Check-In 26: Coraline
Check-In 26: Coraline
LUTANG PA RIN ako habang nagma-mop ng sahig sa may lobby suot ang Type A uniform namin. Panay na ang sita ni Kyrine sa akin na umalis na raw ako roon dahil nakakasira ng view niya pero kebs. Busy pa si oks sa pagde-daydream.
Kagabi ay inalok ako ni Master Thirdy ng kasal. Siyempre umayaw ako. Duh, dalagang Filipina here. Dapat ay hingin niya ‘yong kamay ko nang maayos. Dapat patunayan niya muna ‘yong sarili niya. Dapat magsibak muna siya ng kahoy, mag-igib ng isang dram, at mahalin ako nang panghabambuhay. Charot.
Nahinto lang ako sa pag-iisip nang biglang naging yelo iyong lamang tubig ng timbang dala ko. Gulat na napatingin ako kay Kyrine. “Sis, naman! Naglilinis ako, e.”
“Una, sumasakit na mga mata ko sa ‘yo. Umalis ka na r'yan. Kanina ka pa ngumingiti mag-isa r'yan. Nakakatakot na, sis,” saway ulit sa akin ni Kyrine.
Napanguso ako at pinalutang na lamang iyong balde. Ang bigat kasi buhatin kasama no'ng mop. Mabuti na lang din at ibinalik na iyon ni Kyrine sa liquid form nito.
“Nga pala, Una. Paki-tawag naman si Kuya Nolan. Nasa bar ni Ate Honey. Mukhang may pupuntahan silang importante ni Lady Incha,” pahabol na utos ni Kyrine sa akin.
“Okay, ter!” I answered while smiling and doing a thumbs up.
Pagbalik ko no'ng mga ginamit ay nagtungo agad ako sa bar. Kakaonti lang ang mga guest at resident na nando'n dahil mamayang gabi pa talaga ito magbubukas. Minsan kasi kapag walang lakad ay dito tumatambay si Kuya Nolan para tumulong at siyempre, para makasama na rin si Ate Honey.
“Kuya Nolan, nasaan na you? Yoho!” tawag ko agad pagdating ko sa bar.
Siyempre ay hindi ko naman nakikita si Kuya Nolan kaya kailangan ko pa siyang tawagin. Paglinga ko sa paligid ng bar ay napansin ko agad siya sa may counter dahil sa lumulutang niyang salamin.
“Una, bakit?” tanong niya paglapit ko.
“Tawag ka po ni Lady Incha. Mukhang may lakad kayo.”
“Sige, pupuntahan ko na,” aniya at tumayo na.
Kaso pagtayo niya ay pareho kaming napatingin sa bagay na nalaglag mula sa kanya. Bumagsak iyon sa sahig at gumawa ng ingay. Namilog ang mga mata ko nang makita ang isang maliit na square velvet box. Mabilis namang pinulot ni Kuya Nolan iyon at itinago. Napahalakhak ako kasi as if namang maitatago niya iyon sa akin, e, transparent nga siya.
“Kuya Nolan naman, may patago-tago ka pang nalalaman kita ko naman.”
“Una, huwag mo munang sabihin kay Honey, please.”
Namilog ulit ang mga mata ko sa gulat. Wala pa akong sinasabing pangalan.
“Magpo-propose po kayo kay Ate Honey?!”
I heard Kuya Nolan immediately hush me. Tinikom ko agad ang bibig ko.
“Hindi ko pa nasasabi. Kinakabahan nga ako kung tatanggapin niya, e. Baka kasi alam mo na... baka hindi pa siya handa pagkatapos no'ng lahat na nangyari sa kanya.”
I smiled thoughtfully at him. “Kuya, hindi mo naman malalaman ‘yon kung maghuhulaan lang tayo rito. Dapat huwag kang matakot sumubok.”
Pansin kong tumungo iyong salamin niya, palatandaan na tinitingnan niya iyong lalagyan ng singsing.
“I want to make her fairy tales come true. Kaso ay baka sa lahat ng mga napagdaanan niya, hindi na siya naniniwala pa roon...” malungkot na wika ni Kuya Nolan.
Ate Honey represented lust in the Sinners Squad. I do not know her complete story, yet I can sense that it had affected her so much and the rest of the West mermaids. Hindi birong palayasin sa sariling teritoryo mo at patungan nang mabigat na parusa. Just imagine, they're mermaids but they can't go to the ocean or any bodies of water apart from the Lake Grimm because they will get burned alive. That's really... sad and tragic.
