Check-In 18: A Tale of Two Cities
Check-In 18: A Tale of Two Cities
MAAGA KAMING LUMUWAS ng Kapitolyo nina Kuya Nolan at Lady Incha para mamalengke. Kaya maaga rin kaming natapos. Suot ko ang Type D uniform ko at ang trench coat nito. The Capital is surprisingly cold these days.
"Una, pwede bang pakibigay 'to kay Lady Incha?" pakisuyo sa akin ni Kuya Thomas sabay abot sa akin ng tatlong pulang rosas na nakatali pa ng pulang laso.
Siya iyong gwapong kargardor na laging tumutulong sa amin dito sa may palengke at may crush kay Lady Incha. Lagi rin kaming binibigyan ng mga tindero't tindera rito ng discount kasi kaibigan daw kami ni Kuya Thomas. Naningkit muna ang mga mata ko habang nanunuksong ngumiti sa kanya saka kinuha iyon.
"Sus, kayo talaga, oh! Mas matanda po sa inyo si Lady Incha."
He chuckled. "Ayos lang. Wala naman 'yon sa edad. Ang mahalaga hindi na siya menor de edad. 'Yon ang bawal."
"At may pa-roses pa kayo, at tatlo pa talaga! Ano po 'to, I love you, ganern?"
He chuckled once again. "Hindi. Hi, Lady Incha, ibig sabihin niyan."
Natawa na rin ako. "Ay, bet. Sige po, bibigay ko na po 'to sa kanya," I assured him.
"Thank you," he thanked me smilingly.
Pagpasok ko sa backseat ng pickup ay kaagad kong binigay kay Lady Incha ang mga bulaklak. As usual, poker si Ms. Minchin. Pero hawak-hawak niya 'yon buong biyahe namin pabalik ng Hotel Grimm. Ngiting-ngiti naman ako. May nangangamoy magkaka-jowa na.
Bago pa mag-ala-sais ay nag-ayos na ako dahil gaganapin na rin nang gabing iyon ang Race to Hell. I wore an oversized black and yellow striped long sleeves polo shirt tucked in my white cargo pants. Pinaresan ko iyon ng brown timber shoes. I then tied my hair in braided pigtails. Kinuha ko ang big black sling bag ko na may makapal na sling at nakasabit na mga pins na may mukha ng mga cartoons ang design.
Before I get dressed, Mama Adele made my tummy full with her delicious cheesy spaghetti. Sobrang sarap no'n at isa 'yon sa mga favorite ko. Sabi niya kailangan ko raw magpalakas para sa race. Captain Sven volunteered to send me and Ma'am Alba to the venue since Kuya Nolan cannot do it. Lagpas na kasi 'yong oras na pwede silang lumabas. Ilang araw na kaming walang kibuan ni Ma'am Alba. Sana naman natuto na siya kasi ayoko na talagang makipag-away. Nakakapagod na. Iyong distansya nga namin sa may backseat sobrang layo. Para kaming may kanya-kanyang mga sakit at ayaw naming mahawaan ng isa't isa.
"You don't have to do this," Master Thirdy told me. I smiled at him from my seat.
Si Ma'am Alba rin ay kinakausap at pinapayuhan naman nina Mayor Juan sa may banda niya.
"Ayos lang po. Kakayanin ko. Tiwala naman po akong hindi kami pababayaan ni Juno," I assured him. He simply nodded.
Juno texted me earlier na mauna na lang daw muna ako sa may venue dahil may aasikasuhin pa siya. But he promised that he will be there before the time.
"Sige, ihahatid ko na ang dalawang binibini. Adios!" Captain Sven announced before speeding away.
Cap left us when he made sure that we were already with our respective partners. Susunduin na lang daw niya kami ulit mamaya dahil ayaw niyang makita ang kakambal at baka magbardagulan lang sila roon. Lumapit na rin si Ma'am Alba sa drag racer niyang partner na kaagad naman siyang pinagmayabang sa mga kausap nitong pawang mga kalahok din.
I was busy with my phone, texting Juno, when his black and upgraded motorbike suddenly parked in front of me. Mas dumami pa ang napapabaling sa banda namin lalo na nang tanggalin ni Juno ang suot niyang helmet. The man was just too gorgeous in his black moto jacket over his black v-neck shirt and black pants and boots. Bad boy na bad boy ang dating kaso nang ngumiti na ay may narinig akong iilang napasinghap. Para kasing anghel na nag-cosplay nang pang-bad boy ang kaibigan ko. Napairap na lang ako sa inis dahil sa mga atensyong pinupukaw niya bago ko siya tuluyang nilapitan.
