Card 10 ♥ What's UP in there?
Card 10 ♥ What's UP in there?
[Mavis Alair Celestine]
"Ano 'yun?"
Nagkibit-balikat lang ako sa tanong ni Nero. Tuloy-tuloy pa rin ang kalabog sa itaas. Mas malakas at mabilis ang mga ito kumapara sa dati. Hindi kaya nagkaroon na naman ng racing yung mga daga?
"Get up. See what's going on there." Utos ng sadista sa'kin.
Ayos ah. Sarili kong nanay hindi ako inuutusan, siya pa kaya?
"Ayoko nga."
He glared at me. "I'll count to three, transferee. If you don't get your ass up there, you're going to see angels tonight."
"Well, isn't that a spectacular sight?" Sarcasm filled the tone of my voice.
"One."
"Marunong akong magbilang, Silverblaze."
"Oh?" Nero smirked. "Let's see if you can still count after I burn you to ashes right now."
Nilapit niya ang kanyang kanang kamay sa bandang itaas ng balikat ko, ilang sentimetro lang ang layo mula sa aking kaliwang tainga. Bigla na lang siyang nagpaliyab ng maliit na bolang apoy mula dito, ramdam na ramdam ko ang mainit na temperatura nito sa aking tainga.
"Shit!" Tinabig ko ang kamay niya at umatras, dahilan upang tuluyan akong mahulog sa kama. "Ahh!"
*Bump!
"Aray ko po--Shit." Napahimas-himas ako sa likod ko. Buti sana kung kahoy tong binagsakan ko eh, kaso semento eh.
"You'll be getting worse than that if you don't do what I say." Banta ni Nero.
"Sadista ka talaga eh no?" Humawak ako sa may side table at tumayo. Ugh, you'll surely pay for this, Silverblaze.
He shrugged at tinuro ang nakabukas na pinto. Napailing-iling na lang ako at naglakad papalabas ng kwarto.
Hinila ko ang tali para ibaba ang hagdan papuntang attic. Akmang aakyat ako nang maramdaman kong may presensya sa likod ko.
"Oh? Ba't sumunod ka?"
"Kapag may nangyari sa'yo, kasalanan ko pa." Walang gana niyang sabi.
"Weh? Baka naman natatakot ka lang mag-isa?"
Napailing-iling siya. "Tsk. Asa ka."
"Wag mo ngang gayahin expression ko. Natutunan mo na naman sa'kin 'yang 'asa ka' eh."
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at mahina akong tinulak sa likod. "Just get up there! Ang dami pang satsat eh."
"E diba hindi ka takot? Ba't di ka mauna?" Hamon ko.
Naningkit ang mga mata ni Nero, "Are you really testing my patience, transferee?"
"Eto na. Aakyat na." Umakyat ako at sumunod naman si Nero sa'kin. Maliban sa alikabok, kadiliman lang ang sumalubong sa'min pagdating sa taas. Nagsindi si Nero ng apoy sa kanyang kamay para malinawagan ang ibang parte ng attic.
"Hoy, akala ko ba naglinis ka? Bakit ang dumi nito? It looks shit up here."
"Ay sorry. Mag-isa lang kasi ako nun eh, wala pang tubig kaya lumalabas pa ako para mag-igib at magpakandahirap na iakyat sa second floor." I rolled my eyes. Nauubusan talaga ako ng pasensya dito eh.
Naglakad-lakad kami sa attic. Wala na yung kanina pang kumakalabog. Tahimik na ang buong lugar. Mga lumang gamit na nabalutan na ng alikabok ang nandito.
Huh? Nasaan na yung mga daga?
Sabay kaming napalingon ni Nero sa likod nang tumunog ang lumang wind chimes na nakasabit. Nagkatinginan kami. Mabilis na natuon ang atensyon namin doon nang mapansin naming may gumalaw.
"Who's there?!" sigaw ni Nero. Walang kaming narinig na sagot.
Dahan-dahan akong lumapit sa wind chimes at hinawakan ko ito para tumigil. Ang creepy ng tunog eh. Sandali na naman kaming nanahimik ni Nero, nakikiramdam.
At hindi nga kami nagkamali. There it is again! The sudden movement! But this time, biglang sumarado ang malaking baul sa pinakasulok.
Bahagya akong tinulak ni Nero sa likod, "Go check it out."
"Bakit ako? Ikaw na lang! Ikaw 'tong may apoy dyan eh."
