Card 11.2 ♦ The Witch, the Dragon and the Book
Card 11.2 ♦ The Witch, the Dragon and the Book
[Mavis Alair Celestine]
"Uhm, hi. I'm looking for a book called the Summoner's Verse? I believe our library has one copy to be exact. Could we somehow borrow it for at least a day?"
Pagkatapos na pagkatapos ng night class namin, dumiretso kami ni Irish sa midnight library ng Southern Suit para hanapin ang librong sinasabi niya. (Yes, may apat na sub-libraries ang kada Suits at ang main library ay naka-locate naman sa may Central Suit malapit sa House of the Royal Flush. Kung ang normal na library, nagsasara ng ala-singko ng hapon, ang library dito bukas hanggang 12 midnight.) Balak sana ni Irish na dumiretso na lang sa main library dahil sa malaking tsansa na nandito ang libro, pero dahil gabi na paniguradong hindi kami papayagan ng kung sino mang professor at walang maghahatid sa 'min dito.
"Badge rank?" tanong ng Librarian na hindi man lang umaangat ang tingin nito sa isina-stamp na libro.
"Two star - Queen," sagot ni Irish.
"Family name?" muling tanong nito.
"Fairchild."
Tumigil sa kanyang ginagawa ang librarian. Sa unang pagkakataon, nasilayan ko ang kanyang mukha nang humarap siya sa amin. Kumulubot na ang balat sa kanyang mukha dahil na rin siguro sa katandaan. Halatang-halata rin ang pagkatangos ng ilong niya, at medyo may kahabaan kumpara sa normal na makikita sa mga tao. May mga itim na bilog na halos magkumpulan malapit sa kanyang kanang sentido. At ang mga mata niya, itim na itim ang nasa kaliwa habang kulay abo na ang nasa kanan, maaaring malabo ang paningin niya dito o tuluyan nang hindi gumana ang parteng 'to.
At ang kanyang buhok, parang ilang taon nang hindi sinuklay.
"Tell me, Ms. Fairchild. What does an earth fairy want with the book by the necromancers?"
"Uhh.. well," saglit na tumigil si Irish para mag-isip ng ibang dahilan. "For researching purposes."
"Researching purposes," ulit ng librarian habang umiling-iling na bumalik sa ginagawa. "Find another book for your 'researching purposes'. The book's not available for you."
"Pero bakit?" pagpupumilit ni Irish.
"You're not a necromancer, and the book is in the 4th level. Only the people with higher badges can have an access with it. Now, go and find another book."
"Pero—"
"Leave." Nandilat ang mga mata ng librarian na para bang nagbabanta na ito. Walang nagawa si Irish kundi maglakad na lang papalabas ng library. Dali-dali akong tumakbo kasunod niya.
"Masungit talaga ang mga Witch Sisters, the book keepers located in every library. Masanay ka na. Don't worry, we'll find another way."
Tumigil ako sa gitna ng daan at pinagmasdan ang paglalakad ni Irish. Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan.
"Irish," I called out to her.
Napatigil siya sa paglalakad at napalingon sa direksyon ko, "Oh? Baliw ka talaga. Di mo man lang sinabi na titigil ka pala. Kanina pa ako daldal ng daldal dito, wala pala akong kausap." Naglakad siya papalapit sa'kin. "Bakit?"
"I.. I feel guilty about this. About the things you've done for me. Simula nang tumuntong ako dito sa lugar na 'to, ikaw na yung nandyan na tumutulong sa 'kin. Mula sa pagkain, sa paggamot sa 'kin nung nabugbog ako, sa pagbantay sa 'kin sa ospital. You know, the list just goes on, and I don't know how to repay it. Tapos ngayon, naaabala na naman kita sa problema ko. I know you have other things to deal with, Irish. Estudyante ka rin, marami ka ring pinoproblema. Ayoko nang abalahin ka pa. I feel guilty about it. Nakakainis lang isipin na wala akong nagagawa para sa sarili kong problema."
Hindi ako makatingin ng diretso kay Irish pagkatapos kong magsalita. Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko sa pagiging straightforward. I get too harsh sometimes when talking, lalo na sa tono. I just hope Irish wouldn't be offended by the way I talked.
"I-I'm sorry if I'm too—"
"No. I understand." Nagulat ako nang isang ngiti ang sumilay sa labi ni Irish. Itinaas niya ang dalawang kamay at pilit ipinulupot sa may leeg ko para yumakap.
