Check-In 20: The Little Prince

Check-In 20: The Little Prince

MAGKAHAWAK ANG MGA kamay habang magkaharap at nagtatatalon kaming tumitili ni Ate Honey pagkatapos kong i-chika ang happenings kanina tungkol kina Lady Incha at Kuya Thomas na si Master Fifth pala. Kung hindi kasi ako ang kasama ni Lady Incha sa pamamalengke ay si Ate Honey naman ang papalit sa akin kaya saksi rin siya sa mga suyuang nagaganap. Paano ba naman kasi, pareho naming hindi maitangging crush na crush talaga ng bilyonaryong si Master Fifth ang concierge namin na si Lady Incha.

Napilitan si Lady Incha na tanggapin ang inaalok na date ni Master Fifth para tubusin ang utang ni Master Ocho at para naman sa gano'n ay hindi na umalis sa puder namin ang gahaman naming amo dahil may utang na loob na itong tinatanaw sa amin. Master Fifth was just smiling the whole time. Hindi niya lang madadaan sa pa-discount ngayon si Lady Incha kasi totohanang date na talaga. I don't have any bad impression towards Master Fifth. Bukod kasi sa experience ko nitong mga nakaraan sa kanya ay saksi rin si Count Vladimir na isinulat naman niya sa journal niya na mabuting amo at tao si Master Fifth.

Naupo na kami ni Ate Honey sa hapag nang tawagin na ni Mama Adele ang lahat para maghapunan. Katatapos lang naming maghanda at magligpit ng mga pinagkainan sa penthouse. Nauna na rin si Pilandok sa may unit namin para gawin ang mga assignment niya. Naupo na kami sa kanya-kanyang pwesto namin.

"Kakilig naman. Hindi na magiging sad ghorl niyan si Lady Incha," wika ko na sinamahan ko pa ng hagikhik habang sumasandok ng kanin papunta sa plato ko.

"I don't think Lady Incha would let herself fall in love with someone. I mean, she's immortal. Takot siyang magmahal dahil takot siyang maiwan," Kyrine suddenly argued.

Natahimik ang lahat. I smiled to ease the tension everyone's feeling right now.

"Kapag nabuo na natin ang Grimm Brothers, pwede nating hilingin na ipa-walang-bisa na rin 'yong sumpa kay Lady Incha," I suggested.

Malungkot na umiling si Kyrine. Sina Ate Honey at Mama Adele naman ay malungkot na ngumiti rin. Tatay Sigurd and Kuya Nolan remained silent.

"Hindi mo pa siguro naiintindihan ang lahat, Una. Si Countess Amanda ang nagsumpa sa aming lahat dito, pero si Lady Incha? Ang Diyos ang nagpataw ng sumpa sa kanya na walang kamatayan. She's also immune to all sorts of curses. Ibig sabihin, wala ring solusyon sa sumpa niya. Maliban na lamang kung patawarin siya ng Diyos at tanggalin ang sumpa sa kanya," paliwanag ni Kyrine.

Napawi ang ngiti ko dahil nalulungkot ako bigla para sa nilalang na siyang nagbigay sa akin ng rason at pag-asang magpatuloy sa labang sinimulan ko para sa kapatid ko. Pero... siya pala ay nahihirapan din, and there seems to be no way out for her. Iyong mga wala nang pag-asa ang siyang nagbibigay pa ng pag-asa sa iba. Nakakalungkot... Nakakaawa...

"Ma," tawag ko kay Mama Adele na nagbabalik ng nga damit namin sa closet nang lapitan ko siya.

Kaya naman naming tatlo nina Kyrine at Lulu na gawin iyon, but Mama Adele would always insist to do it. Aniya'y paraan niya iyon para magampanan ang pagiging nanay sa amin kahit pa abala siya sa restaurant ng hotel.

"Bakit, anak?" she asked back.

Kinuha ko ang ilang nakatuping mga damit at tinulungan siya sa paglalagay ng mga iyon sa loob ng closet.

