CHAPTER 28: Nashra's Experience

PREVIOUS CHAPTER

"Ganun din ang naranasan ng mama ko. Isinumpa din siya na hindi magiging masaya sa piling ng lalake. At ang nagsumpa sa kaniya ay ang lola ko din. Bakit ba magkapareho tayo ng karanasan sa lahat ng bagay...Pero teka, may bigla akong naalala. Nung sinabi ni mama sakin ang tungkol dun ay may iba pa siyang sinabi. Hindi lang siya ang isinumpa ni lola kundi pero pati rin iyong isa pa niyang kapatid. Nabuntis din kasi iyong kapatid ni mama pero nauna lang nabuntis iyong kapatid niya kaysa sa kaniya."

Ano nga pala pangalan nung kapatid ni mama? 

Hmm?

Isip...

Isip...

Isip...

Aha!

Natatandaan ko na, Louise ang pangalan nung tiyahin ko.

Parang familiar sakin iyang pangalan na iyan ha.

Ano!

Louise din ang pangalan ng mommy ni Leo. 

Nabasa ko iyan sa internet.

Pero baka naman mali iyong nakasulat dun.

"Ahm, Leo? Ano nga pala name nung mommy mo?"

"Louise"

"Ha! Louise?"

"Oo, bakit?"

Kung Louise ang pangalan ng mommy ni Leo at Louise din ang pangalan ng kapatid ni mama, eh di may possibility na magpinsan kami.

"Ahm, wala bang nababanggit ang mommy mo na may kapatid pa siya?"

"Meron pero hindi niya sinabi ang pangalan, hindi na nga raw sila nagkikita magkakapatid"

"Eh ang lola mo, anong pangalan niya?"

"Louisita"

Louisita din ang pangalan ng lola ko.

"Anong maiden's name ng mommy mo?"

"Flores"

Tumpak!

Flores din ang maiden's name ng mama ko.

Kung ganun...

"Magpinsan tayo Leo. Magpinsan tayo!!"

CHAPTER 26: The House's Dark History

KATHY'S POV

 Marami akong nalaman sa araw na 'to.

At ang pinaka-hindi ko malilimutan ay ang katotohanan na magpinsan pala kami ni Leo.

Hindi ko talaga inaasahan iyon.

Talagang sinadya ng tadhana na dun kami manirahan.

Pero kailangan pa talaga madamay ang pamilya ko, haaay!

Haharapin ko 'to at responsibilidad ko na tulungan sila dahil kamag-anak ko sila.

Pero paano ko sila tutulungan na ako lang ang mag-isa?

Naku! Hindi talaga pwede humingi ng tulong mula dun kay George.

Madadamay lang siya at ang mga anak ko.

Ayaw kong mangyari iyon...

MAKALIPAS ANG ILANG ORAS NA BYAHE...

Sa wakas andito nako.

Makaupo nga muna dito sa sofa.

"Oh hon, kumusta ang pagbisita sa 'ting kaibigan?"  (sabay kiss sa noo ni Kathy)

"Mabuti naman" 

"Oh ba't parang binagsakan ka ng bato sa mukha mong iyan?"

"Hindi ako makapaniwala"

"Anong hindi ka makapaniwala?"

"Pinsan ko pala siya"

"Sino?"

"Si Leo...Aah, hah? Aah, hehehe, ahm hindi. Ah ano, ang ibig kong sabihin, ahm. Hehe, isa kasi iyan sa mga line nung teleserye na INA, KAPATID, ANAK na napanood ko kanina dun kina... "

"Kina?"

"Kina... Iris! Ayun nga Iris"

"Aah, Iris pala pangalan nung kaibigan mo. Eh saan kayo nagkita kanina ha?"

"Ahm dun sa...sa bahay nga nila. Ikaw talaga Hon"

"Talaga lang ha, sa bahay. May tinatago kaba sakin ha Kathy? Paano naman magkakaroon ng palabas kanina na INA, KAPATID, ANAK sa ganung oras ha. Eh ngayon palang magsisimula ha. Sa pagkakaalam ko, ang palabas kanina ay labanan ng HEAT at SPURS. Teleserye pala ha"

"Aah eh, wa-wala! Ano kaba naman hon, ba't naman ako maglilihim sa'yo?"

"Iwan ko rin sa'yo kung bakit ka maglilihim sakin. Itanong mo diyan sa sarili mo kung bakit!"

"Te-teka hon, hoy! Sorry na oh, bumalik ka nga dito, Hon!"

Haay naku, grrrr!

Ba't naman kasi nadulas kapa Kathy, ang tanga mo talaga.

Nagalit tuloy sakin si George.

Minamalas nga naman oh.

ORAS NG HAPUNAN...

AUTHOR'S POV

Tahimik na naghahapunan ang magpamilya. Pasulyap-sulyap lang si Kathy kay George habang si George naman ay hindi iniimik si Kathy. Kaya laking pagtataka ng mga anak nila sa kanilang dalawa.

KATHY'S POV

George naman oh.

Hindi ako kinakausap.

Kausapin mo naman ako please.

Ikaw kasi Kathy eh.

Ang tanga tanga.

GEORGE'S POV

Hay naku.

Ang hirap pala 'pag walang kausap.

Kahit may nginunguya ka, nangangawit pa rin ang baba mo.

Ah basta!

