Card 9 ♠ The Other Resident

Card 9 ♠ The Other Resident

[Mavis Alair Celestine]

"Wag 'kang mag-isip ng iba pang dahilan kung bakit ko ginawa 'yon. Parte 'yon ng walang-kwentang trabahong ibinigay ng Council," walang emosyong sabi ni Nero.

Papunta kami ngayon sa Detention room, hila-hila niya pa rin yung pulang necktie na nakakabit sa leeg ko. Pinagtitinginan na nga kami ng bawat estudyanteng nadadaanan namin pero parang wala lang sa kanya. Wala talaga siyang pakielam.

"Wala akong sinasabi," depensa ko.

"Nililinaw ko lang. Ang hilig niyo kasing umasa."

I rolled my eyes. Mananahimik na lang ako. Wala naman kasing saysay kung makikipagtalo pa ako sa kanya. Kung anong pinaniniwalaan niya, yun yung tama. Wala nang kokontra.

Hindi nagtagal at nakarating kami sa detention room. Binuksan ni Nero ang pinto at dire-diretsong pumasok sa loob. Hindi man lang niya pinansin yung babaeng nakaupo sa may teacher's desk.

"Good--ack!"

Bigla akong napahawak sa leeg ko. Ugh! Matatamaan ko na 'tong si Nero eh! Bigla ba namang hilahin yung necktie kung kailan babati ako?

Hinila ako paupo ni Nero sa may front row. Pumunta siya sa likod, hinagis ang bag niya sa kung saan mang upuan, umupo sa may pinakadulo at itinaas ang dalawang paa sa isa pang upuan.

Tsk. Talk about manners.

"You love being here, don't you Mr. Silverblaze?" there's a hint of sarcasm in her tone. Napadako ang atensyon ko sa harap, isang babaeng nasa mid-40s ang nakaupo at abala sa pagsusulat. Medyo may katabaan ito, may maikling buhok na hinugis ang bilugan niyang mukha at nakasuot ng itim na salamin.

"Every second in here is fucking worth of my time," sagot ni Nero na nakapwesto na para matulog.

"Your words Silverblaze," banta ng babae. Ibinaba niya ang pluma na hawak at tumingin sa akin.

"Are you the transferee?"

Tumango ako. "Opo, magandang tanghali po."

"I see," inayos ng babae ang kanyang salamin. "Well, I am Mrs. Walters, professor of language and literature as well as the in charge personnel here."

Pinagsama-sama niya ang mga papel sa desk niya at nagpatuloy sa pagsasalita.

"You'll be seeing a lot of me when you keep hanging out with that guy over there," she motioned Nero at the back. "Now for your punishment, a one page reflection paper about what you did earlier. You have two hours to write that."

Tumango ako at iniabot niya sa 'kin ang dalawang papel.

"Just give the other paper to Silverblaze. He knows what to do."

Bumalik si Mrs. Walters sa desk niya at inayos ang kanyang gamit. Pagkatapos ay nagpaalam siya, iniwan kaming dalawa ni Nero sa detention.

Hindi ba talaga niya kami babantayan? I mean, pwedeng-pwedeng tumakas ang kung sino mang nade-detention dahil walang bantay.

"Don't think about escaping. As long as you're inside her territory, she knows what you're doing." Parang nabasa ni Nero ang nasa isip ko.

"Gising ka pala. Nandito sa desk yung paper mo," sagot ko. "Gawa ka daw reflection paper."

"Tsk."

Napakibit-balikat na lang ako. Two hours akong tutunganga dito. I heaved a sigh. I guess I'll just have to do my reflection paper para naman mabawasan ang oras na bored ako.

Pagkatapos kong masulat ang reflection paper ko, nakasubsob na lang ako sa desk. Hindi ko na alam kung anong balak ko sa buhay. Sinubukan kong matulog, hindi naman ako inaantok. Haaay, ganito pala ang feeling kapag nasa detention ka.

Napaangat ang ulo ko nang maramdaman kong may gumalaw ng bag ko. Umupo si Nero sa tabing upuan, kinakalkal yung mga gamit sa loob ng backpack ko.

"Anong ginagawa mo?!" asik ko.

Hindi siya sumagot. Sa halip, inilabas niya ang iPod at earphones ko. Isinarado niya ang backpack at hinagis sa may likuran. Bastos talaga.

"Akin na nga 'yan! Baka ma-confiscate pa 'yan ni Mrs. Walters!"

