CHAPTER TWENTY-NINE

“CIPHER’s Eye


BUMALIK na kami sa covert ng grupong kinabibilangan ko ngayon. Wala naman kaming napala sa pagpunta namin sa siyudad. Wala na kaming ideya kung sino ang dumukot kay Eleneor. Seems like we are now searching for a ghost. All we have to do now is to accept that our first mission failed. What a sad and tiring day.

“Nahanap niyo na ba?” tanong ni Clifford nang magkita niya kami sa Hallway.

Parang pinagsalukban ng langit at lupa ang mga mukha nina Dwell at Denchi dahil wala kaming ibang ginawa kundi ang tanungin lang ang batang si Reynard.

“Don’t be sad you little piece of shi— I’m sorry,” pagpuputol ni Clifford sa kanyang sasabihin sa dalawa, “mayroon pa naman tayong anim na araw para mahanap si Eleneor.”

Sa pagsasalita ngayon ni Clifford ay naninibago ako. Hindi kase ako sanay na mabilis siyang magsalita dahil noong una ko siyang makilala ay madalang itong magsalita sa amin at sa kanyang kagrupo.

“It’s easy for you to say. Wala na kaming ibang ideya kung saan hahanapin si Eleneor,” sagot ni Dwell at tumungo na sa Dining Room ng bunker at agad na kumuha ng pagkain. Gabi na kase nang makarating kami dito. Nakakapagod naman kaseng maglakad at iyon lang ang ginawa mamin maghapon.

Umupo ito at napabuntong hininga dahil sa pagkadismaya sa aming pagpunta sa siyudad. Umupo na rin kami at sinabayan sa pagkain si Dwell. Nandoon sa dulo ng Dining Room ang kanilang Empress. Kumakain din ito habang inalalayan siya ng kanyang mga alalay sa pagkain. Sila ang bumibigay ng mga kutsara at tinidor at sila rin ang naglalagay ng tubig sa kanyang baso.

Nang magtama ang aming mga paningin ay agad niya akong tinignan ng masama. Alam ko kase na hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawa ko sa kanya. Muntik ko na siyang matusta. Hindi ko na inisip pa ang mga bagay na iyon at itinuloy ko nalang ang aking pagkain.

Nasa isang plato ko ang isang vegetable salad na mayroong cabbage, bell pepper, crushed boiled eggs corn, at tomatoes. Nasa pangalawang plato ko naman ang limang piraso ng cutlets at isang piraso ng saging.

Nang kakagatin ko na ang isang cutlet ay nahagilap ng aking mata ang pagpasok ng Five Death Pillars. Napatigil ang lahat nang makita nila ang lima na pumasok para kumain. Ganito nalang lagi ang senaryo kapag nakikita nila ang grupo. Mayroon na naman silang dalang mga pera at ibinigay ito sa Empress. Napangiti ng napakalapad ang kanilang Empress at nang makita ako ni Krayken ay biglang uminit ang kanyang ulo. Binigay niya ako ng matalim na tingin na agad ko namang ikinaiwas ng tingin. Hanggang kailangan niya balak akong kamuhian?

Isa-isa silang umupo sa isang lamesa na para lang sa kanila. Bigla kong naalala ang bawat deskripsyon tungkol sa kanila. Ang una kong naalala ay si Trevor Ronin. Kung tama ang pagkakaalala ko ay isa siyang bihasa sa pag-hack ng kung ano-ano. Kaya nga siya binansagang Cipher.

“Guys, Is Trevor a nice guy?” tanong ko kanila na agad naman nilang ikinagulat.

“What do you mean?” tanong sa akin ni Dwell.

“Mukhang matutulungan niya tayo sa ating misyon.”

Nabilaukan naman si Denchi sa aking sinabi at nakita ko si Bain Cane na halos mamula na sa kakapigil sa pagtawa dahil nakita niya si Denchi na halos mamatay na sa kakaubo.

“Are you out of your mind?” tanong sa akin ni Dwell.

“Well, I’m not,” sabi ko. Ngumiti ako ng sapilitan sa kanya, “Well, maybe I’m sort of crazy.” Binigyan ko sila ng pilit na pagtawa at agad na tumayo papunta sa kinaroroonan ng Five Death Pillars.

Pilit akong pinigilan ni Dwell pero hindi ako nagpapigil. Lahat sila ay nag-aalala sa puwedeng maging mangyari kapag nakausap ko ang isa sa myembro ng kanilang hinahangaan na grupo. Hindi naman ako naghahanap ng away. Ang tanging gusto ko lang ay makahingi ng tulong. Mukhang hindi naman yata ako matatanggihan ni Trevor dahil myembro rin ako ng RAPSCALLION.

“G’day, folks,” pagbati ko sa kanila pero hindi nila ako napansin. Hindi ko alam kung napansin nila ako o talagang sinadya lang nila na huwag akong pansinin. Napapagitnaan nina Tro-Jan at Jenly si Trevor kaya inusug ko si Trevor para maka upo sa tabi niya. Wala naman siyang reklamo sa aking ginawa.

