Check-Out

Check-Out

This will be the last chapter. Thank you so much for being with me as I chronicled Una's story. This will also have two special chapters. However, the second special chapter will be posted right after I finished the season two of my other story, the Beast Charmings: In Service of the Dead, so that you will better understand their deep connection. Hope you leave your stars and thoughts. They're making me smile these days. Thank you once again, and I love you with my all heart and soul! ♡

🌸💀🌸💀🌸💀🌸

NAGKALAT NA SA entrance ng Hotel Grimm ang walang buhay na katawan ng mga Nodram. Hingal na hingal na si Una pero patuloy pa rin niyang hawak nang mahigpit ang arnis sticks na ibinigay ni Mythos sa kanya bilang armas. She was using her telekinetic ability while also engaging in a close physical combat with the opponents from the South Region.

Nang may patalong umatake na naman ay sinuspende niya muna ito sa ere. The raindrops also suspended in the air alongside the attacker. Sinipa niya ito sa sikmura saka siya umikot at hinampas ito pabagsak sa lupa gamit ang kanyang mga arnis stick.

Napabaling si Una sa direksyon na pinagmumulan nang malakas na pagsabog. Doon ay nasaksihan niya pagkahawi ng mga usok na dulot nang pagguho ng iilang bahagi ng gate si Lady Incha na sa panghihina ay tuluyan nang bumalik sa normal ang itsura. Gone was her winged-dragon appearance. Subalit tulad niya ay hindi pa rin mababakasan ng pagsuko ang babae, she transformed into a huge serpent and instantly attacked a bunch of powerful Nodrams who were about to use their collective black magic against her.

Mythos told them about his vision of the Nodrams conquering the West Region and in taking down the Hotel Grimm, so they immediately strategized. Ang sampung matatandang Grimm lamang ang sasabak sa labanan. Bodhi, Pilandok, and Evan will stay at the penthouse alongside Alba, Rubia, and Mikee. Ang Sinners Squad naman ay sinisigurong ligtas din ang buong Hotel Grimm, ang mga guest at residents, at pa rin ang mga leprechaun na muling nanumbalik ang trauma na dulot nang ginawang pagsakop ng mga Nodram sa kanilang tahanan sa South Region.

The Grimm Brothers decided to split into two groups. Mayor Juan with Sophie, Dos with Gabbana, Fourth, Eight, and Nueve will fight with the West Soldiers to protect the entire West Region from the army of Nodrams. Sina Mythos, Fifth, Sixtho, Sven, Diez, kasama sina Una at Vinzi naman ay naiwan sa Hotel Grimm upang proteksyunan ang kanilang tahanan at pamilya.

Una wasn't one to just let everything unfold without giving a good fight. Kahit ayaw man ni Mythos ay nagpumilit siyang tumulong sa pagtatanggol ng kanilang tahanan at pamilya.

Una saw how Connor suddenly materialized behind his stepson Diez who was busy fighting with the Nodram Guards. Nanlaki ang mga mata ni Una nang ibuka niya ang bibig upang sumigaw kaso ay walang boses na lumalabas mula roon. Connor looked her way and smirked. She was sure that she was being muted using a black magic. She cannot warn Diez about the danger behind him!

Kuminang ang patalim na tahimik na inilabas ni Connor mula sa loob ng kanyang suit dahil sa pagtama ng ilaw ng buwan dito. Lalong nagimbal si Una nang iangat na nito ang hawak na armas at balak punteryahin ang leeg ni Diez.

Hindi pwede... Hindi pwede... Mga salitang paulit-ulit na tumatak sa isipan niya. Una opened her mouth and shouted without voice before she rushed towards Diez and Connor, dodging and blocking every attack using her arnis sticks. Tinulak agad niya palayo kay Diez si Connor dahilan upang pareho silang bumagsak sa lupa. Subalit nang sinubukan ni Una na iangat ang sarili niya ay gulat na napatitig na lamang siya sa nakangising si Connor at pababa sa patalim nitong nakatarak na sa kanyang duguang dibdib.