He glared at me. Tinuloy-tuloy niya lang ang pagpindot sa iPod ko. Maya-maya, sumandal siya sa upuan at ipinikit ang mga mata habang nakikinig sa music.

Napasandal na lang din ako. Ugh, wala naman kasi akong kasalanan, bakit ako ang nilagay nila dito? Okay lang sana kung ako lang mag-isa eh. Kaso nakasama ko pa 'tong sadistang 'to.

Nagulat na lang ako nang ilagay ni Nero ang isang earpiece sa tainga ko. Malakas na tumutugtog ang 'Fourth of July' ng Fall Out Boy. Napatingin ako sa kanya, nakapikit pa rin siya.

Hindi na ako nagsalita pa at hinayaang tumugtog ang sunod-sunod na kanta ng F.O.B sa bago nilang album na American Beauty/American Psycho. Hindi ko alam na ganito rin pala ang trip na kanta ni Nero.

Maya-maya, nagsalita siya.

"I'm moving in the House of Jokers today."

~

Nero moving in the House of Jokers? Definitely not a good idea.

Eh yun nga lang bibisita siya sa bahay, hindi ko na matagalan eh. Tapos ngayon, doon na siya titira? My life will surely be a living hell.

Maraming nag-akala na kasama ko sa iisang bubong si Nero simula nang pansamantalang alisin siya ni Miss Elina sa House of Piques. Ang totoo niyan, hindi talaga doon nakatira si Nero. Isang buong araw nga lang, di na siya makatagal eh. Isang beses lang 'yan natulog doon, mga panahong bagong pasok pa lang ako dito. Iyon ang gabing narinig ko siyang may kausap sa labas. Pagkatapos nun, di na siya ulit natulog doon.

Mayroong sariling tambayan ang Spades' Royale at doon muna pansamantalang tumutuloy si Nero. Madalas siyang pumupunta sa bahay, doon siya buong maghapon, natutulog ng nakaupo sa malaking sanga ng puno sa may bakuran. Ito ang paraan niya para akalain ng mga tao, lalong-lalo na si Miss Elina, na doon talaga siya nakatira. Pero kapag hating-gabi na, didiretso na siya sa tambayan ng grupo niya. Tanging ako at ang buong grupo ng Spades' Royale lang ang nakakaalam tungkol sa pagpuslit ni Nero. Tahimik lang ako pagdating sa usaping 'to. Bukod sa pinagbantaan niya akong susunugin at gagawing abo, pabor naman sa 'kin na wala siya sa bahay.

Walang asungot, sadista, suplado at aroganteng tao akong pakikisamahan. Tahimik ang buhay ko.

Pero ngayong nalaman kong doon na talaga siya titira, hindi ko na alam kung anong mangyayari sa buhay ko. Baka hindi na ako makalabas ng buhay mula sa institusyong ito.

"Oh, sa baba ka matulog," abot ko sa kanya ng comforter. Saglit na bumaba ang tingin niya sa hawak ko, at muling bumalik ang kanyang tingin sa 'kin na para bang nagtatanong, 'Nagbibiro ka ba?'

Itinaas ko ang isang kilay ko bilang pagsagot, 'Mukha ba akong nagbibiro?'

He smirked. Akmang papasok siya sa kwarto ko nang ihagis ko sa kanya ang comforter. Not this time, Nero.

Mabilis na isinarado ko ang pinto at ni-lock. Bahala siya dyan. Ako ang naglinis at nag-ayos nitong kwarto at pati na rin ng buong bahay kaya ako ang may karapatang matulog dito.

"Open the door, transferee." Sunod-sunod na katok ang ginawa ni Nero, halatang naiinis na.

"Ayoko!"

"Open this fucking door or I'm gonna make you suffer in the next training."

"Bahala ka dyan. Ako ang nauna at ako ang naglinis kaya ako ang matutulog dito. End of conversation."

Tumigil din naman siya sa kaka-katok niya. Napagod siguro. Kailangan ko pang mag-ayos, may night class pa kami mamayang ala-sais.

Quarter to six na nang lumabas ako ng kwarto. Wala na yung sadista, baka nauna nang umalis. Sinukbit ko yung backpack ko, lumabas ng bahay at siniguradong naka-lock ang front door bago ako umalis. Dire-diretso akong lumakad papunta sa lecture building kung saan nangyayari ang night shift class namin.

