Card 5 ♠ Proposal
Card 5 ♠ Proposal
[Mavis Alair Celestine]
Hindi pa man ako nagpapakilala, isang tanong na agad ang sumalubong sa 'kin.
"Is it true that you're Miss Elina's representative for the Game of Cards?"
I took a deep breath and nodded.
Nagkaroon ng bulong-bulungan sa mga taong nanonood sa 'kin. Mukhang di sila makapaniwala na ang isang katulad ko na baguhan sa lugar na 'to ang magiging representative. Biglang napadako ang tingin ko sa kambal, hindi ko gusto ang ngiti nila.
"So you probably possess an ability that can be ranked as Ace?" muling tanong ng isa pa. "For you to be able to qualify the Game of Cards."
Lalong lumakas ang bulong-bulungan. May ilang miyembro na ng Houses ang nagsu-suggest ng bid na pwede nilang gastusin para sa 'kin. Yung iba naman, sinusubukang hulaan kung anong kaya kong gawin. Yung iba, sinisiraan na agad ako. Na binayaran ko daw si Miss Elina para ako ang isali sa Game of Cards.
Shoot, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ngayon lang ako napunta sa ganitong sitwasyon. Hindi ko na talaga alam gagawin ko.
"From what clan are you?" tumayo ang representative ng Carreaux.
"C-Celestine."
"Celestine? That's an unfamiliar one." Nagtawanan ang mga miyembro ng Carreaux. "Say, what does your clan do?"
Nagsitanguan ang mga taong nandoon. Yung iba, pinipilit pa akong sabihin kung ano-ano ang mga kaya kong gawin. Ang dami nilang tanong na hindi ko alam kung paano ko sasagutin.
At ang taas ng expectations nila para sa 'kin. Ganoon ba talaga 'pag representative sa Game of Cards? Base sa mga reaksyon nila, parang mahalaga ang event na 'yon. Mukhang tama ang hula ko na ang event na iyon ay magde-determine kung sino ang pinakamalakas.
Tumigil sila nang itaas ng lalaking nasa harap ko ang kanyang kanang kamay. His clenched fist acted as their signal to maintain silence.
Ang lalaking 'yon, siya yung tinawag ng kambal sa pangalan na Nero.
Hindi ko alam kung natutulog ba siya simula pagkaupo niya o sadyang nakapikit lang ang mata niya buong House Bonfire, pero mukhang naistorbo siya ng ingay. Nagmulat ang mata niya at matalim na tumingin sa 'kin.
"What's your trump card?"
Napatigil ako. Mukhang wala na akong choice kundi sabihin ang totoo. Kung anong kaya 'kong gawin.
Huminga ako ng malalim at hinarap ang mga titig niya.
"I excel in academics. Give me any equations, I can solve it. And for the past years, I am studying martial arts and handling of weapons. I have no idea how this whole thing works but what I can promise you is that I am ready to do my best for the House that will adopt me."
Sandaling nagkaroon ng katahimikan, na nawala agad dahil sa mga tawanan nila. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko. Ngayon lang din nangyari sa 'kin 'to, ang mapahiya sa harap ng madaming tao.
Nag-smirk si Nero at humarap sa kambal.
"Sigurado ba kayong siya ang representative ni Elina?"
Lalong lumakas ang tawanan, na lalong nagpapatuloy dahil sa mga dinadagdag nilang kumento.
"Miss, I think you've got the wrong school."
"Excel in academics? Bitch please, most of us here can do that."
"Way to go Celestine! Conquer the Game of Cards with your oh-so greatness in academics and martial arts."
Shit talaga, ano ba 'tong pinasukan ko? Hindi pa ba matatapos 'to?
Mukhang nasagot naman ang hiling ko nang pumunta muli sa harap ang emcee.
"Mavis Alair Celestine for House Adoption, anyone?"
"Even of she's free, she's not worth the spot." Biglang sabi ni Nero. Tumayo siya at inilagay ang mga kamay sa bulsa. "This whole thing is a waste of time."