"Una!" dumagundong ang sigaw ni Mythos sa buong paligid.

Nasaksihan niya kung paano iyon nangyari. He heard Syvarra's mocking laughter whom he had a close fight with. Pareho na silang duguan at naghahabol ng hininga dahil buong chi nila ay kanilang ibinuhos sa labanan. Pagod at nanghihina na pero parehong ayaw magpatalo ng dalawa. Nahinto lang sila nang mapatuon atensyon ni Mythos sa sinapit ng kanyang pinakamamahal na asawa.

"Una... Una..." hindi makapaniwalang sambit ni Vinzi nang makita ang kapatid niya.

Tinulak pa ni Connor paalis sa pagkakadagan sa kanya ang sumusuka na ng dugo na si Una. Tumatawang tumayo si Connor at pinagpagan pa ang suit niya nang biglang mahinto iyon dahil pumilipit paikot sa likuran ang ulo niya. Mythos, who now seemed devoid of any emotions and mercy, broke his neck. He lit his hands and burned Connor's whole body, leaving his remains now as embers blown by the wind.

Agad na ibinigay nang umiiyak na si Vinzi ang kapatid sa asawa nito. Inalalayan niya ang ulo ng asawa at ipinatong ang mga braso niyang akay ito sa kanyang kandungan. He gently cupped her face as tears left his eyes.

"Please... Please... Huwag mo na akong iwan. Please... Mahal na mahal kita. Una..."

She smiled at her and tried lifting her hand to cup his cheek, but it wasn't even able to reach his face. Una dropped her hand and finally closed her eyes.

"Una... U-Una..."

NAPAKURAP NANG PAULIT-ULIT si Mythos nang dumapo sa pisngi niya ang malakas na sampal ni Una.

"Sa wakas naman at natauhan ka na!"

"Una..." hindi makapaniwalang usal nito sa asawa.

Agad na napatingin si Mythos sa kabababa lang sa lupa at kapapalit-anyo na si Lady Incha.

"You were compelled by Syvarra. He made you see your fear through an illusion," paliwanag nito bago nagpalit ulit ng anyo at lumipad sa limpapawid upang harangin ang mga Nodram na sinusubukang umatake mula sa ere.

Doon lamang natanto ni Mythos na ilusyon lang lahat ng mga nasaksihan niya kanina. Lahat ay gawa-gawa lamang ng itim na mahika ni Syvarra upang ibaling sa iba ang atensyon niya nang sa ganoon ay hindi siya makalaban nang maayos. Sverino called Una for help because the entire ordeal was distracting Mythos, resulting for their force to weaken. He also knew it was only her who can take his brother out of his trance.

Mythos pulled Una into a tight embrace as he kissed her head. "Akala ko..."

Napabuntong-hininga naman si Una. Her worry and fear somehow dissipated after knowing that he's fine now. Niyakap niya rin pabalik ang asawa.

"Ayos lang ako. Magiging maayos lang ako at tayong lahat. Mythos, magpokus ka. Kailangan ka namin. Kailangan ka ng buong pamilya natin. You're the most powerful here."

Bumuwag sila sa yakapan nila. Dumukwang si Mythos at pinatakan siya nang saglit na halik sa labi niya bago sinapo nang masuyo ang kanyang mga pisngi.

"And you're not just a psychic. You're a brave one, the bravest I have ever met. Malalampasan natin 'to, pinapangako ko."

Napangiti at napaluha si Una sa mga salita ng kanyang asawa. Tumango-tango siya at mayamaya pa ay pinaalalahanan na itong bumalik sa pagtatanggol ng kanilang tahanan, ang Hotel Grimm.

