Check-In 05: Gone with the Wind
Check-In 05: Gone with the Wind
PAGKATAPOS KONG AYUSIN ang tablecloth at mga box ng sabon sa maliit na lamesang nakuha ko lang diyaan sa tabi ng opisina ng College of Arts and Letters ay nagtawag na ako ng mga customer.
Iyong mga sabon na binibenta ko naman ay isa sa mga produkto ng mga sirena sa Hotel Grimm. Hiningi ko lang ito sa kanila pero mabuti na lang at napagbigyan naman nila ako. Limang taon na kaming magkakasama at bente anyos na ako ngayon saka nasa kolehiyo na rin. Third year na ako sa kursong Bachelor of Arts in Literature sa University of Portofino.
"Lapit mga suki at ihanda ang inyong mga sukli! Sawa ka na bang maging pangit? Aba'y huwag nang magtiis! Narito na ang sabong sa'yo ay magpapakinis. Sa murang halaga ay maaari ka nang maging flawless!"
"Ang harsh naman no'ng pangit," hagikhik ng kaklase ko sa major na si Indiana.
I chuckled awkwardly.
Ang harsh nga naman.
"Pasensya ka na, mars. Natuyo na kasi ang word bank ko sa sunod-sunod na essay kanina sa klase. Bibili ka?"
"Effective ba talaga 'yan?"
"Oo naman! Kilala mo si Honey ng Marine Bio?" tanong ko sa kanya.
"Oo! Ang ganda na niya at ang sexy pa. Grabe, girl crush talaga!"
"Siyempre, ito 'yong gamit niya!" proud kong sabi sabay pakita ng isang box.
"Magkano ba 'yan?"
"Eighty pesos ang isang box pero kung bibili ka ng dalawa, ibibigay ko sa'yo ng 160."
She giggled again. "Hindi ba pareho lang 'yong presyo no'n kung dalawang 80 pesos na boxes ang bibilhin ko?"
I clicked my tongue and made a finger gun as I winked at her. "Ang talino mo talaga."
Maliban sa pambubuko niya sa kalokohan ko ay siya rin kasi ang top 1 ng klase at college namin. Isa siya sa dalawang matalik kong kaibigan kaya nga bibili siya ngayon ng sabon sa akin.
"Sige na nga, pabili ng dalawang box."
Kyrine graduated in Hotel Management last year kaya si Ate Honey naman ang bumalik sa pag-aaral at kumuha ng kursong Marine Biology. Gusto niya kasing matuto pa para malaman niya kung paano niya mas mapapabuti pa ang kalagayan ng mga sinasakupan niyang sirena sa Hotel Grimm. I didn't exactly know why but Ate Honey and the rest of the West mermaids are forbidden to go to the ocean or any bodies of water maliban na lamang sa lawang nasa likuran ng hotel. Kaya ginawa ni Count Vladimir na aquarium ang ceiling at pader ng lobby para sa kanila. Ang sabi sa akin ni Lulu ay nasusunog daw sila kapag lumalangoy sila sa karagatan at iba pang anyong tubig. Naguluhan nga ako kasi paano mangyayari iyon kung sirena naman sila?
Kaagad naman akong pinalibutan ng iba pa pagkarinig ng pangalan ni Ate Honey. She's quite popular here because of her enigmatic appeal and beauty. Lahat ata gustong maging kasing-kinis at kasing-ganda niya.
"What is happening here, Ms. Gomez?!"
Parang mga bubuyog na nahawi naman ang mga mamimili ko pagkarinig kay Madame Gabbana Portofino na sumisigaw gamit ang maliit niyang megaphone.
Mabilis pa sa kidlat na itinaas ko ang mga dulo ng tablecloth sa ibabaw ng mga paninda ko at itinali iyon doon saka ko niyakap at binuhat iyon bago kumaripas ng takbo palayo kay Madame at sa mga student police na humahabol sa akin.
Bawal kasing magbenta sa university ang mga estudyante.
Nasa may hallway na ako nang mapansin ko si Juno at iyong babaeng nakasandal sa pader na naghahalikan.
"Seb!" tawag ko sa kanya. Kabaligtaran ng bes.
