Chapter 3
Sabado ngayon at walang pasok. Kung sa iba ay pagpapahinga, sa akin ay hindi. Hanggang sa bahay ay nag-aaral pa rin ako.
I was reading my notes in creative writing while I was chewing a gum. Nandito lang ako sa study room, nakaupo.
I was actually not reviewing because Lassy was texting me. I didn't reply. Hindi rin naman ako papayagan sa paanyaya niya.
I sighed and flipped the page. I was about to read the first sentence when someone knocked on my door. Kumunot ang noo ko at binalingan ito.
"Who's that?" I asked and closed my notebook.
"Si Manang mo ito," narinig kong sambit sa labas. "Dinalhan kita ng meryenda, hija!"
"You can open the door. Hindi iyan naka-lock, " sabi ko at binalik ang sarili sa pagbabasa.
Narinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pinto. Si Manang Lourdes ay yaya ko mula bata pa ako. Siya minsan ang pinagsasabihan ko sa problema ko kapag pini-pressure ako nila Daddy.
I looked at her when she put the plate on the side of my table. She smiled at me and looked at my notebook.
She sighed. "Nag-aaral ka na naman?" She caressed my hair. "Pahinga ka naman. Hindi na iyan normal. Matalino ka naman, eh!"
I made a sad face. "Manang, alam mo naman ang parents ko, 'di ba? They want me to strive hard. I did my best and I got a good grade, but it was not enough for them."
Naghila si Manang ng upuan at tumabi sa akin."'Yong marka ng anak ko, hindi man kasing laki ng sa iyo pero proud ako sa anak ko, hija..." Ngumiti siya sa 'kin. "Hindi ko alam kung bakit ginagawa ito ng magulang mo sa 'yo. Kahit ano pa ang magiging marka mo, secure na ang future mo lalo na't mayaman ka."
I slowly nodded. "Kuntento na ako sa grades ko, Manang. But Dad wants me to be the valedictorian at the end of the school year...or he will marry me off to someone."
My voice trembled as I said it. Natatakot ako na baka hindi ko makuha ang gusto nila. I don't want to get married. I want to, but not at an early age. Marami pa akong gustong gawin.
"Bakit hindi mo subukan na mag-open sa parents mo, Hija?" Manang suggested. "Baka naman makikinig sila sa 'yo."
"I tried once!" pag-amin ko. "I tried! I told them back then! But then..."
"Rason mo lang iyan kasi hindi mo kayang talunin ang mga kaklase mo, Princess," mariing sambit ni Dad nang sinabi ko sa kanya ang tungkol sa hinanakit ko.
Napapikit ako nang maalala ko iyon. Pagkatapos no'n ay hindi na muli akong naglakas-loob.
May kumatok muli sa kwarto ko kaya sabay kaming lumingon ni Manang.
"Ma'am Princess, pinapababa po kayo nina Ma'am at Sir," narinig kong sambit ng isa pang katulong namin.
I sighed and looked at Manang. I shook my head and stood up. Ano na naman kaya?
Sinuklay ko muna ang buhok ko bago ako bumaba. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang tatlong tao sa sala. Hindi ko nakita ang kausap nila dahil natabunan siya ng malaking flower vase but his posture is familiar.
"Don't tell me..."
"Oh, my daughter is here! Come here, Hija!" Mommy said happily.
Nang tuluyan na akong nakababa ay binalingan ko ang lalaki. Naistatwa ako nang nakita ko si Joseph. He turned to me and smiled. He even waved his hands on me."
"Hija, halika rito!" si Dad namin.
Tinotoo talaga ang sinabi nila? Why is he here? Hindi ba at may trabaho siya? Ano ang ginagawa niya rito at paano niya nakilala ang parents ko?
I walked shyly towards my parents and sat beside them. Hindi ako tumingin kay Joseph pero alam ko na nakangiti siya.
"Mabuti at pinaunlakan mo ang gusto ko, Hijo," panimula ni Daddy sa tabi ko. "My daughter needs an intelligent tutor at tingin ko ay ikaw pinaka-qualify sa gusto ko."
Nanatili lang akong nakayuko. Joseph knew that I was competing with him. Pero ano ang ginagawa niya rito? Hindi ba siya natatakot?
He said he was only aiming for a higher grades since he was poor. Pero ano ito?
