Check-In 01: Someone Who Cares
Check-In 01: Someone Who Cares
NAPAANGAT AKO NG tingin sa taong humawak sa braso ko at itinayo ako mula sa pagkakasalampak sa sahig. Naguluhan ako nang dire-diretso ang lakad ni Kuya Vinz habang kinakaladkad ako palabas sa likurang pinto ng aming bahay.
Nang bitawan niya ako at bahagyang itinulak palayo sa kanya ay doon ko lamang napansin na bitbit niya ang shotgun na pumatay kay mama. Nag-angat ako ng tingin sa kanya nang mapagtanto kung ano ang ginagawa niya. I didn't touch the gun so experts cannot probably find any fingerprints of my mother's murderer. Pero inaako ni kuya ang krimeng ginawa ko.
"Kuya, hindi mo naman kailangan gawin to," lumuluha kong wika.
"Kailangang may managot, Vanie," malungkot na tugon niya.
"Pero hindi mo kasalanan iyon! Ako ang may gawa n'on!"
"Pareho tayong suspek sa krimeng ito at kung pareho tayong tatakas ngayon habambuhay tayong magtatago sa dilim na dalawa."
"Ano ba, kuya?! Hindi kita maintindihan!" Inis na napapadyak ako sa lupa.
"Ilang taon ka ring ikinulong ni mama at sinaktan pero wala akong ginawa dahil natakot ako. Patawarin mo ako."
Lumuhod siya sa harapan ko at humagulgol. Lumuhod din ako at hinawakan ang mga pisngi niya habang nag-uunahan ang mga luha ko sa pag-agos.
"Kuya, wala kang kasalanan. Halika na. Umalis na tayo."
Hinubad ni kuya ang suot niyang jacket at isinuot sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang gilid ng kwelyo n'on at hinatak ako papalapit sa kanya.
"Vanie, makinig ka sa akin. Hayaan mo akong bumawi sa lahat ng pagkukulang ko sa'yo bilang kuya mo. Hayaan mong sa pagkakataong ito, ako naman ang lumaban at magtanggol sa'yo."
Umiling ako sa pinagsasasabi ni kuya.
Ayoko siyang pakinggan...
Ayoko siyang iwan...
"Kuya, ikaw na lang ang meron ako. 'Wag mo naman akong iwan, oh."
"Vanie, Vanie, tingnan mo ako. Magiging okay lang si kuya. Pinapangako ko sa pagdating ng panahon, magtatagpo ulit ang landas natin at sa pagkakataong iyon ay pareho na tayong malaya. Pero sa ngayon, gusto kong ikaw muna ang lumaya."
"Hayaan mong ako naman ang magsakripisyo dahil karapatan mo ring maging malaya sa lahat ng naranasan mo. Mabuhay kang muli at maging masaya. You deserve to be free, to live and to be happy this time," he continued.
"Hindi ko kayang wala ka, kuya."
"Kaya mong gawin lahat ng iyon nang wala ako. Maniwala ka lang sa sarili mo. Maniwala ka."
He cupped my cheeks and kissed my forehead. "Mahal na mahal ka ni kuya."
Naalarma si kuya nang marinig namin ang sirena ng mga pulis sa harapan ng bahay namin. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya. I don't want to let him go.
"Sige na, Vanie. Don't make this hard for us. Pangako, hahanapin kita."
I squeezed his hand and said, "Maghihintay ako sa'yo, kuya."
Tumango siya at ngumiti bago ipinaghiwalay ang aming mga kamay. Tumayo kami at itulak na niya ako palayo.
"Takbo, Vanie. 'Wag na 'wag kang lilingon."
For the last time, I nodded and followed his order. I heard gunshots but I didn't look back...
💀💀💀
"Tsang, please naman, oh. Ayoko rito," pagmamakaawa ko sa tiyahin kong mahigpit na hawak ang kanang braso ko habang hinihila ako papasok sa panibagong bahay ampunan.
Padarag niya akong binitawan at dinuro-duro. "At saan ka pupunta? Sa bahay ko? Talagang balak mo pang dalhin ang kamalasan sa pamilya ko!"
"Hindi ko naman po sinabing sa inyo ako tutuloy, e! Hahanapin ko po si Kuya Vinzi!" I retorted.
Nahatulan ng guilty si kuya sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Pati iyong paglason kina papa at sa kambal ay sa kanya idiniin.
Niyakap ko nang mahigpit ang teddy bear na ginawa niya noong nasa kulungan siya at ibinigay sa akin noong huling pagkikita namin bago siya nawala ilang buwan na ang nakakaraan. I didn't know where they brought him and they won't even tell me but I'm pretty sure that he's still alive. I can feel it within me. Buhay pa si kuya.
