Check-In 09: The Da Vinci Code

Check-In 09: The Da Vinci Code

TODAY IS SUNDAY. It's everyone's day-off in the hotel. I am already wearing my Type C uniform kasi may lakad kami ni Lady Incha. We will be buying all the supplies we will be needing for the week. Usually, ako o si Ate Honey ang sinasama niya sa paggo-groceries.

Nakaupo ako sa waiting area at katabi ko si Lulu tapos nasa tapat na couch naman namin si Kyrine na nagbabasa ng magazine. Nakaangat ang isang kamay niya at may mga maliliit na snowflakes ang lumalabas at nagpapaikot-ikot doon. She's making small ice figurines. Iyong ginagawa niya ngayon ay isang swan figurine na sinusunod niya mula sa magazine.

'When I feel so sad and lonely...'

Nagkatinginan kami ni Lulu bigla at nagkangitian sa kantang pinapatugtog ni DJ Jed, ang leprechaun na nakatoka sa FM radio at broadcast. Ang pangalan ng lahat ng leprechauns dito ay Jedidiah pero dinadagdagan namin iyon depende sa kung nag-iisa lang silang naka-assign sa specific na trabaho. Halibawa ay iyong leprechaun na librarian. Ang tawag namin sa kanya ay Librarian Jedidiah tapos iyong nasa convenient store naman ay si Cashier Jedidiah.

Natutuwa kami ngayon ni Lulu kasi kagabi ay kasama namin si DJ Jed at ang mga mermaids na manood no'ng Miss Granny ni Sarah Geronimo at naaliw talaga kami sa mga kanta roon kaya we requested for him to play the 'Kiss Me, Kiss Me' song today. Tamang-tama rin dahil Sunday, ang araw para sa mga lumang tugtugin. May mga palabas at programa naman na gawa ang Abseiles na talagang kakaiba at magaganda rin. Kaso naaaliw kasi kami sa pelikula at palabas din ng mga mortal.

Tumayo kami ni Lulu at ginaya-gaya ang moves ni Sarah G sa nasabing pelikula habang sinasabayan namin ang kanta.

"Kiss me, kiss me in the morning
Kiss me, kiss me in the night." Salitan ang pagtaas-baba ng magkabilang balikat namin habang bahagyang nakataas ang mga palad at braso namin.

"Kiss me, kiss me in the day time
Kiss me, kiss me all the time," we sang, still moving the same way. I leaned towards her tapos bahagyang iaatras ni Lulu ang upper body niya tapos vice versa.

Tuwang-tuwa lang kami sa ginagawa namin kahit pa kinunutan na kami ng noo ni Kyrine na para bang sinasabi niyang ang we-weirdo namin.

Pinag-ekis naman namin ang mga braso sa dibdib namin at tinaas-baba pa rin ang mga balikat habang kumakanta, "Hold me, hold me, hold me, darlin."

May pa-pikit-pikit pa kaming nalalaman, feel na feel talaga ang kanta, e. I uncrossed my arms and clasped my hands together while I keep moving my shoulders alternately. "Hold me, hold me real tight."

Hinawakan ko ang kamay ni Lulu and I ushered her to twirl. She was giggling while doing that.

"Ate Una, ikaw naman umikot!"

I laughed but then obliged and sang along, "Kiss me, hold me, hug me, darlin' with all your might- Ay, kalansay!"

Natigilan ako sa gulat dahil nasa tapat ko na si Master Thirdy. I heard Lulu's small gasps beside me before a poof sound, and that's when I know that she quickly transformed into a tink to exit the scene. Narinig ko namang saglit na natawa si Kyrine dahil sa kahihiyan ko saka siya yumuko upang magbigay-galang sa amo namin. I bowed my head too.

"Good morning po, Master Thirdy," sabay naming bati.

"May kailangan po kayo?" I asked when I lifted my head.

I noticed that he was sporting his usual outfit. It was a three-piece suit, composed of a black work robe and a black vest over a white dress shirt. He's wearing a black trousers too and oxford shoes. He has also a bolo necktie tucked beneath his collar. To be honest, Master Thirdy's giving me a mysterious and eerie vibe with his skull mask and choice of outfit.

"I've noticed that there are flowers dying in some part of the flower field. We don't have an elemental guardian here to bring them back, so I want you to buy these things for my plant resurrection spell," aniya at iniabot sa akin ang isang listahan.

It was printed and not written. Pero mas nakaagaw ng atensyon ko ay ang spell na gagawin niya.

"Babalik po ba sa dati ang mga nalantang bulaklak dahil sa spell na 'yon?"