“Kuya, fairy tales exist not for us to wish that we can all be equally happy in the end. It's there to remind us that there might be dragons in our lives but we can always slay them. We just have to have the courage and the people whom we're fighting for and with.”
Gaya nga ng sabi ni Neil Gaiman sa libro niyang Coraline, ‘Fairy tales are more than true: not because they tell us that dragons exist, but because they tell us that dragons can be beaten’. We can get through any curses and challenges life threw at us. We just have to believe in ourselves that we can. Yes, we should not stop believing.
“Natitiyak ko po na kapag nalaman ni Ate Honey na may isang beast na gusto at handa siyang makasama habambuhay, sa kabila ng mga pinagdaanan niya, matutuwa po siya kasi higit pa po ‘yon sa fairy tale na inaasahan niya,” I added.
I couldn't see if Kuya Nolan was smiling but I was sure he was nodding his head in agreement because I can see his floating glasses moving as if doing the gesture.
“Maraming salamat, Una. Tatandaan ko ‘yong sinabi mo. Pupuntahan ko na si Lady Incha. Baka hinahanap na niya ako,” paalam niya.
“Sige po, Kuya Nolan! Ingat po kayo sa lakad niyo,” sagot ko naman habang kinakawayan siya.
Maaga pa kaya naisipan kong tumulong na lang muna sa main restaurant, kina Mama Adele. Tinutulungan din siya ni Tita Mikee roon. Pero mas masaya naman kung marami kami. 'The more, the merrier', ika nga nila.
“Sinong nagluto nito?” Dinig kong tanong ng isang customer sa pinakamalapit na mermaid na nag-wi-wait.
“Bakit po, sir?”
“Tawagin mo siya. She needs to know what I am about to say about your food.”
Kahit ako na nakikinig ay biglang nakyuryoso.
“Busy po kasi siya sa kusina. Ano po ba ang gusto niyong sabihin at ipapaabot ko na lang po–”
“Tawagin mo siya kung ayaw mong mag-eskandalo ako rito,” mahinahon ngunit madiing babala no'ng customer. Hawak-hawak niya pa iyong bread knife niya at pinaglalaruan.
Agad namang tumango ang kawawang mermaid sa takot at mabilis na tinungo ang kusina. Mayamaya pa ay lumabas na sa kusina si Mama Adele. Lumapit pa ako lalo para kapag gumawa ng eksena iyong customer ay makasaklolo ako.
“Sir, ano po bang problema sa pagkain niyo?” magalang na tanong ni Mama Adele paglapit niya sa customer.
The customer wiped the sides of his lips with the table napkin before putting it down and smiling at my adoptive mother.
“Your food really tastes good.”
Tila nakahinga kami nang maluwag ni Mama Adele ro'n. Si sir naman, pupurihin lang pala ang luto ni mama kinailangan pang daanin sa takot. Maybe he preferred doing that personally. Magalang at nakangiti namang yumuko si Mama Adele bilang pasasalamat.
“Maraming salamat po talaga. Pero hindi niyo naman po kailangang manakot ng mga kapwa empleyado ko rito,” ani mama.
“Oh, you don't need to care for them anymore. I'm taking you–”
“Po?”
Ngumisi ang customer at tumayo. “I'm taking you to my place and I'll offer you the same job but with higher salary.”
“Sir, excuse me po. But this isn't just a job for me. This is my home, my family, and my whole life,” giit pa ni Mama Adele.
“No, no, no. You'll come with me. Magbabago rin ‘yang isip mo,” pamimilit nito at hinawakan sa braso si Mama Adele.
Nagpumiglas si Mama Adele kaya kaagad akong lumapit. Balak ko sanang ihampas ‘yong dala kong tray sa customer at baka matauhan. Mukhang sabog kasi pero pinigilan ko ang sarili ko. That's so unprofessional.
“Huwag niyo po siyang pilitin!” saad ko at tinulungan si Mama Adele na tanggalin iyong pagkakahawak ng customer sa kanya.
“‘Wag kang makialam dito!” sigaw niya at malakas na binalibag ako.
