Check-In 12: Trainspotting
Check-In 12: Trainspotting
NAKABIHIS AKO NGAYON ng Type D uniform namin at trench coat. Aalis kami ngayon ni Master Thirdy at pupuntang Kapitolyo. Bibisitahin namin ang Grimm Station. Lady Incha specifically asked for me to accompany him. Kasama rin namin si Kuya Nolan bilang chauffeur ng Impala.
"Hayan, Ate Una, tapos na," hayag agad ni Lulu nang matapos na niya ang pagtatali ng buhok ko. She tied it into a low double buns using two thin silk pink hair ribbons. Tinali niya iyon agad nang mabakante kami.
"Maraming salamat, Inday Lulu," I thanked her.
"Alba, you know horse riding?" asked Mayor Juan.
We turned to look at the Grimm siblings. Nasa may kwadra kami ngayon at lalabas na sana papuntang equestrian arena. They were already wearing their respective equestrian outfits. We want to watch them. Ako kahit sandali lang bago kami umalis. Nauna na sa arena sina Kyrine at Ate Honey na sasamahan naman si Lady Incha sa pamimili. Isang merman naman ang chauffeur nila dahil ipagmamaneho kami ni Kuya Nolan. Dahil Linggo at pahinga nilang lahat ay naisipan ni Mayor Juan na makipagbonding sa mga kapatid niya. Hindi ko nga maintindihan kung bakit aalis pa si Master Thirdy at hindi na lang maki-join dito sa kanila.
"Or do you want us to assist you?" alok pa ni Doctor Six.
"No, kuyas. I'm fine. Mommy taught me naman before, e," Ma'am Alba replied with a smile to assure her brothers.
"Sige, hihintayin ka namin sa arena. Tita Rubia and Sophie are already there to watch us kasama ang iba pang mga employees. If you need anything, don't hesitate to tell us," reminded Mayor Juan.
Tumango naman si Ma'am Alba at ngumiti sa kanila. "Opo, mga kuya. Thank you. Susunod po ako, promise."
Mayor Juan, Master Dos, and Doc Six went out of the horse stable together, leaving Ma'am Alba who spun around to face us. Kami na lang ang tao sa kwadra at isang merman na naka-assign sa pag-aalaga ng mga kabayo. Mayor Juan requested for me and Lulu to assist Ma'am Alba around the hotel. Magkasing-edad daw kasi kami kaya iniisip niyang mas magkakasundo kami at kung wala naman ako ay si Lulu ang papalit sa akin.
Ma'am Alba walked towards us. She was carrying a riding crop while her arms were crossed. Nakasuot na rin siya ng magarang equestrian outfit niya at helmet. I feel uncomfortable when she began circling around me with that judgmental look on her face. Huminto siya sa tapat ko at biglang hinawakan ang pink Chanel wicker sling bag ko.
"I'm quite surprised that a housekeeper like you can buy something as expensive as this Chanel bag," she commented.
May golden heart-shaped padlock kasi iyon at logo ng Chanel na naka-engrave kaya mahahalata niya agad na mamahalin. Some luxury brand items were imported from the mortal world while most of them were creations of beast designers or those of high positions working in the said brands.
She lifted her gaze from the bag to look at me and continued. "O baka naman ninakaw mo ang pinambili mo rito."
Inagaw ko sa kanya ang bag ko. Aminado ako na medyo napalakas iyon dahil sa inis ko sa pang-iinsulto niya sa akin. Para bang gusto niyang ipunto na ang housekeeper na kagaya ko ay walang mararating at hindi nababagay magmay-ari ng mga mamahaling gamit. Alam kong hindi tama iyong inasta ko dahil amo ko pa rin si Ma'am Alba pero kasi nanggigigil ako, e. Simula nang dumating siya rito ay para siyang anghel sa harap ng mga kuya niya pero ang kurdapya ay may buntot at sungay din pala kapag kami na ni Lulu ang kaharap. Akala niya siguro maaapi niya ako dahil mas nakakaangat siya kaysa sa akin.
"With all due respect, ma'am, I earned it fair and square. This isn't something I have gotten just because I did something bad and dirty. This is the fruit of my hard work. We are saving so much because the hotel covers all of our needs. Ang mga sweldo namin ay napupunta lahat sa amin. We have all the liberty to spend it on items we want to indulge ourselves with. Kaya nga po sobrang laki ng utang na loob namin kay Count Vladimir," matapang ngunit magalang pa ring paliwanag ko.
She arched one delicate brow and smirked at me. She uncrossed her arms and tapped both of my shoulders with her hands. Hawak pa rin ng isang kamay niya ang riding crop at mas matangkad din siya sa akin. Tall enough that I have to slightly look up at her, but I am not small enough that she can just step on me and my job.
"Kaya nga dapat mas pagbutihin niyo pa ang trabaho niyo, e. You owe us a lot," she reminded me in the most subtle way of mocking I have ever known.
I smiled at her in the most subtle way of mocking that I could ever muster.
"You're absolutely right, ma'am. We owe your father a lot but that doesn't mean we have to put up with your attitude and treatment. Bago pa po kayo dumating, alam na namin kung saan kami lulugar at mas lalong alam na naming dapat din po kaming itrato nang may paggalang. Empleyado po kami at hindi basahan na pinandidirihan at tinatapak-tapakan. Kaya huwag mo akong ginigigil, day," I told her as I removed her hands off my shoulders.
