Card 8 ♣ Her Reason

Card 8 ♣ Her Reason

[Mavis Alair Celestine]

"What?! Seryoso ka?! 'Di nga?"

Tumango ako sa tanong ni Irish. Nasa bahay kami ngayon, tumakas na naman siya sa mga ka-House member niya para dalhan ako ng dinner. Minsan talaga napapaisip ako kung bakit ganito kabait sa'kin si Irish eh. Nakakaramdam tuloy ako ng guilt, marami na akong utang na loob sa kanya. Masyado na rin ata akong dumidipende.

"Teka, hindi ko ma-process," for the first time, ibinaba niya ang french fries na hawak niya sa plato at hindi makapaniwalang tumingin sa 'kin. "Nagsalita ka sa harap ng Royal Council?" ulit niya sa sinabi ko.

Kumunot ang noo ko. "May mali ba sa ginawa ko?"

Umiling-iling siya at binalikan ang kanyang pinakamamahal na french fries. "Wala naman pero whoa! You have the guts, Mavis. Ikaw na."

Ayon kay Irish, ako pa lang ang unang estudyante na nakagawa noon. Ang magsalita at magpaliwanag sa harap ng Royal Council nang hindi naman kinakailangan ang opinyon ko, ang presensya ko. Ako lang daw ang estudyanteng may lakas ng loob na pumunta ng kusa sa Royal Council.

Kinatatakutan kasi ang mga ito, ang labindalawang miyembro ng Royal Council, kaya naman hangga't maaari, umiiwas ang mga estudyante na ma-encounter sila.

Hindi na ako magtataka kung bakit parang maamong aso si Nero kanina. Tahimik lang itong nakaupo at nakikinig, umo-oo sa lahat ng sinasabi ng Council.

"Anong sabi ni Nero?" muling tanong ni Irish. "Anong reaksyon niya sa sinabi mo?"

"Wala. Ano ba dapat?"

"Wala? As in blanko? Hindi man lang siya nag-react nung binago mo yung storya?"

Umiling lang ako at muling sumubo ng kanin. Irish rolled her eyes.

"Huh, bakit nga ba siya magre-react e pabor na pabor naman sa kanya yung bagong storya mo. Akala ko pa naman pipigilan ka niya at sasabihin yung totoo. Well what do I expect from him? He's Nero, ang taong walang inisip kundi sarili niya."

Natawa na lang ako sa reaksyon ni Irish. Kakatapos ko lang ikwento sa kanya ang nangyari kanina nang kausapin ko ang Royal Council para magpaliwanag. Binago ko ng kaunti ang storya, sinabing hindi ako pinwersa ni Nero at tinuloy ko pa rin ang training kahit alam kong pwede akong mapahamak dahil sa Hollows na nandoon. Sinabi ko ring hindi namin inaasahan ang isa pang Hollow, at mabuti na lang at nakabantay sa 'kin si Nero.

Nagsalita rin si Miss Elina, ang Head Master, at sinabing binigyan niya nga ng misyon si Nero na tulungan ako. Ayon sa kanya, responsibilidad niya rin ang nangyari at maluwag niyang tatanggapin kung ano mang parusang ibibigay nila sa kanya. Kaya ang nangyari, napagdesisyunan ng Council na hindi muna i-expel si Nero.

"Anong final decision ng Council?"

"Yung dalawa nilang kasama, community service for one week. Yung kambal naman, dahil sila ang nagtakas ng Hollows, mayroon din silang one week community service at banned sila sa Mission Wall. Kaming dalawa naman ni Nero, two weeks of community service, banned sa Mission Wall at may ipapagawa pa ang Council na hindi ko alam kung ano. Sasabihin na lang daw nila sa tamang oras."

"Masyado ka kasing mabait eh, ayan tuloy nadamay ka pa." Para sa kanya ata yung sinasabi niya. "Eh bakit ba kasi gustong-gusto mong tulungan si Nero? Honestly Mavis, isa ka na ba sa mga fangirls niya?"

"It's not like I ca--" bigla akong napatigil nang maramdaman kong may nagbukas ng pintuan. Mukhang naramdaman din ito ni Irish. "Sino yun?"

Akmang tatayo pa lang kaming dalawa nang bumungad na si Nero sa kitchen door. He crossed his arms, as if waiting for Irish to get out.