Napa-ooh at 'burn' ang mga nanonood. Sumunod ang apat pa niyang kasama at naglakad palayo sa lugar.
"I bet someone will qualify for the House of Jokers."
Muling lumakas ang tawanan. Pagkatapos ay tumayo sila at nagkanya-kanya na ng alis. Napadako ang tingin ko kay Irish.
She waved her hand and mouthed, "I'll be here."
Tumango ako. Humarap ako sa katabi kong emcee na nag-aayos na rin para umalis.
"E-excuse me," humarap siya sa 'kin. "A-ano.. s-saan ako tutuloy?"
"Nag-tour ka na ba?" Tumango ako sa tanong niya.
"Then you are aware of the House of Jokers. Nasa pinakadulo nitong subdivision." Isinukbit niya ang backpack sa balikat. "I need to go."
Pinagmasdan ko ang papalayong lalaki na tumatakbo para makahabol sa mga kasama niya. Bumuntong-hininga ako, kinuha ang maleta at backpack na nasa kinatatayuan ko kanina at nagsimulang maglakad papunta sa pinakadulo ng subdivision.
Maybe House of Jokers is not bad as they think.
Sana.
~
Inilapag ko ang malaking backpack at maleta sa tapat ng isang lumang pintuan. Hinawakan ko ang doorknob at dahan-dahang binuksan ang pintuan sa takot kong baka gumiba ito.
Napaatras ako nang may paniki ang lumipad palabas.
So this is the House they're referring to.
Pumasok ako sa loob, nakasukbit yung backpack sa magkabilang balikat ko at hila-hila yung maleta. Tumunog yung sahig na gawa sa kahoy. Nakaka-tatlong hakbang pa lang ata ako nang bumigay na ang isang parte at lumubog ang kaliwang paa ko.
Haay, mukhang marami-rami akong gagawin bukas.
Dahan-dahan kong inilabas ang paa ko sa butas at nagpatuloy sa paglalakad. May nakita akong switch sa may gilid, pinindot ko pero walang nangyari. Hindi nagbukas yung ilaw. Kung hindi dahil sa liwanag ng buwan na nakikita sa labas ng malaking bintana, paniguradong wala akong makikita ngayon.
Kinuha ko yung flashlight sa maleta at umakyat sa second floor. Tatlong pintuan lang ang nakikita ko. Pinihit ko yung unang doorknob pero naka-lock ito. Pinuntahan ko ang pangalawang pintuan at binuksan, sumalubong sa 'kin ang halos walang laman na kwarto. Nasa pinakagilid ang kama, na katabi naman ang isang maliit na lamesa na may upuan. Mayroon ding cabinet sa may pinakagilid.
Lumabas ako at pinuntahan ang pinakahuling pintuan. Binuksan ko ito at tumambad sa 'kin ang C.R. at bathroom. May maliit na bathtub na natatabunan ng alikabok dahil na rin siguro sa matagal na itong hindi gingamit. Binuksan ko ang gripo, tumulo lang ng ilang patak ng tubig at pagkatapos ay nawala rin.
Bumaba ako sa first floor at binuhat ang maleta papuntang kwarto. Pinagpag ko yung kama pero mukhang hindi uubra dahil sa sobrang kapal ng alikabok. Nilabas ko na lang yung comforter at inilatag sa sahig. Doon muna ako matutulog ngayong gabi hanggat hindi naaayos 'tong kwarto.
Kailangan kong magpahinga, mukhang marami-rami ang trabaho ko bukas.
Kinabukasan, hindi pa man sumisikat ang araw, tumayo na 'ko. Hindi ko alam kung nakatulog ba ako o nakapikit lang ang mga mata ko ng ilang oras. Maraming bagay ang pumasok sa isip ko kagabi na hindi ko alam kung anong gagawin. Unang-una na diyan ang magiging pagkain ko ngayong araw.
