Card 6 ♥ Danger Zone
Card 6 ♥ Danger Zone
"Sigurado ka ba sa kanya?"
Isang malalim na buntong-hininga ang isinagot ng House Head Master kay Professor Sebastian Xavier. Ibinaba niya ang mga papeles na binabasa, tinanggal ang salamin at minasa-masahe ang sentido. Halos buong gabi niya nang pinag-aaralan ang mga reports tungkol sa bumagsak na eroplano, pati na rin ang mga pasaherong nakasakay dito. Nasa pinakaunahan ng mga papeles na ito ang profile ng isang babae.
Celestine, Elizabeth Victoria
Ipinikit ni Miss Elina ang mga mata at sumandal sa upuan.
"Hindi ko alam, Professor. Hindi ko na alam."
She was so sure for the past months. Unang beses niya pa lang makita ang litratong fin-lash sa telebisyon, biglang tumigil ang mundo niya. She was so sure it was her, the lady they have been looking for.
"They have been changing identities for the past 18 years, Elina. Paano ka nakakasiguro na sila ang hinahanap mo?"
"How can I ever forget her face, Sebastian? She looks like her." Kinuha niya ulit ang litrato ng babae at tinitigan ito.
"Exactly like her," bulong niya.
"Elina, 18 years mo na silang hindi nakikita. Who knows what kind of change they have gone through. Alam mong hindi magandang rason 'yan."
"Pero si Mavis. There are signs that she can be a card player. Nakita mo yung academic performance niya. It's beyond average."
Professor Xavier leaned back on his chair as he sipped the warm Jasmine tea. Ibinaba niya ang teacup at seryosong tumingin sa Head Master.
"She's not a card player, Elina. If that's the case, she should've known her trump card right from the start. Pero ano? She's 18 and yet she has no idea what she's capable to do."
Napatigil ang Head Master. Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa kanya kung bakit hindi pa rin lumalabas ang trump card ni Mavis.
"Let's give her time, Sebastian."
It was a selfish request. Pero titigil pa ba siya ngayong nasimulan niya na?
"Elina, you are the head master. You, of all people, should know and remember the basics. At the early age of 3, nagpapakita na ang trump card ng isang individual. By 10, naco-control na nila ito. And our job here is to explore other possibilities for their trump cards. To enhance and develop for better use, that is one of our goals. The time you're requesting, it's just impossible."
Agad na sinundan ni Professor Xavier ang sinabi.
"Mavis. She maybe gifted due to her academic performance but, it doesn't mean she can possess a trump card. Alam mong iilan lang ang nabibiyayaan ng ganoong talento."
Muli, isang buntong-hininga ang isinagot ng Head Master. Hindi mapagkakailang may punto ang propesor. Karamihan sa mga tao ngayon, may kakaibang talento pagdating sa iba't ibang aspeto tulad ng academics, music o sports. Sila ang mga tinatawag na 'gifted'. At kapag nagkataon, sa murang edad na tatlo, madidiskubre nila ang mas malakas na kakayahan o kapangyarihan. Ito ang 'trump card', at iilan lang sa gifted ang nabibiyayaan nito.
Sa madaling salita, sa bawat isang daang libong tao, sampu lang sa kanila ang may kakaibang talento o 'gifted'. At sa sampung gifted na 'to, isa lang ang nagtataglay ng trump card.
Minsan nga, wala pa.
"Professor?"
"Hmm?"
"Do you know what happened when I first met Mavis?"
Hinintay ng propesor ang sagot ng Head Master. Sa pagngiti pa lang nito, alam niya na kung anong balak nitong gawin.
"Her eyes... There's something in her eyes that makes me want to hold on," dumako ang tingin ni Miss Elina kay Professor Xavier. "And I guess I should be."
Right at the moment she gave Mavis the contract, she knew she's already risking her career. Tapos na, nangyari na, at hinding-hindi na maibabalik pa.
For now, she's hoping for a miracle to happen.
Sana hindi siya nagkamali sa desisyon niya.
~
[MavisAlairCelestine]
"Kamusta ka? Okay ka lang ba? Naka-adjust ka na ba?"
Isang ngiti ang isinagot ko sa mga tanong ni Irish. Kakatapos lang ng dalawang training class namin at binigyan kami ng 15-minute break. Nasa canteen kami ngayon, nagpapahinga at hindi ko alam kung kakain ba ako o hindi.
Maliit lang kasi ang allowance na binigay sa 'kin, at wala akong ideya kung paano 'yon pagkakasyahin sa isang buwan.
Napansin niya ata na nakatingin ako sa mga itinitindang pagkain.
"Tara kain tayo, libre ko." Hinila ako ni Irish papunta sa mga tindahan. Nasabi ko na kasi sa kanya ang estado ko, pati na rin yung tungkol sa student ranking ko.
