Check-In 30: Nineteen Eighty-Four
Check-In 30: Nineteen Eighty-Four
KABADONG-KABADO NA ako sa pwesto ko sa labas ng bilog. The big circle was surrounded by the Grimm Brothers headed by Mythos who will conduct the ritual.
We already practiced for this, but the anxiety now that I am here was still of another level. It was something I didn't expect. Para bang ganito iyong pakiramdam kapag nag-e-exam ako sa Math tapos kahit nag-aral naman na ako ay nabobobo pa rin ako sa harap ng test paper. Ganito iyon, e. Parang bumabaligtad iyong sikmura ko sa kaba pero hindi na ako pwedeng umatras. I don't exactly know what will happen, but I will push through this... for the Sinners Squad, for my Hotel Grimm Family, and for everyone.
“Una...”
Napatingin ako sa kamay na magaang nakapatong sa balikat ko. I smiled when I found that it was Lady Incha. She wasn't the smiling person, but seeing her smile now made me feel at ease and secured.
“Kakayanin ko po ba ito?” I asked.
“Ikaw lang ang makakasagot ng tanong mo. Pero maniwala ka lang sa sarili mo at sa Kanya,” she retorted and never forget to remind me as well of my faith in God. “Naniniwala ako sa ‘yo, Una. Alam kong maiiligtas mo ang pamilya natin.”
Hearing those words from her, both comforted and afflicted me. Having someone who believed in you, especially in times like this was indeed comforting. When all else failed, I can always hold on to my faith and in myself so I need to believe in them.
I was feeling afflicted too because of her. I can save everyone, every member of my new family today, but not her... not Lady Incha. I don't want to just leave her behind. I want to save everyone single one of them. I want to take them all out of their respective miseries, but I cannot with her...
Napatingala ako nang magsimulang lumabo ang mga paningin ko. However, despite of that, I will still be hoping and praying for Lady Incha's salvation to come soon. Kung siya na lang mag-isa ang naniniwalang darating pa iyon, hindi ko siya iiwanan, sasamahan ko siyang maniwala. Kung pagod na siya, hindi ako titigil na magdasal at humiling para sa kanya.
Kahit na naluluha man ay hinarap ko si Lady Incha at nginitian. This woman might have sinned gravely before, but she also did so much sacrifices for the Hotel Grimm and for us. I reached for her hands and held them tightly.
“We shall meet in the place where there is no darkness,” I quoted the line from George Orwell's Nineteen Eighty-Four novel.
Lady Incha smiled sincerely at me. I then resumed talking. “I will keep believing, hoping, and praying for you, Lady Incha. Thank you so much for everything.”
“You do not need to feel sorry for me, Una. I am fine. Kaya ko at kakayanin ko pa,” she told me, too.
Mythos summoned his shakujō staff so that the ritual in calling the Abseiles Spirit would commence. Nakatayo na ako sa gitna at kinakabahan na sa susunod na mangyayari. Wala na bang kulang? Will it be successful? Gagana ba talaga ito para mawala ang sumpa ng Sinners Squad?
I ran my gaze around and outside the circle. My Hotel Grimm family seemed worried but they were also giving me looks that were assuring me that they got my back when something bad happens. Pag-isa-isa ko naman sa magkakapatid na Grimm sa palibot ko ay binibigyan nila ako ng mga nagtitiwala at positibong tingin. Nag-thumbs-up pa sa akin si Bodhi.
“Ate Una, sama ako,” saad niya at akmang lalapit na sa akin nang pigilan siya nang humahalakhak na si Mayor Juan sa tabi niya.
“Bodhi, just stay here if you want an ice cream after this,” suhol nila sa bunsong kapatid.
Tumango-tango naman si Bodhi at umatras na pabalik sa pwesto niya. “Ice cream, ice cream. Gusto ko ng ice cream.”
Natawa naman ako dahil doon. Ang dali talagang masuhulan ni Bodhi basta usapang pagkain. However, it really made the already intense atmosphere around us somewhat alive.