Pagdating ko sa classroom, biglang nanahimik ang mga babaeng nandoon. Lahat ng atensyon nila, nasa 'kin. Baka may binabalak na naman sila. Inaasahan ko na 'yun. Na sa pagpasok ko ng classroom, may kung ano mang tatama sa 'kin, itlog o harina, pwede ring pintura o kaya naman tubig, tapos bubuhusan ako ng chalkdust.

Pero parang may anghel na dumaan. Nagkaroon ng milagro. Dahil sa unang pagkakataon, nakarating ako sa upuan ng ligtas at normal.

Pagkatingin ko sa kanila, bumalik na sila sa kanya-kanyang ginagawa. May mga hawak-hawak silang papel. May homework ba kami?

"Thanks to that selfish bastard. No one dares to touch you," bulong ni Irish na katabi ko.

Umayos ang buong classroom nang may dumating. Akala namin si Professor Xavier, isang lalaking estudyante pala mula sa kabilang classroom.

"You'll have your music lessons in the theatre room." Anunsyo nito. Dali-dali kaming nag-impake ng gamit at dumiretso sa 1st floor kung nasaan ang theatre room.

"Anong meron? Bakit bigla tayong pinalipat ni Professor Xavier?" tanong ko kay Irish habang naglalakad.

"It's the time of the year when they start to pick the characters for the annual musical play. Although pre-auditions pa lang naman ngayon."

"Musical play? May ganon pala dito?"

"Ano namang akala mo sa'min? Puro panghuhuli lang ng hollows ang inaatupag?" natatawang tanong ni Irish.

"Don't blame me. Sa sobrang busy niyo ba naman sa pagt-training, may panahon pa pala kayo para dito."

Irish rolled her eyes. "Mavis, walang 'niyo'. 'Tayo' meron. You're part of the House, wag ka ngang sumasagwan palayo."

"Sumasagwan palayo? Naks! Saan mo nakuha 'yan?"

Irish giggled. "Ewan ko sa'yo!"

Pagkarating namin sa theatre room, halos hindi maitago ng ilang babae ang kanilang kilig. Paano ba naman kasi, nasa loob din yung mga lalaking seniors. Minsan lang kasi magsama ang mga babae at lalaking seniors. May mga ilang pagkakataon sa training, depende kung anong activity, o kaya naman kapag break time. Pagdating naman sa night class, magkahiwalay ang classroom ng babae sa lalaki, kaya hindi talaga nagku-krus ang landas ng dalawa.

Nasa loob na ang music instructor namin na si Professor Xavier. Nakaupo sa tabi niya si Mrs. Walters, ang professor sa language and literature at ang in-charge sa detention. Mukhang silang dalawa ang magsu-supervise dito.

"Bakit parang masyadong pinaghahandaan ng iba 'to?" bulong ko kay Irish nang makaupo na kami. Naalala ko yung mga babaeng may hawak ng papel. Malakas ang pakiramdam ko na para dito ang inaaral nila.

"It's a big break kapag nakuha ka. It doesn't matter if it's a minor or major role, makuha ka lang bilang isang character, okay na. You get a chance to perform onstage. At kapag maganda ang pag-arte mo, you'll be noticed by the Royal Council. Who knows what job they might offer to you? Isa pa, hindi lang Royal Council ang manonood, pati na rin ang buong Card players from this House and House abroad. Instant discovery!"

"Mayroon pang ibang House maliban dito?"

"All over the world, there are a total of five houses. Although wala masyadong communication ang House natin sa tatlo pang Houses, ang pinakamalapit sa atin ay ang Cheshire's Lair. Sila ang pumupunta dito every year."

Natawa ako. "Cheshire's Lair, cute name for an academy."

"Yep. Cute name, deadly students."

Natuon ang atensyon namin ni Irish sa stage nang tumayo dito si Mrs. Walters. She said her greetings and explained how this will work. Simple lang naman ang gagawin, pipili sila ng kanta at ng mga kakanta nito. In short, on the spot performance. I wonder kung para saan ang mga papel na hawak ng ibang kaklase ko kanina kung on the spot performance din lang 'to?

Pero ano raw? Kakanta? Are they serious?

"Pwede bang mag-back out?" tanong ko ulit kay Irish.

Sunod-sunod na iling ang ginawa niya. "Bakit?"

"Hindi ako marunong kumanta."

Shit talaga. Mapapahiya lang ako dito.