Bumili siya ng dalawang order ng french fries, yun daw kasi gusto niyang kainin. Sabi ko bahala na siyang pumili ng akin, kaya ayan.
"Uy."
"Oh?"
"Ano? Hindi mo pa sinasagot tanong ko."
Uminom ako ng tubig at tumingin sa kanya. "Mahirap mag-adjust. Lalo na pag may antipatiko, mayabang, walang pakisama, halimaw, demonyo.."
"Kalma be, ang puso."
Napatigil ako. Ah shit. Pag naiisip ko talaga yung lalaking yun, nag-iinit ang ulo ko. Sino ba naman ang hindi sasakit ang ulo kapag nakasama mo sa iisang bahay 'yon?
"Alam mo bang hindi niya ko tinulungan maglinis ng bahay?" casual kong sabi at kumain ng french fries. "Reklamo pa ng reklamo. Ah grabe lang."
Natatawang naiiling si Irish at dinuro-duro sa 'kin yung french fries, "Alam mo bang maraming naiinggit sa 'yo ngayon?"
"Ano naman ang kina-iinggitan nila?"
"Una, sinundo ka ng Akira Twins. Pangalawa, you're living under the same roof with Nero Xy Silverblaze."
"Oh anong meron dun?" takang tanong ko at sumubo ng french fries.
"Maraming babaeng nagkakandarapa sa kanila."
Umiling-iling ako sa sinabi niya. "That's absurd."
"Oh bakit? Hindi ka ba nag-gwapuhan?" hamon niya.
Sinalubong ko ang mga tingin niya at diretsong sumagot, "May itsura."
"Lahat naman tayo may itsura eh."
I smirked. "That's what I'm saying. Normal lang sila para sa'kin."
"Magbabago din 'yan." Pinunas ni Irish yung huling french fries sa plato para masaid yung ketchup. "Ah shucks, bitin pa 'ko."
Inusog ko yung plato ko na may laman pa papunta sa kanya. "Oh, iyo na. Kukuha lang ako ng tubig."
Tumayo ako at naglakad papunta sa water refill station nang biglang may nabunggo ako. Nagulat ako sa malamig na likidong kumalat sa suot ko.
"Oops. Sorry," maarte niyang pinagpag yung damit ko (na parang hindi naman halos dumampi yung kamay niya sa'kin). "Sinasadya."
She rolled her eyes and walked straight ahead. Narinig ko na lang yung mga tawanan nila sa likod ko.
That's the fourth accident for today. Sa loob ng dalawang oras at kinse minutos, hinagisan ng itlog, pinatid sa harap ng maraming tao, tinulak sa putikan at ngayon, natapunan naman ng orange juice. At sa loob ng maikling oras na 'yon, nakailang palit na 'ko ng damit.
Hindi naman ako habulin ng disgrasya ano?
"Mavis, okay ka lang?" tumakbo si Irish papunta sa gilid ko at pinunasan ang damit ko ng panyo niya. "Tara, magpalit ka na ng damit."
Mabilis lumipas ang oras at natapos na rin ang training class. Sa panahong 'yon, asahan niyong may nangyari na naman sa'kin. Nangangalahati pa lang ang araw, nakaka-anim na palit na 'ko ng damit.
Sinamahan akong maglakad ni Irish pauwi sa bahay. Gusto niya daw makasigurado na safe akong makakauwi bago pa man may mang-bully ulit sa'kin. Nang makarating kami sa harap, nagpaalam na siya dahil baka hanapin siya ng mga bagong ka-House member niya. Nagpasalamat ako sa paghatid, libreng french fries at libreng lunch na din.
Binuksan ko ang pinto, at akmang papasok nang bumungad sa'kin ang isang pagmumukha na talaga namang nagbibigay ng pasakit sa buhay ko. Ang dahilan din kung bakit ilang beses akong naaksidente ngayong arawn
"Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang sinasayang mo ang oras ko?" pambungad niya sa'kin. "Diba sinabi ko sa'yo na may training tayo ngayon?"
Hindi niya na ako hinayaang sumagot. Kinuha niya ang bag na nakasukbit sa balikat ko at basta na lang tinapon sa hallway ng bahay. Hinawakan niya ako sa siko at hinila palabas, papunta sa itim na kotseng nakaparada sa di kalayuan.
"Oy teka! Ano ba! Nasasaktan ako!" Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. Sapilitan niya akong ipinasok sa kotse at doon naman siya naupo sa pinakaharap.
"Hoy kumag! Saan mo ba ako dadalhin, ha?!"
Pinalo ko yung balikat niya nang hindi niya ako sagutin. Lumingon siya sa'kin at tumingin ng masama, naglabas pa ng apoy sa kamay.