"Kung primordial being po na type ng beast si Lady Incha, alin po siya sa mga iyon?" I finally voiced out the mystery that had been stuck in my mind for so long.

Natigil sa paglalagay ng mga damit sa closet si Mama Adele at binalingan ako saka nginitian. Maliit iyon at parang malungkot.

"Siya iyong nilalang sa Garden of Eden. Iyong nagtulak kina Adam at Eve na kainin ang masanas ng kaalaman."

Namilog naman ang mga mata ko sa gulat. "Iyong ahas po sa Genesis?!"

"Oo, anak, pero hindi siya ahas. Isa siyang dragon, malaking dragon," pagtatama ni Mama Adele.

"P-Po?"

"In short, Adam and Eve weren't tricked. They were threatened and scared so they ate the forbidden fruit," singit naman ni Kyrine na nahinto sa pagce-cellphone habang nakadapa sa kama niya.

"Sa tingin niyo po, bakit po nagawa ni Lady Incha iyon?" I asked in almost a whisper when I looked at Mama Adele again.

Napabuntong-hininga si Mama Adele at malungkot akong tiningnan. "Lady Incha represents Envy in the Sinners Squad. She felt left behind and forgotten when they came into life. She envied God's new creations, so she did something she was not supposed to do to get Him to notice her again."

Si Lady Incha ang isa sa mga ugat ng pagkakasala sa mundo... That's where her envy had taken her.

"Nagkamali siya, Una, ang Tatay Sigurd mo, ang mga magulang namin, si Master Thirdy, ikaw, at tayong lahat. Pero ang mahalaga ay natuto tayo sa mga pagkakamali natin at patuloy na humihingi ng kapatawaran mula sa mga nagawan natin ng pagkakamali," pagpapatuloy pa ni Mama Adele habang hawak ang kanang pisngi ko.

"Opo, ma. Palagi ko pong aalalahanin 'yan," I assured her.

I BLINKED THREE times when Master Thirdy handed me a broomstick. It's not an ordinary broomstick. Iyon 'yong karaniwang sinasakyan ng mga Nodrams at Fandralls para lumipad.

"Ano pong gagawin ko rito?" I asked, genuinely confused as to what to do with it.

"Practice using your telekinesis in riding that broomstick."

Gulat na napaangat ako ng tingin sa kanya. "Po?!"

"Diez is in the East Region. They don't accept psychics, so we'll have to disguise you as a Nodram or a Fandrall. You can start taking your telekinesis into the next level by practicing."

"Pero po..." tanggi ko sana kaso ay hindi ko mahanap ang tamang mga salita.

"May isang linggo ka pa para pag-aralan 'yan. I will minimize your hotel chores for the meantime. You will just need to send me my merienda and do your responsibilities at the penthouse. You can then spend the remaining time practicing," he told me before turning to his heels and walking away.

And that's what I did for two days. Pagkauwi ko galing ng university ay dadalhan ko lang siya at si Lady Incha ng mga merienda nila tapos bago maggabi ay tutungo na ako sa penthouse para magluto at maglinis. Medyo nagagamay ko na ang pagpapalipad ng broomstick pero medyo lang. Mga isang metro siguro o dalawa mula sa lupa ay nai-aangat ko na ang sarili sakay ng broomstick pero bumabagsak din naman agad. Katunayan niyan ay nakailang bagsak na rin ako sa sahig o lupa, at ang sakit talaga.

Madalas ay sa farm o 'di kaya ay sa equestrian arena ang training ground ko. Kaya naman ngayon ay sinubukan kong magsanay sa may flower field para maiba naman. The view here is more pleasing, nakakakalma at nakaka-engganyo.