"They will and I don't want to see the field in such condition. My mother cultivated and loved it..." he whispered.

Pasimple kong sinulyapan si Master Thirdy. For someone observant like me, nakakainis iyong maskara niya dahil hindi ko magawang banaagin ang ekspresyon niya at emosyon. I don't know how to communicate effectively without considering those things, but I can't see those in him.

I smiled at him assuringly and said, "Mahalaga rin po sa akin ang flower field. It's giving me comfort."

Matagal bago nakasagot si Master Thirdy. When he did, it seems like he had diverted the topic. "Nasa wet market ng Kapitolyo mo makikita lahat ng 'yan."

"Areglado, boss!" I assured him while saluting. Natawa ako bahagya kasi tunog pang-kidnapper iyon na binibigyan ng assurance ang among lider ng sindikato nila.

Maya-maya pa ay bumukas na ang elevator na nasa tabi ng aquarium na pader at lumabas mula roon si Lady Incha na suot naman ang kulay pink niyang riding habit na may puting undershirt at itim na jabot. Handang-handa na rin si Lady Incha. We bowed our heads to pay some respect for her. Huminto siya sa tabi ni Master Thirdy at nilingon ito.

"Kami na bahala sa mga kakailanganin mo, Master Thirdy," she assured him. Tumango ang huli bago pumihit patalikod at naglakad papunta sa elevator.

"Paano siya napunta bigla roon?" bulong ko sa sarili na nagtataka pa rin kung paanong biglang sumulpot na lang doon si Master Thirdy.

I heard a poof sound and narrowed my eyes into slits at Lulu. Nagpeace sign naman agad siya.

"Pasensya ka na, Ate Una. Sa gulat ko, nataranta ako kaya nagtransform ako agad," paliwanag niya.

I sighed and nodded before patting her head. "Ayos lang, Inday Lulu."

"Tapos nagulat po ako na medyo natakot kanina nang bigla na lamang umangat si Master Thirdy mula sa anino niyo sa likod," dugtong niya.

"Talaga? Sa anino ko?"

"Oo, ate!"

"Master Thirdy's chi specializes on shadow control and manipulation. Kaya niyang gawin ang kahit anong gustuhin niya sa mga anino," paliwanag naman ni Lady Incha.

"Kay Countess Amanda po siya nagmana? Sino po kaya sa magkakapatid ang nagmana ng kapangyarihan ni Count Vladimir ha no? Curious po ako kasi po 'di ba, si Count Vladimir iyong isa sa mga pinakamakapangyarihang bampira sa Abseiles. Sure po akong hihirangin ding ganoon ang anak niyang nagmana no'n. Sanaol talaga nakakapanggaya ng ability ng iba," mangha at natutuwang saad ko. Natahimik din naman ako agad nang hindi sumagot si Lady Incha.

However, I am really curious as to who among Count Vladimir's sons inherited his ability to mimic other's ability. I'm pretty sure that he's equally as powerful as him.

"Una, halika na para makabalik tayo agad," ani Lady Incha.

"Opo, opo!" I retorted while making sure that my pink silk hair ribbon on the near end of my braid was tied tightly.

Kuya Nolan drove us to the Capitol. West Regions have malls instead of markets kasi nga kawangis talaga ito ng mortal world. May mga palengke rin naman kaso ay mabibilang lang. Sa Kapitolyo naman ay maraming mga wet markets at kakaonti lang ang mga mall at Westernized establishment. Iyon ang tawag namin sa mga shops at buildings sa Capitol at ibang rehiyon na sunod naman sa istilo ng mga taga-Kanluranin.

Mas gusto lang talaga ni Lady Incha na mamalengke sa Kapitolyo dahil dito mas nakakamura kami nang bili. Pagkatapos naming mamili sa pinakamalaking mall ng Kapitolyo ay nagpunta na kami sa may wet market. Lady Incha helped me deal with the beasts sellers there to buy Master Thirdy's requests. Pagkatapos namin do'n ay mga sako ng bigas naman ang binili namin.

"Una, tawagin mo si Nolan at nang matulungan tayo sa pagbubuhat ng mga ito," utos ni Lady Incha sa akin.

Tatango na sana ako bilang tugon nang may magsalita bigla sa tabi namin. "Kailangan niyo ng tulong? Ako na magbubuhat."

Napatingin ako sa nag-alok ng tulong. Naka-topless lang ito kaya kapansin-pansin ang mga pandesal sa tiyan at muscles. Kalalapag niya lang rin ng sakong pinasan kanina. Hula ko ay kargador siya rito and, he's tall, dark, and handsome ha.

