Card 7 ♦ Expulsion

Card 7 ♦ Expulsion

[Mavis Alair Celestine]

Isang puting kisame ang sumalubong sa 'kin pagkamulat ng mga mata ko. Inilibot ko ang paningin sa lugar, at napansin si Irish na nakaupo sa tabi ng kama, mukhang nakatulugan na ang librong nakapatong sa katawan niya.

Sinubukan kong gumalaw, at konting pag-angat lang ng ulo ko mula sa pagkakahiga, halos umikot na ang paningin ko. Mukhang naalimpungatan si Irish, at dali-daling pumunta sa tabi ko para umalalay.

"Okay ka lang? Anong masakit sa'yo? Anong gusto mo? Bakit di mo ko ginising?" sunod-sunod na tanong niya. Inayos niya yung unan sa likod ko at inilalayan akong maka-upo.

Isinandal ko yung ulo ko at pumikit. Parang ang bilis ng ikot ng mundo.

"May gusto ka ba?" narinig kong tanong ni Irish.

Minulat ko ang mga mata ko at tumingin sa kanya, "Tubig."

Kumuha siya ng bote ng mineral water at iniabot sa 'kin. "Anong gusto mong kainin? Bumili ako ng tinapay. Gusto mo ba ng kanin? Bibili ako."

Bahagya akong umiling sa alok niya. "Busog pa 'ko. Salamat."

Hindi ko alam kung bakit pero uhaw na uhaw ako. Parang kulang na kulang sa tubig ang katawan ko kahit na may nakatusok sna dextrose sa 'kin. Humingi pa ako kay Irish ng isang bote at muli, naubos ko ito.

"Mavis, kailangan mong kumain. Isa't kalahating araw ka nang tulog dyan. Wala pang laman 'yang tiyan mo."

Napakunot ang noo ko. Isa't kalahating araw akong tulog? T-teka, ano bang nangyari sa 'kin?

Pinilit kong alalahanin yung huling nangyari. Ang huli kong natatandaan, dinala ako ni Nero sa isang lumang building para magtraining. Tapos kinulong niya ako doon kasama ng apat na Hollows. Tapos...

Ah shit! May panglimang Hollow na nasa loob ng building. Pero hindi ko na maalala yung sumunod doon.

"Irish," tawag ko sa kanya na kasalukuyang ikinakabit ang butones ng itim na coat niya. Saan pupunta 'to?

"Oh? Ano 'yun? Bibili lang ako ng makakain mo."

"A-alam mo ba kung paano.. paano ako napunta dito?"

"Iku-kwento ko sa'yo pero dapat kumain ka muna."

Napabuntong hininga ako. May pagkamakulit din 'tong si Irish eh. Mukhang di siya titigil hangga't hindi ako kumakain kaya tumango na lang ako bilang sagot.

"Okay! Bibili lang ako saglit. Antayin mo ko ha?" nakangiting sabi niya. Lumabas siya ng kwarto at naiwan akong mag-isa doon.

Ilang segundo pagkalabas ni Irish, pumasok ang dalawang nurse. May mga tinatanong sila sa'kin, chineck nila ang blood pressure ko at may tinurok. Pagkatapos ay nagpaalam din sila at sinabing antayin na lang daw ang sasabihin ng doktor.

Hindi naman nagtagal si Irish at bumalik na may dalang pagkain. Inilagay niya 'yon sa isang pinggan at hinain sa harap ko.

"Susubuan kita?" tanong niya.

I shot her a killer look.

"Biro lang." Natatawang sagot niya. "Tara kain na tayo."

As usual, may kasamang french fries yung meal na in-order niya. Sabay kaming kumain at sinimulan niya ring mag-explain tungkol sa nangyari sa 'kin.

"Narinig ko na lang na sinugod ka dito, kasama sina Nero at ang buong Spades' Royale--"

"Spades' Royale?" putol ko sa sinasabi niya.

"Tawag sa samahan nila Nero." Tumango-tango ako at nagpatuloy siya. "Ayon sa Akira twins, may training ka daw kasama si Nero kaya dinala ka sa lumang building na 'yon. They were trying to help you bring out your trump card, and everything was under control. At hindi daw nila inaasahan ang isa pang Class A Hollow na nasa loob."

"Class A Hollow?" muli kong tanong.

"May ranking kasi ang Hollow base kung gaano kalakas ito. Class D ang pinakamahina, Class S ang pinakamalakas, sumunod ang Class A. Kaya naman.."

Napatigil si Irish sa pagsasalita at nag-aalangan tumingin sa 'kin. Parang pinag-iisipan niya kung tama bang sabihin niya sa'kin iyon o hindi.