Humarap sa'kin si Irish, "Sige, una na 'ko. Bukas na lang ha."

"Hatid na kita."

"Wag na. Mukhang may kailangan sa'yo yung isa dyan." Tumayo na siya at kinuha ang kanyang bag. "Sigaw ka lang kung may binabalak 'yan ha."

"I can perfectly hear you." Sabat ni Nero.

"Mabuti naman. Para alam mong ako ang makakaharap mo 'pag may ginawa kang masama kay Mavis." Tinapik niya ako sa braso. "Una na 'ko, hindi ko na gusto ang ambiance dito."

Nagsukatan muna ng tingin ang dalawa bago tuluyang lumabas si Irish ng kusina. Nang sumara ang front door at nakalabas na si Irish ng bahay, dumiretso si Nero sa loob ng kusina, hinila ang upuang katapat ko at doon pumwesto.

"Kain." Alok ko. Ang bastos ko naman kung kumakain ako tapos nakatingin lang siya.

"O-Oy!" Nanlaki ang mga mata ko nang sumilab ang apoy sa isang bowl na nasa lamesa. What the hell, sayang yung niluto ni Irish! "Tigilan mo nga! Kung ayaw mo sabihin mo ng maayos!"

Hindi niya ako pinansin. Sa halip, tumayo siya, hinawakan niya ako sa pulso at kinaladkad paakyat sa second floor. He pushed me against the wall and slammed his right fist just beside my face.

"Ano bang problema mo?!"

"Ikaw!" sigaw niya. "You keep messing with my fucking business! Ang hilig mong mangielam!"

Bahagya niyang ibinaba ang mukha para magkasalubong ang mga mata namin. "Now tell me, bakit mo ginawa 'yon?"

Diretso kong tinitigan ang matatalim niyang tingin, "I have my reasons."

"Then tell me your fuckin' reasons!"

"Hindi ko kailangang magpaliwanag sa'yo."

Hinampas ni Nero ang dingding at bahagya siyang lumayo sa'kin, mukhang sinusubukan niyang magtimpi ng galit. He inhaled deeply, and roughly ran his fingers through his hair.

"Gusto ko lang malaman kung bakit mo ginawa 'yon," mas kalmado niyang sabi kaysa kanina, pero halatang-halata pa rin ang inis sa tono ng boses niya. 

"Bakit ba kasi gusto mong malaman?"

"Can't you just tell your fuckin' reason?!" muli na namang tumataas ang boses niya.

"Tell me yours and I'll tell you mine. It's a matter of give and take."

Muli na naman siyang huminga ng malalim. "You need something from me, don't you? That's why you helped me and twisted the fuckin' truth in front of that shitty Council. Because I feel so fucking messed up right now, knowing that I had to depend on someone."

"Ayoko lang ng may utang na loob," dagdag niya pa.

Exactly the same way I feel about Irish.

Umiwas ako ng tingin, "You're right. I need something from you. Ikaw lang ang makakatulong sa'kin pagdating sa trump card ko kaya kita tinulungan. Kaya sana hindi ako nagkamali sa desisyon ko. Happy?"

"Is that all?" he asked. Tumango ako. Hindi na siya nagsalita pa at umalis na sa harapan ko.

I sighed. That is the reason he wants to hear, pero hindi iyon ang totoong rason kung bakit ko siya tinulungan. Sa totoo lang, marami namang pwedeng tumulong sa'kin pero pinili ko siya. Patuloy kasi akong binabagabag ng gabing 'yon, nang marinig ko siyang nakikipag-usap sa likod ng bahay.

It was around 3 in the morning, bumaba ako sa kusina para kumuha ng maiinom. I heard voices outside, ang isa doon ay kay Nero. They were discussing something, and it was audible enough for me to hear.

"I heard the news. You better get yourself straight kid, or else you are just another black sheep that should be hunted and slaughtered in the near future."

"Hindi mo kailangang ulit-ulitin."

"Just reminding you, Nero Xy. This is the only way the clan can consider your existence as a fire wielder."

~

"On your mark. Ready. Set.."

"Go!" Coach pulled the trigger. Nang marinig nila ang signal, nagsimula nang tumakbo ang mga babaeng nasa starting line. Kakatapos lang ng mga lalaki sa activity na 'to kaya naman nakaupo sila sa grass field at nagpapahinga. Kaming mga babae naman ang nakasalang. This is our final training activity for today, one of the track and field events known as hurdling.