"Ay, naku, maraming salamat po! Magkano po ba singil niyo sa isang sako? Kahit hanggang doon lang po sa may bukana ng palengke. Nandoon kasi ang sundo namin," pakikisosyo ko sa kanya.

Kaya ko namang palutangin ang mga sako papunta roon kaso one at a time lang kaya kailangan pabalik-balik ako hanggang sa maubos lahat ng sako.

He chuckled. "Naku, hindi na. Libre na kung malalaman ko ang pangalan ni ma'am," pagtutukoy niya kay Lady Incha.

Napatakip naman agad ako ng bibig gamit ang kanang palad ko sa kilig. Kaso nga lang binitawan ko rin agad iyon pagbaling ko kay Lady Incha sapagkat pinupukol na niya ako ng mga seryosong tingin.

"Naku, kuya, pasensya ka na. Hindi po kasi binibigay ni Lady Incha basta-basta ang panga-" Natigilan ako nang matanto ang sinabi.

The guy chuckled and proceeded to carry the sack on his shoulder.

"Dadalhin ko na po nang libre, ma'am," aniya at nginitian si Lady Incha na seryoso lang.

Nagkatinginan kami ni Lady Incha pagkaalis ni kuya. If there's a word to describe apologetic and awkward in one, then that's how I was exactly smiling at her right now. Akala siguro ni kuya ay hindi nalalayo ang edad nilang dalawa ni Lady Incha kaya sumusubok pumorma.

"Pasensya na po kayo, Lady Incha. Hindi na lang po talaga ako magsasalita sa susunod."

Lady Incha looked ahead and sighed. "Nasabi mo na. Wala na tayong magagawa. Make sure to give him an amount or token of gratitude for his offer."

"Opo."

Nang makarga na namin lahat sa pickup truck ang mga pinamili at sako ay nauna nang pumasok si Lady Incha sa loob ng sasakyan kasama ni Kuya Nolan. I approached the man and handed him an amount.

"Pasasalamat po namin sa tulong niyo," paliwanag ko sa kanya habang nakatunghay sa kanya kasi mas matangkad siya sa akin. Feeling ko tuloy ang liit-liit ko.

He chuckled and shook his head. "Hindi na. You're paid earlier when you told me your sister's name."

"Ay, naku! Hindi ko po siya kapatid. Amo ko po siya. Concierge po siya saka kanang kamay ng may-ari ng Hotel Grimm."

"Really?" manghang usal niya. I nodded.

"Opo pero working girl po siya. No time for love and always working all the time. Saka ayaw niya po sa mga gano'n."

He chuckled once again and said, "Pangalan niya lang 'yong tinanong ko pero ang layo na nang tinakbo ng isipan mo."

"Naku, maigi na pong advance mag-isip kasi ngayon pa lang parang nase-sense ko nang may plano kayo," biro ko sa kanya at inalok ulit ang pera. Mahinang napahalakhak ulit siya. Masayahing tao rin 'to ha no?

"Ayos lang talaga. Hindi ko naman kailangan ng pera. Masaya akong makatulong dito sa palengke," aniya.

"Sigurado po kayo?"

Tumango naman siya at ngumiti. Nagpaalam na ako sa kanya saka pumasok na sa sasakyan.

"Hindi niya po tinanggap, Lady Incha," paliwanag ko at ibinalik kay Lady Incha ang pera.

She stopped me from giving it back to her and told me instead, "Hatiin niyo na ni Nolan iyan. Pasasalamat ko sa pagsama niyo sa akin."

It's a rule in the hotel to always accept our bosses' incentives. Kaya kinuha at hinati namin iyon ni Kuya Nolan. We all looked at Lady Incha's window side when someone from the outside knocked on it. It was the guy earlier. Lady Incha rolled down the window so we could hear what he was about to say.

"Nabigyan ba kayo ng discount sa mga pinamili niyo kanina?" he asked and I frowned.

"Oo," tipid na tugon ni Lady Incha pero napangiti pa rin ang lalaki.

"I will tell them to remember you so that the next time you decide to shop here, they will give you a bigger discount," ani kuyang tunog businessman. Siguro natutunan niya 'to sa pamamalagi rito sa palengke.

"Maraming salamat po!" masiglang sagot ko sa kanya! Ang cold ni Lady Incha, e. Sayang naman kung i-no-no deal namin offer ni banker.

He smiled and stepped aside then he waved goodbye. "Ingat kayo."

