Check-In 32: Into the Wild
Check-In 32: Into the Wild
AGAD KONG HINAGIS sa banda ni Mythos ang tsinelas ko pagkalabas niya no'ng portal na ginawa niya para habulin ako at makapasok nang walang kahirap-hirap sa kwarto naming isinara ko naman nang maigi. Sa kasamaang palad ay nasalo niya iyon.
“Doll, mag-usap naman tayo.”
Sa pagkakataong ito ay pinalutang ko na ang kapares no'ng tsinelas na nauna kong binato sa kanya kaso ay binagsak niya lang ulit iyon sa lupa. Lalo akong nainis at padapang binagsak na lamang sa kama namin ang sarili saka niyakap ang unan sa uluhan ko at doon ibinaon ang mukha ko bago ako nagsisisigaw habang sinisipa-sipa pa ang mga paa ko. Naiinis ako kay Mythos pero mas naiinis ako sa sarili ko kung bakit hindi ko kayang magalit sa kanya nang sobra.
He has done so much for me not just in the past few days but also in the course of five years that we were together. Ang dami-dami niyang ginawa at palihim na isinakripisyo para sa akin. Lagi niya akong pinoprotektahan, inaalagaan, inuuna, at pinapaboran. Kulang ang isang pagpapatawad para makabawi sa kanya para sa lahat ng mga iyon. I do not need to be reminded because I know that. I am all aware of that.
Maybe Jon Krakauer was right when he stated in his book Into the Wild that, ‘When you forgive, you love. And when you love, God’s light shines upon you.’ Apart from the fact that I sincerely love him, I felt like God doesn't want me to be at mad at him. He wanted me to hear Mythos' side this time and to try to see why he had to do such a thing. I will forgive Mythos not only because I love him. I will forgive him because I felt like this is what God wants me to do either. This is the exact path where He is directing me — forgiveness.
Naramdaman kong lumundo ang kama kaya natitiyak kong umupo na si Mythos sa gilid no'n. Napatunayan ko naman iyon nang marinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga niya.
“What do you want to know?” panimula niya.
Matagal bago ako nakasagot ng, “Everything...”
“Ask me and I will answer it truthfully.”
“Is she really your mate?”
“Yes.”
Napasinghap ako at lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa unan ko. Ang sakit-sakit... Kahit pati rito ay parang ayaw talagang pagtagpuin ng tadhana ang mga landas namin ni Mythos.
“But that was before...” dugtong niya pa.
Bahagya ko siyang sinilip mula sa pagkakasubsob ko sa unan. I don't want to show him my crying and extremely broken expression.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Naputol na ang koneksyon namin.”
“Paano mangyayari iyon? Ginagago mo na naman ba ako ha, Mythos?!”
Nakatitig lang siya sa akin hanggang sa nagpakawala na siya nang malalim na napabuntong-hininga.
“My mother... It's one of her wishes that had been granted when she summoned the Abseiles Spirit.”
“Bakit niya gagawin ‘yon?” pagtataka ko.
“She did it for me. Ayaw niya akong mahirapan.”
“Bakit, Mythos? Hindi ko maintindihan. Bakit gagawin ni Countess Amanda iyon? Bakit mahihirapan ka? Mate mo siya, anong mahirap doon?!” giit ko pa sabay angat ng tingin ko sa kanya nang tuluyan at upo sa pwesto ko.
Gulong-gulo na talaga ako sa lahat ng mga rebelasyon at mga sinasabi niya. Hindi ko alam ang totoo at kung ano ang dapat kong paniwalaan. I felt lost. I felt like drowning. I need some saving.
Marahang sinapo ni Mythos ang pisngi ko. He gently wiped away my tears using his thumb finger.
“Because I know you will be coming... back.”
Sa hindi ko malamang dahilan ay lalo pa akong napaluha. Bakit? Bakit parang siguradong-sigurado siya samantalang heto ako at gulong-gulo.
“Bakit... You're talking in riddles. I don't get it... I don't understand anything...”
“Give me some time, and I will explain it to you why. But I promise you, I will keep you in this lifetime safely and honestly.”
“Hindi ko maintindihan. Hindi kita m-maintindihan...”
He cupped my cheeks now with his hands as he gave me his assuring smile. “Mahal kita... Mahal na mahal kita, Una, noon, ngayon, at panghabambuhay. That's one thing I assure you that is true.”