When they parted ways, Mythos turned serious as he looked at the brother of his mother, his uncle, and the evil king of the Nodrams who descended from the night sky with a smirk plastered on his face. Mythos summoned his shakujō staff. He rattled it once, and both of them were enclosed inside the hollow darkness that was made from his shadows. This was to reduce the potential casualties that will be caused by their fight. If there's one thing Mythos would want to make sure before leaving that darkness, it's Syvarra who wouldn't be able to harm his family and destroy their sweet home.

UNA STOPPED RUNNING when Solange stood in front of her to block her way. Tinapangan niya ang loob niya at hinanda ang mga arnis stick niya upang lumaban. Lahat sila ay lumalaban para ipagtanggol ang Hotel Grimm at iligtas ang pamilya nila. Gano'n din ang gagawin ni Una. Hindi siya titigil sa parehong pagtupad ng mga iyon.

Aatake na sana siya nang biglang sumagi sa isipan niya ang ibinihagi ng kanyang Kuya Vinzi noon. Solange has been nothing but good to him. Hindi niya tuloy maiwasang ipagpalagay na baka maging ito rin ay nasa ilalim ng itim na mahika ni Syvarra.

"Madame Solange..." she called her and the latter just smirked before lunging towards her.

Mabilis namang nakailag si Una bago pa siya tamaan nito. She noticed how dull her eyes were. Parang walang buhay, parang malungkot at nalulumbay. Even before Solange could summon her small voodoo doll, Una was quick to kick it off her. Solange will have the upper hand if she will get a hold of her doll because it's where she will put her curse and do to Una the exact things that she will do to that doll.

"Madame Solange, makinig ka..." panimula ni Una. "I don't want to hurt you. I know you've been a mother figure to my brother."

She doesn't know how to remove the compulsion spell that Syvarra used on her, but Una will sure try her best to make it. Alam at ramdam niyang napipilitan lang ang babae. This wasn't what she really wanted. Her Kuya Vinzi would not make up stories just like that. It was Solange who really helped him survive in the South Region in the course of five years. Aminin man niya o sa hindi ay malaki ang utang na loob niya sa babae. Ang pagiging ina nito sa kapatid niya sa masalimuot na lugar na iyon na nagmistulang bilangguan ay talaga namang hindi matutumbasan.

"I don't want to hurt you because you're Kuya Vinzi's second mother!"

Bigla ay natigilan si Solange. Maging ang kaninang ngisi niya ay napalis din dahil sa narinig.

"V-Vinzi..." Solange whispered absentmindedly.

It was affecting her. Tumango-tango naman si Una at nagpatuloy sa naunang sinasabi. "Sumama po kayo sa amin. Magiging buong pamilya po tayo..."

"Si Bodhi at Pilandok, maliit pa po sila. Pwede pong kayo ang magpalaki sa kanila. Pwede niyo po silang ituring na sarili niyong mga anak," Una added.

"A-Anak..."

Tumango-tango ulit si Una. Unti-unting humakbang naman palapit sa kanya si Solange hanggang sa bigla itong ngumisi at mabilis siyang inatake. Una let her guards down at that instant. She dodged her attack but was not able to escape from Solange's hold. Nahila siya nito bago ito pumuwesto sa likuran niya, kinulong ang leeg niya gamit ang braso nito, at tinutok pa sa kanya ang patalim na hawak nito.

"Mamamatay ka na ngayon," bulong nito sabay halakhak.

"Madame Solange, huwag niyo po itong gawin. Bigyan niyo po kami ng pagkakataong maging pamilya sa inyo. Matutuwa po si Kuya Vinzi at ang mga batang Grimm kapag nakasama po namin kayo rito sa totoong tahanan niyo," Una continued encouraging her.

"Wala na po si Count Vladimir pero alam ko pong magiging mabuting magulang po kayo sa mga anak niya, sa amin pong lahat dito. Please po... maging isang buong pamilya tayo..."

Una felt Solange loosen her grip on her neck. The talk about family was really affecting her. It was what Solange kept longing and wishing to have for so long. Ramdam ni Una iyon.