He withdrew from their kiss to see me. Si ate girl naman na nakayapos pa sa leeg niya ay hinabol pa iyong labi niya, hindi halatang uhaw na uhaw.
Kumunot ang noo ni Juno pero hindi na rin naman siya umangal nang hinatak ko ang itim niyang leather jacket sa bahaging likuran niya pagdaan ko sa banda niya.
"Ano na namang ginawa mo?" madiin at pabulong niyang tanong habang sinasabayan akong tumakbo.
Ipinasa ko sa kanya ang dalang paninda. He groaned even more in annoyance.
"Magpapaliwanag ako mamay-" I braked through my heels when I noticed Madame Gabbana crossing her arms over her chest and already standing in my way.
Sinubukan ko pang tumakas padaan sa kanan kaso biglang lumabas iyong clone niya. Ganoon din ang nangyari nang subukan ko naman sa kaliwa.
"Seb, initiate retreat!" sigaw ko sa kawawang si Juno na nadawit lang na nasa likuran ko. Kaso pag-atras namin nandoon na rin ang mga student police.
I sighed defeatedly and looked at Madame Gabbana then smiled at her.
"Good morning po, Madame! May promo po ako ng mga sabon today para lang po sa inyo. Discounted na lang po 'yan lahat kung kukunin niyo," magiliw kong paliwanag sa kanya, nag-aala-promodizer.
Madame Gabbana uncrossed her arms then her clones walked towards the center, to be one with the real one.
She advanced near me. Kinabahan naman agad ako kaya nagsalita ulit ako sa maliit na boses, "Sabi ko nga po libre na lang kung i-co-confiscate niyo."
She eyed me and Juno then told us gravely, "To my office. Now."
I WAS POUTING while staring at the nameplate of Madame Gabbana Portofino atop her office table.
Ang totoo niyan ay hindi ako makatingin kay Juno kasi kanina pa nananaksak iyong mga tingin niya sa sama sa akin. Magkaharap kami ngayong nakaupo sa tapat ng lamesa ni Madame Gabbana.
Madame Gabbana Portofino came from the clan of the afterlife reapers or also called as guardians. Ang sabi sa History namin ay hango raw ang University of Portofino rito sa West Region sa naunang UP na nasa mundo ng mga tao. It was one of best universities in the mortal world and it also proved the same thing here in Abseiles. Noong wala pa ito ay karamihan daw sa mga estudyante ay dumarayo pa sa Kapitolyo para mag-aral sa Institute of Magis. Kaso nga lang sobrang higpit ng eskwelahang iyon at iilan lang talaga ang maswerteng nakakapasa ng entrance and they were considered the cream of the crop. Kuya Nolan once disclosed to me that Mythos or whom we should properly call as Master Thirdy studied there and was known and recorded to be one of the highest awardees in the history of the said institution.
Matapos no'ng nangyari ay hindi na ulit ako dumalaw sa Chamber of Torture. Ewan ko ba... I'm not comfortable with Master Thirdy around. Lalo na at mga katulad ko pala ang madalas niyang biktima.
"This was not the first time you did this, Ms. Gomez. Mabuti pa siguro at tawagan ko na lang ang mga guardian mo or better yet, kay Count Vladimir na lang ako dumiretso para naman matigil ka na sa paglabag sa batas ng unibersidad," Madame Gabbana spoke as she reached for the telephone.
Nagpanic naman ako at pinigilan siya. "Madame, huwag po, please. Magbabago na po talaga ako. Huli na 'to. Promise..."
She sighed and put down the telephone. Maganda at sopistikada si Madame Gabbana. Iyong pangalan niya rin ay bagay talaga sa kanya dahil mahilig siya sa magagandang damit at gamit na mula pa sa kilalang mga luxury brands dito at sa labas ng Abseiles. Gaya na lamang ng suot niyang gray peplum suit and pencil skirt na kumikinang dahil sa mga mamahaling swarovski crystals na desenyo. Isa rin pala siya sa mga propesor ko sa major subjects ko.
"Ito na ang huling pagkakataong pagbibigyan kita, Ms. Gomez. Sa susunod na ulitin mo ito ay isususpende na kita sa university. Am I making sense here, Ms. Gomez?"
