Simula

Nakatingin ako ngayon sa report card ko habang ang guro ko ay nagsasalita sa harap ng klase. Ibinigay niya ito sa amin kanina at ngayon, iaanunsyo niya ang top achievers sa first semester.

Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatingin sa grades ko. Malaki naman siya at sa totoo lang ay kuntento na ako sa nakuha ko. Ang tanging problema ko lang ay ang mga magulang ko na sobra ang expectation sa akin. Hindi ko alam kung matatanggap ba nila kung malalaman nila ang ranking ko sa semester na ito o hindi.

Palagi nilang sinasabi sa akin na magsikap at hindi magpapatalo. Palagi rin nila akong kinokompara sa mga kapatid ko na mga achievers noong sila ay high school pa. Sa totoo lang, ginawa ko na ang lahat. Not to brag pero matalino ako ngunit…

"Congratulations to Joseph for being the highest honor in the class this semester!" maligayang anunsyo ni Ma’am na nagpatigil sa aking mundo.

Agad kong binalingan ang nag-iisang sagabal sa pagpupursige ko. He was smiling. Masaya siya sa kanyang narinig. Umusbong ang inis sa akin at naikuyom ko ang kamao ko.

Why can’t I beat him? Gaano ba siya kagaling? Hindi pa rin ba enough itong effort ko para lang matalo si Joseph?

Nang napansin niya na nakatingin ako sa kanya ay nagbago ang kanyang ekspresyon. Agad akong nag-iwas ng tingin at saka nagbaba ng tingin.

Bakit ba hindi ko siya matalo-talo? Bakit siya na lang palagi? Ginawa ko ang lahat! Gusto ko maging proud ang parents ko sa akin. Gusto ko marinig ang "congratulations" sa kanilang mga bibig gaya ng ibang mga magulang na kino-congratulate ang kanilang mga anak sa achievements nila.

Nagbago ang takbo ng mundo ko simula nang maungasan ako ng lalaking iyon. Simula grade 7 hanggang grade 10, ako ang nangunguna sa buong batch pero ngayong senior high na ako, pangalawa na lang ako palagi.

Bakit kailangan ko pa siyang talunin? Bakit kailangan ko pang makipagkompetensya sa kanya? Gusto ko lang naman makapagtapos and my grades are good enough to apply to prestigious universities. Pero ang mga magulang ko, gusto nila na palagi akong nangunguna.

"Ang talino mo talaga, Joseph! Wala nga lang jowa!" pabirong sambit ng isa kong kaklase na lalaki at nagtawanan sila pagkatapos.

Hindi ako maka-relate sa kanila dahil hindi ko naman sila close. Ang tanging pinoproblema ko lang simula nang umapak ako sa senior high ay kung paano talunin ang lalaking iyon.

"Princess, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Queeny, seatmate at kaibigan ko. "Baka mapunit mo na ang report card mo," aniya sabay tingin sa report card ko.

Agad kong niluwagan ang pagkahawak sa report card at binalingan siya.

"I’m okay," tanging sagot ko at saka umayos ng upo sa upuan ko.

"Hindi ka ba kontento sa grades mo?" pabulong na tanong naman ni Lassy na siyang nakaupo sa likuran ko sabay dungaw sa hawak ko. Namilog ang mata niya nang nakita ang card ko at gulat na tiningnan ako. "Malaki naman, ah!"

Malakas ang pagkasabi niya sa huling sinabi niya kaya nakuha niya ang atensyon ng guro na ngayon ay nasa amin na ang tingin.

"Is there something wrong with your grades, Miss Zamora?"

Lahat ng kaklase ko ay napatingin sa akin. Lahat sila ay kuryuso. Nakita ko ang iba kong mga kaklase na babae na napairap nang tiningnan ako.

"Wala po," I said with finality.

Tumango si Ma’am at ibinalik ang atensyon sa lahat. "That’s all for today, class! Goodbye!"

Nang umalis si Ma’am ay lumapit si Lassy sa akin at masaya akong tiningnan.

"Batchoy tayo!" aya niya sabay hawak sa braso ko. "Celebrate natin grades mo!"

Bumuntonghininga ako at inilagay na sa envelope ang report card. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa parents ko.

Sana ma-realize nila na ginawa ko ang lahat para makuha ang grades na ito. My general average today is 97. Mas malaki pa nga kaysa noon. Sana naman kahit ngayon lang, puriin din ako at tigilan ang pagkompara nila sa akin sa mga kapatid ko na naka-latin honors.

Ayoko nang makatanggap ng pressure at insulto. Ayoko na marinig ang "try harder" na kataga na mula sa kanila.

"Hindi muna ako sasama," matamlay kong pagtanggi. "Kailangan kong umuwi agad."

"Ay!" dismayadong react ni Lassy. "Nalulungkot ka ba sa grades mo?" Inakbayan niya ako. "Malaki na iyan, ah! Sobrang laki na nga, eh!"