Buong akala ko ay matutumba ako sa katabing lamesa pero may mga palad na sumalo sa akin mula sa likuran. I stared up and back at that beast who held me. Master Thirdy was clenching his jaw while looking down at me. Tinulungan niya akong tumayo nang maayos. His expression turned calm yet dead serious as he looked at the customer. Sa isang kumpas ng kamay niya ay napahiyaw iyong customer dahilan para mabitawan niya si Mama Adele na mabilis namang sinaklolohan ng iba pang mga sirena.
“I really hate it when guests bring a mess to my hotel,” Master Thirdy remarked.
“It's such an eyesore and headache,” he added as he stepped towards the customer.
The latter stepped aback, fear evident in his eyes. Master Thirdy stopped right in front of the customer.
“None of my employees are for sale,” he clarified.
The customer smirked despite looking so uneasy with Master Thirdy's presence. “Are you going to kill me too just like how you kill your victims before?”
Seryoso lang siyang tiningnan ni Master Thirdy. I really, really don't like it when beasts brought up his past mistakes as if they were too divine and never did once err.
“Come on, dude. He'd already changed!” I defended my boss.
“I am asking you to leave in peac–”
“I'm not going anywhere not unless your cook will join me!” putol no'ng customer sa amo ko.
Master Thirdy's lips curved up for an evil smirk. “Nobody dares to cut me off when I'm talkin–”
“Oo nga!” pagsang-ayon ko pa.
Napapikit si Master Thirdy saglit at nagdilat muli bago niya ako binalingan. I smiled at him and nodded. “I gotchu, boss!”
Walang ganang kinumpas niya ang isang kamay. Shadows emerged from the floor and held the customer by the arms. He kept flailing them, making an attempt to be freed from the shadows.
“Take him out of here... in peace,” utos niya sa mga anino niya.
“Hindi! Hindi! Babalikan ko kayo!” sigaw nito bago pa siya hatakin ng mga anino pababa sa sahig ng restaurant.
PAGKABALIK NAMIN MULA sa penthouse ay naghanda na kami sa staff hall para maghapunan.
“Nakakaloka ‘yong customer na ‘yon kanina. Ano bang problema no'n?” ani Ate Honey pagkaupo niya sa pwesto niya, tinutukoy iyong sabog na customer kanina.
Naupo rin si Kyrine kaya pinanlakihan ko siya ng mga mata. Kinunutan niya lang ako ng noo sabay bulong nang, “Problema nitong tiyanak na ‘to...”
Tahimik na napairap na lang ako at hinayaan siya. Wala pala siya sa secret meeting kanina. Hay nako...
“Teka, nasaan na si Nolan? Kanina ko pa siya hindi nakikita, ah,” puna ni Ate Honey at nagpalinga-linga sa paligid.
Humagikhik naman ako. “Alam mo, Ate Honey, mabuti ka pa po kasi kanina mo pa siya hindi nakikita. Kami matagal na, e. Ano po ba itsura niya?” I kidded.
“Nakakatawa na ‘yan?” si Kyrine na mukhang hobby ata ang mambasag ng trip.
Napaismid na lang ako at hindi na nagsalita. Siniko ko si Lulu sa tabi ko.
“Inday Lulu, bakit parang nagme-menopause siya? Dumoble ‘yong kasungitan, e,” pabulong na sabi ko.
Tinakpan din ni Lulu ang bibig niya para bumulong sa akin. “Nakita ko po kanina, LQ sila ni Doc Sixth.”
Namilog naman ang mga mata ko. “Wow, sila na?”
“Ha? Hindi ko po alam. Basta po parang inaaway ni Ate Kyrine si Doc kanina kaya malungkot ito.”
Sabay kaming napalingon ni Lulu sa may entrance ng staff hall nang marinig namin ang kaluskos ng gitara. Nagkatinginan kami ni Lulu at walang boses na nagtilian.
“I know your eyes in the morning sun
I feel you touch me in the pouring rain...”
Napalingon na rin sina Ate Honey at Kyrine sa banda ni Master Diez na hiningan namin ng tulong sa magaganap na surprise. Noong una ay nagulat si Ate Honey pero mayamaya pa ay napangiti na siya at ginalaw-galaw ang ulo kasabay ng tugtog.
“And the moment that you wander far from me
I wanna feel you in my arms again...”
We silently sang along with Master Diez. His voice was so soothing, one wouldn't get tired of listening while watching him strummed his guitar.
“And you come to me on a summer breeze
Keep me warm in your love, then you softly leave...”