"Opo, Madame. Opo," I retorted as I nodded vigorously.
Napabaling naman siya kay Juno pagkatapos. "At bakit nakasama ka na naman dito, Mr. Forbes? Kung hindi ka narereklamo dahil sa mga babae mo ay nandito ka dahil kay Una."
Automatic iyong apologetic kong ngiti nang samaan ako ng tingin ni Juno saglit bago binalingan at sinagot si Madame.
"Magka-sosyo po kami sa negosyo."
I bit my lower lip to stop myself from chuckling after hearing his reason. Pasalamat talaga ako at kahit ganito iyang si Juno ay maaasahang bespren iyan palagi.
Madame Gabbana made us sign an agreement na kapag naulit iyon ay suspendido na ako at siyempre damay si Juno. Magtitino na talaga ako. After that, she let us go.
Tahimik kami ni Juno habang binabaybay namin ang hallway ng building ng College of Arts and Letters. Pupuntahan ko kasi iyong locker ko dahil doon ko iniwan ang mga gamit ko. Madame Gabbana confiscated the items I was selling earlier. Kaya uuwi akong young, dumb, and broke.
"Seb, sorry talaga ha. Nadamay ka pa saka naistorbo ko pa kayo no'ng kasama mo kanina," panimula ko na sa usapan.
Hanggang balikat lang niya ako kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. Naiinis pa rin na dinungaw naman niya ako. The perpetual scowl on his face did nothing to hide his beautiful features. Itim ang magulo niyang nakaparteng buhok. Matangos ang ilong, mapula ang labi, at mahahaba ang pilik-mata. He was wearing a white tee shirt under his black leather jacket today paired with simple jeans and black boots. He also has a silver loop earring on his right ear and a black necklace with a unique-looking ring as its pendant, adding more to his bad boy charisma. Actually, kung tatanggalin niya ang leather jacket niya at earring ay mukha siyang anghel. Ang gwapo na cute niya lalo na kapag nakangiti.
"Pang-ilang beses mo na ba 'to, Una, ha? Panglima? Grabe, seb, gamit na gamit mo na talaga ako," naiiling niyang sagot, nagbibiro na.
Natawa naman ako at hinampas siya sa balikat. "Uy, hindi naman masyado!"
Medyo napalakas iyong hampas ko kaya napaungot siya sa sakit. I cowered, closed my eyes, and covered my head when he moved his hand for what I thought to be a payback hit. Nagulat na lang ako at napadilat dahil niyakap niya ako nang mahigpit gamit ang isang braso niya.
"Kiss mo na lang ako para makabawi ka," he said and pouted whilst crouching to kiss me. Maagap ko namang hinarang ang palad ko sa labi niyang palapit.
"Ew!" I laughingly exclaimed. He chuckled too and let me go. Inakbayan na lang niya ako.
Limang taon na kaming mag-bestfriend ni Juno. Ang totoo niyan ay naging kami noong unang tatlong buwan pagkatapos naming magkakilala noong kasisimula pa lang namin sa senior high school. He said he was older than me but he stopped schooling for awhile kaya naghahabol siya ngayon. He's a senior student with an irregular status in BS Information Technology.
Frankly, he was a perfect boyfriend. Maaalahanin, maasikaso at loyal din ng mga panahong iyon. Kaso bigla ko na lang narealize na hindi pa pala ako handa sa mga ganoong bagay. I want to enjoy my personal life first and that I want to relish my freedom. I told him that and he understood but he said that he still wants us to be friends at least. Masaya akong kasama siya kaya pumayag ako at hindi rin naman naging awkward sa amin dahil matapos ang isang taon ay nagsimula na siyang mag-entertain ng mga babae. However, he didn't have any serious relationship with them, just flings and intimacy.
Sa loob ng limang taon din kasi ay sa Hotel Grimm at eskwelahan lang umiikot ang buong buhay ko. Not that I'm complaining, I'm actually happy with it. Hindi ako nagkaroon ng ibang mga kaibigan outside the hotel and except for Juno and Indiana. I also have some of my classmates in BA Lit as acquaintances and friends too pero walang lumevel sa bond namin ni Juno. Nabibisita niya rin kasi ako sa hotel kung may trabaho ako kaya mas tumibay pa ang samahan namin.