"Bitawan mo siya!"

Napabaling si Una sa direksyon kung saan narinig niyang sumigaw si Diez. Namilog ang mga mata niya sa parehong takot at gulat nang matantong bugbog-sarado na ang Kuya Vinzi niya sa kamay ni Connor. Diez was trying to save him. Her brother helplessly crawled on the ground to try to get away from Connor. They couldn't use their ability around him because he was repelling it.

"Manahimik ka!" sigaw ni Connor at binalibag nang walang kahirap-hirap si Diez sa malayo.

"Ikaw na traydor ka ang sumira sa lahat ng plano ko! Pagbabayarin kita nang malaki!"

Ang traydor na Magistel ay gumawa ng armas gamit ang kanyang mahika, isang spear na balak niyang gamitin upang wakasan ang buhay ni Vinzi na patuloy pa ring gumagapang sa lupa sa pag-asang makakalayo roon. Napaluha si Una sa awa habang nasasaksihan ang nangyayari sa kapatid niya. He doesn't deserve any of that.

"Kuya Vinzi! Kuya!" humahagulgol na tawag niya rito habang pilit na kumakawala sa humigpit ulit ang pagkakapit na si Solange sa leegan niya.

"Pagkatapos mo ay ang pakialamerang kapatid mo naman ang isusunod ko. Matagal na dapat siyang patay. Kaya sisiguraduhin ko ngayon na mamamatay na talaga kayo!"

"Hindi! Kuya!"

Bago pa man tumama ang spear sa likuran ni Vinzi ay sinalag na ni Solange na tila bumalik na sa huwisyo niya ang atake.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Solange?!" hindi makapaniwalang tanong ni Connor sabay atras nang itulak siya nito.

Agad namang sinaklolohan ni Una ang kanyang kapatid at inalalayang maupo.

"Hindi ko hahayaang saktan mo ang anak ko," matapang nitong ani.

"Nahihibang ka na ba talaga? Hindi mo siya anak?! Ni hindi kayo magkadugo!"

Bumaling si Solange sa banda ng magkapatid at ginawaran sila nang mainit na ngiti. "Hindi nasusukat sa dugo ang pagiging isang pamilya at lalong-lalo na ang pagiging isang ina."

"Ma..." naluluhang usal ni Vinzi habang nakatitig sa nagsilbing ina niya sa Abseiles.

Naantig ang puso ni Una sa eksena. Bagaman hindi sila pinalad na magkaroon ng isang buo at masayang pamilya sa mundo ng mga mortal, pareho naman nilang nahanap at naranasan ang hindi matatawarang pagkalinga ng isang ina rito sa Republika ng mga Beast. That was both their heaven-sent chance and blessing after the tragedy that befell on their family in the mortal world. Beast Republic had given them another chance to live, love, and find a home with a loving mother figure.

Parehong nagulat ang magkapatid nang tumarak sa dibdib ni Solange ang spear nang ngayon ay tumatawang si Connor. Solange cannot use her ability around him either.

"Kung magiging sagabal ka rin naman sa mga plano ko ay mas mabuting pang mawala ka na rin sa landas naming traydor ka!"

Nagulat si Connor nang biglang ngumisi si Solange.

"A-Anong ginagawa mo?" kandautal na tanong nito sa kaba at takot.

"Kung mamamatay man ako, sisiguraduhin kong ito na rin ang wakas mo."

Connor laughed nervously but also mockingly. "You can't do anything with my ability."

"Nakakalimutan mo na yata kung sino ako. Isa akong Grimm, and I can mimic abilities just like my brother. Mabuti na lang at nabigyan ako ni Mythos ng negating ability niya," paliwanag pa ni Solange.