Dahil maaga pa naman, napagdesisyunan kong maglinis muna. Balak ko sanang pumunta mamaya sa House of the Royal Flush para kausapin si Miss Elina at humingi ng tulong. Usually, I figure how things work out without getting any help pero ngayong involved na ang pagkain, kailangan kong humingi ng tulong.
Nagbihis ako at inayos ang comforter pati na rin ang mga gamit ko. Ngayon, kailangan ko munang humanap ng tubig para panlinis. Palabas na sana ako ng bahay nang may sumalubong sa 'kin na kahon sa labas ng pintuan. May note na naka-attach sa harap nito. Kinuha ko 'yon at binasa.
Mavis,
I hope these things could help. Sorry I wasn't able to do anything last night. It's hard to be a part of a new House. Hindi kami basta-basta pwedeng kumilos nang walang permiso sa nakakataas. Tinakas ko lang din 'tong mga 'to.
I'll make it up to you.
Irish.
P.S. There's a well behind that House. Pwedeng dun ka muna kumuha ng tubig habang wala pang kuryente at tubig dyan.
P.P.S. I'll talk to the Royal Council para mapakabitan ka ng linya ng kuryente at tubig.
P.P.P.S. I hope you like what I cooked.
Binuklat ko ang box at tumambad sa 'kin ang isang supot ng tinapay, mineral water at isang lunchbox. Binuksan ko iyon at may lamang kanin, gulay at ulam.
Nasa pinaka-ilalim ng box ang isa pang supot na nababalutan ng dyaryo. Tinanggal ko ang nakabalot at nakita ko ang ilang kagamitang panlinis. Napangiti ako. Kung wala si Irish dito, baka mas lalo akong mahirapan mag-adjust.
Pinasok ko ang kahon sa loob. Tubig na lang ang kailangan ko. Sabi ni Irish, mayroon daw balon sa likod nitong bahay. Kinuha ko yung maliit na timba na kasama sa pinadala niya at lumabas.
Hindi naman ganoon kalayuan ang sinasabi ni Irish. Mahirap lang daanan dahil matataas na ang mga damo at baku-bako ang daan.
Sinimulan ko na ang pag-iigib at paglilinis. Ini-una ko na ang kwarto. Inilabas ko ang mattress ng kama, pinagpagan at binilad sa araw. Sinimulan ko ng kuskusin ang dingding. Light blue ang pintura nito na halos nangitim na dahil sa alikabok. Nilinis ko rin ang lamesa at upuan doon, kasama na rin yung cabinet na parang pinagbahayan na ng mga gagamba.
Sinunod kong linisan ang bathroom na nasa pinakadulo ng pasilyo. Kinuskos ko yung tiles hanggang sa maging puti. Pati yung bathtub at toilet (na pinagpapasalamat ko na hindi ganoon karumi katulad ng inaasahan ko) pinunasan ko rin.
Inayos ko na rin ang mga gamit ko sa kwarto. Hindi ganun karami yung mga damit ko kaya nagkasya ito sa cabinet. Parang mas marami pa nga ata yung librong dala ko.
Hindi ko alam kung nakakailang balik ako sa balon, kung ilang akyat-baba ang ginawa ko habang bitbit-bitbit ang isang baldeng puno ng tubig. Hinuli kong linisan ang pasilyo ng ikalawang palapag. Winalisan ko ito at pinunasan. Hindi ko na nilinis yung isang pintuan na naka-lock. Tsaka na 'yon kapag natapos ko na yung baba.
Madaling-araw ako nagsimula, tanghali na ako natapos. Second floor pa lang nalilinis ko, wala pa yung first floor at pagod na pagod na 'ko. Nag-igib ulit ako at pinagkasya ang isang timba pampaligo. Pagkatapos ay kinain ko ang hinanda ni Irish na lunch. Kasalukuyan akong kumakain nang marinig kong bumukas ang pinto.
Kinuha ko yung bow at arrow na lagi kong dala at naghanda.
"Sino ka?!"
