Check-In 11: Memoirs of a Geisha

Check-In 11: Memoirs of a Geisha

MAYOR JUAN HUGGED Professor Ala a.k.a Master Dos the moment we introduced them to each other. Naantig ako habang pinapanood sila sapagkat naaalala ko si Kuya Vinzi sa paraan nang mahigpit na pagyakap ni Mayor Juan kay Sir Ala. Doctor Sixtho tearfully hugged him too, and that's when I realized that he's the softest among the four Grimm Brothers so far. Ibang-iba silang dalawa kay Master Thirdy na kinamayan lang si Sir Ala. I don't judge him, though. Maybe he's still having a hard time expressing himself and being sentimental around others. Naiintindihan ko ang pinanggagalingan at pinaghuhugutan ni Master Thirdy.

Sir Alamid apologized to me once again for lying. Ang plano niya talaga ay hindi magpakilala sa ama kailanman para gumanti sa nangyari sa mama niya, but his plan backfired when he heard about the news of Count Vladimir's death. Bigla siyang na-guilty sapagkat natanto niyang ama niya pa rin si Count Vlad kahit baliktarin man ang mundo. Nahanap niya ang kapatawaran sa puso niya kahit sa huling pagkakataon para sa ama niya. I glanced at the silent Master Thirdy when Sir Ala said those words. E, siya kaya kailan? After hearing his side of the story, I understood him better. He was carrying old wounds that time wasn't able to fully heal. I think he still needs to buy more time to recover.

Professor Ala joined his brothers inside. Si Mayor Juan ay pinakiusapan na rin si Master Thirdy na pumasok para silang apat na ang magkakasama. When Master Thirdy looked my way, I smiled at him and nodded my head in encouragement. He needs to see that we are here for him, na hindi na siya nag-iisa pa. I stayed for a few while outside the function room. Si Kyrine ay inaabala ang sarili sa cellphone niya but when I peeked at it, I found her looking at the old photos in her phone. May kasama ang nanay niya, si Count Vladimir, at kaming buong pamilyang narito sa Hotel Grimm. Nang makaramdam ako ng antok ay nagpaalam ako kina Ate Honey at Lady Incha na pupunta munang Grimm Library upang kumuha ng mga libro nang sa ganoon ay may mapaglibangan ako habang nagbabasa.

Nasa may library si Librarian Jedidiah kaya binati ko siya. I proceeded to the fiction books section. Kumuha ako ng dalawang libro. I was about to leave the library while hugging the two books I borrowed when my eyes landed on the historical section. Hindi ko alam kung bakit pero dinala ako ng mga paa ko roon. Ibinaba ko ang mga hawak na libro sa ibabaw ng pinakamalapit na lamesa. I walked towards the newspaper racks and gathered the old newspapers from there. Lumapit ulit ako sa lamesa at inilapag doon ang mga lumang dyaryo saka hinila ang silya at naupo roon.

I am pretty sure that his killings were reported before. I flipped through the dusty pages of the newspaper to search for Master Thirdy's name and story. Hindi nga ako nagkamali sapagkat nakita ko agad ang pangalan niya. I found out that almost all of his victims were psychics, and all of them also had terminal illnesses. Ang sabi sa report na nabasa ko ay kahit pa may malubhang sakit ang mga ito at wala nang pag-asang madugtungan pa ang buhay ay hindi pa rin pumapayag sa mercy killing ang karamihan sa pamilya nila. Mythos Grimm would stealthily sneak into their rooms using his shadows and end their sufferings right there and then, and thus earning him the pseudonym 'The Walking Euthanasia'. Nagbasa ulit ako para mas maraming malaman kaso may napansin ako sa lahat ng iyon. Pare-pareho silang lahat na walang itsura o kuha si Master Thirdy. Bakit gano'n?

"Bakit niisang picture ni Master Thirdy ay wala rito?"

"The Council of Magistel removed all of his photos in all publications. Kahit na sa kanilang yearbook."

Gulat na napalingon ako sa seryosong nakatayo na na si Lady Incha sa likuran ko. She walked towards me and took the newspapers.

"Wala kang mahahanap na kahit na anong litrato niya rito," dagdag niya pa at binalik na sa pinagkuhanan ko ang mga dyaryo.

Master Thirdy is not only an embodiment of mystery. His whole life and identity are also shrouded with riddles. Unfathomable and confusing yet absorbing riddles one could put himself in grave danger just by answering.

"Bakit po?" I asked.

