Card 4 ♣ House Bonfire
Card 4 ♣ House Bonfire
[Mavis Alair Celestine]
Being one of us is not that easy. Kung inaakala niyong mas masayang magkaroon ng kakaibang talento, nagkakamali kayo.
At the early age of two, I was able to read and understand politically correct bedtime stories. I was four when I entered 1st grade in a private school. Ayaw pa nga akong tanggapin noon, masyado daw akong bata. But mom insisted that I can handle it. Binigyan ako ng exam at naperfect ko iyon, kaya nakapasok ako.
At the age of ten, I am already solving college algebra problems. Napagdesisyunan kong 'wag nang pumasok, hindi na kasi ako nakukuntento sa pinag-aaralan namin. Ayaw pa ngang pumayag ni mama, pero sa huli, hinayaan niya na lang akong mag-aral mag-isa.
Ilang taon akong nakakulong sa apat na sulok ng kwarto. Wala akong kaharap kundi mga libro at ilang sandata. Lalabas lang ako tuwing niyayaya ako ni mama na mag-shopping o kumain sa labas. Maliban doon, wala na akong ginawa kundi magbasa, mag-aral at magsanay.
Hindi nagtagal, napagdesisyunan ni mama na ipasok ulit ako sa eskwelahan. 'You need to interact with others, Mavis' that's what she said. Masama daw na lagi na lang mag-isa. Kaya pinasok niya ako sa isang private highschool. Pumasok ako hindi para makakuha ng diploma, kundi para magkaroon ng kaibigan.
But things were rough. Hindi nila ako tanggap. Yung mga nagpapanggap na kaibigan ko, ginagamit lang pala ako para makapasa sila. They were insecure of my A+, of the excellent scores I always get during exams. I got bullied. A lot. And no matter how hard I try to make friends, I always get rejected. I was never good enough.
In the end, it didn't work out. I was better off alone, I guess.
Hindi lang ito ang paghihirap na napagdaanan ko sa pagkakaroon ng kakaibang talento. Sa murang edad na apat, nakaharap ko na ang isa sa 'kanila'.
Hollows. That's what they call them.
They are the dark entities that consume the corrupted souls. They feed on them and replenish their power. And their number one enemy is us, the enlightened ones.
Hindi nakikita ng mga normal na tao ang Hollows. Hindi rin nila alam kung kailan na sila nasasaniban ng mga ito. Kapag nakapasok na sa kaluluwa at na-control ito ng Hollows, mahirap na silang paalisin pa. Sila ang isa sa mga dahilan kung bakit nakakagawa ng masasamang gawain ang mga tao. At kung bakit marami ang namamatay.
At ngayon, hindi lang mga tao ang habol nila, kundi pati na rin kaming may kakaibang talento. Kami lang ang nakakakita at may kakayahan na patayin sila. Pero hindi lahat nagtatagumpay. Ang iba ay nahuhulog sa mga kamay ng Hollows. Their hearts were corrupted, souls were eaten and soon, their body were no longer by them. Pati ang kapangyarihan nila, inaangkin din ng Hollows. Kaya mas lalong lumalakas ang mga ito kapag nakakakain ng mga katulad namin, kaysa ordinaryong tao.
As I've mentioned awhile ago, I was four when I got to face one of them. Wala pa si mama noon, gagabihin daw sjya sa trabaho. Mag-isa lang ako sa bahay at nagbabasa nang biglang may sumungab sa 'kin. Hindi ko alam kung paano ako nakawala, bigla ko na lang natagpuan ang sarili kong tumatakbo sa madilim na daan. Sumisigaw ako para humingi ng tulong, pero parang walang nakakarinig sa 'kin. Nasa likod ko pa rin ang Hollow. Dinala ako ng mga paa ko sa lumang parke. Hindi ko na kayang tumakbo, pagod na ako.
Akala ko katapusan ko na. That's when she came.
Hindi ko maaninag ang mukha niya. Lumapit siya sa 'kin at laking gulat ko nang halikan niya ako sa noo. Kasabay ng pagkawala niya ang pagkawala rin ng malay ko.