"Oo nga!" pagsang-ayon ni Queeny at umusog palapit sa akin. "Malaki na iyan, ah! Magiging masaya na parents mo niyan!"

Natawa ako sa sinabi niya. "Hindi mo kilala ang mga magulang ko, Queeny."

Hindi na sila nagsalita at hinayaan na lang akong magligpit.

Kasalukuyan akong nag-aaral as a senior high school student at Arcade High School, one of the schools in town that only the rich can afford. Pero may mga scholar pa rin naman like Joseph.

"Joseph! Inuman naman tayo, oh! Celebrate!" narinig kong aya ni Roy, isa sa mga kaibigan ni Joseph.

"Pasensya na, pre! Wala akong pera at kailangan kong umuwi agad dahil may gagawin pa ako," agad na tanggi ni Joseph sa kanyang kaibigan.

Sumimangot si Roy nang masulyapan ako. "Sus! Sayang! Ipapakilala sana kita sa pinsan kong babae! May gusto iyon sa iyo, eh!"

Nang matapos ako sa pagligpit ng mga gamit ko ay nilagay ko na ang bag ko sa balikat ko at tumayo na. Lumabas na ako pagkatapos at hanggang sa paglabas, kinukulit pa rin ako ng dalawa na sumama sa kanila. I don’t want to go with them because I am preparing for another insult and disappointment.

Actually, natatakot na akong umuwi dahil makikita ko na naman ang kanilang dismayadong mga mata.

"Ayaw mo talagang sumama?" malungkot na tanong sa akin ni Queeny, nakahawak na sa pintuan ng kanilang van.

Umiling ako at kumaway sa kanila. "Hindi muna…"

"Bumawi ka sa susunod, ah!" Hinila na niya si Lassy at sabay silang pumasok sa loob ng van.

Nasa waiting shed ako, waiting for our family driver to come. Siya kasi ang naghahatid-sundo sa akin. Tiningnan ko ang relo ko at nagulat ako nang makita ko ang oras.

Alas singko na ng hapon.

"Ayaw mo talaga, pare?"

Napatingin ako sa gate. At doon, nakita ko si Joseph na nakangiti kay Roy.

"Pasensya na, Roy."

"Ang daya mo, eh!"

"Sa susunod."

Tumawa sila bago sila naghiwalay ng daan. Iniwas ko ang tingin ko doon. Why would I care about them? Sayang lang ang oras ko.

Umayos ko ng upo nang maramdaman ko ang kanyang presensya.

"Hindi ka pa uuwi?" narinig ko na tanong niya.

Sa gilid ng mata ko ay nakita ko na niyayakap niya ang sarili niyang bag. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin.

Bakit ba siya nakangiti? Hindi niya ba ramdam na ayaw ko sa kanya? Siya ang dahilan kung bakit ako pini-pressure ng mga magulang ko. Gusto nila na matalo ko si Joseph. Gusto nilang ako palagi ang nangunguna which is impossible!

Hindi ako sumagot sa kanyang tanong at tumingin na lang sa mga sasakyan na dumadaan. Halos bilangin ko na ang mga ito.

Awkward siya na tumawa nang wala siyang nakuhang sagot mula sa akin. Tumikhim siya.

"I’m sorry…"

Kumunot ang noo ko at agad siyang tiningnan. Naabutan ko siyang nakanguso kaya nang makita akong nakatingin sa kanya ay agad siyang ngumiti.

"Ayan, nakatingin ka na rin," he cheerfully said.

Umirap ako at umiwas ng tingin. "What do you want?"

"Wala. Gusto lang kitang i-congratulate! Ang galing mo."

Imbes na maging masaya ako sa narinig ay para akong nainsulto.

"Are you shitting on me?" matigas kong tanong na ikinagulat niya. Tiningnan ko siya muli. "O pinamukha mo lang sa akin na hindi kita kayang matalo."

Umawang ang labi niya at nagulat sa sinabi ko.

"Huh? Hindi…Totoong binabati kita at totoo namang magaling ka…"

Kinuyom ko ang kamao ko.

"Are you competing with me?" mahinahong tanong niya sa akin. "I am not competing with anyone. I just want to have a good grade since I am poor."

Bakit ko ba siya kinakausap? He is my greatest rival. And I will work hard to beat him.

"If you are competing with me, then that’s bad."

Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. "Ano? What do you mean?"

"You don’t need to compete." He smiled at me weakly. "Even though you will get a lower grade, I know for sure that great opportunities will come to you. You don’t need to compete with me."

Hindi ako nakapagsalita. I am pissed! Where is my driver at bakit wala pa siya dito?

"I aim for a higher grades because I want to be successful in the future. People like me need to strive hard."

"Whatever!" Tumayo ako nang makita ko ang kotse na paparating. "Whatever you say, it doesn’t change the fact that you are my enemy. You will never change my mind."

At nang huminto ang kotse sa tapat ko, pumasok na ako at padabog na sinarado ang pinto.

