga multo dito. Hehe, dapat kayo magbonding ate. Hehehe"

"SSsssh. Huwag ka ngang magbiro diyan, baka marining kapa nila, sige ka. Sigurado akong, nakikinig sila ngayon"

"Ate Kath naman, huwag mo nga ako takutin"

Sandaling natahimik ang dalawa dahil parang may naririnig sila na yabag ng mga paa. Tila ba, para 'tong naglalakad patungo sa kanila at parang  papalapit nang papalapit sa kanila. Nang bigla nalang...

Boooghs!

"Ai! Diyos ko! Ate, huhuhu!"

Bigla nalang sumara ang pintuan malapit sa kanila ng kalakas-lakas dahilan ng pagkagulat ni Nashra.

"Ate ano iyon? Wala namang hangin ha?"

"Huminahon ka lang Nash"

"Ate uwi na 'ko."

"Ha uuwi kana, eh gabing-gabi na ah"

"It's okey ate Kath, i can handle myself" 

"Eh diba sabi mo kanina na dito ka mag-sleep over?"

"Ahm ate, pasensya na talaga. Sa totoo lang. Natatakot ako"

"Oh sige, naiintindihan kita. Oh siya mag-ingat ka ha?"

"Okey ate Kath. Pakisabi nalang kay kuya na umuwi ako"

"Okey,no problem"

At umuwi na si Nashra. Nagbago ang desiyon ni Nashra na dun matutulog kina Kathy. Kahit si Nashra ay hindi rin nakaligtas sa pangmumulto ng mga dela Torre.

CHAPTER 27: The House's Dark History 

KATHY'S POV

Hay sa wakas, tapos na rin akong maligo.

Hooh!

Ang sarap ng feeling.

Teka, magpapabango muna ako at magpapaganda, ahehe.

Para naman maempress ang asawa ko, haha.

Baka makuha ko ang loob nun sa sobrang bango ko.

 

GEORGE'S POV

Haay!

Nakakapagod

Ano ba ang mga ginawa ko sa araw na 'to at pagod na pagod ako?

Namiss ko tuloy ang masahe ni Ka-

Ahm, sino iyon?

Hindi ko kilala 'yun.

Teka lang ha, kanina pa ata iyang babae diyan sa banyo.

Ano kaya pinaggagawa niya diyan sa loob?

Baka nalunod na iyan diyan sa toilet bowl.

Mga babae nga naman.

Buti nalang at lalake ako, walang masyadong arte sa katawan.

 

AFTER 1 HR NA PAGGAMIT NI KATHY SA BANYO...

AUTHOR'S POV

Ganun nga katagal si Kathy sa banyo. Daig pa niya ang pupunta sa party kung makapag-ayos sa sarili. Halos gawin na niyang tambayan ang CR.

KATHY'S POV

Tapos na rin ako sa wakas.

Narealize q bigla na almost 1 hr na pala ako sa banyo.

Nakatulog na tuloy si George.

Makahiga na nga...

Hay salamat naihiga ko na rin ang pagod kong katawan sa malambot na kama.

Hmmm? Teka.

Tulog na ba kaya talaga 'tong si George.

"Hon?"

Walang sumasagot

"Hon?"

"Hon?"

"Hon!"

"Ano ba Kathy, kita mong natutulog na ang tao"

"Hon, sorry na. Huwag kanang magalit sakin, please naman oh"

.

.

"Hon naman eh, maawa ka sakin, sorry na. Patawarin mo na 'ko"

"Hangga't hindi mo sinasabi sakin ang totoo, hindi kita kikibuin magdamag"

"Haaay! Sige na nga...."

.

.

.

"Nakipagkita ako kay Leo dela Torre"

"What!"

"Nakakagulat naman iyang WHAT mo hon"

"Buhay paba si Leo?"

