CHAPTER 15: "Get Out!"
K-K's POV
Haaay salamat, buti nalang nandito na sina mam at ser.
Takot na takot talaga ako kanina.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Hindi na nga ako umakyat sa itaas dahil natatakot ako.
Hinintay ko nalang silang mam at ser.
Hindi ako mapakali kanina kasi parang may mga tao talaga sa itaas eh.
Parang may mga maraming boses.
May tumatawa, nagagalit, at umiiyak.
Ewan ko ba!
Totoo kaya iyon o guni-guni ko lang?
Haay ambot!
"Oh K-K, parang namumutla ka yata"
"Ho! Naku, hehe. Eh kasi sumasakit po ang tiyan ko kaya ako namumutla"
"Naku, uminom ka na ba ng gamot?"
"Ahm, yis po"
"Mabuti naman kung ganun, eh si Melly kumusta?"
"Oki lang po, nandoon palagi sa kwarto niya.
"Hindi siya lumalabas ng kwarto niya?"
"Lumalabas naman po mam, pero minsan lang. Lumalabas lang siya kapag kakain na o iinom ng tubig. Iyon lang po"
"Ah ganun ba."
"Eh mam"
"Ano iyon?"
"May sasabihin po ako sa inyo"
"Ano naman iyon?"
"Eh kasi mam, alam niyo po kanina."
.
.
.
"May kausap po si Milly. Tapos tiningnan ko siya kung iyong laruan ba niya ang kinakausap, eh hindi po eh. Nasa ibang direksyon po siya nakatingin. Ayun po, takot na takot ako dahil dun po siya sa upuan nakatingin, eh wala namang tao."
"Naku baka nagkakamali ka lang K-K. Baka laruan niya lang talaga ang kausap niya."
"Hindi po talaga mam eh. Kasi po nung tanungin ko siya, sabi niya may kausap daw siya tapos pren daw niya. Iginuhit pa nga niya ang pis ng pren niya eh."
"Tapos anong nakita mo dun sa drawing niya?"
Teka saan ko ba nalagay iyong drawing ni Milly?
Ah! I hab an idiya
Nandun sa sala
Kukunin ko muna
"Sandali lang po mam ha, nandun po kasi sa sala ko nalagay ang drawing ni Milly. Kukunin ko po muna."
Pupunta na ako sa sala.
Ayan, nandito ko nga nalagay.
Ipapakita ko na ito kay mam.
"Heto po ang drawing ni Milly mam"
Tiningnan ng mabuti ni mam ang drawing ni Milly.
Teka, natutula yata si mam.
"Mam?"
"Ah! Huh? Ah, oh K-K. Drawing ba talaga ito ni Milly?"
"Opo mam drawing niya po talaga iyan. Promise po, kitang-kita ko pa nga nung dri-nawing niya iyan."
Ano ba naman itong si mam, paulit-ulit.
Unlemetid ba siya? Eh paulit-ulit eh.
"Aakyat na ako sa itaas. Maghanda ka na ng hapunan."
"Opo"
Ano ba naman itong si Mam, tinalikuran lang ako.
Hahay.
Hindi bale nalang, makapaghanda na nga ng pagkain.
KATHY'S POV
Hay naku, mas mabuti na iyang ipaniwala ko kay K-K na hindi ako naniniwala sa kaniya.
Ayokong lumaki pa ang bagay na iyon.
Nakakagulo lang ng buhay.
Ayoko ko ng ganito.
Masaya na nga ako dahil hindi na nanggugulo iyong mga ligaw na kaluluwa dito sa bahay.
Hay ano ba 'to, ba't ko na naman na mention ang bagay na ito?
Mas mabuti pang magrelax muna ako at magfacebook nalang.
Ay oo nga pala, may tatapusin pa pala akong story sa Wattpad.
Hindi ko pa pala tapos basahin iyon.
Teka ba't nakabihis 'tong si George?
"Oh hon, may lakad ka ba?"
"May pupuntahan lang ako hon, sandali lang ako doon."
"Saan naman ang punta mo hon?"
"Dun kina Eddie"
"Eddie? Eddie Danda?"
"Oo."
"Ah ganun ba, oh siya mag-ingat ka"
"Ok hon, salamat. Muaaah!"
Ang sweet talaga nitong si George, hinahalikan talaga ako sa noo.
GEORGE'S POV
Anong kailangan sakin ni Fr. Ambaic?
Kung ano man iyon, sigurado akong napakaimportante nun.
.
.
.
FAST FORWARD...
Nakarating na rin ako sa wakas.
Nandito nako sa kumbento.
Sinalubong ako ng isang batang lalake.
"Sino po sila?"
"Ahm si George nga pala ito. Pinapunta kasi ako dito ni Fr. Ambaic"
"Aah, kayo po pala iyong tinutukoy na bisita ni Father. Sumunod po kayo sakin."
Pumasok na kami sa kumbento.