Hindi nagtagal ay pumasok na sa entrance ang isang lumulutang na malaking bouquet–este si Kuya Nolan pala. Nagulat ulit si Ate Honey. Napaawang iyong mga labi niya at tiyak kong hindi na halos marinig ang kumakanta habang palapit si Kuya Nolan sa kanya.
“And it's me you need to show...
How deep is your love?”
“How deep is your love?” second voice naman namin nina Lulu at ng mga sirena.
Saka pa lang napatayo si Kyrine mula sa dinner table nang matanto ang lahat. Bumaba iyong lumulutang na salamin–si Kuya Nolan kaya sigurado akong nakaluhod na siya ngayon sa tapat ni Ate Honey na sinusundan naman siya nang hindi pa rin makapaniwalang tingin. He gave her the huge bouquet and took from it the small velvet box. Ate Honey gasped silently and covered her mouth with her hands when Kuya Nolan opened it.
“Honey, I've loved you for so long. Alam kong hindi naging madali ang napagdaanan mo pero sana ay bigyan mo ako ng pagkakataong patunayan sa ‘yong karapat-dapat kang mahalin. Honey Isla Waters, Queen of the West Mermaids, will you be willing to spend the rest of your life with me?”
Naantig ang puso namin ni Lulu sa eksena. Maging sina Mama Adele at Tatay Sigurd ay nakangiti sa eksena. Kyrine was smiling as well. Nangingislap na rin ang mga mata ni Ate Honey sa luha. Iyong mga sirena ay naiiyak na rin para sa reyna nila.
Inalis ni Ate Honey ang mga kamay sa bibig upang sumagot nang, “Oo...”
“Oo, Nolan. Gusto kitang makasama sa panghabambuhay,” she added and then we heard Kuya Nolan happily shouted.
🌸💀🌸💀🌸💀🌸
NAKATAYO SA PAANAN ng Alps habang nakangisi ang kanina ay nagpanggap na customer. Siya ay lider ng mga Wolf Beast na kumampi sa mga Nodram. Siya ang unang inutusan ni Solange upang lusubin ang Hotel Grimm.
Kumulog at kumidlat kaya agad na nailawan ang kanyang pack na nasa kanyang likuran. Humigit kumulang dalawang daan ang kanilang bilang.
“Sabi ko ay babalikan ko kayo,” bulong nito at mas nilakihan pa ang pagngisi.
Napadilat si Mythos at kaagad na pinaglaho ang kanyang shakujō staff. Tumayo siya at lumabas sa kanyang kwarto. Kaagad naman niyang nakasalubong si Lady Incha na mukhang may gusto ring ipaabot sa kanyang mensahe.
“May mga panauhin tayong darating,” seryosong anito.
“Saan sila dadaan?”
“Sa Lake Grimm.”
“Mermaids.”
Tumango naman si Lady Incha bilamg kompirmasyon sa hinala ni Master Thirdy.
“Their reason?”
“Natitiyak kong balak nilang tapusin si Nolan para pagdusahin pa si Honey,” sagot ni Lady Incha.
“I'll handle the wolves from in front. You'll take care of our visitors from behind,” utos ni Mythos na tinanguan naman agad ng kausap.
“Ask Sverino to clone himself as many as possible and keep guests, residents, and employees safe in their respective areas. Wala munang ipapalabas sa kanila niisa. Also tell Sigurd to remove the guards at the entrance. Ako na ang babati sa mga bisita sa harap,” mahinahong dagdag niya pa.
“Thirdy, gusto mo bang magtawag na ako ng pwersang militar para tulungan tayo?” Mayor Juan asked.
Mythos looked at him over his shoulder.
“Hindi na kailangan. Huwag mong babawasan ang pwersa ng mga nagbabantay sa West Region, lalong-lalo na sa borders. The Nodrams knew they couldn't get passed them, that's why they assigned the Wolf Beasts to attack us from the inside instead.”
Tumango naman ang panganay, nauunawaang tama nga ang kanyang kapatid. Umaatake ang mga kalaban mula sa loob. They had spies from the insides of each region to make things work for them.
“Tutulong ako,” alok ni Mayor Juan. Tumango naman si Mythos at ngumiti.
“Salamat, kuya.”
“Ako rin. Kukunin ko lang iyong naimbento kong weapon,” segunda naman ni Dos.
“Hayaan niyo rin po akong tumulong,” si Juno.
“Count me in,” ani nang kalalapit lang na si Ocho.