May mga barriers ang magkakasunod na nakapwesto sa running track. Nakaayos ang mga ito sa eksaktong layo at taas ng bawat isa. The only way to get pass the hurdles is to run over it. Strictly no use of trump cards, just pure strength, speed, focus and technique.

"Next set, line up!" Tawag ni Coach. Tinapik ako sa braso ni Irish. "Tara."

Pumwesto kami sa starting line. Hindi na bago sa'kin ang activity na 'to. I used to do this when I was still under my sensei's care. Isa sa mga task na pinapagawa niya sa'kin.

"On your mark. Ready. Set.."

"Go!" The sound of the gun shot echoed through the field. Tumakbo ako, and slowly picked up my pace. Tinalunan ko ang unang barrier at ganoon ang ginawa ko sa mga sumunod pa. I was halfway through when I noticed something weird.

Shit! The hurdle moved!

Bahagya itong gumalaw papalapit sa isa pang hurdle. Hindi na pantay ang sukat ng layo nito. If that's the case, mahihirapan akong makahanap ng bwelo para matalunan ito.

At this rate, I might crash. No, I'll definitely crash! Hindi ko mapigilan ang sarili ko, masyadong mabilis ang takbo ko simula kanina.

Malapit na ako sa hurdle na umusog nang biglang sumilab ang apoy dito. Ganoon din ang nangyari sa natitira pang hurdles. Mabilis na naging abo ang mga ito, kaya ang inaasahan kong pagtama ng malakas sa mga barrier, napalitan ng parang itim na pinong buhangin ang tumatama sa'kin.

Unti-unting bumagal ang takbo ko hanggang sa tuluyan akong tumigil. Napahawak ako sa dalawang tuhod ko, panay hinga ng malalim. Ah grabe! Muntik na. Kung hindi nangyari 'yun, malamang sa malamang, uuwi akong pilay ngayong araw.

Narinig ko ang malakas na pito ni Coach, hudyat na itigil muna ang activity.

Mabilis na lumapit sa'kin si Irish. "Okay ka lang? Anong nangyari?" She asked between panting breaths.

Itinaas ko ang isang kamay ko para mag-thumbs up kay Irish. Lumapit si Coach sa'min, pati na rin ang mga kaklase kong babae.

"Silverblaze!" Rinig kong tawag ni Coach kay Nero. Bumaba siya sa running track, kasunod ang iba pang mga lalaki. May sinulat si Coach sa isang papel at binigay ito kay Nero nang makalapit siya.

"Detention again, Silverblaze! For burning the some of the House's property. What exactly were you thinking?!"

Hindi sumagot si Nero. Lumapit ako kay Coach para magpaliwanag.

"Coach--"

"Celestine, detention as well!" Binigyan ako ni Coach ng kaparehas na papel na binigay niya kay Nero. "Hindi ko alam kung anong kalokohan ang binabalak niyo pero 'wag niyong idamay ang mga gamit sa klase ko!"

"Pero coach!"

"Rest of the class, dismissed!"

Tinitigan ko yung maliit na papel na hawak ko. Nakasulat sa pulang tinta ang malalaking letra ng salitang, Detention.

Sa tanan ng buhay ko, ito ang unang beses na may naglagay sa 'kin sa detention. I'm sure having lots of first in this place. And those 'first times' I'm having right now were definitely not good at all.

"Mavis, magpalit muna tayo ng uniform." Yaya ni Irish. Tumango ako at sumunod kami sa mga babaeng naglalakad paalis ng running track.

Sinalubong ako ng matatalim na tingin pagdating ko ng girls locker room. Mukhang galit na galit na naman sila dahil napahamak na naman si Nero nang dahil sa'kin.

Hinawakan ako ni Irish sa pulso at nilagpasan namin ang mga babae. "I got your back," bulong niya.

 Nakarating naman ako sa locker ko ng ligtas, salamat sa tulong ni Irish. Gusto ko sanang patapusin muna ang lahat ng babaeng nagbibihis kaso paniguradong male-late ako sa detention at madadagdagan na naman ang oras na itatagal ko dun. Dali-dali akong nagtanggal ng P.E. uniform at ikinabit ang palda ko.