"Opo..." tanging sagot ni Joseph at ramdam na ramdam ko pa rin ang kanyang titig sa akin.
"Very well," Daddy said happily. "Don't worry. My daughter is a fast learner, and I expect na makakakita ako ng improvement. Lately, mas lalo lamang niya kaming binibigo, hijo."
Kumuyom ang kamao ko at sumikip ang dibdib ko. Bakit kailangan niya pa iyong sabihin kay Joseph?
"Hijo, I heard from Princess that you are good at almost everything," si Mommy. "I hope you will share your strategies with her."
Tumawa bigla si Joseph kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.
"Magaling naman po ang anak niyo, Ma'am at Sir," sambit ni Joseph na ikinagulat ko. Ngumiti siya sa 'kin bago nagpatuloy. "Na-perfect niya nga kahapon ang exam namin sa DISS at napansin ko na magaling siya sa Math!"
Nanatili lang ang tingin ko sa kanya. Tinitingnan kung genuine ba siya sa sinasabi niya o pakitang-gilas lang para tanggapin siya ng magulang ko.
"Oh, don't praise her like that, Hijo!" si Daddy. "I know you are better than her. She's not taking her studies seriously..."
I gasped and lowered my head. Nanubig ang mata ko. Why? Di pa ba nag-aaral nang mabuti ang 97?
"Naku! Siya po ang pinakatahimik sa room namin, Ma'am at Sir! She is taking her studies seriously!" depensa ni Joseph. "Pero sige po, gagawin ko po ang lahat!"
"Talaga?" Mom asked in disbelief. "I mean, are you also aiming for the valedictorian award?"
"S'yempre Oo, Ma'am!" Joseph answered with honesty. "Pero, wala naman sa akin kahit hindi ako makakuha ng gano'ng award. Kailangan ko lang ng malaking grades para makapunta sa magagandang unibersidad ng libre!"
"Hmm..." si Daddy at nag-isip.
Ayokong tumagal ang usapan na ito. Nakakagalit! Bakit ang bait niya? Dapat maging competitive rin siya! Hindi iyong ngumingiti sa harap ko.
After the talk, hinatid ko siya palabas ng bahay. Nakasuot siya ng white t-shirt and jogging pants.
"How did you know my parents?" tanong ko habang ang aking kamay ay nasa bakal na ng gate. "Are you going to be my tutor?"
Ngumiti siya sa akin sabay tango.
"Why?"
He sighed and walked towards his bicycle. "Kailangan ko ng extra-trabaho kaya tinanggap ko ang alok ng Daddy mo."
"Hindi pa ba sapat ang trabaho mo sa convenience store?" I asked again.
"S'yempre, hindi. May dalawa akong kapatid. At saka sakitin nanay ko kaya ako na ang tumataguyod."
Umawang ang labi ko. I suddenly felt sad about him. He is a struggling student. How old is he? 17? 18?
"You don't have to be my tutor," ani ko na ikinahinto niya sa pagsakay sa kanyang bag. "I can handle myself."
Humagalpak siya ng tawa. "Ikaw talaga! Ang sungit-sungit mo sa 'kin, ah! Ngayong linggo mo lang ako napansin, eh!"
Nagulat ako sa sinabi niya."Huh?"
Umiling siya. "Wala. Ang totoo'y hindi ko naman talaga tatanggapin, eh!" Napakamot siya sa kanyang buhok. "Hindi ko kasi kilala kung sino tuturuan ko noong una, eh, no'ng nalaman ko na ikaw pala, nagtaka ako, kasi hindi ka naman masyadong bobo para turuan pa!"
"That's the point!" Humigpit ang kapit ko sa gate. "I am not bobo para turuan mo pa!"
Lumapit siya sa akin kasabay ng kanyang bike. "Eh, malaki ang sahod at saka..." Napasinghap ako nang inilapit niya ang kanyang sarili sa akin. "Ang ganda pa ng tuturuan ko kaya swak na!"
Namula ang buong mukha ko sa narinig. Napasinghap ako nang pinisil niya ang pisngi ko at saka siya nag-bike papalayo sa akin.
Natulala ako saglit at nailagay ko ang kamay ko sa dibdib ko. What did he just say? Maganda ako? Napakurap-kurap ako at naibaba ang tingin sa dibdib ko nang naramdaman ko ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko.
What is happening? Nailagay ko ang kamay ko sa mukha ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top