I lashed out and nearly use my ability to make them spill his location but I controlled myself. Nangako si kuyang magsasama ulit kami at maghihintay ako sa kanya.
Isang beses na naiinis na nagkamot si Tiya Hilda sa kanyang buhok. Alam kong nauubusan na siya ng pasensya sa akin. Siya ang nag-iisang kapatid ni papa na kumupkop sa akin sa loob ng isang gabi matapos iyong insidenteng nangyari subalit kinabukasan ay kaagad din niya akong dinala sa una kong bahay ampunan.
"Alam mo ikaw demonyita ka, pahirap ka talaga sa buhay ko, e. Pati mga bahay ampunan isinusuka ka at kaninong buhay ang iniistorbo nila? Ang sa akin, Vanie! Pasalamat ka nga't nagmamagandang loob pa ako sa iyo."
Napangiwi ako nang marinig ang sinasabi niya. Lagi siyang tinatawagan ng mga naunang kumupkop sa aking ampunan dahil daw nakakapanakit ako ng ibang bata. Ganoon ang madalas na kwento ng mga nambubully sa akin sa tuwing ipinapatawag kami dahil sa nangyaring gulo na sila mismo ang pasimuno.
Many do not know this but when you're the newest member in the orphanage, you're the most vulnerable to all the bullying and stuffs, and because you are just new, you're the least person to be believed.
Ang totoo rin niya ay sa tuwing binubully nila ako, nagtitimpi pa ako sa una hanggang sa kahuli-hulihang pagkakataong nakakayanan ko pa sila pero kapag sumagad na ang pasensya ko ay lumalaban na ako. Then, the bullies would use that moment against me. Kaya sa huli, ako pa rin ang talunan.
"Tandaan mo pangatlong bahay ampunan mo na 'to at sa oras na paalisin ka nila rito ay huwag ka nang magpapakita pa sa akin. Utang na loob patahimikin mo na ang buhay ko!" nanggagalaiti niyang wika.
"Uy, Sister Grace! Good morning po. Narito na po pala si Vaniellope. Iyong sinasabi ko sa inyo. Naku, napakabait po nitong bata. Kung di nga lang din ako naghihirap ay baka ako na ang tuluyang kumupkop sa kanya," pagbabago ni tsang ng tono sabay ngiti sa madreng nasa harapan namin. Hindi halatang gigil na gigil na siyang ipamigay ako.
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko't masuyo akong pinihit paharap sa madre upang ipakita kunwaring may pag-aalala siya sa akin.
"Ito na ba siya? Huwag kang mag-alala, Hilda, aalagaan namin siya rito," saad ng butihing madre.
"Maraming salamat po."
Pinaharap ulit ako ni tsang sa kanya at niyakap. Gusto niya kasing bumulong sa akin ng, "Umayos ka rito, Vanie. Huling tsansa mo na 'to kung hindi ay sa kalsada ka na matutulog. Humagulgol ka para mas maawa sila sa'yo."
Nang lumayo siya sa akin ay ngumiti siya at hindi na ako nagulat nang makitang naluluha siya. Ang dami na talaga niyang natututunan mula sa pag-eekstra-ekstra sa pag-aartista. Napansin ko ang pandidilat niya sa akin kaya naging hudyat iyon upang humagulgol ako. She briefed me to do this before coming here. Dapat daw ay magmukha akong kaawa-awa sa mata ng mga madre nang sa ganoon ay hindi nila ako basta-bastang paalisin dito. At kapag daw mas dramatic, mas effective. Ika nga niya ay first impression lasts.
Nang tumalikod na paalis si Tiya Hilda ay bahagya akong nalungkot.
She's not lying when she said it.
Kung nakakaraos lang sila sa buhay ay kukupkupin niya ako kaso sa barong-barong lang din sila nakatira ng mga anak niyang nasa bilang na do re mi hanggang so at basagulerong asawa. She just simply did not want me to suffer anymore. She knew I have been through a lot of difficulties. At isa pa, dinadala niya ako sa pananakot at masasakit niyang salita upang itulak ang loob ko palayo sa kanya. She does not want me to get attached to her because she knew she cannot give me a good future that most orphanage could offer.
"Thank you," I mouthed when she turned again to my direction. Then, I saw how she smiled at me with nothing but sincerity.
At least, I am glad to know that there's someone somehow who cares for me.
💀💀💀
"Sister Juneeel..." bulong ko sa madreng mataimtim na nagdarasal habang nakaluhod sa harap ng altar.
Si Sister Junel ay nasa edad bente-kwatro na at siyang naging isa sa mga malapit na madre sa akin dito sa ampunan. Ang bahay ampunan namin ay katabi lamang ng kumbentong pinamumunuan ni Sister Grace. Natigilan sa pagdarasal si Sister Junel at idinilat ang kaliwang mata niya.