"Thank you for being honest, Mavis," bulong niya. "I know I'm getting clingy and I know you don't like hugs, but yeah, I'm hugging you anyway."
Maya-maya ay kumalas din si Irish at diretsong tumingin sa'kin.
"Maraming nagsasabing mabait daw ako, that I always help people and put their needs on top of my priority list instead of mine. Alam mo ba? Ilang taon na din ang lumipas bago ko mapagtanto na inaabuso lang nila ako, ang kabaitan ko. From then on, I choose the people that deserve my help. At hindi ako nagkamali sa pagpili sa'yo, Mavis. You're a true friend, and you're worth a spot in my life."
"I know you feel that you're always relying on me but honestly, knowing that I can help you in every way I can makes me happy. I'm sorry but, kahit na ipagtabuyan mo pa ako, tutulungan at tutulungan pa din kita. Got that? Kaya 'wag ka na magdrama, okay? I hate dramas."
I chuckled. "Ayaw mo ng drama pero kung makahugot ka minsan..."
Itinaas ni Irish ang index finger niya sa harap ng mukha ko. "Exception 'yun. Now, let's go. We still have a book to borrow today."
"May plano ka?" gulat na tanong ko.
"Mm," tumango si Irish. "And I hate to say that the jerk is involve in this one. C'mon! Let's go before the clock strucks midnight!"
~
"How many times should I tell you that there is no such thing as haunted house? Pinatunayan na namin 'yan. Hindi pa ba kayo nakuntento?"
"Eh narinig mo naman yung mga kalabog sa attic diba? Hindi pa ba sapat 'yon para maniwala kang mayroong bagay na naninirahan sa taas?"
Napabuntong-hininga na lang ako sa dalawa. Kanina pa sila nagbabangayan simula nang dumating si Irish dito sa bahay at kausapin si Nero.
"It's just that stupid cat," walang-ganang sabi ni Silverblaze.
"Sigurado ka? Kani-kanina lang, narinig ulit ni Mavis yung kumakalabog, nasa harap niya yung pusa. You have no idea what could possibly be up there! It can be dangerous for Pete's sake!"
Nero tsk-ed at saka tumayo mula sa pagkaka-upo sa sofa. Tinalikuran niya kami at itinaas niya ang isang kamay na para bang pinapaalis niya si Irish. "Do what you want. 'Wag niyo 'kong idamay sa kalokohan niyo."
Paakyat na si Nero sa hagdan nang makarinig kami ng ingay. Ayan na naman. Nagsisimula na naman ulit ang mga kalabog.
Tumalon mula sa pagkakakarga ko ang puting pusa at tumakbo paakyat sa second floor. Nagkatinginan kami ni Irish at sinundan namin ito. Naramdaman ko ring nakasunod sa likuran namin si Nero.
Nadatnan namin ang pusa na nakatingin sa kisame kung nasaan ang tali na hihilahin para ibaba ang hagdan papuntang attic. Tahimik na nakaupo lang ito, habang dahan-dahang iwinawagwag ang kanyang buntot.
Nag-squat ako at in-extend ang aking dalawang kamay sa direksyon ng pusa at tinawag ito. Bahagyang inilingon nito ang matabang ulo sa direksyon namin.
"Meow."
"Shit!"
"Oh my gosh!"
"Fuck!"
Biglang namatay ang ilaw sa buong bahay. Shit shit shit! Wala akong makita!
Nagsindi si Nero ng fireball sa magkabilang kamay. "Let's get out of here!" Madiin niyang utos.
"Tara na, Mavis!" segunda ni Irish.
Dali-dali akong tumakbo papalapit sa pusa, kinarga ito, at sumunod sa dalawa palabas ng bahay.
Sunod-sunod ang paghahabol namin ng hininga nang makalayo-layo kami sa bahay. Grabe yung pag-tibok ng puso ko sa kaba, parang matatangal na sa dibdib ko kanina. Sanay na ako sa mga malalakas na kumakalabog, pero yung bigla-bigla na lang mamamatay yung ilaw? Parang ka-level ng takot ko dun kapag nakakakita ako ng flying ipis.
"Oh ano?" nakapatong ang magkabilang kamay ni Irish sa kanyang bewang habang tuloy-tuloy sa paghahabol ng hininga. "Hindi ka pa rin ba makikipag-cooperate?"
