Check-In 08: Doctor Sleep

Check-In 08: Doctor Sleep

MAYOR JUAN AND his secretary took their seats at the well-prepared dining table together with Master Thirdy and Lady Incha. Hindi pa rin ako magkamayaw sa tuwa dahil nandito na ang isang Grimm, ang panganay nila. Pinaunlakan niya ang mensahe ko.

"Thank you so much, Una. If it weren't for you, I wouldn't know about my father's disappearance," sabi ni Mayor Juan na may malungkot na ngiti sa labi.

I bowed slightly at him. "Salamat din po dahil pinaunlakan niyo ang hinihingi ko."

I looked up and smiled at him then added, "Natutuwa po akong malaman na hindi masama ang loob niyo kay Count Vladimir."

I've heard many accounts about Count Vladimir's sons and the mothers of his sons holding grudges against him, including Master Thirdy. Kaya nasisiyahan akong malaman na walang kinikimkim na masamang loob si Mayor Juan sa ama niya.

"He was there when I needed a father. Nang mamatay ang tumayo kong ama ay nalaman ko sa sulat na iniwan niyang hindi niya ako tunay na anak. Kaya pala... kaya pala malayo ang loob niya sa akin, iyon pala ay dahil hindi niya ako anak. Count Vladimir was my greatest supporter when I was still studying in politics. Akala ko ay talagang magkasundo lang sila ni mama kaya niya ginagawa iyon. Pero bago mamatay si mama ay ipinagtapat niya rin sa aking si Count Vladimir ang tunay kong ama. I was busy in serving the West Region that when you sent me that letter, I feel sad that I haven't have the chance to go to him and tell him I knew everything and that I thanked him for being by my side and for always supporting me."

He smiled at me and I politely nodded my head in retort.

"Sana ay hindi pa ako huli. Gagawin ko ang lahat upang makatulong sa inyo at upang tuparin ang pangako ni papa na buuin kaming magkakapatid. This is why I have decided to move here tomorrow," he added.

Tumikhim ang sekretarya ni Mayor Juan kaya napatingin kami sa kanya. Maganda siya, maputi, at sleek black ang buhok. Kaso iyong aura niya at datingan pang abogadong hindi mo mababasta-basta.

"Sophie, my secretary, will be moving here too. I hope you don't all mind. I need her to remind me of my schedules and office works," paalam ni Mayor Juancho kina Lady Incha at Master Thirdy.

Kung ako ang tatanungin ay papayag ako. Madadagdagan na naman kasi ang pamilya namin dito 'pag nagkataon. Mayor Juan is a Fae or Faerie. Blonde na mahaba ang buhok niya na naka-half ponytail at may matutulis na tenga, but he's overall attractive, and I bet all Grimm Brothers are. Si Master Thirdy noong unang kita ko sa kanya ay hindi ko maaninag ang mukha niya, tanging 'yong isang mata niya lang dahil natatakpan nang mahaba niyang buhok ang mukha niya. Now that he's here, he was wearing his skull mask so I couldn't see him either. Pero noong nakaraan ay napansin kong naka-clean cut na ang buhok niya, but I still haven't seen his face because I ran right when he looked my way. Try ko next time para makita ko na siya.

"We have thirteen more rooms in this penthouse, Master Juan. Ms. Sophie can have one of it," sagot naman ni Lady Incha.

Mayor Juan smiled at her politely before gently nodding his head. "Thank you, Lady Incha."

If I judge Mayor Juan's quality based on how he treats others, I can say that he's polite, responsible, and sympathetic. Those are indeed qualities of a great leader.

Sa pagsubaybay namin sa usapan nila sa hapag ay nalaman naming isang Fae rin si Ms. Sophie, and she's friends with Mayor Juan way back in college, block mates din sila. Faerie is the archaic spelling o makalumang bersyon ng fairy, natutunan ko iyan sa isang major class namin sa BA Literature. Ms. Gabbana, our Intro to Language Study professor, taught us that in Abseiles, beasts prefer to be called in their archaic terms. Inaya kami ni Mayor Juan na sabayan silang kumain pero tumanggi na kami dahil inaasahan kami ng iba sa staff hall mamaya.