"Kailangan daw may cheer tayo," bungad ko sa kanya habang pababa siya ng motorsiklo niya.
'Yong itsura niya parang na-offend sa joke ko. "Ang jologs naman... Kailangan pa ba talaga 'yon?"
"Oo nama-"
"Good evening."
Pareho kaming napabaling ni Juno sa taong bumati sa amin. Napasimangot ako bigla nang matantong si Master Ocho 'yon. Being reminded that I'm here to win back the one million prize for him makes my stomach sick. Isali niyo na rin ang konsensya ko.
"So, you're probably Ms. Gomez's partner. I am Ochoa Lenon, the organizer and sponsor of this event," Master Ocho introduced himself and held out his hand for a shake towards Juno.
My best friend smirked and took the hand that Master Ocho was offering and firmly shook it.
"Juno Forbes."
"I'm expecting a fruitful partnership from the both of you," makahulugang wika ni Master Ocho na sinamahan niya pa ng ngisi.
Kapag talaga napanalunan ko 'yong isang milyon, ihahambalos ko 'yong brief case o 'yong higanteng certificate o trophy sa mukha niya para naman mahimasmasan siya at mabawas-bawasan ang pagkagahaman niya sa pera.
Before the race began, our things were taken. Bawal daw iyon sa rules ng competition. Napilitan tuloy akong ibigay ang sling bag ko. We are really free now and also unarmed. Well, except for the micro-cameras they have pinned on us.
"Tandaan, pagdating sa dulo ng border ng South Region ay kailangan niyo nang mag-u-turn pabalik dito. Paunahan ito. Winner takes all," paalala ng host slash scammer ng show na 'to.
Napangiwi na lang ako nang ngumisi at kumindat si Master Ocho sa banda ko. He's signalling me to do good in the competition.
Iyong muse na sexy manamit ay tumayo na sa gitna dala-dala iyong black and white check niyang flaglet. She stood in akimbo with one hand while the other held the flaglet up.
"Kumapit ka nang mahigpit, seb," Juno reminded me as he held on the grips tighter. Napayakap din ako nang maigi sa beywang niya. Mahirap na at baka lumipad kami.
"Ready, set... Go!" Master Ocho announced and the muse put down the flaglet.
Pagkababa no'n ay parang hangin sa bilis na umandar ang mga sasakyan ng mga kalahok. May ilang nahuhuli at isa kami ni Juno sa mga nauuna. Ganoon din sina Ma'am Alba, mukhang kaskasero kasi 'yong driver niya, e.
In all honesty, the race was easy. There were monsters blocking our way, but they're not scary. Maybe because I know and understood that they're just doing this for their job. Kapag malayo pa kami at nakikita na namin silang nakaharang ay gagawa ng paraan si Juno para makaiwas. If they're not really big, I used my ability to move them aside, of course, gently. I don't want to hurt them and it's part of the mechanics of the game. Kaya nga sina Ma'am Alba at ang kasama niyang drag racer ay makailang beses nang tinawagan ng disqualification pero parang high 'yong kasama niya at sumigaw lang na para bang nag-eenjoy lang ito sa nangyayari na sinamahan pa nito ng dirty finger sa hangin. I even noticed Ma'am Alba's discomfort when we got beside their vehicle. Nakababa kasi ang mga salamin no'n kaya kitang-kita namin sila. Kaya nga panay ang habol at sunod namin ni Juno sa kanila.
"Tingnan natin kung kaya niyo kaming habulin," wika ng lalaki sabay hila ng gear at paharurot.
"Ang yabang ng mokong," bulong naman ni Juno at mas binilisan pa ang pagpapatakbo.
May narinig kaming pumito matapos banggain no'ng lalaki ang isang monster na tumilapon naman sa tabi at ininda ang sugat. Isa siyang kawawang primate beast.
"Juno, Juno..." tawag ko sa kaibigan habang tinatapik siya sa balikat. "Puntahan muna natin."
Juno agreed and parked for a while. Dali-dali naman akong bumaba sa motor at tinulungan iyong beast. I used my telekinesis to bring him to the furthest side so that he wouldn't get hit by the speeding vehicles more.