Nang nakarating ako sa bahay, sinabi ko sa kanila ang tungkol sa ranking. Pinakita ko rin sa kanila ang grades ko.

"Dad, I got a higher grade than the last school year!" subok ko sabay ngiti.

Si Dad ay sumisimsim sa kanyang kape habang si Mommy ay nagbabasa ng libro. Wala akong nakitang interes sa kanilang dalawa sa sinabi ko kaya sumikip ang dibdib ko.

Ang mga magulang ko ay parehong mayayaman kaya hindi ako naghihirap ngayon. Pero kahit gano’n, pinapahirapan nila ako sa ganitong bagay.

"Princess, I told you to work harder," sambit ni Daddy matapos makita ang grades ko at padabog na ibinalik sa akin ang report card. "You still can’t beat that guy, huh? Last year mo na sa Arcade! You are not like your sisters!"

Nagbaba ako ng tingin upang matago ang sakit na nararamdaman. Ang sakit. Hanggang ngayon, tunog disappointed pa rin sila. I want to talk back. Gusto kong sabihin ang mga nasa utak ko ngayon.

Bakit hindi nila kaya maging masaya sa maibigay ko? Alam ko na man na matalino ako pero hindi sa lahat ng bagay ay mangunguna ako.

"Tama na iyan, Arthur," pigil ni Mommy at sinara niya ang kanyang binasang libro. "Baka naman ay may boyfriend ka na, Princess, kaya hindi ka masyadong focus sa grades mo?"

Nanlamig ako. Bakit humantong sa ganito? Really?

Napaatras ako nang tumayo si Dad.

"You have a boyfriend?" kritikal na tanong niya.

Agad akong umiling at nag-angat ng tingin sa kanya.

"Wala akong boyfriend!" agad kong tanggi. "My grades are good. Why can’t you—"

"You are the lowest of the lowest, Princess," dismayadong sambit ni Dad na nagpapiga sa puso ko. "Akala ko ay ikaw ang pinakamatalino sa pamilya. Palaki ka nang palaki, mas lalo mo lang kaming dini-disappoint. You didn’t do your best, anak."

Naiwan akong tulala sa sala. Iniwan nila ako na parang wala lang at hindi umalis sa isip ko ang dismayadong itsura nila.

Napasinghap ako at tumulo ang luha habang mahigpit na niyakap ang report card. Para aluin ang sarili, nagtungo ako sa convenience store. Mag-isa akong nakaupo sa upuan dito sa labas ng convenience store habang nasa lamesa ko ang binili ko na ice cream. Alas syete na ng gabi at may mga estudyante pa rin akong nakikita.

Hindi ko maiwasan ang magtaka. Hindi ba sila pagagalitan ng parents nila? Hindi pa kasi sila umuuwi at parang wala silang problema. Masaya sila kasama ang kanilang mga kaibigan.

Siguro ay hindi sila pini-pressure ng mga magulang nila. Siguro kontento na ang kanilang mga magulang sa maibigay nila.

Bumuntonghininga ako at tinapos na ang ice cream. Nang akma na akong uuwi, nakita ko si Joseph. Kumunot ang noo ko nang nakita ko siyang nagtatapon ng basura.

Nagtatrabaho ba siya sa gabi?

Nag-iwas na lang ako ng tingin at aalis na sana nang tinawag niya ako.

"Princess!"

Huminto ako sa paglalakad at binalingan siya. Tumakbo siya palapit sa akin at sinilip kung may kasama ako.

"Ikaw lang mag-isa?" tanong niya. "Gabi na, ah!"

"Why do you care?" Kinunutan ko siya ng noo.

"Ah…" Awkward siya na tumawa at tinuro ang convenience store. "Nagtatrabaho ako sa convenience store."

"I am not asking," masungit kong sabi.

"Alam ko at nag-alala lang ako dahil kaklase kita," aniya. "Gabi na at maraming tambay ang madadaanan mo."

"So, what if may mga tambay?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi naman siguro lahat ng tambay ay masama."

Nag-iwas siya ng tingin sa akin at hinagod niya ang kanyang buhok. Maya-maya ay binalingan niya muli ako at nagulat ako nang hawakan niya anng palapulsuhan ko.

"Hey!" protesta ko nang hinila niya ako pabalik sa convenience store.

Pinaupo niya ako sa upuan at naglagay siya ng bag sa lamesa. Inis ko siyang tiningnan.

"What are you doing?" inis na tanong ko.

"Sabay na tayong umuwi," masaya niyang sambit sa akin at ngumisi pa. "Bantayan mo iyan! Bag ko iyan!"

Nataranta ako sa sinabi niya at akma siyang sisigawan nang nakapasok na siya sa loob ng convenience store.

Nanlumo akong umupo pabalik at tiningnan ang bag niyang malinis pero alam ko na luma na.

Bakit kailangan kong sumama sa lalaking iyon? Siya lang naman ang lalaking kalaban ko sa lahat! Hindi dapat ako nandito at sumunod sa sinabi niya!

I really hate him! For real!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top