"Please tell me the truth."

Irish heaved a long sigh. "You hardly escaped the situation. Masyadong malaki ang damage, even the whole group of Spades' Royale was involved. Sinubukan nilang kalabanin ang Class A, but it was too strong for them, kahit na dalawa ang Aces nila. And Nero, he pushed his trump card to its limit, kaya nagawa nilang patayin ito. They were able to bring you here, at doon na sila nagcollapse."

"Kamusta sila?" tanong ko.

"Sa ngayon, okay na ang kalagayan ng apat sa kanila. There's nothing to worry about. Pero si Nero, dahil sa sobrang lakas ng kapangyarihan na nailabas niya, hindi pa rin siya nagigising. He's still under observation."

Tumango-tango ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Isang parte sa'kin, nagui-guilty dahil sa sinapit ni Nero. Pero yung kalahati, sinisisi siya dahil sa kagagawan niya. Kung hindi dahil sa abnormal na takbo ng utak ng kumag na 'yon, hindi sana mangyayari ito.

Pero sa malamang at sa malamang, hindi na 'ko sisikatan ng araw kung hindi niya ako niligtas. Mas mahirap ang kalagayan niya ngayon kaysa sa'kin.

Ah! Ang gulo!

"I still have good and bad news for you. Anong gusto mong unahin ko?" tanong ni Irish.

"Kahit ano."

"Okay, good news is pwede ka nang ma-discharge bukas. May ibibigay lang sa'yo ang doktor ng ilang gamot na iinumin mo para tuluyan ka ng gumaling."

Tumango ako. "How 'bout the bad news?"

"Well, bukod sa hindi pa gumigising si Nero, if that concerns you, eh under investigation na yung aksidente. At nababalitaan ko na dahil sa inakto ni Nero, malaki ang posibilidad na ma-expel siya ng Council."

"Expulsion?!" halos mahulog ako sa kama sa sobrang pagkabigla. "Teka hindi pwede yun!"

"On going pa naman ang investigation for the next 48 hours. On the third day, magkakaroon ng Council meeting kasama ang Head Master, at magbobotohan kung dapat bang i-expel si Nero o hindi." Biglang napatigil si Irish sa pagkain ng french fries at seryosong tumingin sa akin. "Teka nga, bakit parang.."

"Don't get the wrong idea. I have my reasons," sagot ko.

"Okay if you say so." Sinaid na ni Irish yung french fries niya at tumingin naman sa french fries ko na halos wala pang bawas. "Kakainin mo pa ba 'yan?"

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Seriously, nakakailang order ba siya ng french fries sa isang araw?

"What?" tanong niya na para bang may inaakusa ako sa kanya.

"Wala." Sumandal ako at itinuon ang atensyon sa labas ng bintana, "Kainin mo na."

"Yaay~ Thanks!"

Muli akong napabuntong-hininga. Ano bang pwede kong gawin? Hindi siya pwedeng umalis.

Hindi pa.

~

It's been three days since the accident happened. Kakalabas ko lang kahapon galing sa ospital, at ngayon balik na agad ako sa training at klase.

Hindi ko pa rin nadadalaw si Nero, pero nabalitaan ko kay Irish na hindi pa rin siya nagkakaroon ng malay. Bukas na ang Council meeting kasama ang Head Master. Pagde-desisyunan nila doon kung anong parusa ang ibibigay sa apat na miyembro ng Spades' Royale, at kung papatawan ba ng expulsion si Nero o hindi.

Nasa locker room ako ngayon, magpapalit ng damit para sa susunod na training activity. Pagkabukas ko ng locker ko, halos hindi ko na makilala yung mga gamit na nasa loob nito.

Tinapunan ng pula at asul na pintura ang loob ng locker ko. May mga bubblegum pa na nakadikit sa gilid, sa P.E. uniform ko na halos gutay-gutay na ang tela. Sinabuyan pa nila ito ng thumbtacks, lalong-lalo na yung rubbershoes ko. Nakasulat din sa dingding ng locker ang mga masasamang salita sa 'kin, ang mga pagmumura nila, kasama na rin ang isang litrato kong dinrawingan at binaboy nila.

BANG!

Biglang may humampas sa locker at malakas na sumara ito. Isang babae ang nakatayo sa gilid ko, matalim na nakatingin sa 'kin. May apat pang nakatayo sa likod niya, lahat ng tingin nila, parang may masamang binabalak.

"Kilala mo na siguro kung sinong binangga mo." She smirked at dinura sa 'kin yung bubblegum na nginunguya niya.

Binangga niya ako at naglakad papalayo. Ganoon din ang ginawa ng mga kasama niya, yung iba pasimpleng hinigit pa ang buhok ko.