"Ako na po hihingi ng sorry sa nangyari. Sorry po talaga," I told him.
May ilan nang nauuna sa amin pero wala na akong pakialam sa grand prize. Bahala na si Master Ocho sa buhay niya. Hindi naman kasi tamang isahan mo ang mga kalahok at itong mga kawawang beasts na 'to na nagtatrabaho bilang monsters sa show na 'to. Hindi nagtagal ay may staff na ring dumating upang daluhan ang primate beast. Naglakad na ako pabalik kay Juno at sumakay na ng motor niya.
Pagdating namin sa may border ng South Region at sa halip na mag-u-turn agad ay bumagal ang takbo namin hanggang sa tuluyan na kaming huminto sa tapat no'n at nang isang wasak na kotse. Binayo ng kaba ang dibdib ko nang matanto kong kina Ma'am Alba iyon!
"Shit!" bulalas ni Juno, nag-aalala rin sa nangyari lalo na sa kapatid niyang babae.
Mabilis akong bumaba ng motor at nilapitan ang kotse. Ganoon din ang ginawa ni Juno. Sinilip namin ang unahan no'n at naabutan ang sugatang lalaking hambog kanina. Wasak ang nguso ng sasakyan dahil nabangga nila ang border... Lalo akong kinabahan dahil wala si Ma'am Alba sa pwesto niya kanina.
"Nasaan 'yong babae? Nasaan 'yong kapatid ko?" sunod-sunod na tanong ni Juno sa lalaki.
"M-May kumuha sa kanya... Akala ko monster lang kaya binangga ko..."
"Sino? Saan dinala?" tanong ko.
Inangat niya ang kamay upang ituro ang nakabukas na lagusan papuntang South Region. Paliit na iyon nang paliit.
"Hindi pwede..." hindi makapaniwalang usal ko habang nakatingin pa rin doon.
"Tinangay ng Nodram Guard si Alba. Una, dito ka lang. Hahabulin ko muna sila," paalam ni Juno at mabilis na sumakay sa motor niya.
Kaagad din naman akong sumunod sa kanya. "Sasama ak-"
"Hindi. Dito ka lang! Hindi ko hahayaang pati ikaw mapahamak pa!"
"Iiwan mo ko rito?" Sige, mauna ka na sa loob, susunod ak-"
Naungot sa inis si Juno. "Sakay na. Dali."
Sumampa agad ako sa motor niya. Alam niyang hindi ako nagbibiro sa sinabi ko kanina. Susunod talaga ako kaya napilitan tuloy siyang isama na lang ako.
"May darating na mga staff para sunduin ka. Just hold on, okay?" I reminded the guy.
Bago pa man tuluyang sumara ang portal ay nagawa na naming makapasok ni Juno sa loob. Kaso pagpasok na pagpasok namin ay bumagsak kami sa gitna nang tila walang hanggang disyerto. Walang daan o kahit ano, malawak na buhangin lamang. Hindi naging maganda ang pagkakabagsak namin ni Juno.
"Una! Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong niya.
Tumango ako saka tumayo at pinagpagan ang sarili. Pinatayo niya ang motorsiklong mukhang malala ang tama at sinubukang paandarin subalit tumunog lamang iyon ng isang beses bago namatay na nang tuluyan. Lagot... Paano na 'to?
🌸💀🌸💀🌸💀🌸
"Sir, may nanalo na po. Ititigil na po ba namin ang live? Susunduin niyo na po ba 'yong tatlong nakapasok sa South Region?" tanong ng staff na lumapit sa nakahalukipkip na si Ocho habang pinapanood ang kuha mula sa kamera ni Una.
Ocho is a virtuouso teleporting beast. Ordinary teleporting beasts can only teleport by themselves and cannot bring others with them. They are also limited to teleport in and out of the South Region because of the spell that surrounds it. All those aforementioned are the things a virtuouso teleporting beast like Ocho can do.
"Kung tatlo ang nakapasok, bakit kay Gomez na camera na lang ang naiiwan?" he asked him, confused of that mystery.
"Kinuha po no'ng Nodram Guard ang kay Albany Grimm saka sinira. Tapos sa lalaking kasama naman ni Gomez, hindi namin matukoy kung bakit bigla na lang nawala..." paliwanag ng staff.
Simpleng tango lang ang itinugon ni Ocho. His eyes never leaving the guy with Una. Magkasamang naglalakad ang dalawa sa gitna nang mainit na disyerto.