"Kapag hindi ka nanahimik dyan, yari ka sa'kin." Banta niya.
Wala akong ideya kung saan ako balak dalhin ng kumag na 'to pero hindi ganoon katagal ang byahe. Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang lumang building. Bumaba si Nero, binuksan ang pintuan at hinila ako papalabas.
"Yo Boss!" sabay na bati ng kambal. Teka, anong ginagawa ng Akira Twins dito? Pati yung dalawa pang lalaking kasama nila nung House Adoption, nandito rin.
Wag mong sabihing...
Ah shit wag naman po sana yung iniisip ko. Kapag nagkataon, lugi ako dito.
Tumingin sa'kin si Nero. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa siko ko at niyakap ko ng mahigpit ang katawan ko.
"Hoy, anong plano niyong gawin sa'kin, ha?" Dahan-dahan akong naglakad paatras. "Wag niyo nang balakin, kung ayaw niyong masaktan."
Naguguluhang tumingin sa'kin si Nero pero mukhang nakuha agad ng kambal. Humagalpak sila ng tawa.
"Princess, wag kang mag-alala, wala talaga kaming balak gawin 'yon." Sabi ng isa.
Agad na sinundan ito ng kakambal, "Masyadong mataas ang standard namin sa babae. Besides, we can have that kind of 'thing' for free anytime. Mga babae pa nga ang nagyayaya."
Lumapit ulit sakin si Nero at hinila ako sa braso. "Tsk. Sinasayang niyo oras ko. Tara na!"
Bakit ba ang hilig mangaladkad nito?
Tumigil kami sa entrance ng building.
"Seals?" tanong niya.
"It's done." Sagot nung lalaking may hawak ng PSP. "Hunter and I set it up."
Tumango si Nero, "How 'bout the Hollows?"
"All aboard, boss." Sabay na sagot ng kambal na naka-thumbs up pa. "Sigurado ka ba dito, boss? 'Pag nahuli ka na naman ni Miss Elina..."
He smirked. "She requested for me to train her. This is my way."
Binuksan niya ang pintuan at itinulak ako sa loob. Bigla niya na lang ito sinarado, at narinig ko na lang ang pag-click ng lock.
"Hoy! Anong ginagawa mo?!" binangga ko yung pinto. Walang nangyari. "Hoy!"
"Lumabas ka gamit ang kapangyarihan mo," narinig kong sabi niya. "Siguro naman magpapakita ang trump card mo kapag malapit ka ng mamatay diba?"
Ako? Malapit ng mamatay? Nagbibiro ba siya?
"Hoy kumag--!"
"There are approximately four hollows lurking inside this building. Hindi ko lang alam kung may nagtatago pa. Try to stay alive will you? Baka mayari ako dahil sa'yo."
"Nero!"
Ilang beses ko siyang tinawag pero hindi na siya sumagot pa. Binangga ko yung pinto, sinipa, hinambalos ng upuan pero walang nangyari.
Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko. Ang ganitong pakiramdam... imposibleng makalimutan ko 'to.
Talagang seryoso siya sa pagkulong sa 'kin sa building na 'to na puno ng Hollows. May balak ba siyang patayin ako?
Nakarinig ako ng kaluskos. Dahan-dahan akong lumayo sa pintuan. Mukhang nahanap na nila ako, sa sobrang lakas ba naman ng sigaw ko kanina, sino bang hindi?
Sinimulan kong tumakbo. Nararamdaman ko na ang mga presensya nila. Nasa likod ko lang, handang-handa akong lapain ano mang oras.
Isa sa likod. Pangalawa sa itaas. Apat daw ang nandito kaya may dalawa pang natitira. Wala akong ideya kung naramdaman na ba ng dalawang 'yon ang presensya ko o hindi. Kung mas matalino sila kesa sa dalawang to na humahabol sakin, at may balak silang mang-sorpresa, lagot na.
Pumunta ako sa fire exit sa kabilang dulo ng building. Kung ayaw nila akong padaanin sa front door, walang masama kung susubukan ko yung isa. Kaso pagdating ko dun, nakalock din yung pinto. Sinubukan kong sirain, wala ring nangyari.
Tsk, andito na agad sila.
Umakyat ako sa ikalawang palapag. Kung hindi man gagana ang pintuan, tatalon na lang ako sa bintana. Hindi man magandang ideya pero pwede na, mas mabuti pa kesa makain ng mga halimaw na 'to.
Papasok sana ako sa isang classroom nang biglang naunang bumukas ang pinto nito.
Shit! Yung pangatlo!
Bago pa man ako makaatras, nagawa na nitong hawakan ako sa kwelyo at itinapon na parang basahan sa loob ng classroom. Naramdaman ko ang mga matigas na bagay na tumama sa likod ko. Sinipa ko yung upuan na nasa harap ko papunta sa halimaw, at sinubukang tumayo na parang walang nangyari.