Ang sadista, nilapit ba naman sa'kin ang kamay niyang may bolang apoy bilang banta. I rolled my eyes and took a deep breath. Di bale ng multo, wag lang ipis. Jusko po.
Dahan-dahan akong naglakad papalapit dito. Nakasunod naman sa'kin si Nero para magbigay ilaw. Mukhang nilakihan niya ang kanyang apoy, bukod sa lalong lumiwanag, mas lalong uminit sa loob ng attic.
"Open it," Nero whispered. Nasa tapat na ako ng baul. Muli akong huminga ng malalim at inabot ang itaas na bahagi nito. Okay, Mavis. Just open the chest. There's nothing inside. You can handle it.
Dahan-dahan ko itong itaas hanggang sa..
"NYAAAW!"
"AHH!"
"Shit!"
What the hell! Ano yun?
Nakahinga ako ng maluwag nang makita kung anong lumabas sa baul. Isang malaking pusa lang pala. Akala ko kung ano. Kung makasigaw kasi yung isa dyan...
Napatingin ako kay Nero.
"What?!"
"Hindi pala takot ah. Kung makasigaw, dinaig pa 'ko." Natatawa kong sabi. Actually, hindi talaga ako sa pusa nagulat eh, sa sigaw ni Nero.
"Shut up, transferee." Nilibot niya ang buong attic. "Now where's that fuckin' cat?"
"Oy oy oy! Wag mong sabihin sa'kin na susunugin mo yung pusa."
Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy sa paghahanap ng pusa hanggang sa napako sa iisang direksyon ang kanyang tingin. "There goes my kitty."
"Meow."
"Nero!"
Tumakbo ako papalapit sa kanya at tinabig ang kanyang kamay. Sa ibang direksyon napunta ang bolang apoy, na dapat sana ay sa kawawang pusa.
"What's the problem with you, transferee?!" sigaw niya.
"You can have the room. Just don't kill the cat."
Matagal niya akong tinitigan, para bang nag-iisip. Napailing-iling na lang siya sa sagot ko.
"Fine with me. Just get it out of my sight." Nilagpasan niya ako at dire-diretsong bumaba papuntang second floor. "And don't ever speak my surname. You'll regret it." Pahabol niya.
Hindi ba man lang niya naisip na kapag umalis siya, mawawalan rin ako ng ilaw? Haaay.
Napatingin ako sa pusa. Umiilaw ang magkaibang kulay ng mga mata nito. Napabuntong-hininga na lang ako.
Now, what am I going to do with you?
~
Kasalukuyang nagtuturo sa amin si Professor Xavier tungkol sa spells and potion nang magkaroon ng announcement.
"Calling the attention of Miss Celestine and Mister Silverblaze, please proceed to the Headmaster's office. Calling the attention of Miss Celestine and Mister Silverblaze, please proceed to the Headmaster's office."
Napatigil ako sa pagsusulat. Tumingin ako kay Irish, sumenyas siya na para bang 'I should get going before the hell breaks loose'. Kung bakit ba naman kasing kailangan pang banggitin ng sabay ang pangalan namin ni Nero, ayan tuloy, ang sasama ng tingin sa'kin ng nga fangirls niya dito.
At this rate, I'm pretty sure they are planning the best way to murder me.
"Miss Celestine," tawag attention sa'kin ni Professor Xavier. "Your presence is needed by the Headmaster."
"Yes sir. Pasensya na po." Dali-dali kong isinilid sa backpack ang mga gamit ko at tahimik na lumabas. Paglabas ko sa training grounds, isang kotseng itim ang nag-aantay sa'kin.
Pinagbuksan ako ng butler. Nakita kong nag-aantay sa loob si Nero, abalang-abala sa nilalarong PSP.
"You're late, transferee." Sabi nito nang hindi man lang inaangat ang tingin mula sa maliit na screen.
"Bakit daw tayo pinapatawag?" I asked instead.
"As if I know what's running in that lady's mind. Wag mo nga akong guluhin. May ginagawa ako." Naiinis na sagot niya.
Oh edi sige! Mananahimik na lang ako. Kinuha ko ang iPod sa bag at pinasak ang dalawang earpiece sa magkabilang tainga ko. Pinatugtog ko ang 'Somewhere in Neverland' ng All Time Low at nilakasan ang volume para siguradong hindi ko marinig ang paghinga ni Nero. Naiirita ako pag nararamdaman ko presensya niya eh. Hangga't maaari, ayokong isipin na katabi ko yung sadista ngayon.