Nawindang si Connor sa nalaman at doon pa lamang niya naramdaman ang kirot at sakit na dulot ng isang bagay na tumama sa dibdib niya. Pagtingin niya ulit kay Solange ay ganoon na lamang ang takot at pagkagimbal niya nang makitang nakatusok din sa spear ang voodoo doll na eksaktong replika niya. Pagbaba niya ng tingin sa sariling dibdib niya ay dumoble pa ang takot at kaba niya dahil sa malaking sugat na nandoon. Sa kabila ng kanyang duguang mga ngipin ay muling ngumisi si Solange kay Connor.

"Hindi mo na masasaktan pa ang totoong pamilya ko."

Solange broke the neck then set his voodoo doll into fire, making the other ablaze and scream in extreme agony. Nang tangayin nang malamig na simoy ng hangin ang mga abo nito ay bumagsak si Solange sa lupa habang nakatingala sa mga bituin na nasa madilim na kalangitan.

"Ma! Ma!"

Agad na nilapitan nina Una at nang lumuluhang si Vinzi si Solange. He carried her head and laid it on his lap. He then held her hand.

"Ma, ma... kumapit ka, please... Gagamutin ka namin... tapos magiging buong pamilya tayo rito..."

Tumayo si Una nang matantong kailangan nila si Sixtho upang gamutin si Solange. "Hahanapin ko si Doc Sixtho. Babalik ako agad," aniya at kumaripas na nang takbo upang hanapin ito.

Solange held Vinzi's cheek with her bloody hand. She gently caressed it as she gave him a warm motherly smile.

"Thank you... Thank you for letting me become your mother in this world."

Umiling-iling naman si Vinzi. "No, no, thank you for giving me a chance to be your son."

Muling napangiti si Solange at marahang tinapik-tinapik ang pisngi ni Vinzi hanggang sa tuluyan na siyang pumikit. Her hand dropped onto the ground, signalling Vinzi of her departure.

"Doc, dito po! Dito!"

Natigilan si Una sa kakaturo at nanghihinang binaba ang kamay niya nang maabutan ang eksena. Her Kuya Vinzi was crying while hugging Madame Solange's lifeless body.

"I'm sorry, Una. Nahuli na tayo," malungkot na ani Doctor Sixtho.

Napabaling naman sila sa biglang bumukas na portal. Naunang lumabas mula roon ang sugatang si Syvarra na natulala habang pinagmamasdan ang umiiyak na si Vinzi at ang walang buhay na asawa niya.

"Si... Sino..." He couldn't even complete his sentence. His thoughts and emotions seemed to be in a haywire.

Sunod namang lumabas mula sa portal ang duguan at nanghihina na ring si Mythos. Una immediately rushed to him.

"Anong nangyari?" she asked him.

"Naramdaman niyang nawala ang koneksyon nila kaya binuksan niya agad ang portal para puntahan ito," paliwanag nito.

Muling tinanaw ni Una ang hari ng mga Nodram. Pansin niyang nanghihina man ito ay pilit nitong kinarga ang walang buhay na katawan ng asawa. Yumuko ang lahat na naiwang Nodrams at Nodram Guards sa kanya habang binabaybay niya ang daan papunta sa isang nakabukas na portal. Walang salitang pumasok siya rito karga-karga pa rin ang bangkay ng asawa niya. Unti-unting sumara ang portal at bago pa man ito tuluyang maglaho ay narinig ng lahat at ng buong Abseiles ang malakas sigaw niya dulot ng sakit at pighati sa pagpanaw ng kanyang reyna.

Una hugged her wounded husband who hugged her back tightly. They both know that it wasn't still the end. Hindi pa ito ang katapusan ng laban at muling magbabalik si Syvarra upang tapusin ang sinimulan niya. He will heal first before coming back and inflicting everyone in Abseiles the triple amount of physical pain and emotional wounds he once had, at paghahandaan iyon ng mga Grimm at ng lahat.