Nag-uusap pa rin sila nang mapakunot ang noo ko habang nakatingin kay Master Thirdy na tahimik na umiinom ng tubig. His skull mask magically and suddenly faded upward until it reached the tip of his nose, leaving the mouth part of his face in flesh and the rest still in skull. Bakit...

"Quit staring," he coldly pointed out. He's now back on his full skull head feature with red glowing pupils. Nakababa na rin ang basong iniinuman niya lang kanina.

Natauhan ako dahil lahat sila ay nakatingin na sa akin. I swallowed the lump in my throat then bowed my head in apology.

"Sorry po."

"Pagpasensyahan mo na siya, Una. Maybe my brother is not comfortable with other's attention," paliwanag ni Mayor Juan na nagmistulang panganay na talaga sa pangatlong kapatid niya. With his nice attitude, I know it wouldn't take him long to portray that role in this family.

Pagkatapos nilang kumain ay nagligpit na kami. Pinadala sa amin ni Lady Incha ang sobrang ulam at dessert para mapagsaluhan namin ng ibang mga empleyado sa staff hall. We had our dinner together when Lulu and I got there. I couldn't stop laughing and smiling to Kuya Nolan's stories and the other mermaids too. Natatawa at napapangiti rin ang mga leprechauns. I usually join the story telling kaso ay wala akong kwento or more of like chismis today kaya pass muna ako. Tumulong din kami ni Lulu sa pagliligpit ng mga pinagkainan bago kami sumunod kay Kyrine sa kwarto namin. Mama Adele and Tatay Sigurd followed suit. Maaga kasi nagigising si Tatay Sigurd tapos pinapalitan niya ang mga merman na nagbabantay sa main gate bandang alas-cinco ng umaga. Nakatoka na siya roon mula sa oras na 'yon hanggang alas-otso ng gabi tapos mula sa oras na 'yon hanggang alas-cinco ng umaga naman nagbabantay doon ang mga merman.

Katatapos ko lang maghalf-bath sa banyo ng unit namin. Si Kyrine pa kasi ang gumagamit ng banyo sa kwarto namin kaya ginamit ko na lang iyong ibang banyo namin para makapag-skin care na rin ako at bihis ng pantulog. Nagtatransform pa naman pa-super saiyang Queen Elsa si Kyrine kapag umaatake iyong attitude niya. May minsang nagbangayan kami tapos ginawa niyang Antarctica ang buong kwarto namin sa sobrang lamig. E, 'di sumuko agad ako kasi hindi naman ako polar bear o penguin na kakayanin 'yon, susko.

"Ma! Diyos ko, maaa!" madramang sigaw ko pagpasok sa kwarto namin nang maabutan si Mama Adele na nilalagay ang mga damit naming nakatupi na sa closet namin.

"Ha? Bakit? Anong problema?" natatarantang tanong ni mama na natigil naman sa ginagawa niya.

Kinuha ko ang hawak niyang damit at nginitian siya. "Ako na, ma."

Natawa ako nang hampasin niya ako sa balikat sa panggigigil. "Aatakehin ako sa puso sa'yong bata ka."

Inilagay ko sa kanya-kanyang mga part ng closet namin ang mga damit naming tatlo. The mermaids assigned in the laundry are collecting our clothes and items everyday and they're washing them then neatly fold them after. That's their daily routine. Kasama sa items ng mga guests ng hotel ay nilalabhan din nila ang sa mga staff para malinis ang mga gamit namin palagi. Madalas tumutulong kami ni Lulu sa pagdedeliver ng mga iyon pabalik kasi nga under din kami sa housekeeping department. Nakakatuwa kasi hindi na namin kinakailangan ng mga dryer para patuyuin ang mga nilabhan. Isang kumpas lang ng mga sirena ay humihiwalay na agad ang mga water residue sa mga nilabhan kaya natutuyo agad. The laundry here doesn't really take long. Mga 25 minutes lang, ready to deliver na ulit. Amazing!