NASA MAY KALAYAAN Road kami at kumakain ng paborito naming ice cream sa Tindahan ni Aling Nena. Cookies and cream iyong akin tapos coffee crumble naman iyong kanya. Libre ko sana 'to sa kanya kaso inunahan na ako ni Aling Nena na giliw na giliw naman sa kaibigan ko.
Nagtampo ako kay Aling Nena kunwari kaya nilibre niya na rin 'yong akin. Oh, 'di ba tamang scam lang din bago umuwi. Hay, ang witty ko talaga.
Nakaharap kami sa glass wall ni Juno habang kumakain ng ice cream kaya kitang-kita namin mula roon ang mga dumadaang estudyante at iba pang beasts.
"Ikaw nga, seb, umamin. Bakit ba benta ka nang benta ng kung anu-ano? Mukhang gipit na gipit ka ha," natatawang aniya.
I took a quick bite on my ice cream first before putting it down to talk. "Kailangan ko ng pera, e."
"Pera? Para saan- ano ba 'yan para ka namang batang walang may-ari kung kumain ng ice cream!" komento niya at pinunasan iyong naiwang bakas ng ice cream sa kaliwang gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki niya.
Okay na sana, e. Ang sweet na ng mokong kaso pinunas niya naman iyon sa PE uniform ko saka natawa. Bwisit talaga! Nakakapanggigil!
Sa PE uniform ko pa talaga! Mabuti na lang kamo at wala kaming opisyal na uniporme rito, sa PE lang. Mabuti at makakapag-civilian na rin ako bukas.
"Gusto kong bumili ng iPad."
"Para saan naman?"
"Naisip ko kasi ang hassle masyadong magdala ng laptop kaya mas maigi kung hand-carry lang din iyong paglagyan ko ng mga epub versions ng mga librong ipinapabasa sa amin. Saka nahilig din ako lately na magsketch-sketch kaya para libangan ko na rin," I explained.
"Kaso ang mahal, seb. Sabi naman no'ng may-ari ng shop ganoon talaga kasi pahirapan daw ang pag-aangkat ng mga produkto mula sa mundo ng mga tao. Nagtaas daw kasi ng tariff ang Council of Magistel at sobrang higpit daw ng inspeksyon ng mga Fandrall guards sa mga imported goods na sakay ng cruise. Luging-lugi sila kung hindi sila magtataas. Naiintindihan ko naman," I continued then sighed.
"Hindi naman kasi mangyayari 'to kung operational pa rin iyong Grimm Express," aniya.
"Pero hindi mo naman masisisi si Count Vlad kung itinigil niya muna ang operasyon no'n at isinara. Kapakanan lang din naman ng mga beasts ang iniisip niya simula no'ng bombing," giit ko naman.
Count Vlad made a difficult decision to cease the operation of the Grimm Express since last year after the bombings happened. According to the news and based on the investigation, the Nodrams orchestrated the said bombings. Unlike the cruise going to Abseiles, the Grimm Express isn't owned by the Council. Private property ito ni Count Vlad and many speculations circulated around the Abseiles that it was really done on purpose. May matinding galit daw kasi ang mga Nodram kay Count Vlad. Mabuti na lang talaga at wala namang nabawian ng buhay sa nangyari. Maraming nasugatan at natrauma kaya minabuti ni Count Vlad na ipasara muna iyon upang paigtingin ang seguridad ng lugar. He also took care of all the expenses of the victims.
Juno shrugged his shoulders and resumed eating his ice cream. Ganoon na lang din ang ginawa ko. Pagkatapos kumain ay sabay na kaming nagtungo sa parking lot. Usually ay ihahatid niya ako sa Hotel Grimm sakay ng Ducati niyang motor pero dala ko iyong bisikleta ko ngayon dahil nga sa mga paninda ko.
"Hatid na kita?"
"Hindi na kasi dala ko naman iyong bike ko. Alam mo na, pinaglagyan ko ng mga paninda ko kanina."