~
It's quarter to 12 nang makarating kami sa tapat ng House of Piques. Dito nakatira ang buong Spades' Royale at iba pang Kings na miyembro nito. At syempre, dito rin dating nakatira si Nero, kundi lang siya naging pasaway at naisipan ni Miss Elina na ilipat siya sa House of Jokers.
Ito ang unang beses na nakita ko ang House of Piques. Front view pa lang, wala nang binatbat ang House of Jokers sa laki at gara nito. Literal na mansyon ang naturingang bahay, at kahit na tatlong palapag lamang ito ay bumawi naman ang laki sa haba ng nasabing mansyon. Sabi ni Irish, labin-limang lalaki lang ang nakatira dito, kasama na ang limang miyembro ng Spades' Royale. May kanya-kanyang kwarto ang bawat miyembro. Ang sampung lalaking miyembro ay nasa ikatlong palapag, samantalang ang mga miyembro ng Spades' Royale ay nasa ikalawa, di hamak na mas malaki at mas mahaba ang kwartong inookupa nila. Sila rin ang nag-uupgrade sa bahay gamit ang pera na nakukuha nila mula sa mga misyon at sarili nilang allowance. Ang miyembrong may pinakamalaking iniaambag ang siyang nakakakuha ng pinakamalaking kwarto. Sabi ni Irish, si Hunter Foxtail ng Spades' Royale ang nag-aasikaso sa mga gastusin sa loob. At sinasabing siya rin ang pinakamayamang studyante sa buong House of Cards.
Kinuha ko ang backpack na nakasabit sa likod ko at sinilip ang matabang pusa. Tulog na tulog na ito doon kahit na halatang siksik na siksik siya sa bag. Dahan-dahan kong sinukbit ulit ito sa magkabilang balikat ko.
Tumigil si Nero sa tapat ng mataas na gate ng mansyon. Nagsindi siya ng maliit na apoy sa tuktok ng index finger niya at itinapat sa isa sa mga bintana doon bago pinakawalan. Mabilis na lumipad ang apoy patungo sa bintana at binasag ito. Sunod-sunod na nagsindi ng ilaw ang bawat kwarto sa ikatlong palapag. Sumilip sila sa kaniya-kaniyang bintana. Muling nagpasindi si Nero ng apoy sa kanyang palad. Nang makita ito ng mga lalaking nandoon, in-acknowledge nila ang presensya ni Nero sa pamamagitan ng pagtungo bago bumalik sa pagtulog. Ang iba namang miyembro ng Spades' Royale na nasa ikalawang palapag ay hindi na nag-abala pa sa pagdating ni Nero. Dalawang magkatabing kwarto lang ang nagbukas ng ilaw at sumilip, ang kambal. Pero sa halip na tumungo ay gayahin ang ginawa ng ibang miyembro, napansin kong sa direksyon namin ni Irish nakaharap ang mga ito, ngumiti at kumaway, bago patayin ang ilaw at bumalik sa pagtulog.
Marahan akong siniko ni Irish, "Mukhang trip ka pa din ng kambal ah."
Napailing-iling na lang ako sa sinabi niya.
Napatingin ako sa bintanang binasag ni Nero. Ni hindi man lang bumukas ang ilaw rito. Maya-maya ay maykung ano ang lumabas sa bintana. Hindi ko maaninag kung ano ito sa sobrang dilim. Nagulat ako nang bigla itong lumipad papunta sa direksyon namin. At.. at..
SHIT! Totoo ba 'tong nakikita ko?! Is that a..
"Dragon," sambit ni Irish habang nakatutok ang atensyon sa maliit na dragong paikot-ikot na lumilipad sa tuktok namin.
Sabay-sabay kaming napalingon sa gate nang magbukas ito at lumabas ang isang lalaking naka-suot ng santa hat na kulay blue, katerno ng checkered blue pajamas niya. Mabilis ko siyang nakilala dahil sa PSP na nilalaro niya ngayon. Si Terrence Dragonaire, isa sa mga miyembro ng Spades' Royale at ang lalaking wala na atang inatupad kundi ang PSP niya.
Muli akong napatingin sa maliit na dragon nang umungol ito. Dahan-dahan itong nag-landing sa kanang balikat ni Terrence.