When Mama Adele left us, Kyrine announced that she'll be switching off the lights. I switched on my lampshade placed atop the shelves sa uluhan ko. Doon ko lang din napansin na lalong tumingkad ang tila fairy lights na ilaw na laman ng antigong lampara ko na katabi ng lampshade. It kind of weirded me out but I still couldn't get myself to just give it away because I feel somehow connected to it. Isa iyon sa mga gamit na dala ko mula sa mundo ng mga mortal. It was given to me by an old fortune-teller whose peculiar and torn canopy shop was located under the overpass. Hinulaan niya ako tapos sabi niya ay dalhin ko raw iyon dahil ito raw ang magiging gabay ko sa paghahanap. She was so serious but then she suddenly added that I looked so poor I couldn't afford even a flashlight, so she just gave me that. Noong una nga ay akala hindi na niya magagamit iyon at mapupundi na dahil ang dim ng ilaw no'ng fairy lights sa loob pero pagdating ko rito sa Abseiles, napansin kong bigla na lamang tumingkad ang ilaw nito. I tried opening and destroying it to check if it's battery-operated but I didn't find any nor couldn't even open it. Seeing it now, it looks... brighter.

Napailing na lamang ako at nahiga na saka niyakap ang white knitted teddy bear ko na binigay ni Kuya Vinzi at pinangalanan kong Coelho na sundo sa pangalan ng paborito kong mang-aakda na si Paulo Coelho.

I made the sign of the cross and prayed. If there's one thing that I haven't changed in those five years of staying in Abseiles and here in Hotel Grimm, that's my faith in God. Lalo lamang iyong lumalim nang makilala ko si Lady Incha. I would often join her while praying before leaving the penthouse to have our dinner downstairs. Odd things have happened in my past, but I am still grateful for His gift of second life and I will never forget to give Him thanks everyday.

PAG-RING NG ALARM clock ko ay walang patumpik-tumpik na bumangon agad ako at nag-inat. I took a bath and hurried to our kitchen to prepare our breakfast. Sina Kuya Nolan at Ate Honey ay sumasabay sa amin sa pagkain. I prepare rice oftentimes, lalo na para kay Lulu kasi nagbabaon siya, e. I make cute bento boxes for her everyday. Mama Adele usually serves continental breakfast for the other staff and for our bosses at the penthouse. Ibig sabihin, light lang ang hinahanda niya na mostly baked goods and pastries for breakfast o 'di kaya cereals and fruits with coffee na naka-buffet style. Ganoon kagaling ang Mama Adele ko at siyempre proud ampon ako!

Today is Saturday kaya hindi ako gagawa ng bento box for Lulu kasi walang pasok. I just made my version of toasted and omelette bread in one. Tinanggalan ko ng gitna ang mga slice bread bago ko sila sinalang sa frying pan. Ibinuhos ko naman ang omelette mixture ko sa gitna no'n, sa bahaging tinanggalan ko. I flipped the bread when the omelette was already cooked to toast the other side. Nagluto rin ako ng sausage saka hinanda ko na ang coffee maker at fresh milk kasi fresh milk ang iniinom ni Lulu. Maya-maya pa ay dumating na sina Kuya Nolan at Ate Honey saka nagising na rin sina Kyrine at Lulu kaya nagsalo-salo na kami sa agahan. Hindi namin maiwasang hindi pag-usapan ang mga pagbabago sa Hotel Grimm.

"Alam niyo magaling talaga si Master Thirdy sa lahat ng mga ginagawa niya," panimula ni Kuya Nolan.

"Bakit naman po?" tanong ko matapos kagatan ang sausage na nakatusok sa tinidor ko.

Not that I'm underestimating Master Thirdy, it's just that hindi ko lang maiwasang magtampo sa kanya. Tampo lang naman, e. Paano ba naman kasi, kada hatid ko na lang ng merienda niya o alok na linisin ang opisina niya ay lagi niya akong pinagsasarhan ng pinto nang malakas at sa mismong mukha ko talaga.