I puffed my cheeks and heaved a deep sigh. Nakailang bagsak na naman ako at medyo marumi na ang pink na Type B uniform saka magulo na rin ang buhok. Pero wala sa bokabularyo ko ang tumigil at sumuko. When I was able to slightly lift the broomstick again, I hopped on it right away. I maneuvered it higher in the air until I am finally a meter or two away from the ground. Mas mataas pa ro'n, actually. Kaya naman tuwang-tuwa ako at sinubukan pang pagalawin iyon. Kaso nga lang ay sa sobrang tuwa ko, hindi ko namalayan na may leprechaun pala sa direksyon ko at nakapatong sa isang hagdanan habang naglilinis ng bubungan ng mausoleum ni Count Vladimir.

"Jed!" pasigaw na tawag ko sa kanya.

Nagpatuloy lang siya sa paglilinis na may pasipol-sipol pa at kanta nang, "Bababa... Baba-banana..."

Doon ko lang din napansin na naka-earphones pala siya! Shuta, paano na 'to?! Mababangga ko ang hagdanang pinapatungan niya tapos malalaglag siya. Delikado!

Napapikit na lang ako nang tuluyang babangga na ako sa kanya. Ilang segundo pa ang hinintay ko pero walang nangyari kaya napadilat na ako at natantong buhat-buhat na pala ako ni Master Thirdy. Nakalutang na sa ere iyong walis at ganoon din kami ni Master Thirdy na dahan-dahan namang bumaba sa lupa. Tiningnan ko agad si Gardener Jedidiah kung ayos lang ba siya at hayun kumakanta pa rin habang naglilinis ang minion.

Nahiya ako bigla pagbalik ko ng tingin kay Master Thirdy na karga-karga pa rin ako. Dali-dali naman akong bumaba mula sa mga braso niya at iniyuko ang ulo. Nakababa na rin ang walis at hawak na niya.

"Pasensya na po talaga, Master Thirdy. Sinusubukan ko naman po pero hindi ko pa rin po kaya."

Tumango siya at iniabot sa akin ang walis. "I understand."

I sighed and looked at him apologetically. "I'm sorry po, but I think I can't be who I am in the East Region. Hindi ko po kayang magpanggap na Fandrall habang hinahanap si Master Diez kasi wala po akong... magic."

Napayuko ulit ako dahil pakiramdam ko ay parang ang dating ng pag-amin ko ay sumusuko na. I don't like it. I feel guilty, but what can I do? I don't do magic. I can't even lift and ride a broomstick perfectly!

Master Thirdy cupped my chin and held it up so our eyes would meet.

"Let me tell you the secret of the Beast Republic, Una."

Hindi ko maipaliwanag pero parang nang-aakit ang pulang mga balintataw ni Master Thirdy. They were hollow yet hypnotizing. It was as if they were bewitching me to listen.

"True magic comes from the courage of the heart. You have that inside of you, Una. All you need to do is to bring it out," he told me.

Why does I always find it hard to search for the right terms to describe him and the kind of feeling he was often giving me? He was akin to an enigma that the world has yet to find the key. Perhaps this is why his words always possess the power to mesmerize me.

I slowly smiled while looking at him before nodding. I promise to keep the tiger spirit in me alive. Rawr!

I chuckled at that thought but stopped right away when I realized something. Nabitawan na rin ni Master Thirdy ang baba ko. However, his touch lingered on that part of me.

"Mabuti na lang po dumating kayo. Baka napaano na po si Jedidiah 'pag nagkataon. Pati siya madadamay pa sa kapalpakan ko."

"I'm actually here because I need you to come with me."

"Saan po?"

"Susunduin natin si Trece."

Namilog ang mga mata ko roon. "Talaga po?! Saan natin siya pupuntahan? Paano niyo po siya nahanap?" sunod-sunod na tanong ko sa sobrang excitement.

"Nasa isang monasteryo sa kabilang Alps ng West Region. He was raised by monks. Lady Incha and I traced the location where Shoune, his gumiho mother, was last seen. We discovered that she gave birth to a boy in that monastery four years ago. She died giving birth to him, so the monks just adopted my brother."