Nang masigurong tuluyan nang handa ang lahat ay nagpatuloy na si Mythos sa pagsasagawa ng ritwal. We were both standing at the center with a big cauldron in front. Hindi ko tuloy maiwasang ihawig siya sa mga witch at wizard na nakikita ko sa telebisyon. Totoo palang ganito talaga iyon.
Inisang hakbang naman ni Mythos ang distansya namin saka niya sinapo ang isang pisngi ko gamit ang palad niya.
“Nandito lang ako. Hindi ko hahayaang may mangyari sa ‘yo,” he promised and I felt myself smile.
With him, I always feel really safe and assured. Tumango-tango ako. Yuyuko na sana siya para halikan ako sa labi nang panlakihan ko siya ng mga mata ko.
“Ritwal ‘to, hindi kasal kaya umayos ka,” pabulong na banta ko sa kanya. Ayoko kasi ng PDA.
He chuckled before taking his lips into a different route — my forehead.
“You can do it, love,” he softly reminded me, adding more to my confidence. “I believe in you.”
“I believe in you, too,” I told him smilingly.
Ngumiti siya nang malapad. “I won't fail you, I promise.”
Bumalik na si Mythos sa dating pwesto niya at sinimulan na ang ritual. Sa ritwal din na ito ay isang puting long gown ang suot ko na off-shoulder half-peplum style with white mesh detailing na parang lumulutang. I was also wearing a veil and had my hair tied in a half-ponytail as it was adorned with a white rose on the side. Naka-puting stiletto rin ako at silver dangling earrings at lariat style necklace. I looked like a bride with my overall look. Dapat talaga ay ganoon ang suot ko sapagkat ako ang bride ng Grimm na mangunguna sa ritwal.
Mythos chanted some spell and words I couldn't figure out until he raised his shakujō staff and pointed it towards the inside of the cauldron and rattled its metal rings. Napapikit ako at kaming lahat sa tindi ng liwanag na nagmula roon at bumalot sa amin. When I heard the creatures around me gasp, I slowly batted my eyelids open. Nagulat ako sa malaki at lumiliwanag na imaheng lumitaw mula roon sa may cauldron.
Hindi ako lubos na makapaniwala talaga sapagkat natitiyak kong hindi naman siya magkakasya nang buo roon kahit pa sobrang laki rin ng cauldron. It was a huge white creature. Para siyang serpenteng dragon na kulay puti, hindi makaliskis, at may pakpak na nakakasilaw. Its eyes were also very dark and hollow. It was like seeing the entire universe in its orbs. Nakakamangha na nakakaakit siya.
“Wow... beautifur...” manghang usal ni Bodhi.
Unang yumuko si Mythos at sumunod naman ang iba pa kaya ginaya ko na rin sila kahit pa hirap akong alisin ang mga mata sa mahiwagang nilalang na nasa harapan naming lahat.
“Thank you for hearing our call and for coming, Abseiles Spirit,” pagbibigay galang ni Mythos sa maalamat na nilalang na ito.
“Matagal na kitang hinihintay, Grimm. Natatandaan ko pang inubos ng iyong ina ang kanyang chi upang ako ay tawagin noon bago siya tuluyang mabawian ng buhay.”
“Bakit niya ginawa iyon?” mahinang tanong ni Mythos.
“Nais niyang matiyak na mangyayari ang sandaling ito. Isa ito sa tatlong mga kahilingan niya,” the Abseiles Spirit explained without opening its mouth.
Hindi ko mawari kung saan nagmumula ang boses na iyon na kay gandang pakinggan. Para akong hinehele...
“It's speaking to all of us through our minds.”
Kumunot ang noo ko nang mapabaling kay Mythos na nakatingala pa rin sa Abseiles Spirit. Paanong nangyari iyon? Boses niya iyong narinig ko pero hindi naman bumubuka ang bibig niya.
“It's through mind link, sweetheart. You're my wife now. We already shared and established our connections. Now close your mind and don't let me hear your thoughts. I need to focus,” paliwanag niya ulit sa isipan ko.
“Paano ko isasara? Walang zipper... char!” pagbibiro ko pa.