"How dare yo-"
"Is everything alright here?" Dinig naming tanong ni Lady Incha na kakapasok lang ng kwadra.
Nagsukatan kami ng tingin ni Ma'am Alba bago siya ngumiti kay Lady Incha. Wala na bang mas ikaka-plastik pa 'yang ngiting 'yan, ma'am?
"Opo, Lady Incha. I'm just... adoring Una's bag. It's really nice," pamamlastik niya.
Nag-aalalang tumabi sa akin si Lulu at hinawakan ang kamay ko. She wants to tell Lady Incha the truth about Ma'am Alba. I held her hand to stop her from doing that. Ma'am Alba might be bratty but I am still hoping she will change in time. Just like in literature, she has her own story to tell which I may not know for now, and the least thing I could do is to guide her in taking the right route towards her character development.
"Una," tawag ni Lady Incha sa akin.
Tumango ako at ngumiti kay Ma'am Alba saka sa kanya. Labanan ng Oscars 'to, Best Actress awards for plastikan category.
"Opo, Lady Incha. Ayos lang po kami. Maraming salamat po sa appreciation sa bag ko, Ma'am Alba."
Nagkangitian ulit kami ni Ma'am Alba bago siya pumihit patalikod at naglakad na palabas ng kwadra kasama ang kabayo niya. I sighed and stared down at Lulu and smiled.
"Ayos lang ako," I assured her while gently tapping her hand. Pabulong lang 'yon para hindi kami marinig ni Lady Incha.
Sinamahan muna namin si Lady Incha papunta sa arena upang panoorin saglit ang magkakapatid. Mayor Juan, Master Dos, and Ma'am Alba are already riding their horses. Si Doc Six naman ay kinakausap pa ang nakataas ang isang kilay na si Kyrine, mukhang nagsusuplada na naman. Naupo kaming tatlo kasama sina Ma'am Rubia at Ms. Sophie saka ang ila pang empleyado sa makeshift bleachers. Magkatabi kami ni Ate Honey.
"Siguradong matutuwa si Count Vladimir kapag nakita niya ang mga anak niyang magkakasama," sambit ni Ate Honey na nakangiti habang pinapanood ang magkakapatid na Grimm.
Napangiti na rin ako. "Sigurado po ako ro'n."
Ate Honey gently elbowed me to tease me. "At dahil sa'yo 'yon."
"Naku, hindi naman po. Dahil po ito sa conspiration ng mga universe na matupad 'yong hinihiling natin," I said with chuckles.
"Kung hindi mo binigay kay Mayor Juan ang letter, hindi siya makakahanap ng oras para pumarito. Kung hindi mo tinanong si prof ay hindi niya rin malalamang hinahanap siya ng ama niya. Kaya thank you talaga, Una," Ate Honey thanked me. Natouch ako kaya nangingiting niyakap ko siya.
"Lahat po para sa pamilya natin," I told her.
We didn't take long in watching the horse riding because Master Thirdy summoned me already. Paglabas ko sa main door ay nakaparke na ang Impala roon at nandoon na rin sa loob sina Master Thirdy at Kuya Nolan. Nahiya naman ako bahagya dahil hinintay pa nila ako kaya dali-dali na akong pumasok sa front seat. Pababa na kami ng Alps nang mapagdesisyunan kong lumingon sa kanya at magsalita.
"Master Thirdy, iche-check niyo pa ba ang Grimm Station?" Kasi imposible namang mag-trainspotting kami gayong sarado ang istasyon.
Ang trainspotting ay tawag sa hobby ng panonood at pagbibilang ng mga tren na dumadaan sa railway.
"We'll visit my brother," he said simply. Tumango-tango ako at humarap na sa kalsada nang mapalingon ulit ako sa kanya sa natanto.
"Po?! May kapatid kayong nasa Grimm Station?!" Gulat na gulat ako, ghorl. Bakit hindi mo sinabi?!
Instead of answering me, he turned to look at Kuya Nolan and asked, "What's beyond the wall on the westward of the hotel?"
"Ah, 'yong likod po ba no'ng great wall ang tinutukoy niyo?" pagtutukoy ni Kuya Nolan.
Kumunot ang noo ko kay Master Thirdy kasi hindi niya ako sinagot.
"Yes."
"Kapatagan po."
Iyong nasa east wing naman ay ang pool side, gymnasium, sportzone, oval, horse stable, at equestrian arena.
"Gaano ka lawak?"
"Sixteen hectares po."
"Delikado ba ro'n? Bakit may pader?"
"Ang dulo po no'n ang delikado kasi bangin na ng Alps kaya minabuti na ni Count Vladimir na isara iyon," Kuya Nolan explained.
"I want to cultivate that land. Let's expand the hotel attraction and facilities."
"Maganda po 'yang plano niyo, Master Thirdy pero ano pong plano niyo sa dulo?"
I agreed with Kuya Nolan. Master Thirdy really has a good plan for the uncultivated land but what about the cliff?
"We'll put the great wall at the edge. Una, take note of whatever I will be saying and relay it to Lady Incha," utos niya sa akin.