"Susundan na lang kita hanggang crossing paakyat ng Hotel Grimm. Kinakabahan kasi ako, Light Fury. Baka mabundol ka ng kapwa mo bike. Tatanga-tanga ka pa naman."
Natigil ako sa pagtatanggal ng kadena ng bisikleta ko para samaan siya ng tingin. Light Fury ang tawag niya sa akin kung hindi seb. Minsan nang sinamahan namin si Lulu habang nanonood ng How To Train Your Dragon ay bigla na lamang sumigaw si Juno habang nakaturo sa flat screen TV ng, "Una bakit nand'yan ka?!" at tumawa nang malakas ang lintek.
Monolid kasi ako at sobrang puti. Katunayan ay magkasing-puti kami ni Kyrine. Iyon nga lang ay maputi rin iyong buhok niya kaya maputla siyang tingnan. Ako naman kasi ay itim na tuwid ang buhok kaya medyo may buhay akong tingnan. Bonus na rin na palangiti ako.
Halata rin ang pamumula ng pisngi ko kung naiinis ako o nagagalit dahil nga sa kaputian ko. Si Kyrine kasi shuldita pagdating sa akin tapos cold naman sa iba. Grabeng vibing na 'to sa ice ability niya.
Nakasunod nga si Juno sa akin habang pauwi kami. Binagalan niya lang ang takbo ng motor niya hanggang sa huminto kaming pareho sa crossing paakyat sa alps kung saan nakatayo ang Hotel Grimm.
"Sige, seb. Dito ka na lang. Maraming salamat talaga sa pagiging aso. Buntot ka nang buntot, e," ganti ko sa ginawa niya kanina.
He took his helmet off and smirked at me. "Siyempre kailangan talagang nakabuntot kung tatanga-tanga 'yong amo."
"Ewan ko sa'yo! Umuwi ka na agad kay Tita Mikee! Huwag ka nang maglalandi-landi!"
"Opo, boss. Ingat ka ha baka mapatid ka ng bato," humahalakhak niyang paalala.
Medyo clumsy akong tao pero itong kumag kung makapanglait parang ang talino niyang nilalang at kailangang-kailangan ko siya sa buhay ko para matuto.
"Hmp..." nasabi ko na lang at nagpedal na paakyat ng mountain bike ko.
The grayish bended branches and twigs of the Undead Forest slowly turned up to pave the way for me. Kaiba sa marami ay namamangha ako sa tuwing dumadaan ako rito sa halip na matakot. It's mesmerizing how even in the scariest and oddest of things, I always find beauty and light. Parang si Anne Frank lang nang isulat niya sa diary niya ang mga katagang, 'Despite everything, I still believe that people are good at heart'.
I grew very fond of reading a lot of written works and books from the Hotel Grimm Library. I always remember quotes and sayings which I find really notable and significant then I will relate it to certain situations I am caught with or say it to give others advice. I feel like I am in one with words and through it, I can generate and explore different worlds. I have huge respect for this field and thus truly passionate about it. You know, T. S. Eliot once said and I quoted, "The purpose of literature is to turn blood into ink." Tama siya sapagkat naisasatitik natin ang pag-ibig, kasawian, buhay at kamatayan dahil sa panitikan.
"Magandang hapon po, Tatay!" bati ko agad kay Tatay Sigurd pagdating ko sa gate na siyang binabantayan niya.
Bumaba ako sa bisikleta ko at dinala iyon kasama ko habang palapit ako kay tatay para magmano. He patted my head and smiled at me.
"Mabuti at maaga kang nakauwi. Kumustang araw mo, anak?"
If there's one strict rule for the Hotel Grimm staff, that is to be sure to be home before six in the evening. Walang lumalabag no'n kahit ako kaya madalas ang klase nina Lulu at Ate Honey ay sa umaga samantalang ako lang ang inaabot ng hapon at dapat pinakamatagal ko na ang alas-kwarto y media.
"Ayos lang po, tay!" masiglang tugon ko. Ayokong nag-aalala sila sa akin o nadadamay dahil sa mga kalokohan ko.
"Oh, sige na umakyat at pumasok ka na sa loob."