Nagsibalikan na rin sa South Region ang natitirang kasapi ng batalyon ni Syvarra. The staff of the Hotel Grimm fixed everything and healed everyone. Ganoon din ang ginawa ni Mayor Juan sa buong West Region. They also offered a special vampire mass and burial for Solange. Hindi man nila makuha ang bangkay nito mula sa kanyang asawa ay minabuti pa rin nilang itabi ang isang walang laman na nitso sa mga labi ni Count Vladimir at Countess Amanda sa mausoleum nito bilang pag-alala sa sakripisyo at lihim na pagmamahal ni Solange sa Pamilya Grimm.

🌸💀🌸💀🌸💀🌸

ONE OF MY all-time favorite quotes was from Paulo Coelho's The Alchemist where he had written that "Remember that wherever your heart is, there you will find your treasure."

"I found my gold, silver, and bronze here in the Beast Republic. I found my treasures in Hotel Grimm, among my family, friends, and in the arms of my loving husband."

Malakas na napalakpak naman ang mokong mula sa upuan niya sabay proud na sigaw ng, "Ako 'yon!"

Hindi pa man natatapos ang graduation speech ko ay tinukso na kami ng buong audience. My adoptive family and siblings are here, too. Kyrine has been living at the downtown after the battle with the Nodrams. Dinadalaw-dalaw naman siya ni Doctor Sixtho kaya balita ko ay kahit wala pa ring label, they're together. Si Kuya Vinzi naman ay nandito rin at napapagitnaan naman nina Diez at Alba na gaya ko ay ga-graduate rin ngayong araw. Ewan ko ba kung anong mayro'n sa tatlong 'to. Pati si Captain Sven ay supportive rin sa nobya niyang Summa Cum Laude namin, si Indie. May Latin Honors din ako, but it was supposed to be Indie who will have the speech but she had given it to me. She told me that I have more to tell than her and that she loved listening to my stories.

Lady Incha and her husband, Master Fifth, stayed at the Hotel Grimm. Sila na raw kasi ang mag-aayos ng handaan para sa selebrasyon. Mayor Juan had his speech earlier as well, congratulating the graduating class. Hindi na si Ms. Sophie ang secretary niya kasi asawa na niya ito ngayon at kapapanganak lang nito sa firstborn nila. Si Madame Gabbana ay very preggy na rin with Prof Alamid's kid. Magkasama na silang nakatira rito sa downtown West at nagtutulungan sa pagpapatakbo ng University of Portofino.

Si Nueve ay naunang nagtapos sa amin last year kaso ay bumalik ulit siya sa pagiging iskolar at pagsasagawa ng mga pag-aaral. Dedicated sa kanyang studies talaga ang peg, hashtag dapat tularan. Si Fourth naman ay bigla na lamang naglahong parang bula ulit, but who knows, baka nand'yan lang siya sa tabi-tabi at pinapanood at binabantayan kami habang nagbabalat-kayo. Evan was also active in his studies. Nahahawa siguro sa Kuya Nueve niya. Si Ocho naman ay nasa mundo ng mga mortal, ginagawa ang misyong inihabilin nang umampon sa kanya noon. Hindi ko nga lang alam kung ano 'yon. Si Pilandok ay beshiwaps pa rin nina Tori at Lulu. Si Bodhi? Ayun, mabilog pa rin at ubod ng kakulitan. Mabuti na lang talaga at si Ma'am Rubia lang ang nai-i-stress sa kanya at hindi si Tita Mikee.

Nangingiting napailing na lamang ako at nagpatuloy.

"My prologue may be dark and hazy, but my epilogue is certainly bright and sunny as long as I am with this set of people—I mean beasts, I'm sorry..."

Nagtawanan ulit ang buong audience. Napahalakhak na rin ako pero kasabay naman no'n ay ang panginginit ng gilid ng mga mata ko. I didn't expect that I would reach this far. Akala ko noong bata pa ako ay makakain na ako nang buhay ng mga beast sa Kapitolyo dahil sobrang pretty ko, charot. Napatunayan kong hindi lang sa mga fairy tale at stories may climax, it kept happening even in our simple lives. My life's turning point took place when I rode the midnight train and got here in Abseiles. I felt lost in the mortal world, but at the end, the midnight train took me to where I rightfully belong.