I nodded and hastily took my phone to jot down his orders.
"First, contact the Quicksilvers to demolish the previous wall and build it back on the edge of the land. We will cultivate the land into a farm. Tell them to put up a white vinyl fence in front and around it. We'll be using solar lampposts as well to save electricity. I want the construction to be done as soon as possible."
Tumango-tango ako habang nagta-type sa cellphone ko. Kayang-kaya 'to ng mga Quicksilvers at parte rin ito ng pinirmahan nilang kontrata kay Master Thirdy. I am also looking forward sa paglilipat nina Indiana at ng pamilya niya next week sa nakalaang apartment para sa kanila sa hotel.
"Next, tell her to find virtuoso elemental guardians to plant a thousand trees with a distance of 25 meter each. Gusto ko maayos ang pagkakahanay ng mga puno upang magkaroon ng tamang espasyong pwedeng lakaran ng mga guests at residents kung binabalak nilang mamasyal sa farm at para na rin tumubo nang maayos ang mga puno."
Virtuoso plus the type of beast is how we referred to the best beasts of their kinds. Kumabaga sila iyong tunay na malalakas at maabilidad sa lahi nila. In this case, naghahanap si Master Thirdy ng mga magagaling na elemental guardians to plant and grow the trees for us on the spot.
"The remaining space will be reserved for the fish pond, cattle pen, and the extension of the equestrian arena. It will be nice to have our own supply of fresh milk and meat from cows and hogs, respectively. Have their feeds organic too and let them freely stroll around the farm," dagdag pa ni Master Thirdy.
Habang tinatala lahat ng mga utos niya ay hindi ko maiwasang mamangha sa mga ideya niya para makapang-engganyo pa kami ng mga guests at residents sa Hotel Grimm. His plans to improve and make the hotel more appealing as the same time earth-friendly are indeed impressive. I really think that he was destined for this. He was fated to be a hotelier or sadyang napakatalino lang talaga niyang beast.
We parked just beside the subway. Pagbaba namin ng Impala ay napansin ko agad ang pagbabago sa istasyon. It wasn't as vibrant as before. Ang mga signpost ay may mga cobwebs pa at halatang kupas na ang kulay. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang pakiramdam nang magkahalong lubos na tuwa at mangha sa tanang buhay ko nang makarating ako rito at sa Abseiles sakay ng mahiwagang tren. I really hope we can relive the Grimm Station and that magical feeling. Kakaiba, e. Sa sobrang ganda ng pakiramdam ay hindi ka makakalimot kailanman.
Sinundan ko agad si Master Thirdy pababa ng subway. Naiwan naman si Kuya Nolan sa taas.
"May tao po ba rito?" I asked him.
"May caretaker dito," tugon niyang tinanguan ko naman.
Malapit na kami sa convenience store na nakatayo rin sa loob ng subway nang mapansin kami ng isang primate na nagkakape habang nakaupo sa isang bench. Primates are hairy and ape-like beasts who have big hands which help them to punch real hard, and they also have tails that grow longer whenever they wish to.
Pansin kong nagulat ang primate dahil nabitawan niya ang tasang hawak niya saka siya tumayo at nagsisisigaw. "Tay! Tay! Tay, may taga-Hotel Grimm po! Taaaay!"
Paglabas ng isang medyo may katandaang primate na may ilang puting balahibo na ay pinalo niya ng dyaryo sa ulo ang binatilyong primate na natataranta habang sumisigaw.
"Hoy, Jojo, napakaingay mo! Ano bang meron dine at para kang baboy na kinakatay?"
"Tay, tay, may mga taga-Hotel Grimm po!" sagot naman ng anak niya.
Napatingin sa amin ang matanda at yumuko bahagya. Sunod din na yumuko ang anak niya.
"Magandang araw po sa inyo. Nakikiramay po kami sa pagkawala ni Count Vladimir. Naisin man naming dumalo ay walang maiiwan dine sa subway," magalang na saad sa amin ng matanda.
"Naiintindihan ko," sagot naman ni Master Thirdy.
"Ako nga po pala si Una. Siya naman po si Master Thirdy," pakilala ko sa mga sarili namin.
Tumango-tango naman ang matanda na parang may napagtanto.
"Oh, ang legal na anak ni Count Vladimir. Dinig ko po ay kayo na ang namamahala sa Hotel Grimm. Ako nga po pala si Mojo pero maaari niyo akong tawagin na Tatang Mojo at siya naman ang anak kong si Jojo. Dati akong loco pilot o yaong nagmamaneho ng tren at nang tumanda ay nanatili akong caretaker ng istasyon," pakilala rin niya sa amin. Wow, Mojo Jojo...
Kinamayan siya ni Master Thirdy at ganoon din si Jojo. Nakipagkamay din ako sa kanila.
"Maaari ko po bang malaman kung bakit kayo napadine? Ay, pumasok po muna kayo!" aya ni Tatang Mojo sa amin.
"We're looking for the new loco pilot. We're looking for my brother Sverino," hayag agad ni Master Thirdy.
Si Master Sven pala ang narito. Sa pagkakaalam ko ay nasa may Kapitolyo nga sila ng nanay at kakambal niyang si Master Ocho pero ang hindi ko inaasahan ay narito lang pala siya sa may Grimm Station at siyang loco pilot. Bakit kasi naglilihim pa 'tong si Master Thirdy, gayong pwede niya namang sabihin agad iyon? Ano pa kaya ang mga sinisikreto niya sa akin?