Akmang isusuot ko na ang puting blouse ko nang may humablot nito sa'kin. Ang babaeng 'to.. siya rin yung babaeng gumawa ng pambababoy sa locker ko at sinundan ako hanggang bahay para ipabugbog sa mga kasama niya.

*BLAG

Hinampas niya ang locker ko, at ibinalandra niya sa harap ko ang blouse na unti-unti niyang pinupunit.

"Hindi naman ata tama 'yan." Hinawakan siya ni Irish sa balikat pero bigla siya nitong hinampas sa mukha, dahilan upang mapaatras si Irish.

Kapag ibang tao na ang nadadamay, ibang usapan na 'to.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I shoved my fist in her stomach. Naramdaman kong may pumulupot sa kamay at bewang ko at inilayo ako sa kanya. She wiped the blood that trickled beside her mouth. She clenched her fist and punched the locker beside her.

"You are messing with the wrong person, transferee."

Lumutang ang mga gamit na nasa loob ng lockers room, kabilang na dito ang anim na malalaking upuang kahoy. Sa iisang direksyon lang sila nakatutok, at iyon ay sa akin.

"Die bitch."

Napapikit ako. Ilang segundo ang nakalipas pero walang tumama sa'kin. Pagmulat ko, may malalaking ugat ang nakapalibot sa'kin.

"I don't think you are allowed to use your trump card without permission." Narinig ko ang boses ni Irish.

"Messing with my business, Fairchild?" she smirked. "Ladies, take care of the fairy for me."

Umabante ang apat pa niyang kasama, yung mga babaeng bumugbog sa'kin at pinagsisipa na parang bola. Muling humarap sa'kin yung leader nila, a wicked smile formed in her face.

Binasag ng isang kasama niya ang malaking salamin sa loob ng kwarto. Lalong lumawak ang ngiti ng babae, gumalaw ang mga pira-pirasong salamin kasabay ng paggalaw ng kamay niya. Ang matutulis nitong bahagi ay muli na namang nakatutok sa 'kin.

"Those who can't protect themselves do not have a place in here. You picked the wrong path as soon as you stepped in this hell."

Nagulat ako nang sumilab ang apoy paikot sa babae. Nahulog ang pira-pirasong salamin. Napatingin kaming lahat sa kakabukas lang na pinto. Dire-diretsong pumasok ang limang lalaki, walang pakielam kung girls locker room ba ito o hindi.

Nawala ang apoy sa palibot ng babae. Nagulat ako nang kwelyuhan siya ni Nero at malakas na itinulak sa mga lockers.

"Touch my student again and you'll turn into ashes for the next few seconds." Kalmadong sabi ni Nero.

"P-Pero N-Nero.."

Binitawan siya nito at napaupo na lang ang babae sa sahig. Humarap sa'kin si Nero at.. at..

Shit wala pala akong suot na blouse!

Mabilis na niyakap ko ang sarili ko at napatingin sa ibang direksyon. Ugh! Nakakahiya! Hindi ko alam gagawin ko!

Bigla na lang may pumulupot na damit sa katawan ko. Napatingin ako kay Nero, tinanggal niya ang itim niyang blazer kasama na rin dito ang pula niyang necktie. Isinilid ko ang dalawa kong kamay papasok para maisuot itong maigi. Mabilis kong kinabit ang mga butones. Matapos kong ayusin ang necktie na kasama nito, bigla na lang hinila ni Nero ang necktie at kinaladkad ako palabas ng locker room.

"Ayoko nang madagdagan pa ang oras ko sa detention nang dahil sa'yo."

~

Kyamii's Note: Bakit kaya galit na galit si President Irish kay Nero? Pansin niyo ba, Sugar Rolls? At sino yung kausap ni Nero noong gabing 'yon? Pero atleast, hindi maeexpel si Nero at nalaman na natin ang rason ni Mavis! Hahaha anyway, sana kinilig kayo (kasi sinusubukan kong magpakilig XD hahaha) Oh and I'm hoping for your feedbacks =)) By the way, baka matagalan ang pag-update dito bunga ng may pasok na kami and you know.. acads. So please bear with me. If you want, you can check my other stories. Salamat sa pagbabasa at sa suporta! Have a nice day guys!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top