Tumango ako at nagbisikleta ulit papunta sa likuran ng Hotel Grimm kung nasaan ang backdoor papasok ng industrial kitchen at ng unit namin.
"Nakauwi na po ako, ma!" bati ko kay Mama Adele sabay yakap mula sa likuran niya at halik sa pisngi niya.
Nagulat si mama pero natawa rin at mahinang tinap ang braso kong nakapulupot sa kanya.
"Magmeryenda ka muna ng lasagña at pagkatapos ay dalhan mo na rin si Count Vladimir bago siya umalis."
Sa isang kurap ko lang ay nasa tapat ko na ang platito ng lasagña at tinidor. Naupo na ako sa may high stool para kumain. Si Mama Adele naman bumalik na sa pagluluto.
"Aalis po si Count Vlad? Saan daw po siya pupunta?" I asked.
"Hindi ko rin alam, anak. Alam mo naman iyang si Count, masyadong malihim sa mga pinupuntahan."
She's right. Count Vlad never told us any details about his trip and destination. Magugulat na lang kami na nakauwi na lang siya isang araw dito sa hotel.
Pagkatapos kong kumain ay nagbihis na ako ng Type B uniform ko at sinuot ang espadrilles ko. Tinanggal ko na rin ang pagkakatirintas ng mga pigtails ko saka sinikop ang buhok at tinali pa-low bun. Hinila ko pababa ang coat ko nang mailagay ko na ang pin sa kwelyo ko. I smiled at my reflection on the full length mirror. Satisfied naman ako na ready to serve the Hotel Grimm na akong tingnan.
Dinala ko ang meryenda ni Count Vladimir sa opisina niya. Kumatok naman ako at pinapasok niya pero naabutan ko siyang nakaharap sa bintana at malayo ang tingin.
"Ayos lang po ba kayo, Count Vlad?" nag-aalalang tanong ko sabay lapag ng tray sa may extrang lamesa niya.
He looked at me and smiled but his eyes gave away his sadness. Magtatanong pa sana ako pero nagsalita na siya para utusan ako.
"Maaari mo bang puntahan si Nolan at sabihing maghanda na sapagkat aalis na ako ilang sandali na lamang."
"Opo, Count. Bago kayo umalis kumain po muna kayo. Dinamihan ko 'yan para hindi kayo magutom sa biyahe," nakangiting sabi ko sa kanya.
"Maraming salamat, Una."
Tumango ako at lumabas na ng opisina niya para puntahan si Kuya Nolan na naipark na ang Mercedes sa tapat ng main door ng Hotel Grimm at hinihintay na lang si Count Vlad habang patuloy na inaayos ang mga bagahe nito.
Hindi ko alam pero hindi ako mapakali bigla kaya tinanong ko na si Kuya Nolan.
"Kuya, may alam po ba kayo kung saan pupunta si Count Vladimir?"
"Hindi, Una, e. Pero hindi ka na nasanay kay Count, ganyan naman talaga siya. Kaya huwag ka nang mag-alala."
"Saan po ba siya kadalasang pumupunta sa tingin niyo kapag umaalis siya?" I asked more.
"Kung hindi tungkol sa hotel ay hula kong dinadalaw niya ang mga anak niya."
"Ilan nga po ulit ang mga kapatid ni Master Thirdy?"
"Ang alam ko dose. Hindi ko pa sila nakikita o nakikilala pero iyon ang bilang ng mga kapatid niya."
Count Vladimir has thirteen sons and Master Thirdy's mother was his late wife. Iyong iba hindi niya pinakasalan kasi sabi ni Mama Adele ay ito raw ang great love ni Count Vladimir.
Binilisan ni Kuya Nolan ang pag-aayos ng mga gamit ni Count Vladimir nang lumabas na ito sa Hotel Grimm.
"Count, huwag na lang po kaya kayong tumuloy. Hindi po kasi maganda ang pakiramdam ko sa pag-alis niyo," I finally said it.
He looked at me, turning his back on Kuya Nolan's side.
"Natatandaan mo pa ba ang hiniling ko sa'yo limang taon na ang nakakaraan, Una?" he suddenly asked. I slowly nodded my head.