Shit talaga. Sakit ng katawan ang aabutin ko dito eh.
Naghanap ako ng alternatibong armas. Mukhang wala na 'kong magagawa kundi pagtyagaan ang mop na nandito. Kinuha ko iyon at pumwesto. Inihagis ko ang upuan papunta sa Hollow. Nang makitang natamaan ito, tumakbo ako papalapit, tumapak sa lamesa at itinaas ang mop para hambalusin ang Hollow.
Katulad ng inaasahan, naputol ang stick ng mop.
Pero sapat na ito para makabili ng oras. Mabilis akong lumabas ng classroom, nakita ko ang dalawa pang Hollow na nakasunod sa 'kin. Tumakbo ako paakyat ng third floor pero sa kamalas-malasan, sinalubong ako ng pang-apat na Hollow.
Tsk.
Sana man lang binigyan niya ako ng legit weapon diba?!
Tumalon ako mula sa hagdan at tumakbo pababa sa ground floor. Apat. Apat na Hollows ang humahabol sa 'kin. Sino ba namang abnormal ang gagawa ng training na ganito?!
May pinasukan akong kwarto. Nagkalat ang mga pinggan, kaserola, mga sandok at kung ano-ano pang gamit sa kusina. Binuksan ko ang mga drawers, kinuha ang mga swiss knife at tinidor, pati na rin ang nag-iisang kutsilyong matalim doon.
Pagkapasok ng tatlong Hollows, pinaghahagis ko ang mga plato, na sinabayan ko pa ng mga tinidor at kutsilyo. Dalawa sa kanila, na-distract, pero yung dalawa pa, parang mga insektong hinahawi lang ang mga pinagbabato ko.
Papalapit sila ng papalapit, hinahagis ko ang kung ano mang bagay na mahawakan ko.
Napakagat ako sa labi, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nararamdaman ko na naman ang panginginig ng mga tuhod ko. Parang kahit anong oras, pwede na akong bumigay.
Bakit sa lahat ng oras, ngayon pa umiral ang pagiging mahina ko? Hindi ako makapag-isip ng maayos.
Mahirap mang aminin pero, isang milagro na lang kapag nakatakas pa ako dito.
Inilabas ko ang kutsilyo, na hindi ko mahawakan ng maayos dahil sa panginginig ng kamay ko.
Pinikit ko ang mga mata ko at bumulong, "Ya.. I could really use some help right now."
Kung pwede kang lumabas ulit sa pagkakataong ito. Kung pwede lang na iligtas mo ulit ako.
Bigla akong napamulat nang walang nangyari. Nakatigil lang ang mga Hollows sa harap ko. Unti-unti silang umaatras, parang nawala sila sa sarili. Hindi kaya... dumating na yung hinihintay ko?
Pero bakit hindi ako nawalan ng malay? Bakit--
Natigilan ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Bigla na lang akong dinaluyan ng takot, doble pa sa nararamdaman ko kanina. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makasalita.
Shit. Ano 'tong pumupulupot sa katawan ko? Kinakapos ako sa hininga. Hindi ko na kaya ang panginginig ng kalamnan ko, yung takot, yung mabilis na pintig ng puso ko.
Kusang tumumba ang katawan ko sa sahig.
Nagawa kong sulyapan ang itim na halimaw. Mas malaki, mas nakakatakot, mas makapangyarihan. Sabik na sabik sa pulang likidong dumadaloy sa'kin at hindi na maipagkakaila pa ang pagnanasang makakuha ulit ng bagong bibiktimahin.
Umiikot na ang paligid ko, halos hindi ko na maramdaman ang katawan kong mas malamig pa sa yelo.
Isang pagsabog ang aking narinig, bago tuluyang nawala ang aking malay.
~
Kyamii's Note: Wag ng pag-isipan pa kung anong trump card ni Mavis. Ang tanong, meron ba talaga?
Hohoho~ Pag walang plot kung ano-anong pumapasok sa isip ko eh. Hihi. Salamat sa mga nag-comment sa last chapters! You guys really give me tons of ideas. Isama mo pa ang kagwapuhan ni Kim Soo Hyun/Do Min Joon/Matteo Do/Song Sam Dong bae bilang inspirasyon.
Nag-iisip talaga ako ng pangalan ng itatawag ko sa readers nito eh. Matagal ko ng gustong gawin yun sa MA kaya lang, alangan namang Monsters itawag ko diba? Hahaha edi nagalit sila. Card Players na lang kaya dito? Whatyathink? Tsk. Dami ko talagang alam. -_-
Keep posting comments guys! I'd be happy to read your thoughts. Happy New Year and make sure to have more smiles to come this year! Have a nice day! :))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top