Umangat ang sulok ng labi ni Mythos kahit na ang atensyon ay nasa Abseiles Spirit pa rin. Now I understood better what he meant when he said he needed to focus. I'm distracting him.
“Just simply imagine yourself closing a suitcase or a door. That will do,” he explained.
I did what I was told. Nag-isip ulit ako ng kalokohan at tiningnan kung naririnig niya pa rin ba ako.
“Gwapo ng asawa ko, wooh!” sigaw ko sa isip ko.
Seryoso lang ang ekspresyon ni Mythos sa pwesto niya. Mukhang tumalab nga ang sinabi niyang technique. Sayang naman at hindi niya maririnig ang pang-one-time big time kong papuri.
I poured my full and serious attention into the floating Abseiles Spirit in front.
“Ano pa ang dalawang hiniling niya?” he asked the Spirit.
“Nais mo ba talagang malaman?” makahulugang tugon naman nito.
Saglit na tumitig lamang nang seryoso si Mythos sa nilalang hanggang sa dahan-dahan siyang umiling. Bakit parang may alam na naman siyang ayaw niyang ipaalam sa amin? Sa limang taon naming magkaibigan ay natutuhan ko nang basahin ang mga galaw at guhit ng mga ekspresyon sa mukha niya at mga kilos. At sigurado ako sa nararamdaman ko, sa kutob kong ito. May ayaw na naman siyang ipaalam.
“Kung gano'n ay simulan na natin ang pagtupad sa tatlo niyong kahilingan.”
Nagitla ako at bahagya pang napaatras nang bumulusok at lumapit sa akin ang Abseiles Spirit. Mabuti na lang at mabilis na lumitaw naman sa likuran ko si Mythos saka hinawakan ako sa beywang gamit ang kaliwang braso niya upang alalayan ako.
“It's okay. You need not to be afraid. Nandito ako,” he assured me.
Napalunok ako habang kaharap ang Abseiles Spirit at unti-unting tumango. I stared into its space-like eyes then I slowly felt myself inexplicably calming down.
“What is your first wish?” it asked again.
“Break the curse given by Countess Amanda to all of the employees of Hotel Grimm,” I replied politely.
“Their lives are no longer tied to the hotel. They can now leave freely,” anito.
Narinig ko ang pagsinghap ng mga kasama kong empleyado. I looked at them for a while. Maluha-luha na si Kyrine hanggang sa tuluyan na siyang umiyak nang yakapin siya ni Mama Adele na lumuluha rin. Sinamahan pa sila nina Lulu at Tatay Sigurd. Nakakaantig-puso...
Kyrine had long wanted to be free from the shackles of the curse. Ngayon ay mabubuhay na siyang talaga nang malaya at makakapagdesisyon na na naaayon sa sarili niyang kagustuhan. Mabilis akong tumingala upang pigilan ang pag-agos ng mga luha ko. Masaya ako... Masayang-masaya ako para sa kanya at sa kanilang lahat ngayon. Masayang-masaya...
“Your second wish?” asked the Abseiles Spirit.
“I also want you to lift the curse on Ate Honey and the West sea beasts. They deserve to live and be back to their real home, the ocean,” sagot ko.
Napapikit ako sa magkahalong pagkaantig at tuwa nang marinig ko ang malakas na hagulgol ni Ate Honey na nasundan pa ng ibang mga sirena. I haven't told a single soul apart from Mythos about my three wishes. Ang inaaasahan lang nila ay ang pagbawi ng sumpang ipinataw ni Countess Amanda sa kanila lang. No one expected this one.
“And your last?”
Nagdilat akong muli nang marinig iyon. Muli ay hinanap ng mga mata ko ang mga nilalang na nagsilbing pamilya ko sa loob ng limang taon. Muli kong tinanaw mula sa kinaroroonan ko ang mga beasts na nagbigay sa akin ng panibagong tahanan at buhay. I owed these creatures a lot of who I am and what I have become right now. Lahat ‘to ay para sa kanila. They truly deserve their much awaited freedom.