I waved at him too in retort. Feeling close na agad ako sa kanya. Siyempre para sa discount!

Pagdating namin sa Hotel Grimm ay sinalubong kami ng mga sirena at leprechauns para kuhanin ang mga pinamili namin. May mga mermen din na nagbuhat ng mga sako papasok sa pantry sa may staff hall. Iyong isang sako ay pinadala ni Lady Incha sa may penthouse.

Paglabas ko ng staff hall at pagpasok sa main entrance ng hotel ay natuon agad ang pansin ko sa limang leprechauns sa may tapat ng front desk na nakasuot ng mga coveralls, gloves at mask. May dala pa silang equipment na hindi ko mawari kung ano. Pero nagmukha silang mga exterminators.

"Oy, anong meron?" tanong ko paglapit ko sa kanila.

Sina Kyrine naman at Lulu ay lumapit na rin. Doon ko lang napansin na kasama pala nila si Doc Sixth. I bowed my head at him in respect. The leprechauns assembled themselves in front of us and readied their equipment.

"Kami ang Pest Control Jedidiahs," sabay-sabay nilang pakilala.

Doc Sixth chuckled. Kyrine frowned and looked at him. Grabe, ang attitude talaga kahit sa amo namin.

"They're cute..." he remarked.

Totoo naman kasi. Ang cute ng mga leprechauns sa outfit nila ngayon.

"Pest Control? Ano bang meron?" tanong ko ulit.

"May nagreport na may mga daga raw sa rooms nila," said Kyrine.

Hala!

"Talaga? Omygee ... Hindi maganda 'to para sa hotel. Gaano ba karami ang nagreport?"

"Dalawang guests at isang resident," sagot ni Kyrine.

Maalam siya sa mga ganitong impormasyon kasi siya kasama ni Lady Incha na naka-assign sa mga documents at reports.

"Pero ano bang gagawin sa mga mahuhuling daga? Papatayin ba talaga?"

"Exterminate. Iyon ang utos ni Master Thirdy, so parang gano'n na rin."

"Kawawa naman po sila, Ate Kyrine," sambit ni Lulu.

"Lulu, nasa hotel tayo. Kadiri ang mga ganoong bagay at nakakasira ng image ng negosyo natin," giit pa ni Kyrine.

"Baka pwedeng pakawalan na lang iyong mga daga?" suhestiyon ko.

"At babalik na naman sila rito para mamerwisyo?" Kyrine countered.

I pouted and replied, "Suggestion ko lang naman..."

"We are not running a movement for animal welfare, Una. We are running a business, a hotel. They have to be exterminated because they bring no good for the hotel."

Napatingin kaming lahat sa banda nang nagsalita. It was Master Thirdy. We slightly bowed at him.

"But maybe we can show some mercy for this poor animal. Baka pwedeng pakawalan na lang po sila kung saan malayo sa hotel para paniguradong hindi na sila bumalik," I raised my suggestion once again.

No matter how big or small, life is life. O baka... dala na rin 'to ng guilt ko sa nagawa ko kay nanay...

"She has a point, kuya. Pwede naman nating pakawalan ang mga mahuhuling daga sa baba ng Alps para mahirapan na silang bumalik ng Hotel Grimm," Doc backed me up.

I smiled gratefully at him and he just returned the equal expression. I looked at Master Thirdy. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin hanggang sa tinawag niya ang mga leprechauns.

"Tell Nolan to take the rodents you will catch later down the Alps tomorrow morning, and make sure he set them free far from here so that they will not come back," he ordered before he turned to his heels and leave.

PAGPASOK NINA ATE Honey at Kuya Nolan sa unit para sabayan kaming mag-agahan nina Kyrine at Lulu ay napansin ko agad ang asungot na nakabuntot sa kanila.

"Sinama namin pagpasok kasi mukhang nahihiya pa, e," humahalakhak na ani Kuya Nolan.

Kasinungalingan. Makapal mukha niyan, Kuya Nolan.

Nanliit agad ang mga mata ko kay Juno pagkababa ko ng bandehado ng kanin at fried chicken sa lamesa.

"Good morning, light fury!" masiglang bati niya at nilapitan ako para yakapin nang mahigpit.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Namiss kita, e."

"Sus, kunwari ka pa. Makikikain ka lang naman."

"Isa pa 'yan," natatawang aniya at binitawan ako saka dinala ang platong naglalaman ng mga hiniwa kong mansanas sa dining table.