"You called for me?" antok na antok na tanong nito kay Nero, nang hindi man lang inaangat ang tingin mula sa nilalarong PSP.
Nag-usap ang dalawa. Hindi ko na iniintindi ang pinagsasabi nila dahil sa pares ng matang nakatingin sa 'kin. Ang mga mata ng dragon.
Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatingin dito. Para akong nabato sa kinalalagyan ko. Ang mga mata nito ay parang mga mata ng isang pusa, ngunit mas kakaiba, mas nakakapanindig ng balahibo.
Napaatras ako ng biglang gumalaw ang mga pakpak nito. Natigil sa pag-uusap sina Nero at Terrence at sabay na napalingon sa dragon. Lalong napalakas ang pagaspas ng pakpak nito at unti-unting umangat ang mga paa nito mula sa pagkakatapak sa balikat ni Terrence.
"Sht." Napapikit ako nang biglang gumalaw ito papunta sa direksyon ko.
Pagkamulat ko, sumalubong sa'kin ang lumilipad na dragon na ilang dangkal lang ang layo mula sa mukha ko. Sunod-sunod ang paghinga ko ng malalim. Hindi ako makahinga ng maayos. Para akong aatakihin ng hika.
"Extend your arm." Narinig kong utos ni Terrence. Nababaliw na ba siya?! Baka kung anong gawin sa'kin ng dragon na 'to dahil sa pinagsasabi niya!
"Can't you—" naputol ang sasabihin ko nang biglang umungol ulit ang dragon. Dali-dali akong napaatras ng ilang hakbang ngunit sumunod lang ito sa'kin.
"I-Irish.." I called out. Natatakot na talaga ako. Hindi ko alam kung anong problema ng dragon na 'to at ako ang napagtripan.
"No! Don't," pigil ni Terrence. "You might make things worse. Just do what I said, transferee."
Nakagat ko ang ibabang labi ko at sinunod ang sinabi ni Terrence. Dahan-dahan kong itinaas ang isang kamay ko papalapit sa dragon. Nakita nito ang ginawa ko, at muli na naman akong napapikit nang gumalaw ito.
Laking gulat ko nang maramdaman ko ang marahang pagdapo ng dragon sa kamay ko. Nagmulat ako at nakita itong kalmadong nakadapo. Umakyat ito sa kamay ko papunta sa aking balikat, at ikiniskis nito ang maliit at magaspang na mukha sa gilid ng pisngi ko na parang pusa.
Terrence grinned, "Draco likes you."
"Can we go now? We still have 7 minutes before the library closes," naiinis na sabi ni Nero, mukhang nauubusan na ng pasensya.
"Ah teka! Paano 'to?" turo ko sa dragon na nasa balikat ko.
"He'll fly with us," sagot ni Terrence.
"Fly?" tanong ni Irish. "With us?"
Tumango si Terrence na para bang normal lang sa kanya iyon. "Naghahabol tayo ng oras di'ba? Unless you have a better and faster idea of going to the library than mine."
Kinagat ni Terrence ang gilid ng labi niya hanggang sa tumulo ang dugo dito. Pinunasan niya ang pulang likido ng kamay niya at itinapat ito sa itaas. May mga salita siya binigkas na hindi namin maintindihan. At pagkatapos ng kanyang ritwal, nakarinig kami ng malalakas na ungol at pagaspas ng mga pakpak mula sa itim na kalangitan.
Nanlaki ang mga mata ko nang tuluyang makita kung saan nanggagaling ang tunog. Dalawang malalaking asul na dragon ang lumilipad ngayon sa harap namin. Dahan-dahang bumaba ang mga ito hanggang sa makatapak ang kanilang malalaking paa sa lupa. Sabay na ibinaba nito ang ulo at sumakay si Terrence. Sumunod si Nero at sumakay naman sa kabilang dragon.
"Hoy! Ano pang hinihintay mo dyan? Sakay!" sigaw ni Nero sa'kin. Oo sa'kin, dahil mukhang wala siyang balak na isama si Irish sa dragon na sinasakyan niya. At mukhang wala rin namang balak sumakay si Irish sa dragon na sinasakyan ni Nero.
Inalalayan ni Terrence si Irish sa pagsakay nito sa dragon. Nagsimula nang pumagaspas ang mga pakpak nito paakyat sa ere.