"Noong nagpaalam si Count Vladimir noong isang linggo, bumaba 'yong sales natin. Siguro kasi wala tayong boss na gumagabay sa buong linggong operations natin kaya gano'n. Pero nang dumating si Master Thirdy, nalaman niya 'yon, aba'y gumawa ng paraan para makaengganyo pa tayo nang mas maraming guests. Inutusan niya akong pumunta sa Kapitolyo para umorder ng karagdagang sun loungers sa may pool area, pitong golf carts na pwedeng sakyan ng mga guests habang naglilibot naman sa may flower field natin saka mga boats at kayak din para sa mga gustong mamangka sa Lake Grimm."

Hindi namin nakikita si Kuya Nolan pero narinig namin siyang pumalakpak. "At heto pa, kinontrata niya 'yong maliit na construction company ng mga Quicksilver-"

"Nina Indiana po?" natanong ko sa gulat.

Indiana Jones Quicksilver ang complete name ni Indiana na kaibigan ko at kaklase ko sa BA Literature. Siya rin ang top 1 ng klase namin at sa college department. Sobrang bait no'n at mukhang anghel din sa layered short hair niya. Katunayan, lagi nga niyang binibili iyong mga binibenta kong kung anu-ano. Katulad ni Mama Adele ay superhuman na may superspeed din ang papa niya but she's a hybrid kasi isang summoner naman ang mama niya na siyang pinagmanahan niya. She can summon any item she'd written and read out loud. May maliit na kompanya sa construction ang papa niya na ang mga manggagawa ay puro may superhuman speed din kaya madaling natatapos ang kung anumang ginagawa at pinapatayo nilang mga building o establisyamento.

"Hindi ba si Indiana iyong kaibigan mong Literature student din?" Ate Honey asked.

"Opo! Iyong top 1 namin!" proud kong sagot, proud din sa humble kong kaibigan.

"Ah, natatandaan ko na! Iyong flat one lagi na sinundan mo sa listahan ng mga first honors sa dean's list ng college niyo," ani Ate Honey. Ganoon ang pagkakakilala lagi kay Indiana ng mga taga-UP.

May kasunod na point kasi lagi ang uno ko kaya laging nasusundan ko lang siya. I don't mind it, though. Ang importante ay masaya ako sa kursong kinuha ko. I don't also believe that I am equal to Indiana when it comes to intellect. Malalaki lang iyong marka ko kasi pursigido ako at passionate na matuto sa Literature.

"Hindi ko siya kilala pero 'yon nga, gaya nang sinabi ko kanina, kinontrata ni Master Thirdy si Mr. Quicksilver para patayuan ng gym at sports zone iyong bakanteng lote katabi ng track," pagpapatuloy ni Kuya Nolan sa naudlot niyang kwento.

Nagulat kami kasi malawak nga iyong lote sa tabi ng track kung saan tumatakbo o nagja-jogging sa umaga o hapon iyong mga guests slashed residents ng Hotel Grimm. Kaya nga matagal na rin kaming nasasayangan kasi nakatengga lang iyon doon pero ngayong may plano na si Master Thirdy para rito ay hindi ko nga rin maiwasang humanga sa kanya.

"Hindi ba masyadong magasto iyon?" singit naman ni Kyrine. She doesn't looked pleased with the plan.

Nagulat kami kasi narinig ulit naming pumalakpak si Kuya Nolan. Nakakakaba naman kapag hindi mo nakikita iyong kausap mo at bigla na lang siyang gumagalaw nang walang pasabi.

"Iyon na nga! Naisip na 'yan ng matalinong utak ni Master Thirdy bago niya pa isinakatuparan ang mga plano niya. Kaya nga ang mga Quicksilver ang kinuha niya dahil narinig niyang naghahanap ng matitirhan ang pamilya nito. Kaya inalok niya ang isa sa mga apartments ng hotel nang libre kapalit nang paggawa nila ng gym at sports zone sa lalong madaling panahon."

Ate Honey giggled and jokingly slapped Kuya Nolan on what I bet was his shoulder. Magkatabi kasi sila at para bang memoryado na ni Ate Honey ang mga bahagi ni Kuya Nolan kahit hindi niya ito nakikita. Aba'y kung hindi niyo naitatanong, label na lang kulang sa dalawang 'to.