Nagkatinginan sina Tatang Mojo at Jojo bago tumango ang nauna saka hinarap ulit kami.
"Sasamahan ko po kayo sa kanya. Dine po," ani ni tatang sabay giya sa amin sa daan.
Dinala kami ni Tatang Mojo sa tren na nakaparke sa may unahan. Kinatok niya ang bintana ng cab o 'yong tawag sa parte ng tren kung nasaan ang driver. Ilang segundo rin kaming naghintay hanggang sa bumukas ang pinto.
"Pasok po tayo," anyaya ni Tatang Mojo sa amin.
Sumunod kami ni Master Thirdy pagpasok niya sa loob ng tren. I've immediately noticed empty bottles and cans of beers on the floor.
"Pagpasensyahan niyo na po. Sobrang halaga po kasi ng istasyon para kay Sverino kaya no'ng nangyari ang pagbomba ay sinisi niya iyong sarili niya nang husto. Sa katunayan po ay hindi niya tanggap ang desisyon ni Count Vladimir na ipasara ine. Pinayuhan namin siyang kausapin ang ama subalit ayaw niya po kasi galit siya dine kaya ine at nilulunod na lamang ang sarili sa alak," Tatang Mojo explained apologetically.
Binuksan ni Tatang Mojo ang pinto ng cab at naabutan namin ang mas magulo pang senaryo. Sobrang kalat sa loob. Nangangati ang taga-linis sa loob ko na ayusin iyon.
"Ito talagang batang 'to, oh! Pasensya na po talaga!" si Tatang Mojo na tumalungko upang gising at patayuin iyong lalaking nakabulagta sa sahig.
Diyos ko, akala ko patay na...
Kumunot ang noo ko nang titigan nang maigi ang lalaki. Teka, sandali lang... Platinum blonde hair at dangling blue beads earrings sa may kanang tenga... Nanlaki ang mga mata ko nang makilala siya.
"Ikaw! Tama, ikaw nga!" deklara ko habang tinuturo-turo siya.
"Sus, Ginoo! Ikaw 'yon! Hindi ako pwedeng magkamali!" dagdag ko pa. Hindi talaga ako makapaniwala.
"Ang ingay naman, tang!" reklamo niya at akmang hihiga ulit nang hatakin ni Master Thirdy ang kwelyo ng tee shirt niya.
Nagulat ako kasi nagawa nga siyang iangat ni Master Thirdy gayong isang kamay lang ang gamit nito.
"Wake up, Sven. We need to talk about business."
"Who the fuck are you, and the fuck you mean?!" sigaw ni Master Sven nang mahimasmasan.
Ang gulo ng buhok niya at ang gusot din ng damit.
"Pasensya na po talaga kayo, Master Thirdy. Ang pasaway naman kasi ng batang 'to. Simula nang matigil ang operasyon ng istasyon ay lagi na lang siyang nag-iiinom," Tatang Mojo apologized once again.
Lumapit ako kay Master Sven at tiningala siya kasi hawak-hawak pa rin siya ni Master Thirdy.
"Hindi niyo po ba ako natatandaan? Ako po 'yong batang palaboy na binigyan niyo ng golden ticket five years ago," nakangiting pakilala ko sa kanya. Siya 'yon hindi ako pwedeng magkamali.
Bigla naman siyang bumunghalit ng tawa.
"Anong five years ago? Estudyante pa lang ako no'n. Hindi pa ako nagmamaneho ng tren at bakit naman kita bibigyan ng ticket ha, batang baboy?" tanong niya.
"Batang palaboy po," pag-uulit ko.
"Batang baboy..." he repeated his version too while chuckling. Mukhang may amats pa si koya.
Binaba siya ni Master Thirdy paupo sa sahig habang humahagikhik siya. The shadow stopped him from laying back to the floor this time.
"Hija, tama ang sinasabi niya. Magta-tatlong taon pa lang siya dine. Ako pa ang loco pilot ng mga panahong iyon. Wala rin akong matandaan na kamukha ni Sverino na empleyado dine noon," Tatang Mojo clarified.
Baffled, I turned to Master Sven, and asked in almost a whisper, "E, sino po 'yon kung gano'n?"
"Sverino, anak, umayos ka naman. Nandine ang kapatid mo kay Count Vladimir. May mahalaga siyang gustong ipaabot siya," pakiusap niya kay Master Sven na natitiyak kong parang anak na rin niya ang turing.
"Vladimir? Nasaan ang hinayupak na 'yon?! Aanakan niya ng kambal ang nanay ko tapos ayaw pakasalan. Hayun si Janice nabuang at dinala kami ni Ocho kung saan-saan makalayo lang sa kanya dahil tangina siya nananakit siya ng damdamin ng iba! Hindi pa nakontento at pinasara pa ang istasyon, de puta! Ano pang kailangan niya ngayon?! Nakuha na niya lahat sa akin!" galit na aniya at hinaing sa paraan ng isang tipikal na lasing.