Pero ang loko, kuhain ba naman yung isang earpiece at ipasak sa isang tainga niya? Aba iba din.
Matapos ang labinlimang minutong pagd-drive ng butler (at limang kanta ng ATL), nakarating na kami sa Central Suit kung nasaan ang white mansion of the Headmaster o ang House of the Royal Flush.
Mula sa stairway, sinalubong kami ng isa na namang servant at iginiya kami papasok sa loob ng mansyon.
"Headmaster, nandito na po si Miss Celestine and Mister Silverblaze." Anunsyo ng servant matapos kumatok sa pintuan ng office ni Miss Elina.
"Let them in."
Binuksan ng servant ang pintuan, tumayo sa gilid at nanatiling nakatungo. Dumiretso ng pasok si Nero at naglakad ako papasok kasunod niya.
"What do you want, Elina?" As usual, naiwan na naman ni Nero ang manners niya sa bahay.
"Words, Silverblaze." Banta ni Miss Elina. Hindi ito pinansin ni Nero at pabagsak na umupo sa pulang couch na katapat ng Headmaster's table.
"Good morning po," bati ko.
Ngumiti sa'kin si Miss Elina, "Good morning, Mavis. Please, have a seat."
Umupo ako sa tabi ni Nero at itinuon ang atensyon sa sasabihin ni Miss Elina.
"How's the training going?" tanong ni Miss Elina kay Nero. Hindi ito nakasagot. Paano ba naman, it-t-training lang ako pag trip niya. At hindi pa siya nagse-seryoso dun ha, kapag wala siyang mapagtrip-an sa buhay, ako ang pinagdidiskitahan niya.
"And the teaching part?" Lumipat naman ang tingin ng Headmaster sa'kin. Wala rin akong naisagot sa kanya. Ang totoo niyan, hindi ko pa nasusubukang turuan si Nero. Lagi na lang kasing wala, kasama ng barkada niya. At kung may pagkakataon naman, binabalewala niya lang ako at matutulog.
"I see," inayos ni Miss Elina ang kanyang salamin. "Just let me remind you that this proposal I made is your ticket for staying in this House. You better take it seriously, or else you will find yourselves at the gate of this institution."
"That aside, I would like you to look at these," may kinuha ang Headmaster ng mga papeles at binigyan kami ng tig-isang kopya ni Nero. "The Royal Council has decided that you should take this mission as part of your punishment."
"How much?" Nero asked while scanning the papers. Magkano ang alin? Magbabayad ba kami?
Ngumiti si Miss Elina, "Free, Silverblaze. You are doing this mission for free."
Biglang itinapon ni Nero ang mga papeles. "I'm out." Tumayo ito at dire-diretsong naglalakad papuntang pintuan.
"Get back here, Silverblaze. I'm not done yet."
Mabilis na bumalik si Nero sa harap ni Miss Elina at ibinagsak ang dalawang kamay nito sa table. "Look here, lady. There is nothing to talk about. I'm not doing it unless you pay me back. I don't do missions for free. Give me a nice price and we'll set the deal."
"Oh, a deal. Let's see.." Matagal na tinitigan ni Miss Elina si Nero na para bang pinag-iisipan kung ano ang sasabihin niya dito. "Do this mission and we might reconsider your stay here. How's that for a deal?"
"Tsk." Muling bumalik si Nero sa pulang sofa at pabagsak na umupo dito.
"Let's go back to our discussion, shall we? Like what I have said earlier, this is the decision of the Royal Council as a part of your punishment. All the information you need is written there. A complete report should be submitted right after the mission. Any questions regarding your task should be clarified as early as possible. You have at least two more days to prepare for it."
Two days? Tinignan ko ang mga papeles na binigay ni Miss Elina. Sa Sabado na pala ito gaganapin.
Teka teka! Sabado?! Eh ano naman ang magagawa ko dito? Paano na lang kung may mangyaring masama? Ni wala pa nga akong sapat na training eh. At isa pa, wala akong kapangyarihan o yung 'trump card' na sinasabi nila. I will just screw this up.
"Miss Elina--"
"To sum it all up, your mission is to escort the little card players in their upcoming field trip this weekend."
Little Card Players? Magiging babysitter ako this weekend?!
~
"One rule, transferee. Stay out of my way."
Napabuntong-hininga na lang ako. Kung saan-saan ako napapasok dahil sa ginawa kong yun eh. Sana pala hindi ko na lang iniba yung storya. Parang nagsisisi tuloy ako sa ginawa kong pagsasalita sa harap ng Royal Council.
