“ Mission”
HINDI kasing laki ang kanilang pasilidad sa pagsasanay kumpara sa pasilidad na nasa loob ng E.H. laboratory. Sapat lang ang espasyo nito sa sampung tao kaya nang pumasok kaming anim sa loob ay parang naging masikip na ang buong paligid. Sa loob ng dalawang buwan ay kaming tatlo lang ni Tellereza at Bain Cane ang unang recruit ng RAPSCALLION para maging myembro nila.
Iniiwasan kase nila ang dumagdag ng myembro dahil nga sa kapos ang kanilang pangangailangan sa araw-araw. Kahit mayroon silang silid para sa pagtatanim ng mga gulay at prutas ay hindi pa rin sapat iyon sa kabuuang bilang ng grupo. Tinitipid din nila ang kanilang kuryente para sa artificial sunlight ng kanilang mga tanim. Dahil nga iilan lang ang natatanggap nilang mga misyon ay kapos sila ng pera at kung mayroon mang misyon na dumating na sasapat sa buong grupo ay ang tanging makakagawa lang ng misyon ay ang Five Death Pillars. Sila lang daw kase ang may kakayahang pagtagumpayan ang misyon ng maayos.
Ang Five Death Pillars ay nasa misyon ngayon. Maaga silang umalis para gawin ang sinasabi ng misyon. Ang sabi ni Dwell ay ang misyon nila ay patungkol sa pagpatay ng isang tao. Hindi na niya alam kung sinong tao ang kanilang papatayin. Hindi na siya nagtanong pa patungkol sa kanilang misyon at isa pa ay madalang lang silang mag-usap. Kumbaga ay hindi sila magkaibigan.
“Sa totoo lang ay wala kaming ibang maituturo sa inyo kundi ang tamang paghawak at pag-asinta lang ng bala at baril,” sabi ni Dwell nang tumayo ito sa gitna ng gym. Nasa likod niya ang kanyang dalawang kasama at talagang hindi sila naghihiwalay kahit saan sila pumunta, “alam ko naman na mayroon kayong abilidad na wala sa isang normal na tao. Sapat na iyon para maprotektahan ninyo ang inyong mga sarili.”
“Nasaan na ang baril? Gusto ko ng subukan!” sabi ni Bain Cane at atat na atat na siyang gumamit ng baril.
Umalis muna sandali si Dwell at sa kanyang pagbabalik ay mayroon na siyang dalang tatlong baril. Bago niya pa itong ilahad sa amin ay may biglang dumating sa loob ng gym. Naramdaman namin ang kanyang presenya nang isinara niya ng malakas ang pinto.
“Anong nangyari sa iyo?” tanong ni Dwell sa lalaking biglang nagpakita sa gilid namin.
Hindi ito nagsalita at paika-ika ito kung maglakad. Marami rin siyang mga sugat sa katawan at gula-gulanit ang kanyang kasuotan. Parang nanggaling siya sa isang labanan at himalang nakatakas sa kanyang mga kalaban.
“Don’t talk to me, you, jerk!” maangas nitong bulyaw sa kanyang kausap at mabuti nalang ay nakontrol agad ni Dwell ang kanyang emosyon.
“You know that guy?” tanong ko kay Dwell at nabaling ang kanyang atensyon sa akin.
“He’s Vyxin Vix. One of the member of RAPSCALLION,” sabi ni Dwell sa akin habang tinitignan si Vyxin na mayroong ginagawa sa isang sulok ng gym, “mayroon siyang ibang paraan sa pagkolekta ng misyon. Hindi siya kadalasan tumatanggap ng misyon na nakapaskil sa mission board na nakasabit sa Assembly Hall ng bunker.”
“Ano ang mission board?” tanong ni Tellereza sa kanya.
Agad siyang sinagot ni Dwell at ayon sa kanya ay ang mission board ay isang malaking tabla kung saan nilalagay at pinapaskil ang mga misyon na natanggap ng mga receptionists ng RAPSCALLION. Dagdag pa niya ay ang mga receptionists ay ang mga tao ng grupo na hindi nananalagi sa bunker na kung saan kami ngayon. Malayo ang distansya nila mula sa amin para maprotektahan ang daan papunta sa bunker ng RAPSCALLION.
“Mamaya ay pupunta tayo sa kanilang kinaroroonan para magkaroon kayo ng ideya sa takbo ng buong RAPSCALLION,” pagtatapos ni Dwell sa kanyang pagpapaliwanag kay Tellereza.