Nagtagpo ang mga mata namin ni Lady Incha. She was smiling at me. The kind of smile that told me that she was happy and proud of what I did for our Hotel Grimm Family. Hindi ko siya magawang nginitian pabalik dahil naaawa at nasasaktan ako para sa kanya. The others might be free now, but not her. Nakakulong pa rin siya at tahimik na iniinda ang lahat.
Bago pa man bumagsak ang aking mga luha ay hinarap kong muli ang Abseiles Spirit.
“Nagagawa niyo po bang tuparin kahit na yaong mga pinaka-imposibleng kahilingan?” I asked.
“Bakit hindi natin subukan? Sabihin mo ang iyong huling kahilingan,” it encouraged.
Saglit akong napapikit at inalala ang nakangiting mukha na may naluluhang mga mata ni Kuya Vinzi noong huli ko siyang makita at makasama. I'm sorry, kuya... Pinapangako kong ililigtas kita sa ibang paraan. Kung wala mang paraan ay ako mismo ang gagawa para makasama ka.
Nagdilat ako at buong tapang na sinalubong ang nakakamanghang mga mata ng Abseiles Spirit.
“Please lift Lady Incha's curse...” I pleaded.
“A-Ano? Una, baka nagkakamali ka lang ng hiling,” giit pa ni Diez at sinubukang lumapit subalit hindi niya magawa dahil sa nakaharang sa aming force field.
He began pounding it. “Paano si Vinzi?! Paano ang kapatid mo?!”
Alam ko... Hindi ko naman siya nakalimutan, never ko siyang nakaligtaan. Kaso ay mas kailangan ni Lady Incha ang pagkakataong ito. I can save my brother if I will only believe in myself. Matatagalan pero alam kong magagawa ko iyon pero hindi ko kailan man maiaalis ang sumpa ni Lady Incha nang walang tulong ng isang makapangyarihang nilalang.
“Una, huwag mong sayangin sa akin ang iyong huling kahilingan. Ibigay mo iyon sa kapatid mo,” mahinahong ani naman ni Lady Incha. “Wala nang ibang paraan para mailigtas ako.”
Parang nilalakumos iyong puso ko sa ngiting ibinibigay ni Lady Incha. Tears began pooling in my eyes, clouding my sight. Nagpapaubaya siya dahil nawawalan na siya ng pag-asa. I couldn't bear to see her that way. She was like one of those who had truly given me hope and strength to deal with all of this.
“K-Kung sawa na po kayo... kung pagod na po kayo, ako po ang maniniwala at magpapatuloy ng laban para sa inyo,” I told her.
Pinunasan ko ang mga luha bago muling hinarap ang Abseiles Spirit. “Magagawa niyo po ba iyon?”
“Hindi magiging madali iyan dahil ang Diyos ang mismong nagpataw ng sumpa sa kanya,” sagot nito.
Para akong nabagsakan ng malaking bato sa narinig. I tried, but...
“Ayos lang, Una. Nauunawaan ko,” Lady Incha assured me.
“Pero may isa pang paraang hindi alam si Incha na maaaring maging dahilan upang humina ang sumpa niya at magbigay daan upang tuluyan kong maialis ang sumpa,” biglang wika naman ng Abseiles Spirit na lubhang ikinagulat naming lahat.
“A-Ano po iyon?” tanong ko nang makabawi.
“Someone has to offer a thousand wholehearted prayers for Incha's salvation,” paliwanag nito pero ang sunod niyang sinabi ang mas nagpabigla sa aming lahat, lalong-lalo na sa amin ni Lady Incha. “Your prayer last night was your thousandth.”
“H-Hindi ko po kayo maintindihan...” I remarked.
“You have already unlocked the thousandth prayer for Incha's salvation, God's secret present. The curse was now weakened, and I can therefore lift her curse of immortality,” hayag ng Abseiles Spirit.