"I kept praying to God when I was still young when I was tired, wounded, and hopeless. His answers took so long, but I didn't regret waiting for them because right now, I am found and loved, and most importantly... I am finally and truly forgiven. I have already forgiven myself for everything that's happened in the past."

Moving on was hard for me before because even though I have forgiven everyone else, I haven't forgiven myself yet. Now that I am healed and happy, I have learned to forgive myself too.

Pagkatapos ng graduation ceremony ay nagbukas ng portal si Mythos papunta sa mundo ng mga mortal para tulungan kaming bisitahin ang mga puntod ng pamilya namin ni Kuya Vinzi. Actually, hindi pwede ito kaya nagpaalam si Mythos sa Council of Magistel sa gagawin namin. He promised them that he will become an alliance to the council, ayaw niya nga lang maging Magistel dahil mas gusto niyang mamalakad ng hotel.

Pagkatapos kong sindihan ang mga kandila ay nilinis namin ni Kuya Vinzi ang mga puntod nila. Mythos offered to take them to Abseiles para makasama namin ang mga labi nila pero umayaw kami ni kuya. Paano ko ba ipapaliwanag 'to? I just felt like this was where they belong, and we don't want to take them away from the place they considered as their home even after death.

Huli kong kinausap si nanay. Naupo ako sa tapat ng puntod niya habang marahang hinahaplos iyon. I smiled at it.

"Kumusta ka na, nay? Graduate na po ako at with flying colors pa!" proud na panimula ko. "Sana po, proud na kayo sa akin..."

I immediately blinked the brimming tears in my eyes without actually removing my smile.

"Nay, hindi po ako galit sa inyo ha... Matagal ko na po kayong napatawad kasi mas matimbang pa po iyong pagmamahal at pagpapasalamat ko sa inyo dahil binuhay niyo po ako. Oo, naging mahirap pero, nay, salamat pa rin kasi kung hindi dahil sa 'yo, wala ako rito at hindi ko sila makikilala lahat. Mahal na mahal kita, nay, kahit ano pa ang nangyari sa atin... hindi magbabago iyong pagmamahal ko para sa 'yo..."

Bago pa ako tuluyang humagulgol ay naupo si Kuya Vinzi sa gilid ko saka ako niyakap.

Pagbalik namin sa Hotel Grimm ay agad akong dinambahan ng yakap noong maliit naming Buddha, si Bodhi.

"Congrashulechon, Ate Una!" he greeted.

Natawa ako kasi buong akala ko ay sincere iyong intention niya iyon pala ay yumakap siya sa akin dahil balak takasan si Ma'am–I mean si Tita Rubia na mukhang naghahanda sa kusina kasama ni Tita Mikee kaso binulabog no'ng batang chubby.

"Wala na, Una. May kagat na lahat ng tatlong lechon na hinanda namin. Hay naku, talaga 'tong si Bodhi, ho-oh!" Nasapo naman niya ang noo niya.

Natatawa man ay nagkunwari akong nagulat at inalis si Bodhi sa pagkakayakap sa akin upang tingnan ang itsura niya. Nilalantakan nga nito ang crispy na balat noong lechon. Hindi ko na talaga napigilan at natawa na ako saka pinisil at hinalikan siya sa matambok niyang pisngi. Kaya pala congrashulechon... hay naku... Bodhi ka.

"Thank you! Thank you, Baby Buddha ko!"

"Oh, Bodhi, halika na. Pagpahingahin mo muna ang Ate Una mo. Sumama ka nga sa akin sa kusina at huhugasan natin iyang kamay mo. Papatikimin na rin kita no'ng maja blanca ni Mama Mikee mo," alok pa ni Tita Rubia na hindi naman tinanggihan pa ni Bodhi.