Biglang may humiwalay na clone sa kanya at tumayo saka galit na galit na sinugod si Master Thirdy. Even before he got the chance to punch him, the shadow suddenly moved up to block his attack. May isa pang humiwalay na clone sa kanya at mabilis namang lumipat sa likuran ni Master Thirdy pero ganoon pa rin ang nangyari. Lahat ng atake niya ay nasasalag ng mga anino ni Master Thirdy.
"Isang virtuoso cloning beast si Sverino. Kaya niyang utusan ang mga clone niya na gawin ang kahit ano, magkakaiba man iyon na gawain at kaya niyang iwan ang mga iyon sa magkakaibang lugar sa parehong pagkakataon. Ang mga clone niya ang madalas inuutusan niyang tumulong sa amin dine habang siya namang tunay ay nilalango ang sarili sa alak," naiiling na paliwanag ni Tatang Mojo na nasa gilid ko na nakatayo. Para pala siyang si Ma'am Gabbana.
"Bwisit ka, Vladimir!" sigaw ni Master Sven.
He keeps on cloning himself and trying to attack Master Thirdy. Parang hindi siya napapagod, atake lang siya nang atake. Master Thirdy suddenly summoned his shakujō staff. It's a wooden pole with metal finial on its top with two sections, each with three metal rings. He stomped the edge of his shakujō on the floor, throwing away all the clones attacking him. I blinked three times after that. Naglaho lahat ng mga clones ni Master Sven kaya lumapit si Master Thirdy sa tapat nito at tumalungko. Aangal pa sana si Master Sven nang pinitik siya sa noo ng nakakatandang kapatid gamit ang mga buto niyang daliri. Nawalan ng ulirat si Master Sven. I couldn't help noticing how powerful Master Thirdy is. Kung anino niya pa lang at presensya ay nagsusumigaw na nang makapangyarihan, hindi ko alam kung ano pa ang itatawag ko sa kanya ngayong hawak na niya ang shakujō staff niya.
"Dadalhin ko siya saglit," ani Master Thirdy.
Matagal bago kami nakabawi ni Tatang Mojo sa pagkakamangha sa nasaksihan pero tumango rin naman ang huli at pumayag. The shadows carried the unconscious Master Sven until we're out of the subway. Binuksan ni Kuya Nolan ang backseat at doon ipinasok ng mga anino na naghugis tao si Master Sven.
"Anong meron? Sino 'yon?" pabulong na tanong sa akin ni Kuya Nolan.
"'Yon na nga po, e. Hindi naman tayo in-orient ni Master Thirdy na may tatangayin pala tayong Grimm."
"Grimm siya? Sino siya sa magkakapatid?" gulat na tanong ni Kuya Nolan.
"Si Master Sven po."
"Get in," utos ni Master Thirdy sa akin sabay turo sa may front seat.
"Opo! Opo!" sagot ko at nagmamadaling pumasok na kasunod ni Kuya Nolan.
He sat on the backseat beside his brother. He then gave Kuya Nolan his order. "Take us to the nearest five star restaurant."
"Masusunod po, Master Thirdy," ani Kuya Nolan.
We headed to the said type of restaurant. Lumabas kami at dala-dala pa rin ng mga naghugis taong mga anino si Master Sven. We're drawing quiet an attention. Napansin iyon ni Master Thirdy kaya kinumpas niya ang kanang kamay at maglaho ang mga anino subalit napansin kong ang anino ni Master Sven naman na nasa paanan niya ang tumutulong sa kanyang maglakad na parang normal kahit na wala pa rin itong malay. Wow... I didn't know that shadow manipulation could be this awesome.
"You pay for everything," utos ni Master Thirdy sa akin sabay abot ng black card niya bago tumalikod at sinundan si Master Sven. We'll just have to swipe this on the machine then we're paid.
Tumango ako at sabay naman kami ni Kuya Nolan na pumasok sa loob ng restaurant. When we're already seated in the table we've chosen, Master Thirdy snapped his fingers, waking Master Sven up.
"Nasaan ako? Nasaan tayo? Fu-" Master Sven became frantic after waking up but Master Thirdy who was nonchalantly reading his menu made his shadows held him still.
"Nasa may restaurant po tayo, Master Sven. Umorder na po kayo ng kahit anong gusto niyo," paliwanag ko na lang sabay lahad ng menu sa kanya.
"Busog pa ako at pwede b-" hindi na niya natapos ang sasabihin pa nang marinig naming kumulo ang tiyan niya.
I can sense he feels slightly embarrassed after. I heard Kuya Nolan's little chuckles on my side, whereas Master Thirdy scoffed. Namangha ako slight kasi hindi ko inaasahan na nagagano'n pala ang kalansay na 'to. That's a first.
"Yeah, busog sa alak. Order some soup and coffee for him. Para naman mahimasmasan siya at kabahan sa presensya natin."
I don't know if Master Thirdy was trying to make us laugh or just simply mocking his brother but I did what I was told. That was another first for him. Halos mapuno ang lamesa namin ng mga masasarap na pagkain. Kumain na kami pero siyempre ang pinakamalakas ay iyong nagsabing busog daw siya kanina. Panay ang mahihinang hagikhik ko habang pinapanood siya. Hala, sige, lumamon ka at magpakabusog, Master Sven.
Habang kumakain ng panghimagas ay binuksan ni Master Thirdy ang usapan.