"Tatapusin na po ba namin ang live?" tanong ulit ng staff.
"The number of views keeps on skyrocketing," announced one of his staff from the technical team.
Ocho smirked. He finds the turn of events interesting. "Keep it going. The real show is just about to begin."
Increased viewership also means an increase in ratings and revenue. Hindi man naibalik ni Una ang isang milyon niya ay nakabawi naman ito sa ibang paraan.
🌸💀🌸💀🌸💀🌸
PAGOD NA PAGOD na ako at pawis na pawis na rin habang nakabuntot kay Juno. Naglalakad kami sa kahabaan nang mainit na disyerto. Nasira na kasi talaga ang makina ng motorsiklo ni Juno pagkabagsak namin kanina. He had already taken off his moto jacket. Hawak-hawak na niya 'yon ngayon. Iyong itim na v-neck na lang niyang tee shirt ang naiwan. Inangat ko na rin hanggang ibabaw ng siko ko ang mga manggas ng oversized polo shirt ko pero ang init pa rin! Feeling ko umiinit din 'yong ulo ko.
"Ito 'yong sinasabi ko sa'yo, Juno, e. Dapat kasi pinapahalagahan natin 'yong mundo, 'yong environment natin. Hindi natin dapat kinakalbo ang mga gubat. Hindi lang 'to global warming, free trial na 'to sa impyerno, susko!" pangaral ko sa kanya.
Nakakunot-noong nilingon niya ako. "You really don't know?"
"Anong ibig mong sabihin?" pagtataka ko.
"South Region is regarded as the literal hell of the Beast Republic. They redesigned it this way so that no wandering beasts can survive the heat."
"Diyos ko..." bulong ko saka pinunasan ang pawis sa may leegan at noo ko pero napapalitan lang iyon ng mga panibago.
Natigil lamang ako sa ginagawa nang mahagilap ko sa 'di kasaluyaan ang linya ng mga beasts. Namilog ang mga mata ko saka tinaas agad ang mga kamay at kinaway para humingi ng tulong.
"Tulong! Tulungan niyo po kam-" I shouted but stopped right away when Juno covered my mouth and dropped us both on the ground.
Naguguluhang napalingon naman ako sa kanya. "Anong ginagawa mo, seb?"
"Bakit ka sumigaw? May mga Nodram Guards sa dulo no'n."
"Ha? Ano ba? Hindi ko gets!" I asked frustratedly.
Juno licked his lips and answered, "Makinig ka. Kailangan nating dumapa at gumapang hanggang sa makalayo tayo roon sa pila."
"Bakit nga?!" sigaw ko.
"Shh... 'Yong pila na 'yon kanina, pila 'yon ng mga makasalanang beasts na napadpad dito sa South Region. Sa dulo no'n may malalim na bangin at apoy kung saan sila tinutulak at tinutupok. I wasn't kidding when I said this is hell, Una. It really is."
Dahan-dahan akong tumango at sumunod na sa plano niya. Gumapang kami palayo roon para hindi nila kami mapansin kaso ay may biglang sumigaw na sa tingin ko ay mula sa pila at tiyak kong ang tinuturo ay kami.
"Hayun! Hayun 'yong sumigaw! Doon! Gumagapang sila, hulihin niyo!"
"Shit!" Juno pushed himself up saka tinulungan akong tumayo.
We both run as fast as we can away from the beasts who were chasing us. Ang lalaki ng katawan ng mga Nodram Guards at ang papangit din. Para kasing sinadyang sunungin 'yong mga mukha nila para magmukhang brusko at nakakatakot.
Palaban ako pagdating sa takbuhan kaso ay sobrang init ng lugar na iyon kaya nauubusan ako ng hangin agad. Hingal na hingal akong huminto sa pagtakbo at sinapo-sapo ang dibdib ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na parang mawawalan ako ng ulirat ilang segundo na lang.
"Una!"
Kinarga at isinampay ako ni Juno sa isang balikat niya saka siya nagpatuloy sa pagkaripas ng takbo palayo sa mga humahabol sa aming mga Nodram Guards.
"Sakay!" Narinig kong sigaw ng isang hindi ko kilalang nilalang mula sa harap.
Konting-konti na lang at mahuhuli na kami ng mga Nodram Guards kaya hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Juno at isinakay ako agad sa likuran ng isang pulang pickup truck. Tumalon na rin siya papasok sa loob no'n kaya humarurot agad ang sasakyan. Nilapitan agad ako ni Juno. He cupped my cheeks with his hands and looked at me worryingly.