Kapag sinabing character development, number one na roon si Tita Rubia. At first she was hesitant, but it was the kids who made her feel that she truly belongs to this family, na gusto nilang maging nanay siya. Hindi ko tuloy maiwasang malungkot nang maalala si Madame Solange. She can be like them kung hindi lang siya binawi agad. We haven't heard from Syvarra since then pero patuloy pa rin sa paunti-unting pagkilos ang mga Nodram sa buong Abseiles at nakahanda kami para protektahan ang pamilya namin at tahanan.

I rested in our room and laid on my bed after the celebration. Pakiramdam ko ay hapong-hapo ako today dahil sa dami ng ginawa namin sa loob lang ng isang araw. Napaungot at ngiti ako nang maramdam ko ang braso ni Mythos na nakayakap sa beywang ko.

"Congratulations, love. I'm so proud of you," bulong niya sabay halik sa pisngi ko.

Napatingin naman ako sa kamay ko nang may maliit na parihabang box siyang nakalaso na inabot sa akin. I looked at him, confused.

"Para saan 'to?"

"Graduation gift ko," nakangiting sagot naman niya.

Nakakahawa iyong ngiti niya kaya napangiti na rin ako. Hindi na rin ako nag-aksaya pa ng panahon at agad nang binuksan ang regalo niya. I took the two golden tickets of a cruise for a week. May ideya na ako kung para saan ito pero gusto kong kulitin si Mythos kaya naniningkit ang mga matang tiningnan ko siya ulit. He looked shy as he rubbed his nape and without meeting my eyes.

"I was thinking that maybe we can finally have our... honeymoon..." paliwanag niya sa maliit na boses.

It's almost a year after our wedding, but we never get to the honeymoon. We would make out sometimes pero hindi niya tinutuloy kasi alam niyang gustong-gusto kong makapagtapos ng kolehiyo bago kami bumuo ng pamilya. Ramdam kong matindi ang pagpipigil na ginawa niya sa loob ng isang taon lalo na tuwing magkatabi kami sa kama.

Pumihit ako paharap sa banda niya at sinapo ang isang pisngi niya bago ko inabot ang mga labi niya. Sinuportahan niya ang likod ko ng palad niya upang laliman pa ang halikan namin. Habang ginagawa iyon ay ramdam ko rin ang marahan na pagtaas-baba ng palad niyang nasa may beywang ko. His deep and sweet kisses were making me drunk. He's really powerful as he always had the power to make me realize I wasn't thirsty until he kissed me. Iyong palad niyang nasa beywang ko lang kanina ay nasa loob na ng pang-itaas ko. We withdrew from the kiss to breathe some air. Hindi ko maalis ang tingin sa namumula niyang mga labi. I wanted more of him. Ngumiti naman siya nang tila mabasa ang iniisip ko. Kinurot ko nga sa tagiliran niya para magtigil sa kalandian niya.

"Why?" he asked as he chuckled. "Aren't you thinking what I'm thinking, hmm?"

He pulled me closer to him, our nose tips touching.

"At dahil atat ka, maghintay ka sa cruise."

Parehong kaming napahalakhak na nauwi naman sa ngitian. Iyong kamay niya ay lumabas ulit at binaba pa ang pang-itaas kong umangat.

"I love you," he whispered before pecking on my nose tip.

I smiled and kissed him on the lips. "I love you too."

Lumapad ang ngiti niya at yumuko ulit upang halikan ako saglit. "I love you."

"I love you–Oh, huwag ka nang sumagot at naiinis na ako sa 'yo. Kiss mo na lang ako."

Narinig kong tumawa siya pagkapikit ko at pagkanguso. He kissed me once again. This time it wasn't quick but passionate and deep. I smiled at him when we stopped and as I opened my eyes.

"Gumawa na tayo ng new family," I kidded.

He chuckled but leaned in to kiss me on my forehead before he laid my head on his arm and hugged me.

"As you wish," he whispered.

•|• Illinoisdewriter •|•

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top