"Sige po, magbibihis lang po ako ng Type D uniform namin nang very quick!" excited na paalam ko kay Master Thirdy bago kumaripas ng takbo papuntang unit namin para magbihis.


PAGDATING NAMIN DOON ay sinalubong agad kami ng isang monghe. He was bald with big-beaded amulets and he's wearing a saffron-colored robe reaching down his feet. Buong paggalang niya kaming pinapasok sa loob ng monasteryo at dinala kay Bodhi o kay Master Trece na iyong sinasabing bata ni Master Thirdy at Lady Incha. Kasama ko nga pala sina Master Thirdy at Kuya Nolan papunta rito. Tatlong taon na ang batang hybrid na ito ng isang gumiho at bampira. Master Trece na Master Trece nga ang description.

Dinala kami ng monghe sa grupo ng mga batang monghe. Nakaposisyon sila na animo'y nasa isang assembly sila. Tuwid na tuwid ang bawat pila at tila kalkuladong-kalkulado ang distansya ng mga bata sa bawat isa. Disiplinadong-disiplinado sila kaso nga lang may isang kalbong chubby na nasa pinakalikuran ang palihim na umalis sa pila at nagtatatakbo na palayo roon. Napahagikhik ako kasi para akong nakakakita nang maliit na gasul na tumatakbo.

"Brother Bodhi," usal ng monghe habang pinapanood ang batang tumakbo.

Bago pa man makalayo ang makulit na bata sa paningin ko ay napapreno ito sa pagtakbo nang biglang sumulpot sa tapat niya ang isang aninong unti-unting umangat mula sa lupa hanggang sa naging si Master Thirdy iyon.

Lumapit naman agad kami no'ng monghe sa kanila. The little boy hid behind the monk.

"Pagpasenyahan niyo na po siya. Marahil ay hindi siya sanay na may ibang beasts dito maliban sa aming mga nakakasalamuha niya," paliwanag ng monghe.

Tumango naman si Master Thirdy kaso lalong natakot ata ang bata at mas nagtago pa sa likuran ng monghe. Mahigpit din ang kapit nito sa roba ng monghe. Mukhang natatakot talaga siya kay Master Thirdy.

I held Master Thirdy's arm when he was about to step forward to get close to the terrified child. Tinapik ko ang braso niya gamit ang isa ko pang kamay. I looked up at him and smiled assuringly.

"Ako na po ang bahala."

He looked down at me and slowly nodded. Binitiwan ko na si Master Thirdy saka ako lumapit kay Bodhi.

"Hello, ako nga pala si Ate Una. Bodhi ba ang pangalan mo?" I asked him, sounding friendly.

Dahan-dahan namang tumango ang bata. Bigla kong naalala iyong bar ng tsokolate sa  bulsa ko. Hinugot ko iyon mula roon at inabot kay Bodhi.

"Wow, chocolit!" natutuwang sambit niya at agad na kinuha iyon sa akin. Sabi ko na, e. Pareho kami ng bituka nitong batang 'to.

"Bawal iyon dito pero may kakulitan ang batang ito kaya nakahiligan niya ang mga bagay na hindi namin madalas kainin at magamit dito. Marahil ay nararamdaman na niyang hindi talaga siya para rito," nakangiting ani ng monghe habang pinapanood si Bodhi na magiliw na kumakain ng tsokolate.

Natigil sa pagkain ang bata saglit at tiningala si Master Thirdy saka tinaas ang kamay na may hawak ng tsokolate at inalok ito sa lalaking hindi niya pa alam na nakakatandang kapatid niya. "Gusto niyo po?"

Tumalungko si Master Thirdy sa tapat nito at pinunasan ang mga bakas ng tsokolate sa pisngi ng pinakabunsong kapatid gamit ang isang itim na panyong ginawa niya mula sa anino. Napangiti naman ako sa nasaksihan. I always feel happy and contented whenever I see this side of him. He might look terrifying on the outside but he surely has a soft spot for his siblings, children, our family, and other people.