Kung hindi ko sana ipinagtanggol si Nero, wala sana akong pinoproblema ngayon.
Haaay. Mapapahamak lang ako nito ng wala sa oras.
"Meow." Napaupo ako mula sa pagkakahiga sa sofa. Dumako ang atensyon ko sa malaking furball na nakapwesto sa may bandang paahan ko. Yung pusa lang pala.
"Meow." Patuloy sa paggalaw ang matabang buntot nito. Itinaas ko ang kamay ko at lumapit sa'kin ang matabang pusa. Tumalon ito paakyat sa sofa at sumiksik sa'kin. Hinimas-himas ko ang puting balahibo nito, palibhasa malinis na. Pinaliguan ko kagabi pagkatapos naming matagpuan ni Nero. Ayun, matapos ang matiyagang pagpapaligo sa mataba at malaking hayop (matapos ko ring makakuha ng ilang kalmot sa kamay) nagmukha na ulit itong pusa. A big fluffy furball to be exact.
Hindi ko nga akalaing ganito 'to ka-cute pagkatapos kong paliguan eh. Ang taba-taba kasi tapos ang kapal pa ng puting balahibo nito, isama mo na ang maliliit nitong kamay at paa. Mukhang stufftoy eh.
Kanina, iniisip ko kung paano ito nanatiling mataba kung nakakulong ito sa loob ng attic? Di kaya puro malalaking daga rin ang nasa loob ng tiyan nito? Ugh. Ayoko ng isipin.
"Hoy pusa. Magkaroon ka nga ng silbi. Sagutin mo 'ko. Paano ko gagawin yung misyon na binigay sa'kin ni Miss Elina, ha?"
"De joke lang. 'Wag ka na sumagot. Kilabutan pa 'ko pag nagsalita ka dyan," bawi ko. Ugh. Nababaliw ka na, Mavis. Pati pusa pinagdi-diskitahan mo na.
Nagulat ako nang bigla itong tumalon pababa sa sofa at dali-daling tumakbo paakyat ng hagdanan. Napakunot ang noo ko. Anong problema nun?
Tumayo ako at sinundan ang matabang pusa. Pagdating ko sa second floor, nakita kong nakaupo ito at nakatingin sa itaas, sa mismong lugar kung saan nakasabit ang tali para ibaba ang hagdanan papuntang attic.
"Meow. Meow. Meow." Sunod-sunod nitong ungol. Nilapitan ko ang matabang pusa at tumingin rin sa taas kung saan nakapako ang atensyon nito.
Bumalik sa pusa ang atensyon ko, "Hey, what's the matter hmm?"
Muli na naman umatungol ang pusa, "Meow." Ni hindi man lang nito inalis ang tingin sa itaas.
Nagulat ako nang may biglang bumagsak sa itaas. Napatingin ako sa kisame. Nakiramdam.
*BLAG! BLAG! BLAG!
Bigla akong napaatras. Shit! Ano 'yun? Mas malakas ito kaysa kagabi. At sigurado akong kahit mga dagang nagkakaroon ng marathon, hindi ganito kalakas ang ingay na magagawa nila!
*BLAG! BLAG! BLAG!
Kinuha ko ang pusa at lumabas ng bahay. Matagal na akong nababagabag sa itaas na parte ng bahay na 'yan. Iba na 'to.
Hindi na maganda ang nararamdaman ko dito.
~
Kyamii's note: Congratulations 2015 Graduates! Hi Sugar Rolls! Na-miss ko kayo! Kayo ba? Na-miss niyo ko? Hahaha I wouldn't take 'no' for an answer. lol. Sapilitan eh. Hahaha
Anyway, just another lame 'on-the-spot' update from your lazy author. And my lame 'on-the-spot' question, ano ba talaga ang nasa attic ng House of Jokers? At ano ang mangyayari sa susunod na update dahil hindi ko na alam kung ano ang nangyayari? Dali hula kayo XD hahaha
On the serious note, I would like to take this opportunity (and the space for this page) to thank you for supporting HoC and patiently waiting for my updates (kahit super tagal ko talagang mag-update). Salamat din sa mga comments and votes, and positive messages you're posting on my wall and sending in my inbox. Seriously guys, I'm lucky to have you as my readers. (Yes naman so much drama! Hahaha) But yeah, thank you.
And yes, dedication spots are open. You know what to do. -winks-
Anyway, have a good night sleep and a nice day ahead!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top