Ah, pang-anim na 'tong banta ngayong araw. Simula ng makalabas ako ng ospital, marami nang naghanda ng mga itlog at harina na itatapon nila sa 'kin. Marami nang nagbanta, marami nang nagsimulang pasimpleng manakit. Sa totoo lang, nung highschool, akala ko iyon na ang pinakamalalang pangbu-bully ang ginawa sa 'kin. May mas lalala pa pala.

Lahat sila, sinisisi ako sa kalagayan ni Nero. At mukhang wala silang balak na tigilan ako.

Nang matapos ang huling training activity, diretso na akong umuwi. Pinagbawalan rin si Irish na sumabay sa 'kin, o kahit sumama ng mga ka-House member niya. Mabuti na rin 'yon, para hindi na siya madamay pa.

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang bahay nang may humarang sa 'king limang babae. Namukhaan ko agad sila, yung mga babaeng may kagagawan ng pambababoy ng locker ko. Mukhang di pa sila tapos sa 'kin.

Lumapit sa 'kin yung babaeng nasa pinakagitna at sinampal ako. Hindi pa siya nakuntento, tinawag niya ang iba pang kasamahan para hawakan ako sa magkabilang kamay.

"Ano b--!"

Bigla na lang akong nakaramdam ng matigas na bagay na halos bumaon sa tiyan ko. Dumura ako ng laway, at halos mailuwa ko na ang kinain ko nang diinan niya pa ang kamao sa tiyan ko.

"Sinabi ko naman sa'yo na kikilalanin mo ang binabangga mo diba?" Mahigpit na hinawakan niya ang buhok ko at inilapit ang mukha ko sa kanya. "Ano ha?! Natutuwa ka bang nakikita mong ganyan si Nero ha?!"

Malakas na sinampal niya ulit ako sa mukha. Nalalasahan ko na ang dugong tumulo sa gilid ng labi ko.

Hinigit ko yung kanang kamay ko at sinipa yung babaeng nakahawak sa 'kin sa gilid. Sinubukan kong lumaban, pero dahil marunong din silang mag-martial arts, at dahil wala sa kondisyon ang katawan ko, madali nila akong napatumba sa lupa.

"Aba't pumapalag ka pa ha. Gulpihin na 'yan!"

Para akong bola na pinagpasa-pasahan ng mga kasali. Wala na atang parte ng katawan ko ang hindi nakaligtas sa mga sipa at tadyak nila.

"Tama na! Tama na, maawa kayo!" Sigaw ko. Hindi sila tumigil at lalo pang lumakas ang sipa nila. "Maawa kayo..."

Hindi ko na mapigilan pa ang pag-agos ng mainit na likido mula sa mga mata ko. Bakit pa kasi ako nasangkot sa ganito? Hindi ko rin naman ginusto ang nangyari ah. Bakit ako lang? Bakit ako lang ang sinisisi nila?

Bakit kailangan ko pang masaktan?

"That's enough!"

"Pakialam m-- Hunter!"

Bigla na lang silang tumigil. Nayakap ko ang sarili ko, hindi ko maipaliwanag kung gaano kahapdi at kasakit ang katawan ko ngayon.

"Ginagawa lang namin kung anong tama sa kanya, Hunter! Para kay Nero 'to!"

"Hindi ikaw ang magdedesisyon kung anong parusa ang ibibigay sa kanya. Stay out of our business."

"Pero Hunter--"

"Leave. Now."

Sinubukan kong imulat ang mata ko at nakita ang lalaking tinutukoy nilang 'Hunter'. Siya rin yung lalaking kasama nina Nero at ng kambal, mukhang isa rin sa mga miyembro ng Spades' Royale.

Tinitigan niya lang ako habang nakahiga ako sa lupa. Walang akong nababasang emosyon sa kanyang mukha, pati ang mga mata niya, blanko.

Idinako niya ang paningin sa ibang direksyon at naglakad  palayo sa 'kin.

~

Dumating na ang araw na hinihintay ko. Sabado, araw kung saan magdedesisyon ang Council kasama ang Head Master sa parusang ipapataw na natitirang miyembro ng Spades' Royale dahil sa nangyaring insidente. Araw kung saan malalaman kung mapapatalsik ba si Nero sa institusyon o hindi.

Mabuti na lang at nakahinga-hinga ako ng maluwag mula sa magandang balitang inihatid ni Irish kagabi. Nang malaman niyang nabugbog ako ng isang grupo ng mga babae, pumuslit siya mula sa bahay nila para tulungan akong gamutin ang mga sugat ko. Hindi siya nagtagal doon dahil pinagbawalan nga siya ng mga ka-House member niya, pero nagawa niyang dalhan ako ng first aid kit at ihatid ang balitang nagkamalay na si Nero.