Hindi muna kita kakausapin hangga't hindi mo sinasabi sakin ang totoo.

Huling-huli na nga, nagsisinungaling pa.

DANIEL'S POV

Ano ba ang nangyayari kina mama at papa George?

Kanina pa sila hindi nag-iimikan.

May problema ba 'tong dalawang 'to?

"Kuya?"

May tumatawag  ba sakin?

"Kuya?"

Meron nga

"Oh, ano 'yun Melly?"

"Nag-aaway ba sila?"

"Ewan ko, iyon nga rin ang itatanong ko eh-."

"HELLO!...Oh para ata kayong nakakita ng multo. Mukha bang pang haloween ang mukha ko?"

Andito si tita Nashra.

"Hindi naman, nakakatakot. Nakakagulat lang, napagkamalan kasi kitang balyena", sabi ni papa George.

Tong si papa George talaga, inaasar na naman si tita Nashra.

"Kuya naman eh, kararating ko lang. Inaasar mo na agad ako . Ganyan ka ba tumanggap ng bisita ha?"

"Hehehe, 'to talagang kapatid ko. Hindi mabiro"

"Hmp!", (pout)

"Halika ka nga dito Nash. Kumain ka muna.", imbeta ni mama.

"Hehe, sige ate. Iyan ang hindi ko tatanggihan, grasya na iyan eh."

"Ang sabihin mo, hindi mo matanggihan kasi pagkain na ang ino-offer sa'yo", hirit na asar ni papa George.

"Hmp! Kuya talaga, nakakainis!"

"HAHAHAHA!", sabay naming tawa lahat.

"Huwag mo naman ganyanin ang kapatid mo Hon", sabi ni mama.

"Eh totoo naman kasi hon", sagot ni papa.

O_O (George)     ^_^ (Melly)      :)) (Daniel)         -_- (Chirs)       O_O (Kathy)                                                 O.o (Nashra)

"Uuuy, bati na daw sila", pagbibiro ko sa kanila.

"HINDI AH!", at sabay pa sila sa pagkabanggit nun ha.

(Kathy) O_o        o_O (George)

(Kathy) O_O        O_O (George)

 "Hmp!", sabay irap ng dalawa.

(Kathy) o_O          O_o (George)

"Teka lang ha, may love quarrel ba dito?", tanong ni Tita Nashra.

"Eh kasi tita Nash, kanina pa po hindi nagkikibuan sina mama at papa", sagot ko sa tanong ni tita.

"Naku kayo dalawa, ba't ba kayo nag-aaway?", tanong ni tita sa kanila ni mama at papa.

"Mauna nako.", sabi ni papa

"Hoy kuya! Ho-hoy! May dapat pa tayong pag-uusapan!"

AUTHOR'S POV

Natapos na rin silang maghapunan. Si Kathy at si Nashra ay masinsinan na nag-uusap dun sa may living area.

"Ate, may problema ba kayo ni kuya?"

"Ahm, may aaminin ako sa'yo Nash"

"Okey ate, go ahead"

"Actually, hindi naman talaga kami nag-aaway ng kuya mo. Nagtampo lang sakin 'yun kasi meron akong hindi inaamin sa kanya."

"Aha?"

"Hindi ko sinabi sa kanya ang totoo na buhay pa si Leo dela Torre at pinuntahan ko siya kung saan siya nakakulong"

"What!? Buhay pa siya!?"

"Ssssssh! Huwag kang maingay, atin-atin lang muna 'to"

"Sensya na ate Kath. Tapos?"

At ikinuwento ni kathy ang lahat-lahat kay Nashra.

"Ha! Ano!"

"Sssssh!"

"Pasensya na talaga ate kath. Pinsan mo pala si Leo. So ibig sabihin, kamag-anak mo pala ang mga multo dito. Hehe, dapat kayo magbonding ate. Hehehe"

"SSsssh. Huwag ka ngang magbiro diyan, baka marining kapa nila, sige ka. Sigurado akong, nakikinig sila ngayon"

"Ate Kath naman, huwag mo nga ako takutin"

Sandaling natahimik ang dalawa dahil parang may naririnig sila na yabag ng mga paa. Tila ba, para 'tong naglalakad patungo sa kanila at parang  papalapit nang papalapit sa kanila. Nang bigla nalang...

Boooghs!

"Ai! Diyos ko! Ate, huhuhu!"

Bigla nalang sumara ang pintuan malapit sa kanila ng kalakas-lakas dahilan ng pagkagulat ni Nashra.

"Ate ano 'yun? Wala namang hangin ha?"

"Huminahon ka lang Nash"

"Ate uwi na 'ko."

"Ha uuwi kana, eh gabing-gabi na ah"

"It's okey ate Kath, i can handle myself" 

"Eh diba sabi mo kanina na dito ka mag-sleep over?"

"Ahm ate, pasensya na talaga. Sa totoo lang. Natatakot ako"

"Oh sige, naiintindihan kita. Oh siya mag-ingat ka ha?"

"Okey ate Kath. Pakisabi nalang kay kuya na umuwi ako"

"Okey,no problem"

At umuwi na si Nashra. Nagbago ang desiyon ni Nashra na dun matutulog kina Kathy. Kahit si Nashra ay hindi rin nakaligtas sa pangmumulto ng mga dela Torre.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top