Tuwang-tuwang napalingon ako kay Lady Incha. Napawi ang ngiti ko at agad na napalitan ng mga luha nang masaksihan ko kung paano siya umiyak sa kinatatayuan niya habang sapo-sapo ang dibdib niya. She had been hoping and praying for this all those years since the day she had been casted here. Kaming dalawa ang mga pinakarelihiyosa rito sa Hotel Grimm. Walang gabi o pagkakataong hindi ko isinama sa pagdadasal kong sana ay mapatawad na ng Diyos si Lady Incha.
Unti-unting napaluhod si Lady Incha at humagulgol. Tila gatilyo naman iyon na mas nagpaiyak pa sa akin. One of the strongest beasts and foundations of Hotel Grimm that I knew broke down in front of all of us.
“Diyos ko... maraming-maraming salamat...” usal niya at pagkakuwan ay nilingon ako at taos-pusong nginitian habang umiiyak pa rin siya. “Maraming-maraming salamat, Una. Utang ko sa ‘yo ito at ang isang libo mong mga panalangin para sa akin. Maraming-maraming salamat...”
NAMILOG ANG MGA mata ko sa matinding pagkagulat nang hatakin ako ni Diez at malakas na isinandal sa may pader. Galit na galit ang itsura niya at hindi rin biro ang kirot na dala nang pagkakahampas ng likod ko sa pader.
“Nangako ka! You promised that you will be saving Vinzi from South Region! Anong ginawa mo?! Binigay mo sa iba iyong tsansa niya! Pinaasa mo ako at ang sarili mong kuya! Anong klaseng kapatid ka, Una?! Wala lang kwenta!” sunod-sunod na sigaw niya na halos ikinabingi ko na sinabayan niya pa nang paulit-ulit na paghampas sa likod ko sa pader.
Sobrang sakit na no'n kaya hindi ko na talaga nakayanan pa ang sarili at hinawakan ko na siya sa mga balikat niya para magtigil na rin siya sa kahahampas sa akin doon.
“Akala mo ba ay madali sa akin iyon?! Kung makapagsalita ka, akala mo kung sino ka! Ano bang alam mo sa amin?! Sa akin, ha?! If my brother believed in me his whole life, who are you to tell me that I can't save him?!” sigaw ko rin pabalik sa kanya. “He told me to believe in myself and my ability. Naniniwala siya sa akin kaya naniniwala rin akong kaya ko siyang iligtas doon kahit walang Abseiles Spirit! Kahit walang magic!”
“That's enough, you two!” saway sa amin ni Mayor Juan nang maabutan niya kami sa ganoong ayos.
Agad naman kami nilang pinaghiwalay. Si Mayor Juan kay Diez tapos si Mythos naman ay sa akin.
“Pakalmahin mo muna siya, Juan,” kalmadong saad ni Mythos.
Maagap namang tumango si Mayor Juan. “I will take care of him. Ikaw na ang bahala kay Una.”
Pagkatapos no'n ay iniwan nila kaming dalawa roon.
“Are you hurt?” nag-aalalang tanong ni Mythos sa akin.
Nanghihinang tiningala ko siya. “Mahina ba talaga akong nilalang kaya ba para sa kanila ay madali akong saktan pero mahirap akong paniwalaan?”
He gently cupped my chin using his index finger and thumb. The same gentleness was reflected in his eyes.
“I never see you that way. You are certainly one of the strongest beasts I have ever met before and until now,” he retorted.
“Naniniwala ka bang kaya kong iligtas ang kapatid ko sa South Region?” I asked again.
Matagal bago nakasagot si Mythos. Inalis ko ang kamay niyang nasa may baba ko at nag-iwas ng tingin sa kanya. Hindi...
“Naniniwala ako sa ‘yo pero hindi kita papayagan,” bigla ay sabi niya kaya napaangat ulit ako ng tingin sa kanya.
Masuyo naman niyang sinapo ang kaliwang pisngi ko at tiningnan ako gamit ang mapupungay ngunit desidido niyang mga mata. “Ako na ang bahala sa lahat, mahal ko.”
•|• Illinoisdewriter •|•
Three more chapters + Epilogue + Special chapter to go and we'll bid farewell to the Hotel Grimm gang! ♡
Do vote and don't forget to leave your thoughts in the comments. Love y'all! ♡
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top