"This is only a pre-audition for the musical play that will be held here in the next few months. As for the real audition, we'll let you know after we have talked to the set of judges. For now, we will see and measure what you can do and just a tip, If you badly want to have a role, make sure you'll make a performance today that no one will ever forget. Good luck, seniors!"

Nagpalakpakan ang mga nasa loob at bumaba na si Mrs. Walters mula sa stage. Pumwesto naman si Prof. Xavier sa harap ng grand piano.

Nagsimulang magtawag ng pangalan si Mrs. Walters. Isang pangalan ng babae at isang pangalan ng lalaki. Nagbibigay sila ng random na kanta. Bibigyan ng tatlong minuto ang dalawa para pag-usapan kung anong part ang kakantahin ng bawat isa.

Ilang pares na ng pangalan ang natatawag ni Mrs. Walters. Wala man lang siyang kaemo-emosyon kapag may nagper-perform sa stage. Halos nangangalahati na siya nang tawagin niya si Irish.

"On the stage, Ms. Irish Fairchild. And your partner will be.. let's see.."

Tinignan ni Mrs. Walters ang listahan niya. "Ah, Mr. Terrence Dragonaire."

Nagtilian ang mga babae. Hindi na ako nagtaka pa kung bakit. Miyembro siya ng Spades' Royale, ang sikat na grupo nina Nero, at siya rin yung lalaking laging may hawak na PSP.

Nag-thumbs up ako kay Irish na nakatayo na sa stage kasama nung Terrence. Nasa tabi sila ng grand piano, hawak-hawak yung kopya ng kantang in-assign ni Professor Xavier. Saglit na nag-usap ang dalawa, at pagkatapos ay nagsimulang tumugtog ang propesor.

"I've been living with a shadow overhead. I've been sleeping with a cloud above my bed. I've been lonely for so long. Trapped in the past, I just can't seem to move on."

Hindi man halata pero maganda talaga ang boses ni Irish. Kapag magkasama kami niyan, parang may nakakabit na earphones sa tainga ko. Lagi kasing kumakanta eh.

"I've been hiding all my hopes and dreams away. Just in case I ever need 'em again someday. I've been setting aside time. To clear a little space in the corners of my mind."

Halos hindi naman tumigil sa kakatili yung mga babae kong kaklase. May magandang boses rin pala 'tong si Terrence kahit na mukhang puro PSP ang inaatupag.

"All I want to do is find a way back into love. I can't make it through without a way back into love. Oh oh oh~"

Ang sarap nilang pakinggan. Tahimik ang buong lugar, lahat ng atensyon nakatutok sa kanila. Hindi sa biased ako pero sa lahat ng mga nagperform ngayon, sa kanila ako natutuwa at nag-eenjoy.

Sinubukan kong silipin si Mrs. Walters, wala pa rin siyang emosyon. Hindi ba siya natutuwa?

Natapos kumanta ang dalawa. Inaasahan ko na ang malakas na pagtili ng mga babae para kay Terrence. Pero hindi na ako magtataka pa kung malakas ang hiyawan ng mga tao sa theatre room. Magaling talaga silang dalawa.

"I knew you'd kill it." Bati ko kay Irish pagbalik niya sa tabi ko.

"Whoo! Grabe kaba ko. Grabe talaga!"

"You deserve a spot, Irish. Hindi nila alam kung gaano kalaki ang mawawala sa kanila kapag hindi ka nila kinuha."

"Seryoso? Walang halong bola?"

Nakangiting tumango ako. Naputol ang pag-uusap namin nang magsalita si Mrs. Walters.

"On the stage, Ms. Mavis Celestine. And this also goes for you, Mr. Nero Xy Silverblaze."

Naramdaman ko na naman ang matatalim na tingin nila sa'kin, lalo na yung mga babae kong kaklase. Pero mukhang hindi na nila ako magagalaw, dahil na rin siguro sa banta ni Nero. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at dumiretso paakyat sa stage.

"Mr. Silverblaze, get up here." Tawag ni Mrs. Walters pero walang sumasagot.

"Is Silverblaze present?" lumingon si Mrs. Walter sa hanay ng mga lalaki. Nailing-iling na lang siya nang hindi niya makita ang hinahanap niya.

"Cutting his class again," muling binalikan ng propesor ang kanyang listahan. "Mr. Hunter Foxtail, you're up."

Muli na namang silang naghiyawan. Hindi ba sila napapagod?