"Good morning, Lulu! Good morning, Kyrine- oh, busangot na naman 'yang mukha mo. Ang aga-aga bad trip ka na naman," komento niya sa busangot na namang si Kyrine. Kalalabas lang nina Lulu sa kwarto namin.

"Sino ba namang hindi maba-badtrip kung ang nakakabwisit na mukha ni Una agad ang bubungad sa'yo paggising mo," mataray na sagot naman ni Kyrine.

"Sorry..." paghingi ko ng paumanhin sa kanya sa ikalimang pagkakataon.

Nagising kasi siya kanina kasi nalaglag ko 'yong maliit na tumbler ko na inabot ko mula sa loob ng built in cabinet na nasa gilid ng kama niya. I like collecting water tumblers aside from books. Mabuti na lang talaga maliit lang 'yon at hindi mabigat kaso nagulat ko talaga siya dahil sa mismong mukha niya bumagsak iyon. Nanginig tuloy ako habang naliligo dahil ginawa na naman niyang Antarctica ang kwarto namin sa panggigigil niya.

"Lulu, maupo ka na rito," aniya at hinila ang upuan sa tabi niya para kay Lulu.

Truth be told, sa aming tatlo na ampon nina Mama Adele at Tatay Sigurd, si Kyrine ang gumaganap na ate. Masungit nga lang pero she really acts as our eldest sister. Bilang pambawi ay tinimplahan ko na lang siya ng paborito niyang iced tea. Ngiting-ngiti ako nang ilapag iyon sa tabi niya.

Kyrine will be the one to clean everything after having our breakfast. Magbibihis na kasi kami ni Lulu niyan para pumasok sa school. Kadalasan at kapag hindi ako nagbibisikleta ay sumasabay kaming tatlo nina Lulu at Ate Honey kay Kuya Nolan na minamaneho papuntang Kapitolyo ang shuttle para sumundo ng mga naka-book na guests at bagong residents sa pantalan o sa terminal. Dahil nandito si Juno ay isasabay niya ako sa university sakay ng motorbike niya.

I immediately changed into my chosen outfit for today. I sported a white double breasted coat style top and tan chinos paired with tan espadrilles. Nagtali din ako ng maliit na orange and red orange pinstripe scarf sa leeg ko. I tied my hair in a low ponytail using a tiny hair ribbon of the same color with my scarf. Tapos iyong sling bag ko na pula ang pinili kong dalhin, and I'm all set for a new day in UP.

"Sandali lang, seb," hayag agad ni Juno pagbaba ko ng motorbike niya.

"Oh, bakit?"

Binuksan niya ang storage ng motorbike niya at kinuha mula roon ang librong The Da Vinci Code. Nanlaki ang mga mata ko sa tuwa at gulat lalo nang inabot niya iyon sa akin.

"Binili ko kahapon nang madaanan ko. Naalala ko kasing ito 'yong balak mong gawan ng critique. Para hindi ka na tingin nang tingin d'yan sa iPad mo. Baka lalong masira 'yang mata mo."

Niyakap ko agad siya nang mahigpit matapos niyang sabihin iyon. I really commend Juno for always remembering small details about me and the things I once mentioned.

"Thank you, seb! Thank you, thank you talaga!"

He patted my head gently and I looked up at him. "Magkano 'to? Babayaran kita. Salamat talaga sa pagbili ha."

"Tsk. Sinabi ko bang bayaran mo?"

Bumitiw ako sa pagkakayakap sa kanya at tiningala ulit siya.

"Nakakahiya naman kasi kong ililibre mo na naman 'to. Ang dami ko nang mga libro dahil sa'yo."

"Hindi naman ako naniningil kaya ayos lang. Saka naiintindihan ko naman na halos lahat ng oras mo ginugugol mo sa pagtulong sa Hotel Grimm. Kaya maliit na tulong ko na lang 'yan bilang kaibigan."

I was moved by his words. I tiptoed para maakbayan siya. Natatawang yumuko siya nang mapansing nahihirapan ako dahil sa tangkad niya.

"Huwag kang mag-alala, seb. Maghahanap ako sa koleksyon ko ng water tumbler na panlalaki at hindi pa nagagamit. Tapos i-cu-customize ko iyon. I will calligraph your name in it."

"Hindi na talaga kailangan, seb."

"Sige na para may magamit ka. Saka para kung nauuhaw ka, hindi nakiki-inom sa tumbler ko!" natatawang kurot ko naman sa tagiliran niya. Ewan ko ba at nanggigigil talaga ako kapag naaalala ko 'yon.