"The Council wanted to clean his mess because he was one of their top students. Isang malaking kahihiyan sa Institute of Magis kung magiging kadikit ng pangalan nila ang isang serial killer na naturingan at naparangalang isa sa mga pinakamagaling na estudyante nila. Count Vladimir also helped them because he wanted to save his legitimate son from the angry public of the Capitol," sagot niya.

Bago pa man ako makapagtanong muli ay nagpatuloy na sa pagsasalita si Lady Incha. "We need to go back now. Malapit nang mag-umaga at kailangan na nating ihanda ang lahat bago ang seremonyas ng paglilibing kay Count Vladimir."

I nodded and slightly bowed my head. "Opo, masusunod po."

AFTER MAKING SURE that everything was all set, we went to our unit and the other employees to their quarters to change for the burial ceremony. Ito na ang magiging huling pagkakataong makikita at maipapaabot namin sa bangkay ni Count Vladimir ang mga mensahe namin ng taos-pusong pasasalamat para sa lahat ng mga ginawa niya para sa amin.

We need to follow the vampire tradition so we are wearing an all-black outfit. Nagsuot ako ng long sleeves turtle neck top na may telang belt. Pinaresan ko iyon ng itim na maxi skirt at itim na Mary Jane heels. I tied my hair up into a bun using a small black bow hair tie. Isinuot ko rin ang kwintas na minsan nang iniregalo ni Count Vladimir sa akin.

We sat at the furthest back, near the entrance. Ang mga amo namin ay nasa pinakaunahan at kasunod naman nila ang iba pang mga bampira. Mayor Juan tried encouraging us to be in front but Lady Incha refused. Ang sabi ng concierge namin ay kailangan naming respetuhin ang tradisyon ng mga bampira at ayaw naming makapagsimula ng kahit na anumang gulo o 'di pagkakaunawaan sa mismong araw ng libing ni Count Vladimir. The vampires are still unwelcoming and indifferent towards us. Ang sakit at ang lungkot lang na narito na nga kami sa loob pero pakiramdam pa rin namin ay ang layo-layo pa rin namin kay Count Vladimir.

The vampire priest led the ceremony. Pagkatapos ay isa-isang nagsitayuan ang mga nasa naupuan upang tingnan sa huling pagkakataon si Count Vladimir. The Grimm Bothers went first. Doctor Sixtho shed tears and so was Mayor Juan. Malungkot na nakatitig si Professor Ala sa bangkay samantalang nakatayo lang sa gilid si Master Thirdy. Hindi ko mabanaag ang emosyon niya dahil sa bungong maskara niya. The vampires who sat at the succeeding rows followed. Habang palapit nang palapit sa amin ay ramdam ko ang bigat ng emosyon ng mga kasama ko. Hindi nga ako nagkamali sapagkat paglapit namin sa kabaong ni Count Vladimir ay bumuhos agad ang kanina pang mga kinikimkim namin.

Humagulhol si Lulu at niyakap ang kabaong ni Count Vladimir. Dinaluhan naman agad siya ni Mama Adele na lumuluha rin. I couldn't see Kuya Nolan but I heard his cries. Malakas ang naging iyak niya at alam akong inipon niya iyon mula kahapon pa. Ate Honey cried too on what I bet was Kuya Nolan's shoulder. Si Tatay Sigurd ay luhaan din habang yakap at inaalu si Kyrine na humahagulgol na. I looked at Lady Incha and noticed how her eyes glistened with tears while slowly running her right hand on his black coffin. Siya na ang nagpalaki rito kaya nauunawaan ko ang sakit na dulot nito para sa kanya. I turned to Count Vladimir's remains again. Umiiyak na lumapit ako roon saka lumuhod.

"Maraming-maraming salamat po sa pagbibigay sa akin ng pangalawang buhay, pamilya, at tahanan... M-Mananatili po kayo sa puso ko Count Vladimir... Hindi ko po kayo bibiguin..." hayag ko bago tuluyang humagulhol.

Tatay Sigurd helped me up. Pinaalis na kami sa harap lalo na nang magsimula nang magreklamo ang mga bampira. How heartless these vampire are... Hindi ba pwedeng humingi ng kahit ilang sandali pa kasama si Count Vladimir?

"They should be given the least time in front. Why are they taking so long?" Dinig naming puna ng isang bampira sa may harap.

"You are in our territory. Give them more time to grieve," diretsahang tugon ni Master Thirdy sa bisitang tila natakot naman at natahimik.

I looked at him. Nanginginig ang mga labing ngumiti ako sa kanya at tumango bilang pasasalamat. Humarap ulit kami kay Count Vladimir at sinulit ang oras naming natitira kasama siya. When we were done, we went back to our seats. Binendisyunang muli ng vampire priest ang kabaong at akmang isasara na ito nang biglang malakas na bumukas ang pinto ng function room at pumasok ang dalawang babae na nakasuot din ng itim.

