CHAPTER 1: Home Sweet Home
112 Kundiman Street, Del Salvador Subdivision, San Fernando City, 2000 Pampanga ang address na lilipatan ng pamilya Bernadas. Ang bahay na iyon ay may six bedrooms at ang disenyo ay ginaya pa sa Dutch Colonial. Sa likuran ng bahay ay may swimming pool at boathouse. Dalawang buwan na simula nung bilhin nila ang bahay na ito sa malaking halaga.
"Oh mga anak, ihanda niyo na ang mga sarili ninyo dahil lilipat na tayo sa bago nating tirahan.", sabi ni Kathy Bernadas sa kaniyang mga anak.
Si Kathy Bernadas ay ang ina ng tatlong magkakapatid na sina Daniel, Christopher, at Melissa. Siya ay may asawa na nagngangalang George Bernadas. Noong isang buwan palang siya ikinasal kay George. Bago paman siya ikinasal ay may anak na siya sa una niyang asawa at iyon ay sina Daniel, Christopher, at Mellisa. Mayroon na silang sariling bahay dati ngunit gusto nilang magsimula muli sa isang panibagong tirahan.
"Daniel, Nasaan na ba kayo? Kanina ko pa kayo tinatawag ha! bilisan niyo na!", sigaw ni kathy sa mga anak niya na tila inip na inip na sa kahihintay.
"Aw! Aw! Aw!", tahol iyon ng aso nila na si Harry. Isang crossbreed Labrador. Tila hindi din patatalo ang aso na ito dahil inip na inip na rin ito sa kaniyang kinalalagyan sa likuran ng sasakyan.
"Nandiyan na po kami!" ang sagot ni Daniel. Si Daniel ang panganay sa tatlong magkakapatid at nasa 1st year highschool na siya.
"Hay sa wakas, nandiyan na rin kayo. Anong oras na ngayon? Ba't ang tagal-tagal niyo?", tila medyo inis na tanong ni Kathy sa mga anak.
Pumasok na ang magkakapatid sa kotse at sumunod si Kathy. Pinatakbo na ang kotse at papunta na sila sa kanilang destinasyon. Mahigit dalawang oras ng byahe ay narating na rin nila ang kanilang paroroonan.
"Nandito na tayo!", sabi ni George na may pagka-excited ang boses.
"Wow mommy, ang bahay na ito ay katulad nung napanood ko sa tv. Parang mala-States ang dating ha. Para tayong nasa U.S.!", tuwang-tuwang sabi ni Melissa.
"Oh bumaba na kayo diyan at ililipat pa natin itong ang mga kagamitan natin doon sa loob", utos ni Kathy.
Nakapasok na sila sa loob ng bahay at manghang-mangha sila sa kanilang natuklasan sa loob. Kahit antique na ang mga kagamitan ay nanatili pa rin itong maganda at wala ni isang sira na makikita. Ngunit si Christopher na pangalawa sa tatlong magkakapatid ay iba ang reaksyon. Parang hindi niya nagustuhan ang aura ng bahay at parang hindi siya komportable. Tanging siya lamang ang walang imik.
Si Christopher ay nasa ika-anim na baitang sa Elementarya. Sa napapansin niyo, si Christopher ay masyadong tahimik. Pero sa totoo lang ay hindi naman siya ganito dati. Napakadal-dal nito at palakwento. Nagsimula ang kaniyang pagiging tahimik nung nagpakasal ang kaniyang ina kay George. Hindi niya kasi gusto na mag-asawa ang kaniyang ina ulit dahil baka lolokohin na naman katulad nung ginawa ng kaniyang ama sa kaniyang ina. Ngunit wala siyang nagawa.
"Hindi mo ba nagustuhan ang bagong bahay natin Chris?", tanong ni George kay Christopher. Hindi pa rin umiimik si Christopher.
Samantalang si Kathy naman ay nilapitan ang lumang aparador na ang pintuan ay yari sa glass. Hinawakan niya ito at pinagmasdan ng mabuti. May napansin siyang isang bagay sa loob ng aparador, isa itong larawan ng isang pamilya. "Mommy sino iyang nasa larawan? Sila ba ang dating may-ari nitong bahay?", tanong ni Mellisa.
"Siguro Anak"
Mga Ilang oras ay dumating ang kaibigan ni George. "Oh Fatima, nandito ka pala", sabi ni George.
"Gusto kong makita ang bago niyong bahay", sabi naman ni Fatima.
Makalipas ang ilang oras, ay nilipat at inayos na rin nila ang kagamitan sa bahay. Si Kathy at Melissa ang nag-ayos ng mga kagamitan sa bahay. Samantalang si Daniel naman ay nasa labas, naglalakad at tiningnan ang kabuohan sa labas ng bahay. Habang si Christopher ay nakaharap sa bahay at pinagmasdan lamang niya ito. Tila hindi siya gumagalaw at umaalis sa kaniyang tinatayuan. Tanging mga pupils lamang sa mga mata niya ang gumagalaw. Si George naman ay may nakitang underground. Bumaba siya at nilibot niya ito.
Nang may natuklasan siyang isang bagay...
IMAGE OF BERANADAS' NEW HOUSE HERE------------------------------------------------------------------------>
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top