"Opo. Hindi ko susukuan si Master Thirdy."
He smiled and asked me again, "Pwede bang makisuyo ulit?"
"Oo naman po!" maagap at determinado kong tugon.
He took a velvety maroon-colored journal from the inside of his trench coat. He handed it to and I stared at it.
"Gusto kong buksan at basahin mo iyan kapag hindi pa rin ako nakabalik sa loob ng isang linggo."
Gulat akong napatitig sa kanya.
"Babalik naman po kayo 'di ba?" nag-aalalang tanong ko.
Malungkot na ngiti lang ang isinukli ni Count Vladimir sa akin.
"Buuin mo sila, Una. Protektahan mo ang pamilya nating 'to. Iyan ang huling hiling ko sa'yo."
Hindi ko maintindihan si Count Vladimir. Masyadong siyang matalinghaga pero bakit nasasaktan ako sa mga salita niya? Bakit parang naghahabilin na siya?
Tears began brimming my eyes. Tinakpan niya ako para hindi makita ng iba pang umiiyak ako.
"Please don't cry, my dear. I want you to be strong. I want you to be brave for this family. Magagawa mo ba iyon para sa akin, Una?"
I parted my lips but closed them again to stifle my cry. Pinunasan ko na agad ang mga mata ko gamit ang manggas ng coat ko saka tumango kay Count Vladimir.
"Opo, magpapakatatatag ako para sa pamilyang 'to."
Inabot ulit sa akin ni Count Vladimir iyong hawak niya kaya kinuha ko na iyon sa pagkakataong ito.
"Tulungan mo akong iligtas ang pamilya natin, Una."
Tumango ako at niyakap ang journal na ibinigay niya. "Makakaasa po kayo, Count."
He hugged me then. Bumukas ang pinto at lumabas doon ang umiiyak na si Lulu saka niyakap si Count Vlad. He squatted to embrace her back. Laging ganito si Lulu. She's the closest to Count Vladimir that's why I understand her emotions every time he leaves. Doon ko lang natantong nakatayo rin pala si Kyrine sa likuran ni Lulu. Naluluha rin siya. This was the first time I saw her cry.
"Count, pasensya na. Nag-uusap lang kami ni Lulu kanina tapos... tapos bigla siyang umiyak at tumakbo rito... Count, mag-iingat po kayo..." aniya. Niyakap naman siya agad ni Count Vladimir.
Kaming tatlo na ang itinuring ni Count Vladimir na mga anak niya sa pagdaan ng mga panahon. Gusto kong pigilan si Count Vlad na umalis dahil sa masamang pakiramdam ko pero ramdam ko ring mahalaga itong lakad niya.
Sumama rin sina Ate Honey, Lady Incha at Mama Adele sa amin sa labas para saksihan ang pag-alis ni Count Vladimir. Mama was busy consoling the crying Lulu. Malungkot naman ang ngiti ni Ate Honey samantalang seryoso lang si Lady Incha gaya ng dati. Sigurado akong sa lahat ng naririto ay siya ang pinakanakakakilala kay Count Vladimir. I don't exactly know what kind of beast she is but Lulu told me that she's older than Count Vladimir. In fact, siya ang nagpalaki rito but she never grew old nor looked grey. Nananatili siyang nasa mid-20s ang itsura. Maybe this explains why most of her outfits are from the old age style.
Dumating si Tatay Sigurd at lumapit kay Count Vladimir sa may bandang bintana ng Mercedes. Count Vlad talked and Tatay Sigurd listened intently with a serious look on his face. He then nodded and smiled sadly at our boss.
"Ba-bye po, Count Vlad! Bumalik po kayo ha!" pumipiyok na sigaw ni Lulu.
Batid ko ang lungkot ni Count Vladimir pero ikinubli niya iyon sa isang ngiti at kumaway sa amin sa huling pagkakataon. We tailed the car until we reached the service alley except for Lady Incha who remained standing at the front door. The evening breeze blew as the vehicle sped away seemingly conveying that Count Vladimir was now gone with the wind.
•|• Illinoisdewriter •|•
Do vote and comment your thoughts. They keep me motivated! God bless, Charmings! ♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top