"Ayos ka lang? May masakit ba sa'yo?"
Mahinang tumango-tango naman ako. "Oo, ayos na ako..."
Nagulat naman siya nang isa-isa kong tanggalin ang mga butones ng polo shirt ko. "Hoy, huwag kang magburles dito!"
"Ano ka ba? Sa ibabaw lang naman 'tong mga butones. Hindi naman ako mahuhubaran nito. Kailangan ko ng hangin..." nahihirapang paliwanag ko.
Ayos lang na tanggalin 'yon kasi tatlong butones lang naman iyon sa may ibabaw ng damit ko at hindi naman makikita buong kaluluwa ko kapag tinanggal ko ang mga iyon. Kailangan ko lang talaga ng hangin.
Nag-iwas na lang ng tingin si Juno at sumandal sa inuupuan niya sa tabi ko. There was a masked guy driving the pickup truck. Iyong maskara niya ay simpleng kulay puti na natatakpan ang buong mukha niya maliban sa mga mata niya kaya nagkatinginan kami sa rearview mirror.
"Huwag kayong mag-alala. Wala akong masamang balak sa inyo. Pagdating natin ng repair shop ko, may ginawa akong aircon doon. Pwede kayong magpalamig doon," paliwanag niya.
I don't quite understand why, but I can sense that he's really telling the truth.
"Salamat po..." pabulong na pasasalamat ko.
HINDI NGA NAGSISINUNGALING iyong tumulong sa amin ni Juno. May aircon nga talaga siya! Pinainom niya kami ng tubig at pinakain din pagdating namin sa repair shop niyang studio-type na apartment din. He didn't give us his name because he can't. Gusto niya raw manatiling anonymous. Ang sabi niya'y nangangamba raw siya na baka may magsumbong sa kanya at madawit siya kaya mas maigi nang hindi namin siya kilala. He won't even tell us how he got in the South Region.
Pinaliwanag niya rin sa amin ang lahat. Kapag daw may bagong dating o huling beasts sa border ng South Region ay dinadala raw ito sa dungeon kung saan sino-sort ang mga mapapakinabangang beasts sa mga hindi na. Ang mga mapapakinabagan pa ay dinadala nila sa palasyo ng mga Starkov o sa hari at reyna ng South Region na sina Señor Syvarra at Señora Solange. Ang mga hindi naman napapakinabangan ay tinutulak din nila sa crater na may magma kasama ng mga beasts na may malalaking mga kasalanan. Sinabi niya ring dinesenyo ang buong South Region bilang trap ng mga nilalang na ito. Kahit na may tumulong sa kanila ay hindi sila makakalabas ng lugar dahil kailangan nilang pagbayaran ang mga kasalanan nila. Maliban na lamang kung naunang napagbayad na ng mga kasalanan ang isang beast sa legal na sistema gaya ng pagkakakulong sa ibang lugar at pagpapalaya sa kanya. I was never jailed for what I did to my mother...
"Iaalis kita rito," Juno assured me when he noticed my silence.
I looked at him and smiled sadly. Kaya pala ayaw niya akong papasukin dito kanina. Pero kasi kung bibigyan ako ng pagkakataong ulitin ang nangyari ay gagawin ko pa rin iyon. Nangako ako kay Count Vladimir na ililgtas at bubuuin ang mga anak niya. I just can't let Ma'am Alba and Juno go on their own.
"Maraming salamat, seb..." I told him.
"May alam akong short cut papunta sa dungeon. Haharangan natin ang sasakyan ng Nodram Guard doon bago pa man nila marating ang dungeon," suhestiyon naman ng lalaking naka-maskara kaya napabaling kami sa kanya.
He walked towards us and gave us three pieces of plain white mask like his.
"I invented these masks to prevent the Nodram Guards from seeing and detecting me when I travelled around here. Produkto 'to ng alchemy at hindi ng itim na mahika. Kapag sinuot niyo 'to ay hindi nila kayo mapapansin hanggang border at hanggang sa makalabas kayo nang tuluyan," patuloy na pagpapaliwanag niya.
"Anong plano mo?" Juno asked seriously.
"I can help you get your friend and sister. Have her wear the mask then I will going to drive all of you to the border."
"Magbubukas ba agad ang mga portal pagdating namin sa border?" Juno asked again.