I don't know but hearing those words from him, comforted me. Pakiramdam ko ay ayaw niyang aminin ang lahat dahil hindi pa panahon, dahil hindi pa ito ang tamang sandali. Pero ramdam ko rin namang nagsasabi siya nang totoo. Dapat ko lang siyang pagkatiwalaan dahil nagmamahalan kami. Love, faith, and forgiveness, those will be the foundation of our relationship with God at its center. Maniniwala ako sa kanya dahil mahal ko siya at ramdam kong iyon din ang gusto ng Diyos kaya narito kaming dalawa ngayon at magkasama sa kabila ng lahat ng mga pinagdaanan namin.
Tumango-tango ako at niyakap siya nang mahigpit. He hugged me back as he gently caressed the small of my back.
“Paano na si Talia niyan? Wala na siyang mate...” I asked.
Naramdaman ko naman ang pag-iling niya nang marahan. “Mother also wished for her to be relinked to some other beasts. She still hasn't found the new one.”
“Noong nasa East Region tayo, and Diez's stepdad can repel our abilities, you managed to negate it. Kay Talia na ability iyon, hindi ba?” I asked again.
Napabuntong-hininga naman siya. “How did you know?”
“I found it out earlier. Inangat at inagaw ko ang dala-dalang mop ni Jedidiah para ipukpok sana sa ulo mo sa tindi nang nararamdaman ko nang biglang bumagsak iyon. I thought it was you who was doing it, but you were too preoccupied trying to pacify me. I then noticed her hand slowly and subtly moving to drop it.”
“When we were both studying at the Institute of Magis, I took a parcel of her ability. She let me,” pag-amin niya.
“You know, you still owe her an apology.”
Bahagya akong bumuwag sa yakapan namin saka ko siya kinurot sa tagiliran niya. He chuckled kaya lalo akong nainis.
“Bakit ka tumatawa?” tanong ko pa habang pinanlalakihan siya ng mga mata.
“My wife's too cute.”
Niyakap niya ako ulit kaya gumanti na rin ako.
“Kausapin mo si Talia. Mag-sorry ka,” pag-uulit ko sa kaninang sinabi ko sa kanya.
“Opo, boss,” he teased as he kissed the top of my head.
I SMILED AT Mythos when he looked at me. Tinanguan ko siya mula sa pwesto ko upang iparating sa kanyang maupo na siya sa tapat ni Talia nang makapag-usap na sila. It was me who arranged everything for them. Nagpatulong ako kay Lulu sa pagse-set up no'ng round table sa may veranda.
I admit that it looked like they were a couple having their date. Iyon kasi ang nakasanayan kong ayos ng lamesa. Mabuti na lang talaga at hindi ko sinindihan iyong mga kandila roon. Pakiramdam ko ay na-awkward si Mythos sa ayos no'ng lamesa pero bahala na. Nang hindi pa rin siya nauupo ay pinanlakihan ko na siya ng mga mata ko nang hindi inaalis ang ngiti sa labi ko. He was wearing his skull mask again so I couldn't see his facial expression, but I saw him subtly sighed before taking his seat in front of Talia.
Ilang beses ko na ba napatunayang mahal ako ni Mythos? His words were already enough to keep my trust and my heart beating. Nakakatwa mang aminin pero pakiramdam ko ay hindi lang sa pagkakataon at buhay na ito niya ako minahal. I couldn't explain why but that's what I am really feeling.
Iniwan ko muna sina Talia at Mythos doon upang makapag-usap sila nang masinsinan at magkapatawaran. I then went to the farm. Nandoon ang mga batang Grimm kasama ni Tori. Ginugulo nila si Lulu na nagtatrabaho kaya ang ending ay naglaro na lamang silang lahat. Kuya Vinzi was also there, replacing Lulu with the task. Habang nagpapakain ng mga alagang hayop ay kausap niya si Diez. The latter smiled at me when he saw me. I returned the equal smile.
“Alis muna ako,” paalam niya kay kuya bago nilapitan ang mga bata.
Nagpaalam din siya sa akin nang madaanan niya ako. We're fine now. Para bang naglaho iyong galit niya sa akin at kinalimutan na lamang iyon nang dumating na rito sa Hotel Grimm si Kuya Vinzi. Hindi man aminin ni Diez ay alam at ramdam ko kung bakit.
Napabuntong-hininga ako at nilapitan si Kuya Vinzi. He gave me a warm smile. Tinulungan ko na rin siya sa pagpapakain ng mga alagang hayop namin sa farm.
“He likes you,” I pointed out.
Hindi nagsalita si Kuya Vinzi. Nagpatuloy lang siya sa ginagawa niya.
I know he knew and can feel what I meant. Diez likes him, not as a brother nor friend, but more than that.
I don't want to force him to say anything, but I want him to know that I am fine with whatever he's decided. I will support all of his choices. Lumapit ako sa kanya at pabirong binangga siya sa balikat niya. He looked at me so I smiled at him cheekily. Kuya Vinzi chuckled heartily. Napanguso naman ako.