Pero ilang minuto lang akong nahimbing. Nagising ako na nakatayo sa tapat ng Hollow na humahabol sa 'kin. Nababalutan ito ng luntiang likido, palagay ko ay ang kulay ng dugo nila. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang maliit na sandatang naliligo rin sa dugo ng Hollow, na nagkataong hawak-hawak ko. Pati ang buong katawan ko, puno rin ng luntiang likido.
Iyon ang unang beses na hinabol ako ng Hollow. At marami pang sumunod.
Simula noon, nagpalipat-lipat na kami ni mama ng tirahan, pati na rin ng eskwelahang pinapasukan ko. Halos ayaw na nga niyang humiwalay sa tabi ko, pero kailangan niyang magtrabaho para mabuhay kami. Humingi siya ng tulong sa isang kaibigang may kakaibang talento rin na turuan akong ipagtanggol ang sarili ko. Araw-araw pagkatapos ng klase, dumidiretso ako dito para matutong mag-martial arts. Iyon lang ang sinabi ni mama sa kanya na ituro sa 'kin. Hangga't maaari, gusto niya akong magkaroon ng normal na buhay. Pero matagal ko nang tinanggap na malabong mangyari iyon.
Hindi lang ang sarili ko ang gusto kong protektahan. Pati na rin si mama. Kaya palihim akong nagpapaturo sa kaibigan niya na humawak ng sandata. Noong una ay nagdadalawang-isip pa ito, pero nagawa kong baguhin ang isip niya. Ang sabi niya sa 'kin, sa lahat ng nahawakan niya, ako daw ang pinaka-madaling turuan, mabilis ko daw makuha kung paano gawin ang isang bagay. Kaya sa huli, nag-training ako sa ilalim ng pagtuturo niya.
Ilan taon akong bumibisita sa lugar niya para magtraining kahit na palipat-lipat kami ng bahay. Hindi nagtagal, kailangan niya nang magpaalam dahil may misyong siyang kailangan gawin sa ibang bansa. May ibinigay siya sa 'king bow at arrow. Isang regalo mula sa aking sensei.
Simula noon, naiwan na naman akong mag-isa para magtraining at mag-aral. Pitong taong gulang ako nang muling umatake ang mga Hollows. Ang nakakatawa, hindi ko nagamit kung anong natutunan ko.
Naduwag ako, natakot. Iba ito sa mga Hollows na humahabol sa 'min, sa Hollow na unang nakaharap ko. Kung ang iba ay parang mga anino lang ang itsura, ito ay may anyong babae. Nagawa nitong ma-kontrol ang isang may kakaibang talento.
Ang masama pa, hindi lang siya isa. Tatlo sila.
Hindi pa man ako nakakalabas ng bahay, nagawa niya akong harangan. Nanginginig ako, ang bilis ng tibok ng puso ko, pinagpapawisan ako ng malamig. Walang lumalabas na boses sa 'kin. Nilalamon ako ng takot.
Dumating si mama. Sinubukan niyang kalabanin ito pero sa dami pa lang nila, talo na siya. Nakita ko kung paano siya sugatan ng mga ito, yung paghampas sa kanya at yung patuloy na pagsigaw niya sa 'kin na tumakas. Yung pulang likidong tumulo sa gilid ng ulo niya.
Yung takot na nararamdaman ko, napalitan ng galit.
Hindi ko maintindihan kung anong nangyari sa 'kin ng mga sandaling iyon. Nakikita ko ang mga pangyayari, kung paano ko sinugod at pinatay ang mga Hollows. Pero wala sa sarili kong kontrol ang katawan ko. May puting ilaw ang lumabas sa kamay ko. Hindi ko alam kung ano iyon, pero iyon ang naging dahilan kung bakit naging abo ang mga Hollows.
Nangyari na naman ulit ang pangyayari tatlong taon na ang nakakaraan.
Iyon na ang huling pagkakataong nasilayan ko ang puting ilaw. Sampung taon ako nang magamit ko sa ordinaryong Hollow ang itinuro sa 'kin. Simula noon, nagpalakas ako, umabot sa puntong lumalabas ako gabi-gabi para maghanap ng ordinaryong Hollows na mapapatay. Iyon ang nagsilbing training ko.
Iisa lang naman ang dahilan kung bakit ko ginagawa 'to eh. Hindi para maipagtanggol ang sarili ko at mabuhay, kundi para maprotektahan ang kaisa-isang taong tumanggap sa 'kin, si mama.