"Sandali lang!"

Nagsitayuan kaming lahat sa gulat lalo na nang nagmamadaling lumapit sa kabaong ni Count Vladimir ang dalawa. They were crying. Sa hula ko ay mag-ina sila sapagkat sa tantiya ko ay magkaedad lang kami no'ng isang babae, and they are both beautiful. Iyong nanay ay naka-low bun ang itim na buhok at may sopistikadang aura. Ang anak naman niya ay may kulay brown na mahabang buhok na umaalon, makapal ang kilay, matangos na ilong, and lips like that of...

"P-Pa..." lumuluhang sambit ng magandang babae habang nakatitig sa bangkay ni Count Vladimir nang sila ay makalapit.

She hugged his coffin, making her curly hair moved a bit and showing us all the small of her back since she's wearing a low-back dress. Ang mas ikinagulat pa naming lahat ay ang bungong marka na may naka-crossed na susi sa may gitna nang pinakamababang bahagi ng likod niya. The mark's glowing red.

"Isa siyang Grimm..." hindi makapaniwalang usal ni Kyrine sa tabi ko.

Paano nangyari 'yon? Akala ko ba ay pawang mga lalaki ang mga anak ni Count Vlad? At higit sa lahat... bakit hindi ko siya nabasa sa journal nito? Sino siya? Sino sila?

THE UNEXPECTED GUESTS were Ma'am Rubia and her daughter, Albany or simply Alba. Pareho silang dalawa na mula sa angkan ng mga beast na tinatawag na Geisha. One of the most beautiful beast types in Abseiles. They were brought up to always look good and sophisticated. Ang kakayahan naman nila ay related sa musika at tunog. They can create stabbing sounds by playing string instruments. In their case, a zheng and a violin. They can produce a blast of energy or force through controlling sound waves. They formally introduced themselves after the burial ceremony. Ma'am Rubia recounted her memoirs as a geisha and told us how she met Count Vladimir.

Kagaya ng mga geisha sa mortal world ay ganoon din ang ginagawa nila rito sa Abseiles. They perform and entertain people through their traditional music. Nagkakilala raw silang dalawa ni Count Vladimir sa East Region kung saan namamalagi ang karamihan sa mga geisha. They locked eyes during her performance and the rest was history. Si Ma'am Alba ang naging bunga no'n. Minsan gusto kong pangaralan si Count Vladimir dahil sa dami ng mga babaeng nagdaan sa buhay niya at lahat pa sila ay may souvenir na anak. Kaso wala, e... nangyari na lahat at ang magagawa na lang namin ay hanapin ang iba pa at tuparin ang pangarap ni Count Vladimir para sa kanila.

Nasa may harap na kami ng Lake Grimm at tumutulong ako sa pagsisilbi sa may banquet para sa mga bisita. Ma'am Rubia and Ma'am Alba already joined the other Grimms in one huge round table. Nag-uusap sila and I can see the happiness in Ma'am Alba's face because of her older brothers warm welcome. Pero bakit gano'n? Diskompiyado pa rin ako.

"Lady Incha, naniniwala po ba talaga kayong Grimm din si Ma'am Alba?" I finally had the courage to ask our concierge who just got back after conversing with some guests.

"Marami na ang sumubok pero kailanman man ay hindi nila magagawang linlangin ang Hotel Grimm. The fake marks don't glow when they are here. In Alba's case, it did glow which only means that she's really a Grimm."

"Pero bakit wala po siya sa journal ni Count Vladimir na ibinigay niya sa akin bago siya mawala?" I asked again.

Lady Incha eyed me then directed her attention towards the Grimm Family before speaking. "Tingnan mong maigi ang bawat pahina ng journal. Pansinin mo kung may napunit bang bahagi."

I was about to ask again but Lady Incha was being summoned by the vampire priest so she excused herself. I heaved a deep sigh and take note of that.

Pagkatapos ng banquet ay umalis na ang mga dumalo sa libing kaya naglinis agad kami. We were given hours to rest before we resume the hotel operations. Bumalik kami nina Kyrine at Lulu sa unit at kwarto namin. The two retired to their respective beds right away. Kinuha ko naman sa loob ng drawer ng study table ko ang journal ni Count Vladimir at binuklat iyon saka inisa-isa ang bawat pahina. I stopped flipping the pages when I noticed it. May isang page nga na wala roon. May mga naiwan pang napunit na bahagi roon. I ran my hand over it. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka kung ano nga ba ang laman ng pahinang iyon at kung bakit iyon pinunit.