“Hi,” mahinang sabi ko sa kanya pero tinuloy lang niya ang kanyang pagkain. Agad akong huminga ng malalim at inulit ang aking sinabi, “hi. I’m Nate Peter Horseson—”

“I already knew you,” pagpuputol nito sa aking sinabi at tila ba ay wala ito sa katinuan na kausapin ako pero itinuloy ko pa rin ang aking binabalak.

“That’s good. That’s good. By the way. Alam ko kung sino ka—” pinutol niya muli ang aking sasabihin.

“Well, You should be. Dapat mong malaman kung sino-sino ang mga myembo ng—” Sa pagkakataong iyon ay ako naman ang pumutol sa kanyang sinasabi. Bumawi lang naman ako.

“Dederitsuhin na kita. Kailangan ko ang tulong mo.”

Dahil sa aking sinabi ay agad siyang napatigil sa kanyang pagkain at dahan-dahang tumingin sa akin. Binigyan niya ako ng nakaksindak na tingin pero hindi ko na iyon inintindi pa dahil ang mahalaga ay mapakiusapan ko siyang tulungan kami.

“What do you want?” maangas nitong sabi at biglang nabaling ang aming paningin kay Krayken.

“Ginugulo ka ba ng mokong na iyan?” maangas na tanong ni Krayken kay Trevor.

“No,” tipid na sagot ni Trevor at nabaling ang kanyang atensyon sa akin. “What do you want?” inulit na naman niya ang tanong niya.

“Diba magaling ka mang-hack?”

“And then?” maangas pa rin nitong tanong at pinagpatuloy niya ang kanyang kinakain.

“Can you help me. I mean… us?”

“How many percent do I earn if I help you?”

“What?” mahinang sabi ko dahil hindi ko lubos akalain na may kapalit pa pala ang paghingi ng tulong. Sa pagkakaalam ko ay nagtutulungan ang buong RAPSCALLION. Pero parang nagkamali yata ako.

“May problema ba?” tanong nito.

“No. No. I-I mean… Can you hack all the surveillance cameras around the City?” tanong ko na ikinagulat naman niya.

Itinigil niya ang kanyang ginagawa at tumingin sa akin. Napatili ito sa kanyang narinig mula sa akin at halos hindi na niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Kulang nalang ay lumundag siya sa saya.

“A-ayos ka lang?” tanong ko sa kanya.

“Oh, no. He’s not okay, kid,” sabi ni Jenly nang mapansin na nila ang mga kilos na ginagawa ng kanilang kasama.

Sa sinabi niyang iyon ay hindi na ako nag-alala. Hinintay ko munang matapos si Trevor sa kanyang ginagawang pagtili at paghalakhak dahil sa sinabi ko. Nang naging ayos na ang lahat ay agad siyang umupo at mayroon siyang pinindot sa kanyang braso at lumabas doon ang isang holoboard.

Napatulala ako sa kanyang ginagawa at sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakakita ng isang holoboard. Mayroon siyang hinanap sa kanyang holoboard at naghintay nalang ako sa kanyang tabi. Ayaw ko naman siyang gambalain sa kanyang ginagawa at baka magalit pa ito sa akin.

Nakita ko si Krayken na tinitignan ako ng masama. Hinahawakan niya ng mahigpit ang kanyang kutsara ng mahigpit at parang pinipigilan niya ang kanyang galit dahil sa kanyang nakikita. Hindi ko nalang siya pinansin. Hindi ko nga alam kung bakit umiinit ang dugo niya kapag nakikita ako. Wala naman akong ginawang masama.

“Look, this is my own hacker software,” pagmamayabang nito sa akin na parang isang bata. Nakinig lang ako sa kanyang sinasabi at base sa impormasyon na binibigay niya sa kanyang imbensyon ay paniguradong makakatulong ito sa paghahanap namin kay Eleneor.

Tinatawag niya itong CIPHER’s eye. A specialized hacking software created by Trevor Ronin. This is a promising technology that can hack object or a person using cameras of any device. It can use to detect, recognize, and track every person inside the Central City except from the Palace and from the outside of the wall. Maybe it wasn't that too advance because it still has this limitation.

“Looks pretty dope, huh?” pagmamayabang niyang muli, “ayaw kase ng mga kasama ko ang tungkol sa aking imbensyon kaya nang marinig ko ang sinabi mo ay mapapatunayan ko sa kanila ang magagawa nito. Kaya kahit sino ang gusto mong ipahanap ay hahanapin ko. Wala ng kapalit,” sabi nito at niyakap ako ng mahigpit.

“Okay. Okay,” sabi ko habang nahihirapan na huminga.

“You’re my little bro, now!” sigaw niya at tumawa pa ng malakas.

Thank you for reading:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top