Nakapasok na rin.
Si father na siguro iyang nakatalikod at nakaupo.
"Father, nandito na po ang bisita niyo"
Humarap siya sakin.
Bakit ganyan ang mukha niya?
Maraming blisters at parang katulad ng stigmata.
Nagulat naman ako sa mukha niya, akala ko na kung sino 'tong kaharap ko.
"Oh nandiyan ka na pala Mr. Bernadas"
"Magandang hapon po sa inyo father"
"Magandang hapon din sa iyo iho. Halika, upo ka dito"
"Sige po father. Ano po iyong sasabihin niyo sakin?"
.
.
.
"Ahm, may sasabihin ako sa iyong isang katotohanan"
"Ano po iyon?"
"Ang dahilan kung bakit ako umalis agad doon sa bahay niyo ay may isang nakakapangilabot na pagyayari akong natuklasan."
.
.
.
FLASHBACK...
Umakyat si Father Ambaic sa hagdan hanggang sa marating niya ang ikalawang palapag. Dito niya sisimulan ang blessing. Pumasok siya sa medyo kaliitan na kwarto at doon niya inihanda ang kaniyang mga kagamitan sa pagbabasbas. Matapos niyang ihanda ang mga ito ay nagdasal muna siya... "Panginoon, kahit anong mangyari ay kayo na po ang bahala. We ask you to bless inside this finest house. Bless all who live here. Ilayo niyo sila sa masasamang nilalang."
Sinimulan na niyang gamitin ang holy water at binuhusan ang buong silid. May napansin siyang kakaiba sa holy water na binuhos niya. Napansin niya na sa tuwing pumapatak ang holy water sa sahig ay umuusok ito. Buhos doon, buhos dito. Hanggang sa may nakita siyang butas na may takip na screen. Pinagmasdan niya iyon, para siyang may narinig na tunog mula sa butas na iyon. Maya-maya sa di inaasahang pangyayari, may batang tumutawa at tumatakbo sa labas ng kwarto kung saan siya nagbabasbas. Biglang sumara ang pinto ng napakalakas ngunit hinayaan niya lang iyon. Sa halip ay kumuha siya ng upuan para maabot niya ang butas na kanina pa niya pinagmamasdan, medyo may kataasan kasi. Nang mailagay na niya ang upuan ay pumatong siya dito at sumilip sa butas na iyon. May narinig siyang mga tunog...
(Bizzzzzzzzzzz...Bizzzzzzzzzzzzzzzz.Bizzzzzzzzzzzzz)
Maya-maya ay may nagsilabasang napakaraming bubuyog mula sa butas. Kaya ito ang dahilan ng pagkabagsak ni Father. "Ahhhhhhh!". Namudmod siya sa sahig at inaalis ang mga bubuyog na nagfi-fiesta sa mukha niya. Habang si George naman at si Kathy ay naghihintay ng kung ano man ang magiging resulta sa pagbeblessing ng kanilang bahay. "Sana nga hon, maging successful ang pagblessing ni Father sa bahay natin."
"Huwag kang mag-alala sis. Kaya iyan ni Father. Basta magdasal lang tayo sa panginoon. Hindi niya tayo hahayaang saktan ng mga demonyo", sabi ni Nashra.
Habang si father Ambaic ay patuloy pa ring inaalis ang mga bubuyog hanggang sa bumukas ang pinto at nagsilabasasan ang mga ito. Nang makalabas na ang mga bubuyog ay dali-daling niligpit ni Father ang mga gamit niya at lumabas na ng silid. Napatigal siya dahil may narinig siyang isang boses. Nagmumula ito sa silid na binasbasan niya kanina lang. Bumalik siya sa kwartong iyon at pinakinggan niya ito ng mabuti. Nang makapasok na siya ay may nagsalita ulit. Napakabagsik ng boses at nakakatakot pakinggan.
"Get Ooooooout!
Natulak siya ng napakalakas sa dingding. Dahil sa sobrang lakas ay napayuko ng husto si father. Nagmamadali siyang tumayo at patakbong bumaba ng hagdan. Lumabas na ng bahay kaya hinabol siya ni Kathy.
.
.
.
END OF FLASHBACK ...
"At iyon ang nangyari sakin kaya ako nagmamadaling umalis. Kita mo 'tong nasa mukha ko, may tumutubong paltos. Nilagnat ako ng mga ilang araw. Nagsimula ito kinabukasan matapos iyong araw ng aking pagbabasbas dun sa bahay niyo. George iho, lumayo kayo dun sa 2nd floor kung saan ako gumagawa ng ritual. Dun sa kwarto na kung saan nanggagaling iyong boses na narinig ko. Dahil sa tingin ko, dati iyong silid ng mga kaluluwang nagpaparamdam sa inyo. Huwag kayong mag-alala, manalangin lang kayo sa Diyos. Kailan man ay hindi magwawagi ang kasamaan laban sa kabutihan."
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top