Pero kung totoo man ang sinabi ni Kuya Nolan ay excited na ako sa paglipat nina Indiana rito!

"Siyempre matalino si Master Thirdy. Kahanay niya kaya ang mga pinakamahuhusay na mga Nodrams, Frandralls at iba pang beasts sa kasaysayan ng Institute of Magis," pagsang-ayon ni Ate Honey na ikinangiwi naman ni Kyrine.

"Kaya nga sa sobrang talino niya ay nabaliw na siya at naging serial kill-"

"Shh, Kryine, 'yong bibig mo! Amo pa rin natin siya at higit sa lahat, nagmamakamali naman tayong lahat, ah," Ate Honey told her. Umirap lang si Kyrine at nagpatuloy na sa pag-aalmusal.

Hindi na ako sumabat sa usapan nila dahil kahit na totoong napakagaling niya sa Institute ay hindi naman siya perpektong nilalang at walang perpektong nilikha. Lahat tayo may kakulangan at nagkakamali rin.

Pagkatapos naming mag-agahan ay nagligpit na kami ni Lulu ng mga pinagkainan. We then changed into our Type B uniforms. We also wore over it a flutter sleeves white lace apron.


Partner ko si Lulu sa paglilinis ngayon kaya tulak-tulak namin ang cart ng mga cleaning materials habang sinusuyod ang pasilyo ng sixth floor para puntahan iyong apartment room na nagrequest ng housekeeping.

Kinatok namin ang pinto paghinto namin sa tapat no'n. "Housekeeping po."

The guest opened the door and let us in to clean her apartment. Nagwawalis at nag-aayos ng mga gamit si Lulu habang nililinis ko naman ang banyo. Inihabilin ng guest na i-lock ang pinto ng apartment niya pagkatapos namin. Hotel Grimm is also known for having trustworthy and honest employees. There was never a case of theft being reported. Hindi naman kasi kami gahaman sa yaman at materyal na mga bagay. Wala rin naman kaming paggagamitan no'n at kung mayro'n man ay sapat o kung minsan ay sobra-sobra pa ang binibigay ng hotel sa amin na mga incentives.

Tiyempong magmemeryenda na sa umaga nang matapos kami. I was again tasked to bring to Master Thirdy his merienda. I knocked on his door while the tray of merienda I was just holding earlier was now floating because I used my telekinesis. May nakasukbit pang feather duster sa may bandang beywang ng apron ko dahil naalala kong hindi ko pa nalilinis ang opisina niya dahil pinagbabawalan niya akong pumasok.

"Master Thirdy, dala ko na po 'yong merienda niyo," hayag ko.

The door slowly creaked open. Buong akala ko ay papapasukin na niya ako kaso ay hinarangan na naman niya ako sa may bandang pinto pa lamang.

"Give it to me," he simply ordered.

I took the tray from floating and handed it to him. Akmang isasara na niya ang pinto nang iharang ko ang isang paa ko at sumigaw. "Aray, aray, aray!"

Nahuli ko pang medyo nataranta si Master Thirdy habang nilalawakan ang pagkakabukas ng pinto. Natawa ako kaya kumalma siya at binalingan ako. Nakakainis kasi hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya dahil nakabungong maskara siya.

"Charot lang po, boss," sabi ko sabay ngiti nang malawak.

"You think it was funny?" he asked me.

"Sorry po. Nagbabaka-sakali lang po kasi akong papasukin niyo kasi ilang araw na pong walang naglilinis sa opisina niyo sa pagkakatanda ko," paliwanag ko.

"I can clean this office."

"Pero trabaho ko po 'yon," giit ko.

"Your job is to follow my command. Did I ask you to clean this room?"

"Hindi po," tugon ko sa maliit na boses.

Nang mapansin ang puwang sa tagiliran niya ay yumuko ako at lumusot doon saka kinuha ang feather duster na nakasukbit sa tagiliran ko at nagsimulang magpunas.

"Get out," mahinahon pero medyo mataas na boses na aniya.

Nagpatuloy lang ako sa pagpupunas kahit pa medyo nanginginig na ako sa takot. Bakit ba natatakot ako?