Tinukso kasi kami minsan na indirect kiss daw 'yon. Tapos si Juno, ang gago talaga at inubos pa ang laman ng tumbler ko sa harap ng mga kaklase kong Literati.

"Pwede bang magrequest kung gano'n?" tanong niya nang makatakas sa pagkakaakbay ko.

"Sige, sure! Kahit ano kasi malaki ang utang na loob ko sa'yo."

"Huwag na lang Juno ang ilagay mo. Pwedeng Una na lang? Or from Una? Oh, alam ko na! Seb na lang. Tama, 'yon na lang!"

Nawe-weirduhan ako ro'n sa request niya pero advantage 'yon sa part ko kasi tatlong letter lang ang 'seb', choosy pa ba ako?

"Oo na. Oo na. Seb it is," sagot ko nang nakangiti sa kanya. He smiled too.

His eyes went to Dan Brown's The Da Vinci Code book that I just hugged.

"Sigurado ka bang 'yan ang gagawan mo ng critique? Natanong ako ng nasa bookstore nang bilhin ko 'yan kung mahilig ba raw ako sa mga controversial books. Banned daw 'yan sa maraming lugar sa mortal world sabi niya."

"Oh, tapos anong sabi mo?"

"Sabi ko, okay lang. Hindi naman ako ang magbabasa n'yan, girlfriend ko-" Nahampas ko na siya ng libro bago pa siya matapos. He covered himself while chuckling.

"Sira ulo ka talaga. Anong girlfriend? Pero oo naman, sure ako na ito ang gusto ko. Siyempre gusto kong ma-challenge sa paggawa ng critique. I know that this book is filled with conspiracies and I want to learn them."

"You're a believer of God, right? Relihiyoso ka gaya ni Lady Incha. What if that book will change you, and what you believe to?" he asked me. I looked at him and smiled.

"We fear what we do not understand," I answered, quoting a line I remembered from the book which pushed me more to read it.

I then smiled at him. "That's why I want to read it so I could understand it. And my faith isn't a result of reading books. It goes beyond that. It's the product of my past experiences and the hope I have for the future."

I was fifteen when I was able to break free from the shackles of fear instilled by my mother, but it's at the expense of my family's life. Now I intend to live the rest of my life understanding things so that I will not fear whatever it has in store for me.

"Oh my gosh, sissy. Isn't that the latest version of iPad? Isn't that mahal? It's imported from the mortal world pa 'di ba? How come a chimay owns something expensive like that?" Dinig kong hayag agad ni Krissy pagpasok nila ni Gowe sa lecture room naming mga Literati.

I just shook my head and pushed my reading glasses up to the bridge of my nose then I resumed doing my notes for my book critique on my iPad.

"Sissy, I've heard that Hotel Grimm's doing a lot of charity works daw. Maybe isa siya ro'n," tumatawang sagot naman ni Gowe.

"Or worse, maybe ninakaw niya?"

That's it.

"Una..." mahinang tawag ni Indiana sa akin pagtayo ko upang lapitan ang dalawa.

"Ano ba talagang problema niyo ha?" I confronted them. Nagtaas ng kilay si Krissy at akmang bubulong pa kay Gowe kaya hinarap ko siya sa akin.

"Bubulong ka pa, e, nakatayo na nga ako rito sa harapan mo. Sige, sagutin mo 'ko," hamon ko sa kanya.

"Pwede ba don't touch me. Malay ko ba kung saan mo pinanglilinis 'yang hands mo. That's so ew kaya," maarteng reklamo niya sabay hawi ng kamay ko.

The gesture irked me. I lost more of the already zero percent patience I have for them.

"Oo, empleyado lang ako ng Hotel Grimm sa ilalim ng housekeeping department. Sa madaling sabi, chimay, muchacha, katulong, yaya. Call me whatever names you want to, but I'm sure of one thing. I may not be as rich as you but I value and I am proud of my hardworking roots. That iPad and everything you see that I own, they are all fruits of my labor. Ibig sabihin, pinagtrabahuan, pinaghirapan at hindi lang basta-bastang hiningi sa mga magulang at lalong-lalo nang hindi ko ninakaw ang mga 'yan."

I laughed mockingly before resuming. "'Di niyo gets? It's because I bet you've never done something you've truly worked hard for your whole life. Ngayon lumalangoy pa kayo sa pera pero baka bukas o sa makalawa, maubos na lahat ng yaman ng pamilya niyo dahil sa mga kapritso niyo. Kapag dumating 'yong araw na 'yon, natitiyak kong gagapang kayo sa hirap dahil hindi kayo marunong magbanat ng buto."