"Ay hindi hindi, si Dagul ang buhay, siya iyong nameet ko kanina. Kasama pa nga niya ang mga taga Goin' Bulilit. Malamang noh, nakausap ko nga kanina"

"Huwag mo nga akong pilosopohin. 'Pag hindi ka tumigil diyan sa kapilosopohan mo, hindi na talaga kita patatawarin"

"Grabe ka naman. Kung makapagsalita ka, 'kala mo naman kung gaano kalaki ang kasalanan ko sa'yo. Oh siya siya, hindi na ako magiging philosophy. Buhay pa talaga si Leo, at totoong-totoo 'yun. Hindi ako nagmamalikmata."

AUTHOR'S POV

Ikinuwento na nga ni Kathy ang  lahat-lahat kay George Laking pagkagulat ni George lalo na nung nalaman niya na magpinsan pala si Kathy at si Leo. At dahil dun, pinagplanuhan na nila kung paano lutasin ang problema sa bahay na 'to.

KINABUKASAN...

Maagang nagising ang lahat.

Ngunit ang pinakaunang nagising sa kanila ay si Kathy.

Tinungo niya ang silid ni Melissa.

Tok...!Tok...!Tok...!

"Melly, Anak?"

"Yes mama"

"Ahm, papasok ako ha?"

"Okey po"

"Good morning anak"

"Good morning din po sa'yo mama"

Lumapit si Kathy kay Melly at umupo sa may kama nito.

"Anak, nabasa mo na ba 'yong book na binigay sa'yo ng kaibigan mong si Ali?"

"Hindi pa po, kasi po hindi pa gusto ni Ali na basahin ko" 

"Aah ganun ba"

Umalis si Kathy sa room ni Melly dahil may gagawin pa siya sa kusina. Nang matapos niyang gawin ang kaniyang mga gawain sa bahay ay bumalik na naman siya sa room ni Melly. Nang makarating na siya ay nahagilap ng kaniyang mga mata ang natutulog na Melly kaya pagkakataon na niyang kunin ang libro na 'yun. At sa wakas ay nakuha niya rin. Dinala niya ito sa kwarto niya at dun sisimulang basahin. Dali-dali siyang umupo sa isang upuan na dun banda sa bintana. Nang makaupo na siya ay tiningnan niya ang cover ng libro.

"Bakit walang title 'tong aklat na 'to. Lumang-luma na. Nagbabasa ba ng ganito si Melly, eh parang hindi 'to pambata."

Sinimulan na niyang buklatin at basahin ang libro.

Nagulat siya sa nakasulat sa libro.

Ganito kasi ang nakasulat...

.

.

.

1622- may isang lalaki na nagngangalang John Morgan at ipinanganak sa England. Siya ay pangalawa sa kanilang magkakapatid. Ang kanilang mga magulang ay sina Edward Morgan at Mary Cowell. Ang kanilang pamilya ay nagmigrate dito sa Pilipinas nung labindalawang taong gulang siya. Nagtatrabaho siya sa isang pagawaan ng ginto. Hindi nagtagal ay ginawa siyang kanang-kamay ng kaniyang amo.

1646- siya ay nag-asawa. At ang kaniyang napangasawa ay ang anak ng kaniyang amo.

1649- binili niya ang isang kapirasong lupa mula sa kanyang biyenan.

1650- Namatay ang kaniyang biyenan at ipinaubaya sa kaniya ang negosyo nito kasama ang mga kayaman. Kaya siya na ang bagong tagapamahala nung negosyo.

1652- lumipat sila sa San Fernado City, dun sa isang lugar kung saan Del Salvador Subdivision na ngayon. Sa Cavite kasi sila dati nakatira. Ang kanilang bahay ay ang pinakamatanda sa lugar na iyon.Hindi pa itinayo ang subdivision ay andun na ang bahay na 'yun. Dun niya ipinagpatuloy ang negosyong nasimulan ng kaniyang biyenan. Sa ilalim ng bahay niya ginawa ang pagawaan ng ginto. Naging matagumpay naman ang kaniyang negosyo ngunit bangungot naman 'to para sa kaniyang mga trabahador. Simula nung siya na ang bagong may-ari ay marami na ring nagbago. Naging malupit siya sa kaniyang mga trabahador. Lahat ng kaniyang ninais ay dapat masunod dahil kung may susuway man sa kaniya ay agad niya 'tong paparusahan. Hindi ito basta-basta parusa lang kundi brutal ang pamamaraan. Hindi na rin binibigyan ng sahud ang mga trabahador, pati pagkain ng mga 'to ay isang beses lang sa isang araw kung ibigay. Ngunit ang pinaka-nakakagimbal ay kapag may nagkasakit ay ipinapatay niya ito dahil magbibigay lang daw ito sa kaniya ng malas sa negosyo.