"Bakit gising ka pa?"
Ipinikit muli ni sister ang kanyang mata at tahimik na nagdasal habang nakikinig sa akin.
"Kukuha lang po sana ako ng tubig kaso naabutan ako ni Sister Grace at mukhang pagod na pagod na siya kaya inutusan na lang niya akong sabihin sa iyo na ikaw na pong bahala sa pagsasara ng mga bintana at pinto rito sa may sala."
"Tulog na ba si Sister Grace?" tanong niya.
"Sa tingin ko naman po."
"Very good."
Luluhod na sana ako upang sabayan siya sa pagdadasal nang bigla siyang maupo sa sahig at may kung anong hinugot mula sa bulsa ng kanyang suot na abito. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang inilabas niya ang isang pakete ng Tanduay mula roon.
"Bakit may ganyan po kayo?"
"Binili ko," kibit balikat niyang tugon sabay bukas doon.
"Di ba po bawal yan?" tanong kong binalewala naman niya at uminom na.
"Nami-miss ko na 'to. Upo ka, Vanie."
Bilang butihing taga-sunod niya ay umupo ako sa tabi niya habang pinapanood siyang sunod-sunod na lumalagok ng inuming nakakalasing.
"Alam mo, Vanie, sinasabi ko sa'yo habang bata ka pa 'wag kang matakot na ipaglaban kung anong gusto mo," sabi niya na parang may ipinapahiwatig.
"Magpakatotoo ka!" dagdag niya pa.
"Mukhang nagsisisi po kayo. Bakit? Hindi niyo siguro nagawa iyon noon. Ang magpakatotoo."
That's the truth. We often regret those things that we have not actually done kaysa sa mga bagay na nagawa natin.
"Alam mo bang gusto kong maging bokalista ng banda kaso ang sabi ng mga magulang kong relihiyoso ay wala daw akong mapapala roon. Hindi tulad ng pagmamadre na sigurado na ang lugar ko sa langit pagkatapos ng buhay ko rito sa lupa."
"Ipinasok ako ng mga magulang ko rito dahil ito ang gusto nila. Pero paano naman 'yong gusto ko? Namatay na lang sila pero hindi ko parin nagawang ipaglaban iyon," dugtong niya habang lumalagok parin.
"Kaya sinasabi ko sa'yo 'to para maliwanagan ka. Malawak ang mundo, Vanie, at duwag ka kung hindi mo susuyurin ang kahabaan ng EDSA dahil lamang sa takot kang makipagpatintero sa mga sasakyan kahit pa ang totoo niyan ay sa gilid ka lang maglalakad at hindi sa gitna."
Hindi ko makuha kung anong gustong ipahiwatig ni Sister Junel sa mga sinasabi niya at doon ko lamang napagtantong lasing na pala siya dahil humahagikhik na siya na animo'y kinikiliti habang nakahiga sa sahig. Akala ko naman ang tibay niya pagdating sa inuman pero napangiwi na lang ako nang makitang hindi pa nangangalahati ang laman ng Tanduay.
"Sister Junel, ihahatid na po kita sa kwarto niyo. Ako na po ang magsasara ng mga bintana't pinto."
Pagkasabi ko n'on ay kaagad na sumira ang mga bintana't pinto habang unti-unti kong inaangat mula sa sahig ang humahagikhik paring madre. With the help of my ability, it would not be hard for me to carry her to her room. Nakatutok ako sa lumulutang niyang katawan nang maigi habang binabaybay namin ang hallway papunta sa kanyang silid.
Mabuti na lang at hindi nakalock ang pinto niya kaya madali ko itong nabuksan at ipinasok siya. Nagpokus ako upang idirekta pahiga ang lumulutang niyang katawan sa kanyang kama.
"Sister Junel, pahiram ako ng isang damit pangmadre mo ha?"
"Bakit?"
Nagulat ako nang sumagot siya kaya nilapitan ko siya upang masiguro ko kung tulog na siya. Nang makalapit ako'y ipinuwesto ko ang hintuturo ko sa baba ng kanyang ilong. I sighed in relief when I felt her slow breathing rate, an indication that sleep has already knocked her out.
"Lima lang ang napili sa audition, pang-anim ako. Practice naman ako ng practice. Maayos naman microphone ko. Nay, bakit?"
Napangiti ako. Tama nga ako. Mukhang nananaginip siya. Kinumutan ko si Sister Junel at hinawakan ang kamay niya.
"Pahingi po ako ng damit niyo ha. Alam ko na po kasi kung anong gusto ko."
•|• illinoisdewriter •|•
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top