"Magpatuloy na po kayo sa paperworks niyo, tahimik na maglilinis lang po ako rito. Gaya noong kay Count Vladimir pa 'tong opisina na 'to," sagot ko nang balingan siya saglit bago nagpatuloy sa pagpupunas.

"Out," ulit niya.

"Magpanggap na lang po kayong invisible ako-"

"I said out!" sigaw niya. 

I stopped wiping the top of the fully furnished mahogany cabinet when he held me by arm, and that's when I noticed that his fingers and hands are also bones. He's like a mystery who's really hiding something on purpose.

Kinaladkad niya ako palapit sa nakabukas na pinto nang malakas na hinaklit ko mula sa pagkakahawak niya ang braso ko at matapang siyang tiningnan.

"Bakit po kayo ganyan? Bakit ang hirap-hirap niyo pong lapitan? Bakit ang tigas-tigas niyo pong nilalang? Bakit lagi niyo kaming tinataboy? Baki hindi kayo matulad kay Count Vladimir?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

He stopped and looked at me straight in the eye. "Because I am not Vladimir, and I will never be like that cheating piece of shit!"

Ako naman ang natigilan. He's still obviously bearing a grudge against his father for cheating. I don't want to invalidate his feelings because as a son, he has all the right to feel betrayed for his mom and mad towards Count Vladimir for that issue, but I just do not like how he called him.

"Tatay niyo pa rin po siya..." usal ko habang malungkot na nakatunghay sa kanya.

"Isn't what you did to your mother worse than me loathing Vladimir?" he asked me and I felt my eyes sting.

Hindi ako nakasagot sa tinuran niya. He was there that night so he probably knew every revelation.

Tama naman siya, e...

Suminghap ako at tumango-tango, pinigilan ang mga lumuhang bumuhos. Hindi ako iiyak kasi totoong mas masama iyong ginawa ko.

Yumuko ako at humingi sa kanya ng paumanhin. "Pasensya na po ulit. Kapag ka kailangan niyo nang maglilinis, tawagin niyo na lang po ako."

Pumihit na ako patalikod nang hindi siya tinatapunan ng tingin. With a heavy heart, I rode the elevator and pushed the button going to the ground floor.

I heaved a deep sigh and leaned on the wall. I think I have crossed the line wherein Master Thirdy want me out. Kaya gumaganti siya sa ganoong paraan din. Life is really like that for some. Once you'd been painted in a bad light, others will forever see you that way, and forget all the good things you did.

Nang tumunog pabukas ang elevator ay doon ko lang natanto na yakap-yakap ko pala ang feather duster habang nag-eemote. Mabilis kong nilayo iyon sa akin at pinagpagan ang apron ko habang papalabas at naglalakad sa pasilyo papuntang staff hall.

"Ay, sorry po! Sorry talaga!" paghingi ko agad ng paumanhin sa nabunggo ko.

Mabilis akong umuklo para tulungan siyang pulutin ang mga gamit niyang dala-dala na nalaglag.

"It's okay, miss. Ayos lang talaga," he said. Boses lalaki.

Nag-angat ako ng tingin at napansing mala-anghel ang itsura ni kuya. Nakaputing dress shirt siya at itim na slacks saka itim ding coat, business style iyong pormahan niya. Siya iyong tipo ng tao na malinis at kahit tingnan mo pa lang ay mukhang mabango na.

"Pasensya na po talaga, sir," ulit ko nang matantong baka guest ito o importanteng tao. Naku, lagot ako nito kapag nagkataon.

"Ayos lang," tugon niya na may maunawaing ngiti.

Mukhang mabait din si kuya.

Tinulungan ko ulit siya sa pagpupulot nang matigilan ako sa napansin sa kanang palad niya. Sa likuran ng palad niya, sa pagitan ng hinlalaki at hintuturo ay naroon ang bungong marka ng Pamilya Grimm and It's freaking glowing!