"Now that we're almost done, let's go down to business. Sverino, I have a proposition," panimula ni Master Thirdy.
Habang kinakain ang panna cotta ko ay pinapanood ko sila.
Master Sven smirked and asked, "Ano naman 'yan?"
"I will resume the operation of Grimm Station under your supervision."
Natigilan si Master Sven pero kinunutan niya ng noo si Master Thirdy. It might be true that he values the Grimm Station that much, and Master Thirdy's using that to his advantage in this negotiation.
"At ano namang kapalit niyan?"
"You have to come and stay with us at the Hotel Grimm for three months."
Master Sven laughed mockingly. "Three fucking months, my ass. Hell no!"
"What if I tell you that I will have the sole ownership of the Grimm Station transfer under your name after those three months? Will your answer still be no?"
Hindi kaagad nakasagot si Master Sven. Ramdam kong tinitimbang niya ang lahat. Owning the Grimm Station is indeed a big deal for him. Napamahal na iyon sa kanya gaya nang ibig ipahiwatig ni Tatang Mojo kanina.
"Give me time to think..."
"Alright, we'll talk about this later when we come back in the station," Master Thirdy agreed.
"Ma'am, heto na po ang bills niyo," a woman interrupted us while handing us the bill.
"Guys, ako na," I confidently told them, nagfe-feeling mayaman.
Kinuha ko bill at tiningnan saka tumango-tango.
"At ito po ba lahat? Sige po, charge niyo na lang sa kanya," saad ko at tinuro si Master Thirdy.
Napatingin naman agad sa akin si Master Thirdy. Napahagikhik ako dahil parang ang dating no'n ay nagulat siya sa sinabi ko at hindi makapaniwalang nagawa ko siyang traydurin. He handed me his black card earlier. Kaya nasa akin nakatoka ang pagbabayad ng mga bills.
"Char lang, boss," sabi ko sa kanya. Binalingan ko ang babae at inabot ang card. "Heto po, keep the change."
"You're paying through card, what change are you saying?" Master Thirdy argued.
"Oh, e, 'di keep the card," sagot ko naman.
"Una..." he said warningly.
I chuckled once again and handed the woman my own change instead. Pagkatapos ay binalingan ko si Master Thirdy.
"Boss, chill. Masyado kang tense. Minsan kailangan mo rin mag-enjoy."
"Says by the girl who's aged ten," singit ni Master Sven.
"Sadyang baby face lang po talaga ako, Master Sven, pero twenty na po ako."
"Twenty ka na sa height na 'yan?" he mocked me further.
"Wow," walang-buhay na usal ko at tiningnan siya nang naka-poker face. Hindi po nakakatuwa.
"Where is Ocho?" Master Thirdy asked, interrupting us.
Master Sven smirked and replied, "Hayun nilamon ng ambisyon niya. Simula nang makaipon ay umuwi lang no'ng mamatay si mama. Aanhin pa ba namin 'yong pera niya?"
Nahihimigan ko ng hinanakit ang boses ni Master Sven para sa kakambal niyang si Master Ocho.
"Where can we find him?" Master Thirdy asked once again.
"Hindi niyo kilala? Sikat 'yon ngayon sa West Region."
"Wala po akong kilalang sikat na kamukha niyo," I pointed out. Kasi kung kambal sila, paniguradong mapapansin ko agad iyon.
"Fraternal twins kami. Ibig sabihin, hindi kami magkamukha. Ginagamit namin apelyido ni mama na Lenon."
I sighed kasi ayaw pa kaming diretso ni Master Sven kung nasaan ang kapatid niya. Ang hirap naman kausap nito. Ang daming pasikot-sikot.
"Saan nga po?"
He rolled his eyes and answered, "Iyong may patok na programa kada Linggo ng gabi."
Namilog ang mga mata ko sa gulat. "Iyon bang tinutukoy niyong kakambal ay si Ochoa Lenon na isang sikat at award-winning na reporter slash tv host? Susmiyo! Paborito ko 'yong lifestyle program niya na Kanluraning Dokyu!"
Napatakip ako ng bibig para itago ang ngiti at hagikhik ko. Paborito kong reporter at host iyon! Halos linggo-linggo kaming nanonood ng mga leprechauns ng programa niya! Wala kaming pinapalagpas na episode!
"Susko naman po, bakit hindi niyo naman agad sinabi?! Finally, makakapagpa-fansign na ako sa kanya! Idol ko 'yon!" natutuwang saad ko sabay hampas sa balikat ni Master Thirdy na katabi ko. "Ay sorry po, boss. Na-carried away lang."
"That's exactly the reason why I didn't tell you straight. Everyone has the same reaction as you and it fucking annoys me," depensa naman ni Master Sven.
"Master Sven, hindi niyo naman kailangan mainggit kasi lahat tayo may kanya-kanyang uniqueness. Isa pa, hindi mo rin naman masisisi si Master Ocho kasi ang galing niya talaga sa field of expertise niya."
"Ambisyoso pa rin siya at gahaman sa pera," Master Sven argued as he grimaced.
"We'll plot soon on how we could possibly reach Ocho."
"Bakit hindi na lang po si Master Sven ang ipakausap natin kay Master Ocho para sumama siya sa atin sa Hotel Grimm?"