Si Count Vladimir ba ang may gawa nito? ... Pero bakit? Ang tungkol nga kaya sa babaeng anak niya ang laman ng pahinang iyon?

I tapped my forefinger on the table while thinking hard. May tinatago ba si Count Vladimir? Bakit alam din ni Lady Incha na may pinunit dito? It makes sense, though. Pinagkakatiwalaan ni Count Vlad si Lady Incha. I won't question that pero ano ba talaga ang nakasulat sa pahinang pinunit na iyon?

Napapikit ako sa sakit ng ulo ko. Ang dami-dami kong tanong. Itinigil ko ang pag-iisip no'n at napagpasyahang kailangan ko ring magpahinga. I looked at my foster siblings. I smiled at how they sleep peacefully and soundly. Naengganyo tuloy ako kaya tumayo na ako at nag-inat saka humiga na sa kama ko, sa ilalim na parte ng bunk bed namin ni Lulu.

Pagkagising namin ay kaagad kaming nagpalit ng Type B uniform namin.

Tinulungan namin ni Lulu si Ate Honey at ang mga leprechauns at sirena na linisin at ayusin ang bagong gawang gymnasium at sportzone. Nakakatuwa dahil tapos na ito pati na rin ang kwadra ng mga kabayo kaya iyong malawak na bakanteng lote dati, ngayon ay equestrian arena at atraksyon na ng Hotel Grimm. It gives more space for guests and residents to develop and maintain their physical health. Natiyempuhang pagkatapos namin ay maghahapunan na kaya dumiretso na kami ni Lulu sa penthouse para ipaghanda ng hapunan ang mga amo namin.

"Papasok ka na ng University of Portofino bukas sa Conservatory of Music. Sophie and I will take care of the documents. You need not to worry." Dinig naming sabi ni Mayor Juan kay Ma'am Alba pagbukas ng elevator at pagpasok namin ng penthouse.

Nasa may sala sila kasama si Ms. Sophie at Professor Alamid.

"I work at UP. I can take care of your requirement," alok naman ni Professor Ala.

"Talaga po, mga kuya? Matagal ko na pong pangarap mag-aral sa UP. Thank you so much po!" masayang tugon naman ni Ma'am Alba at niyakap ang mga kuya niya.

Mayor Juan chuckled and gently tapped her head. Si Professor Ala naman ay napangiti. Napangiti rin ako sa eksena. Masaya rin ako para sa kanila. They found their only sister, the princess of the Grimm household. Ang dating tahimik na penthouse, ngayon ay may bagong mga miyembro na na siyang mas nagbibigay kulay at buhay dito.

"Ate Una, ano pong lulutuin natin?"

"Gusto ko sana iyong paborito nina Ma'am Alba at Ma'am Rubia, Inday Lulu."

"Tatanungin ko po ba si Ma'am Alba kung anong gusto niya?"

"Sige tanungin natin."

Ma'am Rubia's currently taking her rest in her room. Si Ma'am Alba lang ang narito sa sala kasama ang mga kapatid niya at si Ms. Sophie kaya nilapitan namin siya para magtanong nang mabuwag ang yakapan nila.

"Ma'am Alba, ano po ang gusto niyong ulamin at panghimagas ngayong hapunan?" nakangiting tanong ko sa kanya. She smiled too.

Looks like parehong mababait ang mga anak ni Count Vladimir. Si Master Thirdy pa ata ang magiging black sheep ng pamilya.

"Can you make lasagna and beef steak? Those two are my favorites!" natutuwang tugon ni Ma'am Alba. I smiled at her and nodded.

"Masusunod po, Ma'am Alba."

Biglang tumunog ang cellphone ni Mayor Juan kaya inexcuse na niya ang sarili niya. Sinundan naman siya ni Ms. Sophie sa terrace. Professor Ala excused himself too because he still has some paperworks to do. Hinawakan ko ang mga balikat ni Lulu at tumalikod na rin kami para pumunta sa kusina at magluto. Habang naghahanda ng mga sangkap ay nilapitan kami ni Ma'am Alba. The friendly smile on her face was gone, replaced by a smug.

"So, mga yaya ko kayo?" tanong niya.

I tried so hard not to frown at her quick change of attitude. Nagkatinginan kami ni Lulu. Bumuntong-hininga ako at nakangiting binalingan ulit si Ma'am Alba. I won't give prejudice-based comments. I won't judge her that early because I still don't know her that much.

"Tutulungan po namin kayo sa kahit anong ipag-uutos niyo, ma'am," sabi ko na lang.

"That's good. You should start now. Hey, kiddo," tawag niya kay Lulu na alerto namang lumapit at bahagyang niyuko ang ulo.