Umakyat yung lalaking miyembro din ng Spades' Royale at napansin ko na siya rin yung lalaking nagpatigil doon sa mga babaeng pinagsisipa ako. Pag-akyat niya, inabot niya mula kay Professor Xavier ang kopya ng kanta at pagkatapos ay pumwesto sa tabi ko.

Hindi kami nag-usap kung sino ang kakanta sa ganitong part. Mabuti na lang at duet talaga kumanta nito, baka siguro gagayahin lang namin kung ano yung original.

Nagsimula na ulit tumugtog si Professor Xavier. Tumutok na lang ako sa papel na hawak ko. Si Hunter ang naunang kumanta.

"Do you hear me? I'm talkin' to you. Across the water, across the deep blue ocean. Under the open sky, oh my, baby I'm tryin'."

Shit. Hindi ko alam na pati pala siya magaling kumanta. Bakit kasi ako pa? Masisira lang yung kanta.

"Boy, I hear you, in my dreams." Nanlalamig ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung namalikmata lang ako pero napansin kong napakunot ang noo ni Mrs. Walters.

"I feel you whisper, across the sea. I keep you with me, in my heart. You make it easier when life gets hard."

Natapos ang kanta at alam kong hindi nila ito nagustuhan. Well yung sa part ko. Magaling naman kumanta si Hunter, sadyang ako lang ang nakasira.

Haaay, kung bakit ba kasi hindi rin ako biniyayaan ng talent sa pagkanta.

~

Sawakas, natapos na ang night shift class namin. Hindi pa rin matanggal yung kahihiyan ko dahil sa pre-audition kanina. Nilibre ako ni Irish ng icecream para naman gumaan ang pakiramdam ko. Pagkatapos, dumiretso na ako sa pag-uwi para makapagpahinga.

Ilang metro na lang ang layo ko sa bahay nang mapansin kong bukas ang front door. Shit. Shit talaga!

Yung mga gamit ko!

Dali-dali akong tumakbo papasok sa bahay. Umakyat ako sa hagdan papunta sa second floor at dumiretso sa kwarto. Pagkabukas ko ng pinto, nadatnan ko si Nero na prenteng nakahiga sa kama ko.

Kapag minamalas ka nga naman oh. Napahiya ka na nga ngayong araw, kinabahan ka pa dahil baka may magnanakaw na pumasok at pagkatapos, isang sadistang asungot lang pala ang sasalubong sa'yo.

"Pack your stuff, transferee. The room is mine," walang ganang sabi ni Nero. Inuubos talaga ng lalaking 'to ang pasensya ko eh.

Lumapit ako sa kama at sinipa siya paalis doon. "Asa ka. Alis dyan!"

He glared at me one more time at nagbanta pa gamit ang apoy na sumilab sa isang kamay niya. I answered back, giving him a killer look.

Akala niya magpapatalo ako sa kanya? Huh, asa siya.

Sumampa ako sa kama at sinipa siya paalis. Pilit niyang isinisiksik ang sarili niya at ako naman ang tinutulak para mahulog. Naging instant wrestling match ang nangyari. Pero kahit abutin pa kami ng umaga dito, hindi ako aalis!

Bigla na lang kaming napatigil nang may kumalabog sa taas. Napatingin sa 'kin si Nero, may mga matang nagtatanong. Hindi kasi siya natutulog dito kaya hindi siya sanay sa kumakalabog sa taas. Baka yung mga daga na naman.

Pero parang hindi 'yon ang kaso. Napatingin ako sa kisame. Tuloy-tuloy ang kalabog, mas malakas kesa noong mga panahong ako lang ang nandito.

Dati, hindi ko pinapansin. Akala ko mga dagang naghahabulan lang. Pero kakaiba ngayon ang mga kalabog na naririnig ko. At hindi ko alam pero nanlalamig ang buong katawan ko.

Parang may ibang taong nasa taas.

~

Kyamii's note: Sugar Rolls, na-miss ko kayo! Yie! Yes naman. Hahaha such kilig, much heart.

Anyway, siguro ito na lang ang question for today dahil bangag na ako at hindi ko na alam kung anong tinatype ko.

Ano yung kumakalabog sa bahay nila Mavis? Hala! Hahaha!

Ayun lang! Salamat sa pagbabasa at paghihintay ng update! Don't forget to leave your feedbacks! God bless and Good night!

P.S. Instant plug ng album ng F.O.B. Pakinggan niyo. Hahaha!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top