Pero gumuho lahat ng iyon nang mawala siya, anim na buwan na ang nakakaraan.
~
"Mavis?"
Napaangat ang tingin ko mula sa libro. Nakatayo si Irish sa gilid ng kama, nakangiti.
"Pumasok na 'ko, hindi ka kasi sumasagot sa mga katok ko eh." Sabi niya.
"Ganun ba?" tinitigan ko yung hawak kong libro, bumuntong-hininga, at isinarado ito. "Pasensya na, mukhang masyado na naman akong nalunod sa pagbabasa."
"Mukha nga."
Nasa kalagitnaan na 'ko ng istorya. Sa totoo lang, ayokong tigilan ang pagbabasa, pero mukhang may sasabihin si Irish.
"Sabi sa'yo eh. Ang ganda diba?" Umupo siya sa gilid ng kama. "Isa 'yan sa pinaka-favorite ko. Maliban sa maraming pogi, gwapo pa rin talaga yung bida."
Tumawa siya at napangiti naman ako.
"Sa'yo muna kung gusto mo." Alok niya. Tumango ako at nagpasalamat.
"Ah oo nga pala, muntik ko na namang makalimutan kung bakit ako umakyat." Napalo ni Irish ang noo at umiling-iling. "Ugh, bakit ba ang makakalimutin ko?"
"Ano 'yon?" tanong ko.
"Malapit ng magsimula ang House Bonfire. Sabay-sabay na tayong pumunta, since sabay-sabay din naman tayong magau-audition."
"Audition?"
"For the remaining Houses. Yung pagpapakita ng trump card o kung ano mang kaya nating gawin sa harap nila para may kumupkop sa'tin, parang audition na rin 'yon."
Tumango-tango ako. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung anong ipapakita ko bilang trump card. Mukhang di uubra yung pag-solve ko sa mathematical equations, o kahit science experiments. Eh kung magpakita na lang kaya ako ng martial arts? O paghawak ng sandata?
Great. That's just lame, Mavis.
"Tara? Inaantay na tayo ng iba sa baba." Tumayo si Irish at naglakad palabas ng pintuan. Sumunod naman ako.
Nasa Full House kami ngayon, sa third floor kung nasaan ang guest room. Dito muna nila ako pinatuloy buong maghapon bago may kumupkop sa 'kin na House.
"Ano'ng mangyayari sa lugar na 'to kung aalis kayo?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad.
Isang malungkot na ngiti at kibit-balikat lang ang isinagot niya sa 'kin. Nanahimik na lang ako. Dapat siguro hindi ko na tinanong 'yon.
Napaka-insensitive ko talaga.
Sa isang open field kami pumunta sa loob ng subdivision. Sa pinakagitna nito ay ang buffet table na may sari-saring pagkain na sa tingin pa lang, mukhang masarap at mukhang mamahalin. Napapalibutan ito ng mga mahahabang lamesa at mga upuan na naka-set up. May mga tao na doon, halos hindi nagkakalayo ang mga edad namin. Ang dalawang table doon ay puno na ng mga Card Players, mukhang galing sa House of Carreaux dahil sa diamond sign na nakalagay sa may table nila.
Tumigil si Irish bago pa man makalapit sa inihandandang programa. Huminga siya ng malalim at humarap sa amin.
"Our House may be abolished, our power as an official may be long gone, but do not forget to maintain the respect in yourselves. Once this event has ended, we will part ways. We have our own Houses to serve, our own Kings and Queens to give our loyalty. It is true that we may clash with each other even if we do not intend to, as long as we are a part of different Houses, we cannot escape that fate. But always keep in your hearts the memories we had together. Those happy thoughts, those celebrations, the teamwork, the unbreakble unity through successes and downfalls. The friendship, the love and the family. Because that is the only to keep the bond between us, stronger."
"President!"
"Master!"
"Miss Irish!"
Pinunasan ni Irish ang kumawalang luha sa kanya at ngumiti. "Group hug!"
Naramdaman ko na lang na may umakbay sa 'kin at nasama ako sa group hug nila. Hindi pa man ako nagtatahal dito para makilala sila ng husto, nararamdaman kong marami na silang napagdaanan na naging dahilan kung bakit matibay ang pagsasamahan nila ngayon.