Napatingin ako sa dragon na nasa harap ko ngayon. Hindi ko alam kung saan ako hahawak at kung paano makakaakyat. Inalala ko ang ginawa ni Nero kanina. Humanap ako ng makakapitan at itinuntong ang isang paa paakyat. Napasinghap ako nang biglang madulas ang isang paa ko at nawalan ako ng balanse. Bigla ko na lang naramdaman ang mga kamay ni Nero, mahigpit na hawak-hawak ang magkabilang pulso ko. Iniangat niya ako pataas para makasakay sa dragon.
"Pathetic as always," sumbat niya pa.
"Sorry ha. Wala kasing ganito sa dating tinitirahan ko eh," I sarcastically answered.
"Still pathetic," pagpupumilit niya. "You better hold on to me if you still value your life."
Tumingin-tingin ako sa likod ko at kumapa. Lihim akong natuwa nang may mahawakan ako para kapitan. Huh, hindi ko kailangan humawak sa kanya.
"I can manage."
Nakita kong nag-smirk si Nero, "Suit yourself."
"Ahh!"
"Fuck! Transferee!"
Shit! Muntik na akong mahulog! Nakakainis kasi 'tong si Nero eh, bigla-bigla ba naman paliparin ang dragon! Ayang tuloy, halos bumaon na yung mga kuko sa balikat niya sa sobrang higpit ng hawak ko.
"Wag ka dyan humawak! Hindi ko 'to makontrol ng maayos!" sigaw niya sa'kin.
"Eh saan ako hahawak?!" sigaw ko pabalik. Ang hirap pala makipag-usap sa ere, halos hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
"Use your big fucking mind!"
Iba talaga, ang galing-galing niya talagang sumagot eh. Tinignan ko ang likuran niya. Alam ko naman talaga kung saan dapat kakapit pero.. ugh!
Wala akong nagawa kundi ipulupot ang magkabilang kamay ko sa bewang niya.
Wala pang limang minuto nang makarating kami sa library. Naabutan namin ang librarian na nag-aayos na ng kanyang mga gamit. Dali-daling hinila ni Irish si Terrence papunta sa desk nito.
"You're back, Miss Fairchild," sambit ng librarian nang hindi man lang umaangat ang tingin nito sa ginagawa.
"Yeah, and I brought someone with me."
Tumigil sa pag-aayos ang librarian at sinilip ang tinutukoy ni Irish. "What can I do for you, Mister?"
"Summoner's Verse," matipid na sagot ni Terrence.
Napailing-iling ang matanda nang mapagtantong ito rin ang librong hinihiram ni Irish kanina. "I told you already, you can't borrow that book."
"Four star - King. Terrence Dragonaire—"
"You can access the 4th level but you are not a necromancer. You still can't borrow the book," putol nito sa sinasabi ni Terrence.
"You didn't let me finish," balik niya. "Terrence Dragonaire. Son of King Lawrence of the Dragonaire clan and Terra Gravereaper, princess of the oldest surviving clan of necromancers."
~
Nakatambay kaming tatlo ngayon sa tapat ng House of Jokers habang hinihintay si Terrence. Sumaglit ito sa House of Piques para kuhain ang mga kakailanganin niyang gamit sa ritwal na gagawin namin ngayon. Ala-una na ng madaling araw. Hikab na ng hikab si Irish at nakasandal sa balikat ko. Si Nero naman, ayun nadali na naman ang iPod ko at nakikinig sa mga playlist kong nandun.
Halos nakakatulog na rin ako nang biglang magising kaming dalawa ni Irish dahil sa malakas na pagaspas ng mga pakpak. Tumapak na sa lupa ang isang dragon sakay si Terrence. Pagbaba niya sa lupa ay saglit na hinimas-himas ni Terrence ang alagang dragon bago ito pinalipad at tuluyang nawala sa kadiliman ng langit. Dire-diretsong pumasok si Terrence sa loob ng bahay kaya sumunod na lang kami.
Sinalubong kami ng mga kalabog pagpasok namin sa may pintuan pa lang. Naramdaman kong gumalaw ang matabang pusa. Nang lingunin ko ito, nakasilip na ang ulo nito mula sa backpack. Tinanggal ko ang bag mula sa pagkakasukbit sa balikat ko at binuksan ang zipper nito para makalabas ang pusa. Dali-daling tumalon ito at tumakbo paakyat sa ikalawang palapag.