Itinutok ko yung pana sa lalaking nakayuko. Umangat siya ng tingin at kumunot ang noo niya.
"Fuck."
Nanlaki ang mga mata ko. T-Teka, diba..
Anong ginagawa ng aroganteng 'to dito?!
"Elina, you are seriously pissing me off." Napahawak siya sentido at hinilot-hilot ito. "Ah fuck."
Lumapit siya sa'kin, mahigpit na hinawakan ang braso ko at sinimulan akong kaladkarin palabas ng pinto.
Aba't bastos 'to ah.
Hinila ko yung braso ko, tinapakan siya at bumwelo paikot para sipain siya sa mukha. Nasalo niya ang paa ko bago pa man tumama ito sa panga niya.
Tinulak niya ako paatras at bumagsak ako sa sahig.
"Don't you fuck with me, newbie." Naglabas siya ng puting apoy sa kamay.
Binato niya ang apoy papunta sa'kin. Mabuti na lang at nakagulong papunta sa gilid, kundi paniguradong natusta ang kalahating katawan ko. Hinablot ko yung pana at itinutok ito sakanya habang naglabas ulit siya ng panibagong puting apoy.
Napatigil kaming dalawa nang marinig ang isang boses.
"I think you should settle this outside. Don't you think it's more fun playing in a bigger field?"
Napatingin kami sa iisang direksyon kung saan nakatayo ang isang babae.
Si Miss Elina.
"I have few things to say so please lend me your ears for few minutes." Itinaas niya ang teacup sa kanyang bibig at humigop ng tea. Nasa loob kami ng isang limousine na nakaparada sa labas ng bahay. Magkatabi kaming dalawa ni Nero at katapat namin si Miss Elina.
"What do you--" napatigil sa pagsasalita si Nero nang magsalita ulit si Miss Elina.
"Any interruptions may lead to termination from the House. Understood?"
Tumango ako at nag-tsk naman si Nero.
"I'll be straight to the point. Both of you are in need right now. Mr. Silverblaze, your academic grades barely meet the standards. I presume that you are aware of the House Rules. Failing grades may get you expelled from this institution. And as for you Ms. Celestine," humarap siya sa'kin. "You haven't seen your trump card yet?"
Umiling ako.
"I see. You need extra-training for you to catch up with others."
Inayos ni Miss Elina ang sarili at seryosong tumingin sa 'min.
"I have a proposal for the two of you. This is a matter of give-and-take. Mr. Silverblaze, I want you to draw out the full potential of Ms. Celestine. Find out what her trump card is and help her master it. In return, she will help you with your academic performance. This proposal is considered not only by me, your Head Master, but the Royal Council as well."
"I fucking don't need a tutor." Inis na sagot ni Nero.
"Yes you do, Mr. Silverblaze. Do remember what is written in the House Rules number one. Failing academic grades and training marks may result to the termination of contract between the House and the Card Player. You don't want to be a disgrace to your clan, do you?"
Hindi sumagot si Nero at nanatili ang tingin sa labas ng bintana.
"Very well then, I should be going. I expect excellent results from the both of you. Oh, and reminders. The lines for electricity and water will be arranged two hours from now. Ms. Celestine, you will have an exam today, 3 in the afternoon to determine your student ranking. The card for your allowance, including for this month's chips, will be given to you afterwards. Anymore questions?"
"How 'bout my card, Elina?" tanong ni Nero.
"You know the answer, Mr. Silverblaze. Work for it."
"Tch." Lumabas si Nero ng sasakyan at malakas na isinarado ang pinto.
Napatingin ako kay Miss Elina.
"I'll do the best I can to help you cope with your new environment. Please give yourself a chance to discover what lies within."
Tumango ako at nagpaalam.
A chance to discover what lies within huh. I'll figure that out sooner or later but for now, I need to deal with a jerk.
~
Kyamii's Note: Sweet ni President Irish <3 Hahaha. Hope you enjoyed this chapter! Have a nice day!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top