“Mikee, Rubia, Eleven, and Alba will all stay here for their safety. Si Diez kasama nina Una sa staff hall. I'm sure he'll help too,” mungkahi pa ni Dos.
Mula sa nakabukas na sliding door ay pumasok si Sixtho at unti-unting tiniklop ang mga pakpak niyang inilabas niya para tanawin ang hukbong papalapit mula sa himpapawid.
“Malapit na sila rito. There's also a whirlpool stirring at the Lake Grimm,” he informed them.
“Kumilos na tayo,” wika ng kanilang panganay.
TAHIMIK NA ANG paligid ng buong Hotel Grimm. Ang mga guest, resident, at empleyado ay nasa kani-kanilang mga kwarto, apartment, at unit na upang manatiling ligtas. Kalmadong binagtas ni Lady Incha ang corridor papunta sa double doors na palabas at katapat ng Lake Grimm. When she opened them, the smiling Fifth greeted her.
“Anong ginagawa mo rito?” she asked him.
“Kung hindi kita mapipigilang lumaban, sasamahan na lang kita,” sagot nito.
“Kaya ko nang sarili ko,” mahinahong wika ni Lady Incha.
“Hindi mo na ako mapipigilan pa. Hulog na hulog na ako.” Fifth chuckled but it stopped right away when Lady Incha's expression didn't change the slightest. Seryoso lang talaga.
Sabay silang napalingon sa Lake Grimm nang mula sa whirlpool ay unti-unting nagsilabasan ang mga beast ng karagatan at ilalim ng anyong tubig na pinapangunahan ng tatlong reyna ng mga sirena na mula sa iba't ibang rehiyon at siyang mga kapatid ni Honey na namumuhi sa kanya matapos nitong masipingan ang kanilang mga asawa noon.
“Judging from how they look, they're still mad at Honey and still aren't willing to forgive,” Fifth pointed out.
“Maghanda ka na. Ipapagtatanggol natin ang pamilyang ‘to,” kalmadong ani Lady Incha bago siya nagpalit ng anyo at lumipad sa himpapawid bilang isang napakalaking dragon.
“Yes, ma'am!” Fifth also readied the lightning in his hands as he followed her.
AKMANG SISIRAIN NA no'ng lider ng mga Wolf Beast ang engrandeng double doors ng entrance ng Hotel Grimm nang kusang bumukas mismo ang mga ito.
Madilim ang loob ng lobby at tahimik din. Dahan-dahang humakbang papasok ang lider. Huminto siya at nagulat nang biglang sumindi ang mga ilaw. Taliwas sa normal na kulay ng mga ilaw sa lobby noon iyon. They were red lights that illuminated the powerful hybrid sitting on his throne with his legs crossed in the middle of the lobby as he indulged himself with a wineglass full of blood. He slowly licked his lips, giving his guest a glimpse of his protruding fangs.
“Welcome aboard,” Mythos Grimm greeted with a smirk.
The Wolf Beast leader tried his best to hide how he was subtly trembling in fear in front of one of the Beast Republic's most powerful beasts and former serial killer.
“Sinabi ko na sa ‘yong babalik ako,” aniyang tinapatan ang ngisi ng kaharap.
Lalo lamang napangisi si Mythos. One shadow appeared beside him to take his wineglass from his hold.
“I also told you I hate those who bring mess to my hotel. Now you bring a hundred more like you,” panunudyo nito sa lider.
“Tama na ang satsat! Sisiguraduhin kung bago sumikat ang araw ay ubos na kayong lahat dito at amin na i–”
Hindi na natapos pa no'ng lider ang mensahe niya nang sa isang iglap lang ay nakatayo na sa tapat niya si Mythos at inaangat na siya mula sa sahig habang mahigpit siyang hawak sa leeg.
“Tsk, tsk, tsk... Masyado kang madaldal,” bulong ni Mythos sa kanya.
The leader screeched in pain. Mythos' sharp talons penetrated more into his skin until his blood streamed from therein. Binitawan ni Mythos ang bangkay nang walang buhay na lider pabagsak sa sahig. He stepped forward to face the entire pack who had witnessed the death of their leader through barehand. Mythos smirked even more.
“I can do that all night long.”
•|• Illinoisdewriter •|•
Know that you're making me happy and motivated by hitting the star button and sharing your thoughts. See you on the next update, Charmings! ♡
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top