Katulad ng dati, nadatnan namin itong nakatingin lang sa kisame at winawagwag ang puting buntot. Si Terrence na ang nagprisintang hilahin ang tali at ibaba ang hagdan papuntang attic. Umakyat siya kasabay ng puting pusa. Sumunod si Nero para bigyan siya ng ilaw at pagkatapos ay kaming dalawa ni Irish.
Mabilis na inihanda ni Terrence ang mga gamit. Isang maliit na glass, mga pulang kandila, itim na buhangin at limang pirasong dice. Gamit ang itim na buhangin, gumawa ng hugis bituin si Terrence sa sahig. Kaming tatlo nina Irish at Nero ang naglagay ng mga pulang kandila sa buong attic. Nang matapos ay sabay-sabay itong sinindihan ni Nero.
Pinaupo kami ni Terrence paikot sa bituin na ginawa niya. Nasa gitna ako ni Nero at Irish. Nilagay ni Terrence ang limang dice sa gitna ng bituin bago umupo sa gitna rin nina Nero at Irish at tapat ko.
Huminga siya ng malamim at in-extend ang dalawang kamay sa magkabilang gilid niya. Hinawakan ni Irish ang kanang kamay niya, at ganoon din ang ginawa ni Nero sa kaliwang kamay ni Terrence. Ginaya ko din sila at hinawakan ang isang kamay ni Irish. Tinignan muna ako ng masama ni Nero bago ko mahawakan ang kamay nito. Ugh! Para namang gusto ko.
Nagsimulang bumulong si Terrence ng mga katagang hindi namin maintindihan. Dire-diretso niyang binabasa ang mga nakasulat sa Summoner's Verse, mga sulating hindi ko malaman kung saang lenggwahe hinango. Nakatingin lang kaming tatlo sa kanya. Ilang saglit lang ay kakaiba na ang nararamdaman ko. Lumamig ang temperatura sa attic sa kabila ng mga maliliit na apoy na nakasindi sa pulang kandila. Sumasayaw na rin ang apoy na nakasindi sa bawat kandila kahit na walang hangin ang umiihip. Bumibilis na naman ang kabog sa dibdib ko. Nararamdaman ko ang panlalamig sa kamay ni Irish samantalang si Nero naman, ang higpit ng pagkakahawak sa'kin.
Napatingin kami sa limang dice nang nagsimulang umikot ang mga ito ng sabay-sabay. Mabagal lang ang pagbaliktad nito noong una, hanggang sa pabilis ng pabilis na halos hindi na namin makita ang mga itim na dots na naka-print dito.
Naging asul ang dating itim na mga mata ni Terrence. Diretsong nakatingin siya sa limang dice, na parang hindi kami nag-eexist sa tabi niya. Napigil ko ang paghinga ko nang biglang tumigil sa pagsambit ng kakaibang ritwal si Terrence at napalitan ng isang English verse.
"The light has vanished
The dark was unleashed
O lost soul from beneath
Come and be revealed."
Sabay-sabay na tumigil sa pag-ikot ng dice, pero bago pa man namin makita ang lumabas na resulta sa mga ito ay bigla na lang ulit itong umikot. Naging paulit-ulit ang nangyari. Titigil, iikot, titigil at iikot muli nang hindi namin nakikita ang resulta. Mukhang si Terrence lang ang nakakaintindi sa ibig sabihin nito dahil sa mga letrang isinasambit niya sa bawat pagtigil ng mga dice. Hindi ko na nasundan ang sinasabi ni Terrence dahil bukod sa bumubulong siya ay mabilis na sinasambit niya ang bawat kataga. Bigla ko na lang namalayan na tumigil na ang pag-ikot ng mga dice at maayos na itong nakapwesto sa gitna ng bituin.
Bumitaw si Terrence sa pagkakahawak at seryosong tumingin siya sa amin. Bumalik na muli sa normal na kulay ang kanyang mga mata. Huminga muna siya ng malalim bago tuluyang magsalita.
"The rumors about this House is true, and she's with us right now. Soul eater, Phantomheart."
~
Kyamii: Last update before I go back to the loving arms of acads </3 See you in the next update! Oh and don't forget to leave your thoughts about this chapter. Looking forward to it dear Sugar Rolls <3 Thank you for reading and have a nice day!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top