Natihimik ang dalawa na parang mga tutang napagalitan. Ganyan napapala ng mga bibig nilang putak nang putak, kapag kinompronta ay naduduwag.

"Now if you excuse the hardworking chimay, she still have to work on her critique," paalam ko at tumalikod na saka naupo ulit sa tabi ni Indi para magpatuloy.

"Galing ng speech mo ha," papuri niya sabay bahagyang siko sa akin na ikinailing ko na lang habang nangingiti.

"Kailan nga pala kayo lilipat ng Hotel Grimm? Doon sa inaalok na apartment ni Master Thirdy?" tanong ko nang maalala iyon. Nagsimula na kasing itayo ng kompanya nila ang gym at sports zone sa tabi ng track.

"Sa makalawa siguro. Depende pa kasi abala pa si abuela sa pagliligpit ng mga gamit namin. She's sorting out the things we'll be needing from those we can include in the garage sale," tugon niya. Abuela is how she calls her superhuman grandmother with Hispanic descent.

"Excited na ako," nakangiting sagot ko sa kanya.

Pagkatapos ng klase namin ay sinalubong ako ni Juno sa labas ng College of Arts and Letters Building. Kinakausap siya no'ng nanalong Miss Intramurals last school year. I noticed that the woman keeps tucking her hair behind her ear while he's talking. Why would I be surprised? Juno's a campus heartthrob and a lady's man. Nang mapansin ako ay ngumiti si Juno at kinawayan ako. He smiled at the woman and bid goodbye. He jogged towards me at kinuha ang dala kong libro. I took my reading glasses and massaged my eyes.

"Ayos ka lang?" he asked.

"Oo, medyo maanghang lang 'yong mata ko dahil sa katututok sa gadget."

"Kaya nga binilhan kita ng libro. Physical copy will help your eyes rest while you're doing your critique."

I stopped massaging my eyes and opened them. He looked worried so I smiled at him.

"Thank you talaga, seb. You're making my life easier."

"It's really nothing. You deserve the best after going through a lot."

I didn't keep my past a secret from him. He knows it and have accepted me for who I am kaya hindi ko rin siya mabitawan. In him, I found not just a best friend but a confidante. I found someone whom I can always trust and turn to.

"Gusto mong kumain muna tayo kina Aling Nena bago tayo umuwi? Libre ko," alok ko sa kanya. Maliit na bagay lang 'to kumpara sa lahat ng ibinigay niya.

"Let's go. I would not let this chance slip off my fingertips," aniya at hinawakan ang kanang kamay ko.

He pulled me to run going to Aling Nena's shop and eatery. I chuckled but still run with him.

Pagkatapos naming kumain ay hinatid naman agad ako ni Juno sa Hotel Grimm.

"Hoy, kumain ka nga ng maraming kalabasa para sa mata mo," bilin niya agad pagkababa ko sa motor niya.

"Oo na, seb. Lulunukin ko 'yong buong kalabasa para tumalab agad," biro ko pa.

"Sira ka talaga. Pero seryoso ako ha. Ingatan mo nga sarili mo."

"Wow, galing talaga 'yan sa naninigarilyo. Hoy, Dodong Juno, sinasabi ko talaga sa'yo ha. Tumigil ka na r'yan sa paninigarilyo mo."

"Oo nga. Kulit naman ng lahi nito. Kaya nga nagpapart-time ako para madistract 'yong sarili ko."

"Lagot ka talaga sa akin kapag binali mo 'yang pangako mo. Oh, sige na at papasok na ako sa loob para makapagtrabaho na. Ingat ka pauwi ha. Huwag nang mambabae."

Mahinang napahalakhak siya at sinuot na ang helmet. "Oo na po, boss. Pasok ka na sa loob para makaalis na ako."

I jokingly blew him a kiss which earned me another set of chuckles from him. I finally waved goodbye at him before unlocking the door of my room. Pagpasok ko ay dali-dali akong nagbihis ng Type C uniform at tinali pa-low bun ang buhok ko.

"Anak, pakitingnan naman si Lulu sa may cellar. Kanina pa siya roon pero hindi pa rin siya nakakabalik hanggang ngayon."

"Ano pong ginagawa niya sa may cellar, ma?" pagtataka ko.

"Nagrequest si Master Thirdy ng wine kanina. Inutusan ni Lady Incha si Lulu na kumuha no'n kasi hindi ka pa dumadating."

"Sige po, ma. Pupuntahan ko po muna si Inday Lulu roon tapos ako na rin po magdadala sa wine ni Master Thirdy," paalam ko at tinungo na ang cellar.