“Why would everyone chuckle at my every smile and move?” pabulong na tanong ko.
Gano'n din kasi si Mythos, e. Para bang laging nakakatuwa para sa kanila ang bawat galaw at ginagawa ko kahit na pinipilit ko namang magseryoso sa harapan nila.
Niyakap ako ni Kuya Vinzi gamit ang isang braso niya habang humalakhak pa rin.
“Namiss kita, Vanie. I am really happy that you are happy now.”
Napatingala ako sa kanya upang bigyan siya nang naaantig na ngiti.
“I want you to be happy, too.” Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko. “Please know that I will support you with whatever makes you happy. It's about time that you finally choose yourself and your own happiness.”
“You found another home in the best region while I got to the worst. But you know what?” He looked at me with a smile still plastered on his lips. “We were both given the same chance to experience a mother's love the second time around.”
Lumamlam ang mga mata niya at ramdam kong naging gano'n din ang sa akin. The emotions his eyes were giving reflected to mine. We were blessed with a mother figure in our second chance at life.
“You mean...”
Tumango naman si Kuya Vinzi sa akin. “Mama... Madame Solange has been nothing but good to me all this time. Tinuring niya akong tunay na anak niya, Vanie. I believe in her. Mabuti siyang beast kaya sana...”
Bago pa matapos ni Kuya Vinzi ang sinasabi niya ay pinisil ko na ang kamay niyang hawak ko saka ko siya nginitian.
“Madame Solange is a Grimm, and they value family. This is where she truly belongs.”
🌸💀🌸💀🌸💀🌸
GALIT NA GALIT si Syvarra, ang hari ng mga Nodram, nang pasukin niya ang kwarto nila ng asawa niyang si Solange na nakatulala naman habang nakatanaw sa labas ng bintana nila, malayo ang tingin at malungkot ang mukha. Pinagmamasdan niya ang kalakhan ng kanilang palasyo sa South Region. Totoong malaki iyon subalit hindi iyon naging sapat upang maibsan ang kanyang pagdaramdam. The whole empire doesn't feel like home anymore.
“I told you, Solange! I told you!” galit na asik ng asawa habang dinuro-duro siya. “That boy has the biggest tendency to betray us because his loyalty and heart always belong to his sister. Dapat simula at sapul pa lang noong pagtaksilan niya ang hukbo natin ay hinayaan mo na siyang mamatay!”
“Señor–”
Bumalibag sa ere at nabali pa ang leeg ng Nodram Guard na bigla na lamang pumasok sa kwarto nila upang magbigay ng mensahe. Nagpupumiyos sa galit ngayon si Syvarra at wala siyang panahon upang santuhin ang kung sinuman. Sasagasaan at sasagasaan niya ang sinumang bumangga ng galit niya ngayon.
“Mga punyeta! Mga wala kayong kwenta! Nag-iisa lang si Mythos pero wala man lang kayong binatbat sa kanya! Mga hijo de puta!”
Nanatili namang walang imik si Solange sa pwesto niya. Tinapos ni Syvarra lahat ng mga nasugatan at naiwan ni Mythos na humihinga pa kanina matapos ang pakikipagsagupa nito sa hukbo nila upang iligtas at itakas si Vinzi.
“Solange, do you even hear me?!”
“What is the use of this kingdom if you can't truly call it a home? What's power if you have no one to protect to? What's love if... if you don't have people who you can share it with? What's life if you don't have anybody to consider as family?” wala sa sariling usal ni Solange.
She envied her older brother Vladimir for being able to build a big family with members who were both blood-related and strangers connected by bond and heart. Kahit ilang subok na nilang mag-asawa ay hindi pa rin sila binibiyayaan ng supling. As moments faded into memories, Syvarra seemed uninterested in building their own family and centered everything on conquering the entire Abseiles.
Syvarra walked towards his wife and pulled her up by the arm. He looked straight into her eyes and used his black magic to compel her to believe his words as the only truth.
“We are going to own the entire Abseiles. We're going to have that big family you want through bloodshed and violence. Maghanda ka na dahil oras na para gumanti sa mga may pagkakautang sa atin, at sisimulan natin iyon sa pagsira sa pamilya ni Vladimir. Pinapangako nating guguho hindi lang ang Hotel Grimm, hindi lang tahanan nila, kung hindi pati na rin ang buong pamilya nila.”
•|• Illinoisdewriter •|•
Epilogue on the next update! See you and keep safe always, Charmings! ♡
Please do vote and comment your thoughts. 🥺
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top