Kaya ngayon, umaga pa lang nagpatulong na ako sa isa sa mga propesor para makapunta sa Central Suit kung nasaan ang House of the Royal Flush. Kailangan kong makausap si Miss Elina.

"What happened to you?!" ang pambungad na tanong ng Head Master nang pumasok ako sa opisina niya.

Malungkot akong ngumiti bilang sagot. Tumayo siya at lumapit sa 'kin para inspeksyunin ang mga pasa at sugat sa mukha at katawan ko.

"Come, umupo ka." Iginiya niya ako sa pulang couch na nasa gilid ng kwarto, katapat ng malalaking bintanang nakatanaw sa buong lugar. "Kumain ka na ba ng breakfast?"

Tumango ako. Biglang hinawakan ni Miss Elina ang mga kamay ko at tumingin sa akin. Kitang-kita ko ang awa at lungkot sa mga mata niya.

"Okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Do you want me to take you to the hospital?" may bahid ng pag-aalala ang tono ng Head Master, kahit na parang si Irish siyang magtanong dahil sunod-sunod.

"Okay lang po ako. Gasgas lang po ito."

"Who did this to you, Mavis? Tell me."

Sinabi ko ang totoo kay Miss Elina. Pati na rin ang mga pangbu-bully na natatanggap ko noong mga nakaraang araw.Inamin ko rin ang ilang mga banta na ang nakuha ko, na kapag hindi daw ako umalis, hindi daw nila ako titigilan. Sabi ng Head Master, may paglabag daw ang mga gawaing ito sa House Rules kaya may karampatang parusa siyang maibibigay dito. Pinilit ko siyang huwag nang ituloy, dahil ayoko nang lumaki pa ang gulo.

"Ang totoo po niyan, hindi po ang pangbu-bully nila ang sadya ko. Nandito po ako para humingi ng tulong. Sinabi niyo po kasi na kung may kailangan ako, pwede ko po kayong matakbuhan."

"Anything I can do for you, Mavis."

Seryoso akong tumingin sa kanya. "Tulungan niyo po sana akong makumbinsi ang Council na huwag nang patawan ng expulsion si Nero."

Bahagyang nagulat ang Head Master sa sinabi ko. Napalitan ng problemadong ekspresyon ang nag-aalala niyang mukha. Mukhang hindi ganoon kadali ang hinihiling ko.

Nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Miss Elina, hindi ko po talaga gawain ang magmakaawa pero.." lalong humigpit ang pagkuyom ng kamao ko. "Nagmamakaawa po akong iligtas niyo si Nero."

Bumuntong-hininga si Miss Elina. "Mavis, I cannot guarantee--"

"Pero, Miss. Hindi pa po pwedeng umalis si Nero. Hindi pa." Napatingin ako sa baba. "At may dahilan po ako kung bakit ko nasasabi 'to."

"May I ask the reason why?"

Umiling ako. "Pasensya na po pero wala po akong karapatang sabihin kung anong nalalaman ko ng walang permiso. Sana po naiintindihan niyo."

Saglit na umangat ang aking tingin at napansing tumango-tango ang head master.

"I'll see what I can do about it. Alam mo naman sigurong hindi lang ako ang magdedesisyon tungkol dito diba?"

Tumango ako at nanatiling nakayuko. "Opo, kaya nga po kung pwede po ulit akong humingi ng isang pabor sa inyo."

"Ano iyon?"

Huminga muna ako ng malalim at sinalubong kong muli ang tingin ng Head Master. Kagabi ko pa 'to pinag-iisipan at ngayon, buo na ang desisyon ko.

"Gusto ko po sanang personal na magpaliwanag sa harap ng Royal Council tungkol sa nangyari."

~

Kyamii's Note: Happy 1k sa HoC! Salamat sa patuloy na pagbabasa at pagsuporta, Sugar Rolls (Sugarol dapat 'yan, courtesy of Terrence the Ghost XD) Anyway, I do hope you enjoyed this update. Matatagalan ulit ang pag-u-update after two weeks dahil magkakaroon na rin kami ng pasok, so please, bear with this lazy potato.

Anyway, question for today: Ma-e-expel ba si Nero? Ano kayang makukuhang parusa ng mga miyembro ng Spades' Royale? At ano ang dahilan ni Mavis kung bakit ayaw niyang ma-expel si Nero? Ano ang nalaman niya tungkol dito?

Malalaman natin 'yan sa mga susunod na chapters so stay tuned and have a nice day!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top