He proved that, 'It is only with the heart that one can see rightly; what is essential is invisible to the eye', my most favorite line coming from one of my most beloved novels of all time The Little Prince written by Antoine de Saint-Exupéry. This is why it's really important that when we look into someone else's life and character, we open not just our eyes but our hearts as well to see both of their good and bad facets in order to understand them better.

Wala na kaming sinayang pang oras ni Master Thirdy at dinala na kasama namin si Master Trece. The little prince seems to warm up with us. However, I will make sure to advise and train him more not to easily trust people who give him chocolates or any food. When we arrived at the Hotel Grimm, the skull birthmark at the back of his tiny yet plump right leg glowed bright red. Tuwang-tuwa naman ang bata at nagtatatakbo na sa lobby pa lang. Dinala naman siya nina Pilandok at Tory sa may farm para roon sila maglarong tatlo.

"I want you to prepare foods for our simple salo-salo later tonight at the outdoor restaurant. Fifth will be coming too," Master Thirdy told me.

"Hindi po ba ngayon ang date nila ni Lady Incha?" I asked him. He shook his head.

"It was Fifth who wanted to have dinner with the whole staff later. Ito na raw ang magiging date nila ni Lady Incha. Guess, he respects the concierge that much, so he wanted to take everything slow," singit naman ni Master Ocho sabay akbay kay Master Thirdy na para namang robot na walang reaksyon lang.

Pasimple na lang akong napairap sa hangin. Matutuwa na sana ako sa ganitong klaseng interaksyon nila kaso ay kilala ko si Master Ocho at saksi ako sa lahat. May malaking utang siya kay Master Thirdy kaya nagpapa-good-shot.

However, my respect for Master Fifth grew even more after finding that one out. Nakakatuwa lang na hindi niya pala pinilit si Lady Incha sa date na gusto niya sanang mangyari. He respects our concierge and would be willing to take things slow with her. I think that's beautiful. Mapapalagay na ako nito dahil nasa mabuting kamay si Lady Incha.

Kaagad kaming umakyat ni Lulu sa penthouse para maghanda. Nakasalubong pa namin si Ma'am Alba na nagmamadaling pumasok sa elevator dahil excited makita si Master Trece.

"How old is he?"

"Three years old po, ma'am," I replied.

I saw her shrieked before the elevator closed. Naghagikhikan kami ni Lulu. It's obvious that Ma'am Alba likes kids and loves her youngest siblings.

Nagtulungan naman kami ni Lulu sa paghahanda. I was cooking the viands while she was baking and taking charge of the rice. Pancit na request ni Master Juan, hamonada na nilagyan ko ng mga pineapple slices, chicken lollipops, roasted chickens, cheesy spaghetti, at dinuguan na paborito ng mga bampira, rawr! Si Inday Lulu naman ay nagbake ng dalawang black forest cakes at mga puto na assorted ang kulay.

Pagkatapos namin ay dinala namin ang mga iyon sa baba, sa may outdoor restaurant na naka-ayos na rin. Tinulungan pa kami ng mga sirena sa pagtutulak ng food cart papunta roon. Ang iba naman ay kumuha ng mga wine sa cellar at inilapag iyon sa magandang table set-up.

Mayamaya pa ay isa-isa nang nagsidatingan ang magkakapatid kasama nina Ms. Sophie at Ma'am Rubia. Ganoon din ang iba pang mga staff ng hotel. Sina Mama Adele, Ate Honey, Kuya Nolan, at Kyrine. Nagpaiwan si Tatay Sigurd sa may gate dahil tatapusin niya pa ang oras ng duty niya. Ganoon din ang iba pang mga sirena at leprechauns. Iyong mga pwedeng maiwan saglit ang mga trabaho nila ay kasama namin ngayon. Kaagad namang tumayo si Doctor Sixtho at inalok ang katabing upuan niya kay Kyrine na nag-iwas lang ng tingin at naupo sa may banda namin ni Lulu.