Gulat akong napatingin sa kanya na ngayon ay nakatayo na at inaayos ang mga dalang folders niya. Dahan-dahan akong tumayo at hindi pa rin nakakabawi sa nakasaksihan. Umiilaw pa rin iyong marka nang tingnan ko ulit!

"Miss, matanong ko lang. Nawawala kasi ako sa laki ng hotel na 'to. Nasaan ba 'yong opisina ni Lady Incha? May appointment kasi ako sa kanya ngayon. Ako nga pala si Doctor Sixtho Arkanghel. Ako 'yong nirekomenda ni Dr. Bones na kapalit niya," pakilala niya habang inaabot sa akin ang kanang palad niya kung nasaan iyong marka na patuloy na umiilaw.

Sixtho Arkanghel.

Kung hindi ako nagkakamali sa natatandaan ko sa journal ni Count Vladimir ay siya si Master Sixth! Ang pang-anim na anak ni Count Vladimir sa isang doktorang Nephilim.

Napatakip ako ng bibig gamit ang dalawang kamay ko sa magkahalong gulat at tuwa. Kaso naubo rin ako nang bahagyang pumasok pa sa bibig ko ang balahibo ng feather duster na hawak-hawak ko pala. Natawa siya kaya natawa rin ako bago nagtatatalon sa tuwa.

"Yes! Yes! Diyos ko, salamat Po!" sigaw ko habang nakatingala at magkadaop ang mga palad.

"Miss, ayos ka lang?" naguguluhang tanong niya.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya.

"Doc, matagal ka na naming hinahanap, and you came right just when we needed you most," I told him dramatically so he chuckled.

"Well... thank you for the warm welcome."

Binitawan ko ang kamay ni Doc at kinawayan ang mga leprechauns at mga sirena sa malapit.

"Nandito na si Master Sixth! Si Master Sixth nandito na!" paulit-ulit kong anunsyo sa tuwa.

Maya-maya pa ay tumunog pabukas ang isang elevator at lumabas doon sina Master Thirdy at Lady Incha. Marahil ay narinig na nila ang balita ko. Ganoon dito sa Hotel Grimm. Kapag ka may importanteng balita ang isang staff, we relay it right away to the heads.

"Dr. Sixtho Arkanghel, welcome to Hotel Grimm," ani Lady Incha sabay lahad ng kamay sa panauhin. She subtly looked at the glowing birthmark in his hand and smiled.

"Thank you po. She's calling me Master Sixth and I don't really understand why," naguguluhang hayag naman ni Master Sixth.

I was about to answer when Master Thirdy spoke. "Let's have a tea over the lanai and talk about everything."

Tumango si Master Sixth at iginiya na siya ni Lady Incha papunta sa may lanai. Nakangiting pumihit ako patalikod at maglalakad na sana nang bigla akong tawagin ni Master Thirdy.

"Una."

I spun around to face him then bowed my head in respect. Siyempre amo ko siya kaya dapat magalang ako kahit pa medyo nagtatampo. Sasarilinin ko na lang iyon. Bawing-bawi naman kasi may isang Grimm Brother na namang dumating.

"Bakit po?"

"Go clean my office," utos niyang ikinagulat ko.

"Po?"

"Bingi ka ba?"

Napangiwi naman ako. Okay na sana, e...

"Areglado, boss!" sagot ko sabay saludo sa kanya at takbo papasok nang sasara na sanang elevator para umakyat sa opisina niya.

INEKIS KO SA listahan ng thirteen Grimm Brothers sina Master Juan, Master Thirdy at Master Sixth which leaves me to only ten missing brothers. Nakakatuwa dahil halos magdadalawang-linggo pa lang simula no'ng kasunduan ni Ma'am Solange sa amin pero may tatlo nang dumating at nahanap. Kaya ba ang other ten before the end of three months? Siyempre kaya! Si Una na palaban 'to at walang sinusukuan!

Master Thirdy and Lady Incha explained everything to Master Sixth awhile ago. The latter wants to be called Doc Sixth instead of Master Sixth. He's not used to those kind of honorifics because he said he came from a humble home. Ang mama niyang isang Nephilim ang nagpalaki sa kanya. She's a doctor too, but sadly, she died while on a medical mission near the South Region border dahil inambush sila ng mga Nodrams. Doctor Sixtho wishes to follow her footsteps in the medical field and in saving lives. Kaya pumasok siya sa med school at nakilala si Dr. Bones. He never knew about Count Vladimir, his father, but his mother told and taught him not to get mad at him because she's grateful of having him as her son.