"Hindi pero pwede nating nakawin ang espesyal na baril na ginagamit ng mga Nodram Guards para magbukas ng portal. We can do that since we can't be seen by them with these masks on. Huwag kayong mag-alala. Marami na akong natulungan palabas ng South Region. Magagawa natin 'to," he assured us.
Nasa may dulo na kami ng shortcut na pinagdalhan sa amin no'ng lalaki. Ang sabi niya ay doon daw dumadaan ang mga patrol cars na sakay ang mga captives o iyong tawag nila sa mga beasts na nahuhuli sa border.
"Nandito na sila," usal ni Juno nang matanaw ang isang patrol car na palapit sa pwesto namin.
Naging alerto naman agad kami. Tumango ang lalaking nasa driver seat at hinawakan na ang gear. Tinulak niya iyon nang nasa mismong tapat na namin ang patrol car dahilan para magkabanggaan ang dalawa. Sa laki ng pickup truck ay nawasak ang nguso ng patrol car. Mabilis naman na tinanggal ni Juno ang seatbelt at lumabas ng front seat. Susunod na sana ako nang bigla akong pigilan ng lalaki.
"Ako na kukuha sa babae. Dito ka na," he told me before going out of the driver seat.
Pinaapoy ni Juno ang mga kamay at hinarap ang Nodram Guard na lumabas na rin ng driver seat. Bago pa man nito maposisyon ang baril ay hinagisan na ni Juno ng apoy ang kamay nito dahilan upang mabitawan ng Nodram Guard ang armas. He groaned and lunged to attack Juno pero mabilis at sunod-sunod na nagtapon ng mga bolang apoy ang best friend ko. When the guy successfully got the unconscious Ma'am Alba from the patrol car's backseat, he retreated to our vehicle. Pinahiga niya sa tabi ko si Ma'am Alba at nilagyan ng seatbelt.
"She'll be fine once you get out of her. Hindi pa kasi mawawala ang trance ng black magic sa kanya hanggang nandito siya kaya wala pa rin siyang malay," paliwanag ng lalaki.
Tumango ako at binalingan naman ang best friend ko. Napansin kong naglalakad na siya pabalik sa truck. Sa likuran niya ay nakabulagta na ang Nodram Guard at wala nang puso. Gulat na napatitig lang ako sa kanya hanggang sa makapasok na siya sa front seat. Nagkatinginan kami sa rearview mirror pero mabilis siyang nag-iwas ng tingin, halatang iniiwasan ding magpaliwanag. I glanced at his hands and didn't find any signs of blood there or something. Marahil ay tinuyo ng mga apoy niya iyon.
The guy sent us to the border. With his mask on and being invisible, Juno easily tackled down the Nodram Guards. The guy struck the border with the special gun, and seconds later, the portal appeared.
"Juno, unahin mo nang dalhin si Ma'am Alba sa labas. Susunod ako sa inyo," I told him.
Tumango si Juno at mabilis na kinuha si Ma'am Alba sa backseat ng truck at binuhat palabas.
I walked towards the portal but then I stopped to look at the mysterious guy. "Hindi po ba kayo sasama sa amin?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
He shook his head and replied, "Hindi ako makakalabas dito. This place knew I did something very bad before. Pinagbabayaran ko 'yon dito."
"Gaano po ba kasama ang nagawa niyo?" I asked him. I don't know why but there's a force that wants me to keep doing it.
"I killed my mother..." Pareho pala tayo...
I looked at Juno. Marahang binaba niya na si Ma'am Alba sa lupa nang mapansing hindi pa rin ako lumalabas.
"Una, halika na," he called me.
The Nodram Guards began stirring awake. Unti-unti na ring sumasara ang portal. I smiled sadly at him.
"Alam mo naman 'yong ginawa ko 'di ba? Hindi na ako makakalabas dito, seb. Siguro... siguro panahon na rin para pagbayaran ko 'yon..."
Nasaksihan ko ang pamimilog ng mga mata ni Juno sa gulat dahil sa mga namutawi sa labi ko. The guards held the mysterious guy whose back was facing me now. Tinanggal niya kasi ang maskara kaya nakikita na siya ngayon ng mga guwardiya. Hindi na niya hawak pa ang special gun na magbubukas ulit ng portal kaya hindi na namin magagawa pang pigilan ang pagsasara no'n ngayon. Gaya niya ay nakita na rin ako ng iba pang guwardiya at akmang susugurin na. Nangislap ang mga mata ko sa luha nang bumaling ulit ako sa banda ni Juno.