Nakakapanghinayang lang na kailangan pang magtapos sa ganito.
"Alright, align yourselves at the back. Keep your dignity and respect. This is just the beginning of your new destiny to take."
"Yes President!"
Mabilis na sumunod sila sa utos ni Irish. Hindi ko alam kung anong gagawin kaya gumaya na lang ako sa kanila. Tumabi sa 'kin si Irish.
"Don't worry too much. You'll be fine."
Tumango ako. Tumayo sila ng maayos sa likuran at hindi na muling nagsalita pa.
Nagsimula ang House Bonfire. Nakakarinig ako ng mga bulungan tungkol sa Full House. Hindi magaganda yung sinasabi nila. Yung iba, sadyang nilalakasan at pinaparinig talaga. Napatingin ako sa ibang mga miyembro, sinusubukan nilang itago ang inis na nararamdaman, lalo na si Irish na halos walang ekspresyon ang mabasa.
Biglang nanahimik ang buong lugar sa loob ng ilang segundo. Halos lahat sila, nakalingon sa isang lugar. Sumilip ako, may limang lalaki ang papalapit. Hindi ko alam kung anong meron sa kanila pero nararamdaman ko yung malalakas na aura na pumapalibot sa grupong 'yon.
Nagkaroon ulit ng mga bulong-bulungan pero ngayon, hindi tungkol sa Full House, kundi sa limang lalaking papalapit. Puro mga impit na tili na parang tinatago ang kilig yung naririnig ko. Yung iba, halos hindi mapakali sa kinauupuan nila.
Dumaan yung lima sa harap namin. Nagulo ang pananahimik ko ng pansinin ako ng dalawa sa kanila.
Yung kambal.
"Look who's here."
Napatigil silang lima sa harap 'ko.
"Nero, siya yung sinasabi namin sa'yo na pinasundo ni Miss Elina." Turo sa 'kin ng isa sa kambal.
"Mukhang magiging interesante na naman gabi mo 'pre." Segunda pa nung isa.
Yung Nero na tinatawag nila, siya yung dire-diretsong pumasok sa office ni Miss Elina at nagreklamo. Ayoko sa tingin niya sa 'kin, parang nagmamataas.
He diverted his gaze and smirked. Tch, ang yabang.
"See you later, Mavis." Sabay na sabi ng kambal at sumunod sa tatlo pa nilang kasama. Dumiretso sila sa pinakaharap na lamesa at doon umupo, isang simbolong Spades ang naroon.
Kung ganon, mula sila sa pinakamataas na House. Kaya pala ang taas ng tingin nila sa sarili nila.
"Let the House Adoption begin!" Sinindihan ng lalaki sa harap ang bonfire. Yung miyembro na nasa kabilang dulo ng linya, naglakad papunta sa harap ng bonfire at hinarap ang mga nanonood sa kanya.
Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit audition ang tawag ni Irish dito. Literal na parang naga-apply ka sa mga Houses. Magpapakilala ka at pagkatapos ay ipre-presenta mo sa harap kung anong kaya mong gawin. Kailangan mong galingan, kundi walang tatanggap sa'yo. Mas mahirap daw mag-aral dito ng hindi kabilang sa isang House.
Hindi na ako nagulat pa sa mga nakita. Inaasahan ko na 'to, yung mga kakaibang talento nila, pero hindi ko maiwasang hindi mamangha. Hindi lahat ng pagkakataon, makakakita ka nito sa pakikisalamuha mo sa mundo sa labas ng lugar na 'to.
Ilan sa mga miyembro ng Full House ay may kakaibang talento na sa tingin ko ay malakas talaga. Pero iisang House lang ang tumatanggap sa kanila, ang House of Trefles o ang pinakamababa sa apat na Houses. Puro House Adoption lang ang nagaganap. Hindi pa nga pumipili yung tatlong natitirang Houses.
Mabilis na lumipas ang mga minuto. Malapit na akong pumunta sa harap pero hindi ko pa rin alam gagawin ko. Ako kasi yung huli, pagkatapos ni Irish. Kahit papaano, nakakahinga siya ng maluwag-luwag dahil may House na tumatanggap sa mga miyembro niya.