"Ate... Ate..."

Napabaling naman ako sa batang humihila sa ibaba ng suot kong Type D uniform. Nagulat ako nang mapansing si Bodhi iyon.

"Tabi po tayo, plit..."

"Gusto mong tumabi sa akin?" I asked him. He nodded cutely and said, "Gusto ko chocolits."

"Oh, sige, sige, kakain tayong chocolates mamaya pagkatapos nating kumain ng hapunan ha," I told him.

Tumango siya at sinubukang akyatin iyong upuan sa tabi ko. Pinapatong niya iyong isang binti para abutin ang ibabaw ng upuan kaso ay nahihirapan siya dahil ang liit-liit niya.

"Ang cute..." hagikhik nina Lulu at Pilandok. Napangiti na rin si Kyrine.

May biglang naglapit ng isang high stool na may backrest sa tabi ng upuang sinusubukang akyatin ni Bodhi. Siguro ay napansin niya ring hindi rin maabot ng bata ang lamesa kung ganoon ang upuan nito. Pagkatapos no'n ay binuhat nito ang bata.

"Master Thirdy," gulat na usal ko at kaagad na tumayo saka pinalitan iyong ordinaryong upuan ng high stool. "Tapos na po," hayag ko pagkatapos.

Pagbaling ko sa kanila ay naabutan ko ang bahagyang paggalaw ng ulong bungong ni Master Thirdy habang nakatingin kay Bodhi na pasan-pasan niya sa mga bisig niya. Tumatawa rin ang bata, halatang aliw na aliw sa paggalaw ng ulo ni Master Thirdy sa tuwing sinusubukan niya itong sundutin. Namangha ako at nagulat. I didn't expect Master Thirdy to be this patient and playful when it comes to children.

"Pwede na po kayong mag-asawa," biro ko pa habang kinukuha si Bodhi sa kanya para ako naman ang magkarga.

"'Yong aasawahin ko na lang ang hinihintay ko," bulong niyang dahilan upang mapatitig ako sa kanya kaya nagkatinginan kami habang hawak-hawak niya pa ang likuran ni Bodhi na ngayong karga-karga ko naman.

Biglang kumalabog ang dibdib ko na 'di ko lubos mawari kung dahil ba sa kaba o ano. Napahalakhak na lang ako bahagya para pagtakpan ang nararamdaman ko sabay iwas ng tingin at lapag kay Bodhi sa high stool niya. Tiyempo rin namang naagaw ng sabay na pumasok na sina Lady Incha at Master Fifth ang atensyon namin. Master Thirdy walked towards his seat at the center. Hinila naman ni Master Fifth ang upuan ni Lady Incha upang makaupo ang huli saka siya naupo naman sa tabi nito. Naniningkit at nanunukso ang mga matang nagkatinginan kami ni Ate Honey. Halatang pareho kami ng iniisip. Kakilig!

In the course of our dinner together, we just  introduced Master Fifth and Bodhi a.k.a. Master Trece. The Grimm Siblings talked about their lives, plans, and many more. They shared stories, laughter, and dreams. Si Master Thirdy ay tahimik lang sa pwesto niya habang umiinom ng wine pero sumasagot naman siya kapag ka tinatanong siya. I keep calling and texting Juno na humabol sina Tita Mikee rito dahil invited naman sila kaso mukhang busy din sa trabaho ang kaibigan ko. It would be best if he was here, getting to know his siblings and family even more.