"Kung hindi ako pabor, doble naman ang galit ni Ocho kay Count Vladimir. Pagkakakitaan lang kayo no'n. Baka lalo pang lumaki ang bulsa at ulo no'n."
"That is why we are going to plot soon. For now, let's just buy things for the Grimm Station and clean up and redesign it before the opening tomorrow," Master Thirdy announced before standing up. Napansin kong gusto talaga ni Master Thirdy ng agarang aksyon. We all followed him and took our leave.
We went to different stores to purchase the items we will be needing. May mga light fixtures, additional benches, pintura, mga cleaning materials, at supplies sa convenience store ni Tatang Mojo. Iyong mga mabibigat na gamit ay ipapadeliver na lang agad sa Grimm Station.
Pagbalik namin sa subway ay nagsimula na kaming kumilos at maglinis. I removed my trench coat and pink Chanel wicker bag and left them in the convenience store. Bago ako lumabas ay napansin ko sina Master Thirdy at Master Sven sa loob ng isang kwarto. Master Thirdy's back was facing me while he was talking then Master Sven suddenly glanced my way. May lumitaw na anino at biglang sinara ang blinds ng bintana, giving them all the privacy they want. Bumuntong-hininga ako at lumabas na ng convenient store. Iyon na rin ang nagsisilbing bahay nina Tatang Mojo, Jojo, at ni Master Sven.
Tatang Mojo was with Master Sven's clones, arranging the supplies we bought for his convenience store. Tuwang-tuwa si tatang kaya nagagalak din ako dahil magbabalik na ang source of income and source of joy nila. Paglabas ko ay naroon din ang ilang mga clones ni Master Sven at anino ni Master Thirdy. They are doing different tasks. May ibang naglilinis ng istasyon at tren, may nag-aayos ng benches, at nag-iinstall ng mga ilaw, at kung anu-ano pa. I ascended to the stairs of the subway entrance. Napinturahan na ang kabuuan no'n sa tulong ng mga anino. Inangat ko hanggang braso ko ang mga manggas ng Type D uniform ko at nagsimulang gumawa ng mural sa isang pader. I planned to calligraph the name of Grimm Station on the wall adjacent to the one with the mural. Iyong calligraphy ko ay dinisenyuhan ko pa ng mga bulaklak to really represent one of the elements that Hotel Grimm was known for- flowers. Sa mural naman ay gumuhit ako ng mga sirena at ang vector style ng hotel sa kulay pink. May parang compass din doon, symbolizing that the Grimm Station is open to all beasts with good intentions.
"Ang galing naman niyan, Una," Kuya Nolan complimented my work. Pumalakpak din si Jojo.
Nakatingala kaming tatlo sa output ko. Hawak ko pa ang brush sa isang kamay samantalang nakapameywang naman ang kabila. I'm not very good with visual arts but I truly appreciate them. Kaya nga sinusubukan ko ring magdesign-design at sketch-sketch nang kung anu-anong matipuhan ko gamit ang iPad ko. Seeing my finished artwork now, I kind of feel proud for myself. Kung pag-aaralan mo lang talaga at ibubuhos ang buong puso mo ay magagawa mo. Hindi man iyon ang pinakamaganda, but it feels so rewarding to do something you truly love doing. Nothing is indeed impossible when you work for it and put your heart while you're at it.
"Jojo, anak, pakitulungan mo nga ako dine sa bagong printer. Hindi ko alam gamitin ine. Kailangan nating iprint yaong schedule ng biyahe para malaman nila," tawag ni Tatang Mojo.
"Opo, tay! Nand'yan na!" Mabilis namang pumanaog ng hagdan si Jojo upang tulungan ang ama.
"Sige, Una, tutulungan ko lang muna 'yong mga clone sa pagkakabit ng bagong signboard sa labas ng subway," paalam din ni Kuya Nolan.
"Aesthetic."
Napabaling ako sa nagsalita sa tabi ko. Hindi na ako magtataka kung bakit nandoon na lang siya agad. He's the powerful Master Thirdy.
"Nagustuhan niyo po?" I asked him smilingly.
He nodded and stared down at me. Bakit kasi ang tatangkad ng mga Grimm? They're like towers and perhaps I might just be a passerby looking up at them in their perspectives. Ang tatayog din nila, both literally and figuratively.
Napawi ang ngiti ko nang biglang hawakan ng butong palad niya ang pisngi ko. My heart raced when I felt his bone thumb caressed my cheek. Titig na titig lang ako sa kanya habang ginagawa niya iyon.
"May pinturang naiwan," he told me.
Hilaw na natawa ako, kinakabahan na baka narinig niya ang tibok ng puso ko. Hoy, heart, bakit naman ganito? Lumayo ako kaonti at tumango-tango saka pasimpleng nag-iwas ng tingin sa kanya.
"Salamat po..." saad ko sa maliit na boses.
When we're all done, Master Thirdy did some protective incantations around the Grimm Station to secure its safety. Nababahala pa rin kasi kaming baka mangyari na naman ang pambobomba noon dito. He said that the incantations will notify them and us at the Hotel Grimm as well of the passengers with evil intentions. His shadows will always be on lookout too for potential danger around the Grimm Station. Todo pasasalamat sina Tatang Mojo at Jojo sa amin at kay Master Thirdy. Alam kong kahit hindi siya magsalita ay lubos din na nagpapasalamat si Master Sven. Sometimes, there's no need for words. Just a simple look in the eye and you can tell someone's emotion.
