Chapter 2
“I will hire that Villamor to be your tutor.”
Natigil ako sa pagbabasa dito sa sala nang biglang nagsalita si Dad. Nakatingin siya sa akin habang nakakunot ang kanyang noo.
"Ano ang ibig mong sabihin?"
“You didn’t do your best to beat him, Princess. I want you to receive the Valedictorian award at the end of the school year.”
“Dad—”
“Or kung gusto mong ipagkasundo kita sa anak ng kasosyo ko, Princess…” banta ni Daddy. “I want you to strive hard to earn that award. I want you to try harder, Princess. Or I will marry you off to someone.”
Namilog ang mata ko sa kanyang sinabi. What kind of father is he? Why did he do this to me? Hindi niya ba napansin na pagod na pagod na ako? Hindi niya ba alam na pini-pressure na niya ako?
I want to talk back. I want to say what I want to say. But I am not brave enough to do that.
I ended up crying in my room. I hugged the pillow as I cried silently. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay kinakaya ko pa rin. I want to live normally. I want to live like my classmates. Walang iniisip na ganito.
Malaki ang grades ko. My classmates told me that. My teachers even told me that they were proud of me. But…
“Why…” Hindi pa rin ako tumigil sa paghikbi. “Why can’t you be proud of me?”
***
"Get one whole piece of paper!" my DISS teacher strictly said.
“Pahingi nga one whole, Ces!” si Queeny at sumunod namang nanghingi si Lassy.
Halos pumuti na ang mata ko sa kakairap. Ang yayaman ng mga babaeng ito pero walang pambiling papel!
“Ayokong makatanggap ng low score, ha!” paalala ni Ma’am sa amin. “Last year niyo na ito and I expect you all to do your best.
Agad namang nagsitanguan ang mga kaklase ko.
By the way, my assigned seat was in the first row. Pinagitnaan ako nina Lassy at Queeny. Kaya ang dalawang ito ay nakadepena na sa akin.
“Number one!”
Natataranta na ang ibang kaklase ko habang ako ay kalmadong sinusulat ang pangalan ko. Confident ako na makasagot dahil nag-review ako kagabi. Even though I cried, I clearly remembered what I reviewed.
“Number one…It is the scientific study of humanity, concerned with human behavior, human biology, cultures and society…” my teacher dictated as she walked around the classroom.
Agad akong sumagot sa papel ko nang malaman ko ang sagot.
“Anthropology?” bulong ni Queeny habang nakadungaw sa papel ko.
Pumikit ako para pigilan ang sarili na mairita sa kanya. Bakit kailangan pang sabihin? Kung gusto niyang kumopya, kumopya ng tahimik. Kung hindi siya sigurado sa sagot ko, huwag siyang kumopya.
The quiz was easy and I was confident that I got the highest score. I reviewed it last night despite the situation.
Nang mag-exchange ng papel ay aksidenteng kay Joseph ang natanggap ko. Umawang ang labi ko habang nakatitig sa kanyang penmanship.
Sobrang linis at ang ganda ng penmanship niya. Parang galing sa print.
I sighed and put corrected by on his paper.
I thought he would get the highest score, but I was surprised he got 47 out of 50. I even checked his paper again dahil baka may namali lang ako pero wala naman.
“Who got the highest score?” tanong ni Ma’am.
Hindi ko alam kung sino ang nag-check sa papel ko. Malaki ang tiwala ko na malaki ang magiging score ko. But now, kinabahan ako.
“Princess Ariela Zamora,” basa ni Joseph sabay tingin sa akin. “50 out of 50…”
Namilog ang mata ko lalo na nang ngumiti siya pagkatapos. Nakita ko ang pagtulak sa kanya ni Roy.
I got the perfect score? Halos maiyak na ako dahil naka-perfect ako. Hindi naman ito bago sa akin pero iba kasi. Kagabi, wala ako sa mood pero pinilit ko pa rin ang sarili ko.
My teacher and some of my classmates congratulated me. I smiled at them and got excited. Hindi ko alam pero sobrang saya ko ngayong araw.
“Hey…”
I saw Joseph walking towards me. He was about to speak when Leila suddenly interrupted.
“Joseph!” Leila shouted. “Partner tayo sa Earth and Science!”
“No,” agad na tanggi ni Joseph. “I already have a partner.”
Kinuha ko na ang bag ko dahil inakay ko na si Queeny na lumabas. She was busy with her phone kaya hindi siya nag-ingay ngayon.
“Sino naman?” narinig kong tanong ni Leila.
“Sagutin mo na kasi si Leila, Joseph. Since grade 11 pa iyan nanliligaw, ah!” narinig kong biro ni Jude.
“Shut up, Jude!”
“Queeny, tara na!” aya ko sabay hawak sa siko niya.
“Wait lang! May ka-chat ako, eh!” kinikilig niyang sambit at bumalik sa pag-upo.
“Who is your partner, Joseph? Hindi naman si Roy kasi partner sila ni Isabel.”
“Princess…”
Namilog ang mata ko at gulat silang nilingon.
Inis naman akong tiningnan ni Leila. She is pissed! And what the hell? I am not his partner?
“Uy, seryoso ka ba riyan, Joseph? Ngayon-ngayon ka lang gumalaw, ah!”
Kumunot ang noo ko. “I am not your partner.”
“May partner ka ba?” he asked me in his serious tone.
“Wala,” agad kong sagot.
He smirked. “Then I am your partner.”
I gasped. “What?”
Inayos niya ang kanyang bag. “Wala. I need to go. May trabaho pa ako.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top