Nagulat ako pagbukas ko ng cellar sapagkat naabutan ko si Lulu na nagma-mop ng sahig na natapunan ng mga wine. May mga basag na bote rin doon.

"Ate Una, sorry... Nakabasag ako ng tatlong bote..." umiiyak na paumanhin niya.

Nahabag ako sa itsura ng bata. Lulu always reminds me of my younger siblings. Pinangako ko sa sarili kong ibubuhos ko sa kanya lahat ng pagmamahal ko para sa kambal kong bunso. I walked towards her and hugged her.

"Shh... Tahan na. Si Ate Una nang bahala rito, Inday Lulu," alu ko sa kanya.

I cupped her cheeks and smiled assuringly at her. "Sige na, umakyat ka na sa taas. Ako na maglilinis dito at magdadala kay Master Thirdy ng wine niya."

Tumango si Lulu at suminghot-singhot. "Sorry talaga, ate. Hindi ko kasi abot iyong wine na gusto ni Master Thirdy. Nagtransform ako bilang tink tapos sinubukang hilahin iyon kaso napasobra at nadamay pa ang dalawang bote nang bumagsak iyon."

"Ayos lang talaga, Inday Lulu. Ako na bahala rito, okay?"

Pinabalik ko na muna si Lulu sa may staff hall para kumalma siya. Nilinis ko muna iyong kalat sa sahig. I picked up the debris barehandedly. Maingat kong ginawa iyon kaso nasugatan ako dala ng gulat ko nang marinig ang boses ni Lady Incha na nasa tapat na pala ng pinto ng cellar.

"Kanina pa hinahanap ni Master Thirdy ang wine niya. Dalhin mo na iyon do'n, Una. Ako na ang bahalang maglinis dito," aniya.

Sinipsip ko iyong dugong dumadaloy sa hintuturo ng kanang kamay ko habang tumatango. Nagmadali naman akong kumuha ng wine glass kaya nabitawan ko rin iyong daliring kagat-kagat ko at binuhusan ang baso ng paboritong wine ni Master Thirdy. I rushed towards the elevator to get to Master Thirdy's office.

"Master Thirdy, nandito na po ang request niyong wine," hayag ko matapos katukin ng tatlong beses ang pinto.

It swung open and I let myself in. Abala si Master Thirdy sa kung anong binabasa at pinipirmahan niyang papeles sa lamesa niya.

Tahimik na ibinaba ko na lamang iyon sa tabi niya dahil sinenyasan niya akong ilapag lang iyon doon. Tumalikod na ako at bubuksan na sana ang pinto nang sa gulat ko ay biglang hinarang niya ang palad niya roon upang isarado ulit iyon. Paano siya napunta nang ganoon kabilis doon?

"Kaninong dugo 'to..." he whispered. I could feel his heavy breathing on my ear.

"P-Po?" tanong ko balik, naguguluhan sa sinasabi niya.

Kumabog ang dibdib ko sa kaba. Bakit kailangang ganito siya kalapit?!

"Ang sabi ko..." I then felt him raised my hand and gently held my index finger.

"Bakit may sugat ka?" he asked.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko mawari kung kinakabahan pa ba ako o natatakot.

Nagulat na lang ako nang may maramdaman akong pangil sa may leegan ko. Shit! I almost forgot that he's also a vampire! My uniform has a square neck, so it's really exposing the skin on my neck.

"It's your blood, isn't it?

"Master Thirdy-"

"Hmm.."

Nang maramdaman kong unti-unti nang lumalalim ang pangil niya sa balat ko ay napapikit ako sabay sigaw, "Huwag po!"

Biglang gumaan ang pakiramdam ko kaya dumilat na ako. Ramdam kong wala na siya sa likuran ko. Hindi ko siya magawang lingunin dahil kinakabahan pa rin ako. Hindi magkamayaw sa lakas ng pintig ang dibdib ko.

"Lock the door when you leave," he simply ordered.

Mabilis na pinihit ko ang seradula at binuksan ang pinto saka lumabas na mula roon. Hinawakan ko ang leeg at nanghihinang napasandal sa may pinto. Mula roon ay naririnig ko ang pagkakabasag ng mga gamit sa loob ng opisina niya.

Diyos ko, ano ba 'tong napasok ko?

•|• Illinoisdewriter •|•

If you love this chapter, can you please give it a star? Leave your comments too! I want to hear your thoughts. Ciao, Charmings! 🧡✨

See you next week sa... 🤣

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top