Tumayo ang Vice President at nag-perform. Nang matapos ay tumayo muli ang representative ng House of Trefles para magpahayag na i-aadopt nila ang Vice President.
"I challenge the Trefles for this Card Player." Tumayo naman ang isang lalaki mula sa House of Carreaux, ang pangatlo sa Houses. Mukhang ito ang representative nila.
Tumayo sa harap ang lalaking nagsindi ng bonfire kanina para mag-emcee. "Bidding starts at 20 chips."
Nag-usap-usap ang mga Trefles at muling hinarap ng kanilang representative ang emcee, "50 chips."
"A hundred." Mabilis na sagot ng Carreaux.
"120 chips." Balik ng Trefles.
"175." Kalmadong sagot ng kabila.
"At 175 chips anyone?" Tanong ng emcee.
"Two hundred!" Sigaw ng Trefles.
"At 200 chips. Anyone? 200 chips and we'll close the deal. House of Carreaux?" muling tanong ng emcee.
Napatitig sila sa grupo ng magtawanan ito. Muling tumayo ang representative matapos nilang mag-usap-usap. Halos hindi na siya makahinga pa sa kakatawa.
"Nice playing with you Trefles, but we'll close this deal. A thousand chips for her."
"Going for a thousand chips. Anyone else would like to make their bid?" tanong ng emcee at tumingin sa kabilang panig. "Trefles?"
Dismayadong umupo ang representative ng Trefles.
"Full House Vice President sold to the House of Carreaux."
So this is the House Auction.
Tinapik ni Irish ang balikat ko bago naglakad papunta sa harap.
"Irish Claire, Earth Fairy from the clan of the Fairchild."
Itinutok niya ang isang kamay sa lupa at nagsimulang yumanig ang buong lugar. Wala pang isang segundo at lumabas dito ang isang higanteng puno, papalaki ng papalaki kasabay ng pagtaas ng kamay niya, hanggang sa magmistulang giant Beanstalk sa isang sikat na bedtime story.
Ibinagsak ni Irish ang kamay kasabay ng muling pagbalik ng higanteng puno sa lupa. Naayos ng lupa at walang naiwang bakas ng puno, na para ba talagang walang nangyari.
"House of Trefles would like to adopt the President." Muling sabi ng representative.
"I challenge the Trefles for this Card Player." Muling paghamon ng House of Carreaux.
Nanahimik ang mga Trefles. Mukhang wala silang laban sa Carreaux pagdating sa Auction.
"Three thousand chips." Buong tapang na sabi ng Trefles.
"Rep, 'wag mo ng patagalin pa 'to," sabi ng isang babae na nakapwesto sa pinakaharap ng Carreaux. Sa tingin ko, isa siya sa mga namumuno sa House na 'to.
Napangiti ang representative ng Carreaux. "Ten thousand."
"At ten thousand chips," pagpapahayag ng emcee. "Anyone?"
Isang panibagong boses ang narinig sa buong lugar. "Make it double."
Tumayo ang babae mula sa lamesa na may simbolong Hearts. Mukhang siya ang representative ng House of Coeurs, ang pangalawa sa Houses at counterpart ng Piques.
"Ooh, they've joined." Sabi ng representative ng Carreaux. "Fifty thousand."
"Make it double." Kalmadong sagot ng Coeurs.
"A hundred thousand for the president, anyone?" tanong muli ng emcee. "Carreaux?"
"Nah, we'll give it to them. We do hope you do not regret this decision," nakangiting sabi ng representative ng Carreaux.
"Definitely," bawi naman ng representative ng Coeurs.
"President sold to the House of Coeurs for a hundred thousand chips. Please proceed to the next Card Player."
Doon ko lang napagtanto na nag-iisa na lang akong nakatayo sa dulo.
Shoot.
Hindi ko pa rin alam gagawin ko.
~
Kyamii's Note: So guys, here's a glimpse of Mavis' past. Base dito, ano kayang pwedeng gawin ni Mavis para ma-impress ang Houses? Sapat na bang mag-solve na lang siya ng mathematical equations? Hahaha
I hope you enjoyed reading it. Til next update!
P.S. I still have no idea kung sinong character ang gagamitin ko kay Mavis. Anime character suggestions please, yung babagay sa character niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top