Sunod din sa nanay niya ang kakayahan ni Master Sixth. He has healing powers but every time he heals serious wounds and chronic ailments, it would take a parcel of his life source. Kaya ang natutunan niya sa med school ang madalas puhunan niya sa panggagamot. Since he's a Hybrid of Vampire and a Nephilim, he has angel wings but they're just black in color which I actually find cool.

Lumabas ako ng kwarto namin nina Lulu at sumandal sa handrail na naaadornohan ng mga bulaklak. Hotel Grimm is known to be the aquatic and pink hotel of flowers. Maraming desenyong bulaklak sa loob, labas at paligid ng hotel. Iyong mga bulaklak ay mula sa malawak na flower field namin. I stared at the cloudy night sky yet the bright full moon at its center was grabbing all of my attention.

"The future was cloudy, but tonight the moon was bright," I whispered, recalling that line from Stephen King's Doctor Sleep.

We may not know what the future holds, but we can always enjoy the bliss of the present. Hindi ko man alam ang magiging bukas, but I will always look forward to it with a heart full of thanks and appreciation for what I have today.

Tumunog ang cellphone ko kaya hinugot ko iyon mula sa bulsa ng pajama ko at sinagot ang tawag ni Juno.

"Yo, light fury, kumustang araw mo?"

"Bakit hindi ka dumalaw dito?" pagtataka ko. He usually visits me on the weekend pero ngayong araw ay hindi siya dumating.

I heard him chuckle on the other line. "Namiss mo na agad ako?"

"Sige na matulog ka na ulit. Mukhang nananaginip ka pa, e."

He laughed then replied, "May trabaho na ako, e, kaya mukhang madalang na 'yong pagdalaw ko sa'yo r'yan sa Hotel Grimm."

"Ows, 'di nga?" tanong ko sabay lipat ng phone sa kabilang tenga. Na-curious ako bigla sa sinabi niya.

"Oo nga."

"Weh? E, ano namang trabaho mo?"

"Secreeet," tumatawang sagot niya na nginiwian ko naman.

"Bakit feeling ko illegal 'yong trabaho mo? Susumbong kita kay Tita Mikee!"

He laughed again. "Ano ka ba, hindi! Nagpapart-time ako pero hindi ko muna sasabihin sa'yo kung ano. Saka na 'pag handa na ako-"

"Hoy, bakit feeling ko hindi maganda 'yan? Jusko naman, Dodong Juno, sinabi ko na sa'yong huwag kang sasama sa mga sindikato!" paghihisterikal kong ikinahalakhak lang ulit niya.

"Pero seryoso ako, seb. Kung may kailangan ka, magsabi ka kasi tutulungan naman kita," pagpapatuloy ko.

Natahimik siya sa kabilang linya kaya tiningnan ko kung ongoing pa ba iyong call at nando'n pa naman siya.

"Juno? Hello, Juno?"

"I'm listening..."

"Sinasabi ko sa'yo umayos ka-"

"'Di ba sabi mo tigilan ko na 'yong mga bisyo ko at pambababae?"

"Aba dapat lang-"

"I'm working on that, and I'm using my part-time job as a distraction."

Napangiti ako. "Natutuwa akong marinig sa'yo 'yan."

"Papatunayan ko sa'yong hindi ko na kailangan hanapin iyong tamang babaeng magpapatino sa akin," he said.

Natahimik ako.

"Papatunayan ko sa'yong kaya kong magpakatino para sa tamang babae..." he added and I felt my heart ache.

•|• Illinoisdewriter •|•

Sisimulan ko na ba ang #TeamBes at #TeamBoss? Hahaha just kidding~

Ciao, Charmings! 🧡✨ Please do vote and comment your thoughts. They're my source of my motivation in writing. 😊 See you next week sa...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top