Bago maghapon ay umuwi na kami dahil na rin kasama namin si Kuya Nolan. Bawal silang magtagal sa labas. We explained that to Master Sven. Ako lang, si Lady Incha, at ang mga Grimm ang pwedeng magtagal sa labas ng hotel.
Pagdating namin ng Hotel Grimm ay hindi na muna bumaba ng Impala sina Kuya Nolan at Master Thirdy. Si Kuya Nolan ay ipaparke pa ang kotse sa parking lot sa basement samantalang si Master Thirdy namin ay nais bisitahin ang flower field ng ina. Natitiyak kong dadaan din siya sa mausoleum ng ama.
Pagpasok namin ng Hotel Grimm ay kaagad kaming dinumog ng mga kasama. Kaya naman minabuti ko nang ipakilala si Master Sven.
"Ano pong gusto niyong itawag namin sa inyo po? Master po ba o may katawagan po kayo bilang loco pilot? Si Doc Six po kasi sa halip na Master Six ay Doc ang gusto niyang itawag na lang namin sa kanya," tanong at paliwanag ng eksayted na si Lulu.
Tumikhim naman si Master Sven at sinabi ang gusto niya. "Just call me Captain Sven."
"Wow.... taray, captain," pang-iinis ko habang humahagikhik.
"Sumakay ka na lang, please," pasimpleng bulong niya pabalik.
"Opo, Captain Sven!" sagot ko naman sabay saludo.
If that makes him happy, why would I kill his happiness?
Habang nagkakamustahan silang magkakapatid na Grimm headed by the one and only panganay, Mayor Juan ay pumuslit na muna ako papuntang unit namin para magpahinga saglit.
I stopped twisting my left arm when I noticed the smiling Juno standing in front of our unit.
"Seb, anong ginagawa mo rito?"
"Dumalaw muna ako para naman masilayan mo saglit ang kagwapuhan ko," aniya at kinindat ako. Kinurot ko nga sa tagiliran paglapit ko.
"Ang landi nito."
He just chuckled and stretched his arms for what I assumed to be a hug. Napangiti ako at lumapit sa kanya para yakapin siya. I always feel comfortable and safe around Juno.
"Teka, akala ko ba may trabaho ka?" tanong ko sa kanya habang nakatingala nang maalala iyon.
"Saglit lang ako rito. Nagpapamiss ka masyado, e."
Kinurot ko ulit. "Nakakarami ka na ng pickup line kaya tigil-tigilan mo ako, seb. Nga pala may regalo ako sa'yo. Upo ka muna ro'n sa may bench swing."
"Nakakaexcite naman 'yang mga paregalo mo, seb," nakangiting aniya at umarteng excited.
Pumasok agad ako sa pinto ng kwarto namin at kinuha ang maroon velvety box na pinaglalagyan ng regalo ko sa kanya. Pagbalik ko sa labas ay nakaupo na nga siya sa may bench swing. Tumabi naman ako sa kanya at inabot ang regalo ko.
"Oh, hayan. Regalo ko na 'yan para sa birthday mo at Christmas."
"Ang aga ha. Kuripot mo, seb," natatawang puna niya bago kinuha sa akin ang box.
He undid the white silk ribbon wrapped around it. Ribbon ko 'yan sa buhok, mabuti na lang marami akong ganyan kaya hindi na ako nahirapan sa paghahanap nang maitatali r'yan. But I won't tell him that. I will let him think na pinag-effortan ko nang bongga 'yan.
He removed the lid of the box and pulled out from its inside my promised black tumbler with a silver cap and the word 'seb' which I scribbled beautiful in gold. May maliit na finger heart pa ro'n sa dulo no'n para naman mafeel niyang love ko siya kahit gago siya. Parang natunaw 'yong puso ko nang dahan-dahan siyang mapangiti at nag-angat ng tingin sa akin.
"Sana nagustuhan mo, seb," I told him.
"I treasure everything you gave me, Una. Thank you so much for this," sabi niya rin sa akin.
"Sus... walang anuman po. Basta huwag ka nang makikiinom sa akin ha kasi may tumbler ka na," pabirong sabi ko at sumandal sa balikat niya. He chuckled and I felt his arm wrapped around me then.
Napapikit ako nang maramdaman ang pagod sa maghapon naming ginawa.
"Pasensya ka na, seb, ha. Medyo napagod lang ako. Pasandal saglit," I told him.
"Naiintindihan ko." He gently tapped my shoulder na para bang pinaghehele niya ako.
"Una..."
"Hmm..."
"Nandito lang ako palagi para sa'yo. Hindi ako aalis kahit pa dumating 'yong araw na... ayaw mo na sa akin."
"Hindi mangyayari 'yon," I assured him but he didn't answer, and I couldn't help but wonder why.
•|• Illinoisdewriter •|•
So, I couldn't keep my promise. It's 6K plus again huhu, but at least, I enjoyed writing it. Do vote and comment on your thoughts. They're making me smile. Thank you and see you next week. 🤗🧡
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top