"Maraming salamat sa lahat-lahat, Juno... Pakisabi na lang din sa kanilang lahat na salamat at na mahal na mahal ko sila... Mahal ki-"
"Hindi... Hindi pwede!" biglang saad niya at tumayo saka tumakbo papunta sa sumasarang portal.
Bago pa man sumara ang portal ay may biglang bumaril doon dahilan upang bumukas iyon at may mabilis na tumulak sa akin palabas ng portal. Nasalo naman agad ako ng best friend kong naghihintay na roon sa labas. Paglingon ko sa tumulak sa akin ay ako naman ang lubos na nagulat sa nakita.
Nakawala sa pagkakahawak ng mga Nodram Guards ang lalaki. Kung kanina ay hindi ko siya nakilala dahil sa maskara niya at pagkakatalikod, ngayong magkaharap na kami ay kitang-kita ko na siya. Nanginig ang mga labi ko at kaagad na nangislap ulit sa luha ang mga mata ko.
"K-Kuya Vinzi..." I called him. "Kuya Vinzi!" Tatakbuhin ko na ulit sana pabalik ang distansya namin nang hilahin ako pabalik ni Juno.
Napatingala ako sa seryoso niyang mukha. "Juno, si Kuya Vinzi 'yon... Juno, kailangan natin siyang tulungang makalabas do'n... Please..." pagmamakaawa ko sa kanya nang matantong hindi niya magagawa iyon, na walang makakagawa no'n sa amin.
"Please naman, oh... Please..." I begged as I kept hitting him on the chest. Tears started streaming down my cheeks.
Nilingon ko ulit si Kuya Vinzi at ang portal na konting-konti na lang ay sisira na.
"Kuya! Kuya, halika na. Samahan mo na ako!" iyak at pagmamaktol kong parang bata sa kanya.
Ang dami-dami kong gustong sabihin. Ang dami-dami kong itanong at ang dami-dami kong gustong gawin ngayong nandito na siya pero bakit gano'n? Bakit malabong mangyari 'yong mga ngayon? It's like it was the best of times, yet it was also the worst of times.
He smiled at me which only made my heart tug as the portal kept closing. "Huwag kang mag-alala, Vanie. I am also a psychic. Pasensya na kung hindi ako nakapagpaalam nang maayos sa'yo noon. Biglaan ang ginawang pag-ambush ng mga Nodram sa armored vehicle namin noon at dinala nila ako rito. I'm sorry that I couldn't find ways to reach you."
May mga guwardiya na ring humawak kay Kuya Vinzi. I tried reaching him but Juno hugged me firmly from the back to stop me. Nagpatuloy ako sa pag-iyak.
"Wala kang kasalanan. It was me. Ako 'yong nagpalutang ng shotgun at bumaril kay nanay... That is why I deserve this. I deserve to be here..." pag-amin ni Kuya Vinzi.
I didn't care who did what anymore. I just want him here beside me. I just want us to be together again. Ayokong nandoon siya sa loob ng South Region at nakakulong samantalang nandito naman ako at malaya. Gusto kong iligtas siya. Gusto kong makasama siya. Hindi naman namin deserve 'to. Hindi niya naman deserve 'to. Lahat nang 'to bunga lamang nang madalim naming kahapon.
"Masaya at kontento na si kuya na makitang masaya at malaya ka na, Vanie," he continued.
"Kuya!" I shouted as I struggled to reach the closing portal.
"Grimm, protektahan mo ang kapatid ko," bilin ni Kuya Vinzi bago tuluyang sumara ang portal.
Sumigaw ako at galit na galit na sinusubukang magpumiglas sa pagkakahawak ni Juno. Bakit ba pinipigilan niya ako?! Bakit hindi na lang niya ako hayaan?!
"Forgive me for this doing this, Una," Juno whispered before kissing my cheek.
Bigla akong hindi makagalaw. Gusto kong magpumiglas at magsisisigaw at umiyak pero para akong naparalisa at namanhid at nanghina matapos niyang gawin iyon. Juno scooped me in his arms. Parang may kung pwersang sumanib sa akin at pinipigilan ako mula sa loob ko na kumilos at gumawa nang kahit ano. Bumibigat na rin ang mga talukap ko.