"Sino ang kumuha ng pera dun sa kahon!? Nilagay ko pa iyon kanina sa may sala, bakit pagtingin ko ulit nun ay wala ng laman ang kahon?!", galit na galit na tanong ni John sa kaniyang mga trabahador. Nanginginig sa takot ang mga 'to at tila walang sumasagot ni isa. "Uulitin ko, sino ang kumuha nung pera sa kahon ko!". Nguniti tahimik pa rin ang nangingibabaw. "Ano?! Sasagot ba kayo o isa-isa ko kayong babarilin?!".

Ngunit wala pa rin talagang sumasagot. "Magbibilang ako hanggang tatlo, kapag walang sasagot pagkatapos ng tatlo ay isa-isa ko kayong papatayin kaya kung ayaw ninyong lahat na kayo  ay mamatay, mas mabuti pang umamin na ang nagkasala"

"Isa...

dalawa...

...tat-"

"AKO PO ANG NAGNAKAW NG PERA NIYO!"

"Magaling, at may umamin na rin. Dalhin siya sa kulungan at parusahan pagkatapos patayin niyo na!"

Kaya dinala nga dun ang lalake at pinarusahan. Malupit ang parusang pinapataw sa kaniya. Bago pa siya patayin ay kinulong muna siya sa isang rehas na bakal at dun sa bakal itinali. Pagkatapos ay may dala-dalang matulis na bakal iyong lalakeng magpaparusa sa kaniya (Pasintabi po sa mga kumakain). Ang masaklap ay dahan-dahan itong isinubo sa kaniyang bibig hanggang umabot ito sa kaniyang lalamunan. Nagsisigaw siya sa sobrang sakit. Unti-unting may nagsilabasan na dugo mula sa kaniyang bibig. Hindi siya tinigilan hangga't hindi siya bawian ng buhay. Hindi Nagtagal, ay namatay din siya at iniwan siya sa kulangan na butas ang lalamunan at leeg. Lumabas ang kabilang dulo ng bakal sa may leeg niya.

Hindi lang isang beses iyon nangyari kundi maraming beses na rin. Meron na namang nagkasala sa dahilang hindi sinunod nito ang utos ni John. Pinahirapan muna 'to bago patayin. Isinabit ito sa kisame gamit ang matibay na lubid, sa dulo nito ay may hook na matulis. Iyon ay itinusok dun sa balat nung lalakeng pinarusahan pagkatapos ay isinabit. Ginawa siyang parang karne na 'yung binibinta sa palengke.

blaaaaaaaaaaaaaah...blaaaaaaaa...........

At biglang dumating ang hindi inaasahang pangyayari, nilason niya lahat ng kaniyang mga trabahador. Maging ang kaniyang asawa at mga anak ay hindi rin nakaligtas. Nang napatay na niya ang lahat ay sinunod niya ring lasunin ang kaniyang sarili.

1980- may bago na namang tumira sa bahay ng mga Morgan, at iyon ang pamilya dela Torre....

 

KATHY'S POV

Di-yos ko

Ba-bakit ga-ga-ganito

Hin-di ko na 'to ka-ya.

Huhuhu!

Ba-bakit 'samin pa nang-nangyari 'to?

BAKIT!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

SALAMAT PO SA MGA NAGREAD AT NAGVOTE.

SALAMAT PO SA MGA SUMUSUPORTA SA STORY KO..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top