Master Fifth also shared his plans for the Hotel Grimm. Nagpaalam siya kay Master Thirdy na i-co-convert sa isang supermarket ang pangatlong function hall upang hindi na namin kailanganin pang dumayo sa Kapitolyo at mamalengke kada Linggo. He will be restocking supplies in the supermarket every day to make sure they're fresh and always updated. Siya na ang gagastos doon at bahala sa gagastusin pa. Magandang plano nga naman iyon kaya pumayag agad si Master Thirdy. That way, it will benefit all of us in the hotel from the guests and residents down to the employees and admins. Master Thirdy assured Master Fifth that he will be negotiating with the Quicksilvers and his small construction company to convert the third function hall into a supermarket as soon as possible. Hindi ko lang maiwasang ma-proud dahil sa mga improvements ng hotel at pagtutulungan ng mga magkakapatid na Grimm. I am also certain that wherever Count Vladimir is, he will be happy to see them this way. Kulang na lang talaga ng tatlo pa ang mga anak niya at mabubuo na ang malaking pamilya niya. Konting-konti na lang. Fighting, Vaniellope Kiuna!

I WENT TO the university the next day wearing a green hoodie over a plain light green tee shirt and black track pants and black rubber shoes. I was also carrying a black tote bag and my hair tied in low double buns. Sinuot ko rin iyong kwintas ko na may crescent moon to match my outfit.

Sinadya kong ganoon ang suot ko dahil bukod sa umaambon ay sakay ako ng bisikleta ko papasok.

Wala si Juno ngayon. Actually, ilang araw na siyang wala kaya nag-aalala na ako. Maaga kaming natapos ngayon kaya plano ko sanang dalawin siya sa kanila. Maganda at magara ang bahay nina Juno. Modern-style na minimalistic kaya nga nagtataka ako kung bakit kinakailangan niya pang mag-part-time gayong mapera naman na sila.

Pupuntahan kita sa inyo. Text ko sa kanya at sumakay na kaagad ng bisikleta.

May problema ba kaming dalawa? May nagawa ba akong mali? Huling kita ko sa kanya ay noon pang sinundo niya ako matapos akong magpahula dahil umuulan. Mukhang uulan din ngayon pero ang mas nakakalungkot ay walang Juno na susundo sa akin. Pero hindi naman pwedeng si Juno na lang 'yong sundo nang sundo. Minsan kailangan ko ring kumilos at puntahan naman siya para pagaanin ang loob niya gaya nang madalas niyang ginagawa sa akin.

I braked when the traffic light stopped at red light. Tumawid ang mga bata at matatanda sa pedestrian. May isang grupo ng mga hayskul student pa ang nasita ng isang nanay dahil nagtutulakan at nagtitilian habang tumatawid. The red light changed into green. Pumwesto agad ako at nagpedal. Hindi ko alam kung bakit pero masama ang pakiramdam ko sa araw na ito. Dapat ba hindi na ako tumuloy? Pero gusto kong malaman kung kumusta na si Juno.

May malakas na biglang bumangga sa akin. Sa lakas no'n ay tumilapon ako palayo sa bisikleta ko at pahiga sa sahig. Sa sobrang bilis no'n ay namalayan ko na lamang na patagilid na akong nakahiga sa kalsada, nanlalabo ang mga paningin at nalalasahan ko na ang dugo sa aking bibig. Masakit din ang ulo ko at umuulan na.

"T-Tulong..." I managed to whisper for help.

Napansin ko kasi ang isang nilalang na nakasuot ng itim na tic-tac shoes sa tapat ko. I couldn't see his whole face but I was sure he was wearing a black tuxedo when he squatted beside me.

"Kailangan na naming bawasan ang mga kalaban. Goodnight," anito't tumayo na at iniwan akong naghihingalo sa gitna ng kalsada at ilalim nang malakas na ulan.

🌸💀🌸💀🌸💀🌸

DOCTOR SIXTHO WAS about to use his life force to save Una from dying when Mythos, who suddenly showed up, stopped his arm from touching her.

"We need to save her, kuya!" nag-aalalang hayag ni Sixtho sa kapatid.

"I'll take care of her," ani Mythos.

"Pero... Pero nabawasan na ang life force mo sa pagpapagaling sa balikat niya nitong nakaraan. Babawasan mo na naman ang buhay mo? Hayaan mo na ako, kuya," Doctor Sixtho insisted.