"Wala akong hindi gagawin para sa kanya," dinig kong bulong ni Juno bago ako tuluyang mawalan ng ulirat.
🌸💀🌸💀🌸💀🌸
MALAKAS NA BINALIBAG ni Sverino ang pinto ng kwarto ni Mythos. Naabutan niyang nakatayo ang kapatid sa tapat ng portal na binuksan nito.
"Papunta ba 'yan sa kanya?" hinihingal at galit na tanong nito. "Ako na ang papasok."
Mythos silently stepped aside and let his brother enter the portal he just opened going to Ocho's studio.
"Congrats, team! This is the highest viewership we ever had as expect-" Hindi na natapos pa ni Ocho ang masayang winika nang matumba siya sa sahig matapos malakas na suntukin ni Sverino.
Ang mga staff niya ay nagulat din sa bilis ng mga pangyayari. Sinapo ni Ocho ang dumudugo at pumutok na labi habang galit na nakatitig sa galit niya ring kakambal.
"How did you get in here?!"
Kwinelyuhan ni Sven si Ocho at hinatak patayo. Nainis siya lalo na at ito pa ang may ganang manigaw at magalit gaya nang dati gayong ito naman ang may atraso sa kanila.
"Ang kapal ng mukha mo! Pati mga inosente at kapatid natin ay idadamay mo pa sa kagaguhan mong gago ka!"
Sinubukang umawat ng mga staff ni Ocho subalit biglang humarang ang mga nagtatangkarang anino sa daraanan nila. Nagulat naman si Ocho nang mapansin ang nakabukas na portal sa likuran ni Sven.
"Paano ka nakapagbukas ng portal? You're not a teleporting beast!" asik niya ulit dito.
"Bobo, hindi ako ang nagbukas ng portal!"
Muling nagulantang at nagimbal si Ocho nang mapansin ang naka-dekwarto habang nakaupo sa isang grandfather's chair sa madilim na kwartong pinanggalingan ni Sven si Mythos. Namumula ang mga balintataw sa walang laman na eye socket ng bungong maskara nito. He casually raised his wineglass towards Ocho's direction for what seemed to be a mocking cheers or greetings. Biglang nakaramdam ng kaba si Ocho. His brother might look calm but he can sense a raging storm from his inside.
"P-Paano niya nagawa 'yon?" nauutal na tanong niya sa kakambal na hawak-hawak pa rin siya sa kwelyo.
"Nagmana siya kay Vladimir, tanga!" singhal naman ni Sven.
"Pero hindi niya ako nahawakan! Paanong nagaya niya ang ability ko?!" singhal din pabalik ni Ocho.
"Akala ko ba matalino ka? Gamitin mo utak mo, hindi puro pera!"
Inatras ni Sven si Ocho hanggang sa dumikit na ang likod nito sa pader.
"Napakagago mong lintek ka! Kayang-kaya mo silang kunin kanina palabas ng South Region pero hinintay mo pang dumami ang mga manonood mo't pera! Ginawa mo pang teleserye ang lahat! Ginamit mo pa sila para kumita kang yudeputa ka!"
"Well, this is show busines-" Hindi na pinatapos pa ni Sven si Ocho at sinuntok na naman sa panga sa panggagalaiti.
MULA SA MADILIM na parte ng infirmary ay lumabas si Mythos. Lumapit siya sa tabi ni Lady Incha na nagbabantay sa wala pa ring malay na si Una. Sa kabilang banda naman ng kama ng dalaga ay nakatulog na si Adele kaiiyak sa matinding pag-aalala para sa anak-anakan niya.
Mythos couldn't take his eyes off the sleeping Una. His bony fingers and skull mask slowly turned into flesh. His thumb gently brushed her cheek.
"Konti na lang at malalaman na niya ang totoo," usal ni Lady Incha.
"I know what to do."
Mythos moved his hand from her cheek and gently pressed his index finger to her forehead. He will remove that particular memory from Una's mind.
"Bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya ang totoo?" Lady Incha suggested.
"Mahihirapan akong protektahan siya kapag nilayuan niya ako."
•|• Illinoisdewriter •|•
"It was the best of times, it was the worst of times" line was taken from the classic novel A Tale of Two Cities. It also represents Una and Vinzi who are living in two entirely different regions and worlds.
So, what are your thoughts? 😊 Do hit the star button and share your theories. (◍•ᴗ•◍)❣️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top