"Bakit po, Ma'am Alba?"

"Go to my room, unpack my things, and organize them. And don't you dare steal anything. Bilang ko ang mga 'yon kaya malalaman ko kung may ninakaw ka. Ingatan mo rin ang mga iyon dahil mas mahal pa 'yon sa sweldo mo rito at sa buhay mo," pag-uutos ni Ma'am Alba. Hindi ko na nagugustuhan ang tono niya.

"Ma'am, hindi naman po kami magnanakaw," depensa ko pa. I want to come in defense of Lulu. Hindi tamang sabihan niya nang ganoon ang bata.

"Am I asking you?"

"Hindi po."

"E, ba't ka sumasabat?"

I didn't answer her because I can't get myself to talk back at her since she's still our boss. We need to know our place. I still need to respect her.

"Now go there, kid. Uulitin ko, mag-aayos ka lang do'n at huwag na huwag mong susubukang magnakaw," paalala niya kay Lulu. Tumango naman ang kawawang bata.

"Opo, Ma'am Alba," sagot ni Lulu sa maliit na boses bago pumunta sa kwarto niya.

Hindi makapaniwalang napailing na lang ako nang umalis na si Ma'am Alba sa tapat ko at bumalik ng sala. Nagpatuloy na ako sa paghahanda ng hapunan. I didn't see that other character of Ma'am Alba coming.

🌸 ☠️ 🌸 ☠️ 🌸 ☠️ 🌸

TINANGGAL NI MYTHOS ang natatanging larawan niyang itinago at idinikit ng ama sa likurang pahina ng entry kung saan nakasulat ang tungkol kay Rubia at sa kapatid niyang si Alba. He ran his bone hand on his complete name written below the photo he had just taken. Nawala iyon doon dahil sa spell na ginamit niya.

"Pinunit iyan ni Count Vladimir at ipinatago sa akin bago niya ibinigay kay Una ang journal niya," paliwanag ni Lady Incha na nakatayo sa likuran ng among nasa tapat naman ng fireplace.

Mythos looked at her over his shoulder then held out the tore page back to Lady Incha.

"Ibalik niyo 'yan sa kanya para maniwala na siyang totoong Grimm si Alba," tugon naman nito.

Tumango si Lady Incha at kinuha iyon mula sa kamay niya. Mythos stared down at the fireplace.

"Likas na kyuryosong bata si Una. Hindi niya maiwasang mamangha at magtaka sa misteryong bumabalot sa tunay na pagkatao niyo, Master Thirdy."

"Naiintindihan ko," ani Mythos bago inilapit sa apoy ng fireplace ang dulo ng litrato niya. He watched as his only photo slowly turned into embers.

Bumuntong-hininga si Lady Incha at tumalikod na rin upang tunguhin ang pinto ng opisina noon ni Count Vladimir at ngayon ay sa lehitimong anak na nitong si Mythos. Lady Incha held the doorknob and looked back at him before saying something.

"Alam kong nahihirapan na po kayo. Sa tingin ko ay kinakailangan niyo na ng tulong ni Master Sven. Natitiyak kong alam niyo na kung saan siya hahanapin," anito bago lumabas at isinara ang pinto.

Mythos turned his attention onto his window with a blend of exhaustion and a guilty look on his face now in flesh.

"Hindi pa oras, Una. Hindi ko rin alam kung kailan ang tamang panahon," bulong niya sa hangin.

•|• Illinoisdewriter •|•

Let's do the recap of the Grimm siblings so far:

• Juancho Grimm a.k.a Mayor Juan- 1st son; (Fae + Vampire)
• Professor Alamid Grimm a.k.a Master Dos- 2nd son; (Alchemist + Vampire)
• Mythos Grimm a.k.a Master Thirdy- 3rd & legitimate son; (Nodram + Vampire)
• Sixtho Grimm a.k.a Doctor Sixth- 6th son; (Nephilim + Vampire)
• Albany Grimm a.k.a Ma'am Alba- the Grimm princess and was born in the same year with the 9th Grimm Brother; (Geisha + Vampire)

Ciao, Charmings! 🤗✨ I figured that word count really matters in self-publishing a book. Kung mas maraming words, mas mahal ang presyo, and I am so broke right now huhu. Kaya I'll put a limit of 3K-4K words lang muna each chapter ng Hotel Grimm. My Beast Charmings and Mystic Club have roughly contained a million words so huhu I want to change that here in HG. Anyways, hope you enjoy the update. Cheers to more mysteries! 🥂 See you next week, Charmings! 😘🧡

PS. Please vote and lemme know your thoughts too!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top