"I said I can do it!"

Nagulat si Sixtho sa pagdagungdong ng boses ng nakakatandang kapatid. Lady Incha calmly caressed Sixtho shoulder to assure him that everything's going to be fine. Napabuntong-hininga si Sixtho at tumango na saka hinayaan ang kapatid na saklolohan ang duguang dalaga. When Sven and Ocho heard about the accident, they immediately rushed to the scene and teleported back to the hotel to try to save her.

"Kuya, sigurado ka ba talaga? Magiging delikado na ang buhay mo kung magbibigay ka pa ng life force kay Una," nag-aalalang untag ni Sverino. He was worried for both his brother and friend.

"I won't let her go this time. Tutuparin ko pa lahat ng pangarap niya noon," Mythos whispered as he caressed Una's bloody forehead.

His hand glowed and seconds later, the room was covered in a bright light. Pagdilat nina Sverino at Sixtho ay hindi na duguan si Una subalit hindi pa rin ito nagigising. Wala na rin si Mythos doon.

"Naguguluhan ako... Bakit hindi pa rin nagigising si Una?" pagtataka ni Sven.

"She's in coma. Hindi pa nakakabalik ang kaluluwa niya sa katawan niya," Lady Incha calmly explained.

"Ano pong gagawin natin para makabalik na siya?" tanong naman ni Sixtho na inilingan naman ni Lady Incha.

"Wala tayong magagawa. It's Una who needs to find her way back to the living."

KAAGAD NA TINULAK ni Mythos si Madame Latakia sa pader ng opisina nito. Natipak ang pader at mahigpit naman ang naging pagkakasakal ng binata sa dating naging guro nito sa Institute of Magis. Nanlilisik ang kanyang naging pulang mga mata kasabay nang paglitaw ng kanyang mga pangil sa matinding galit. Bakas ang pagpupumiyos na galit sa maamong mukha ng lalaki.

"Sinabi ko nang huwag na huwag niyo siyang gagalawin," madiing wika ni Mythos.

"H-Hindi ko alam..." nahihirapang tugon naman ni Madame Latakia.

Sharp talons protruded, almost piercing Latakia's neck.

"Don't take me for a fool! I was able to trace the kind of that strong chi used to harm her. It's from a Fandrall. Gumamit pa kayo nang malakas na blocking spell para hindi ko agad maramdaman ang ginawa niyo sa kanya."

"I-I swear, M-Mythos... I-It wasn't us..." Latakia coughed. "H-Hindi pa k-kumikilos ang C-Council... P-Please..."

Mythos picked up his remaining mercy and let go of his former professor. Nanghihinang napaupo naman si Madame Latakia sa sahig at hinawakan ang leeg habang naghahabol ng hininga.

"Who is it, then?"

"H-Hindi ko alam pero may isang Magistel nitong nakaraang buwan na tinanggal sa Council. He wanted to replace the prime minister of the East Region and own it. Hindi kami pumayag at huling balita na lamang namin sa kanya ay namataan siyang papasok sa border ng South Region. We are assuming that he's now joined forces with the Nodrams. Isa siyang Fandrall at gaya nang sinasabi mo ay malakas ang blocking ability niya. I think it was really him, and this was all set up to deceive you," Madame Latakia expounded.

"I told you, we'll let you fix your own problems first before we'll come and take you to the Counci- Mythos, have some respect. I'm not yet done talking!" reklamo niya nang bigla na lamang maglaho si Mythos.

Mythos was always known to be cold, fearless, indifferent, and powerful even when he was still a student in the Institute of Magis. It still surprised her now how he would apparently show her and everyone else, except for Una, that the she was his only weakness.

•|• Illinoisdewriter •|•

See you next week, Charmings! Do not forget to hit the star button and leave your thoughts. They're making me happy and motivated to update often. Thank you so much! (◍•ᴗ•◍)💖

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top