“Hindi mo ba nagawa ng maayos ang iyong misyon kaya nagkaganyan ka?” tanong ni Dwell kay Vyxin na abala parin sa kanyang ginagawa, “ano ba kase ang nangyari?”
“Wala ka ng dun,” maangas pa rin nitong sabi at agad niyang itinigil ang kanyang ginagawa at humarap sa aming anim. “Let me give you a piece of advice,” nakangising sabi nito. “Don’t ask me, don’t talk to me, and don’t you ever come near to me. Understand? If you attempt to do it, say goodbye to your head.”
“Is that an advice or threat?”
“It depends of how you accept it. That’s not my problem.”
Nang masabi niya iyon ay agad na siyang lumabas ng facility. Naiwan kaming anim sa loob at agad na pinuntahan ni Denchi ang bagay na hinahalungkat kanina ni Vyxin. Vyxin was looking inside a rectangular container where something kept in store, in short, he’s looking for an ammo inside their chest.
“Why he’s so pissed off?” tanong ni Denchi.
“Okay. Let’s begin our training!” pagbabago ni Dwell at hindi niya sinagot ang tanong ni Denchi.
***
“THIS is the mission board,” pagpapakita sa amin ni Dwell nang marating namin ang Assembly Hall.
Limang oras kaming nag-ensayo sa loob ng pasilidad ng pagsasanay at kahit papaano ay natuto naman ako sa pag-asinta gamit ang baril. Hindi ko naman puwedeng balewalain ang mga itinuro sa akin ni Dwell dahil kakailanganin ko iyon kapag dumating ang araw na tatanggap ako ng misyon.
“Napakaraming mga nakapaskil na misyon pero bakit walang may gustong gawin iyon?” tanong ni Bain Cane.
“Hindi kase kaya ng ibang RAPSCALLION ang mga misyon na iyan. Kulang kase kami sa armas at isa pa ay mahihina pa ang karamihan sa amin,” sagot ni Denchi sa kanya, “katulad nito, tanging ang Five Death Pillars lang ang makakagawa ng misyong ito,” pagpapatuloy niya at agad na kinuha ang isang papel at binigay kay Bain Cane.
Nakasulat sa papel ang isang misyon na galing sa taong walang inilagay na pangalan. Ayon sa sulat ay kailangan niyang nakawin ang mamahaling portrait sa loob ng Golden Palace. Kung tama ang pagkakatanda ko ay ang portrait na tinutukoy sa sulat ay ang portrait ni Guilleriemo. Hindi ko alam kung bakit napakamahal ng portrait na iyon.
Binabantayan iyon ng mga elite guards dahil mainit iyon sa mga mata ng marami. Ang elite guards ng Golden Palace ay ang pinakamahusay sa buong golden troops. Nakilala sila sa kanilang pulang helmet at war suit. Kaya sang-ayon naman ako sa sinabi ni Denchi na imposible namang malusutan ang mga elite guards para lang sa pagkuha ng portrait.
“Did you brought all your personal gun?” biglang tanong ni Clifford na ikinalundag naman ni Tellereza sa pagkabigla.
“Narito sa aming gun strap,” sagot ko naman sa kanya at hindi na siya nagsalita pa. Bilib naman ako sa kanya dahil nakakaya niyang hindi magsalita ng matagal.
Iniwan na namin ang mission board at tumungo kami sa vegetation hall. Nakita na namin ang lugar na ito noong unang araw namin sa bunker pero pahapyaw lang ang aming pagtingin dahil sa pagmamadaling pagpunta sa Empress.
Bawat estante na nakikita namin ay napupuno ng mga tanim na gulay. They planted different vegetables, fruits, herbs, and spices all around the vegetation hall. I saw a group of cabbage, carrots, celery, onions, garlic, jalapeño, beans, potatoes, in one place but separated by their own division. Every group of vegetables had their own artificial sunlight that help them grow. The bunker had multiple numbers of trees at the very end of the hall. Each one of them also had its own artificial sunlight, same with the lone tree in the middle of Dining Room.
“I don’t know why but it feels like so peaceful around here,” sabi ni Tellereza habang naglalakad kami sa gitna ng dalawang estante, “the dominant color is green. I love green.”
Mayroong mga kababaihan ang nag-aalaga sa mga tanim nila. Sila ang inatasan sa pangangalaga ng mga tanim at sa mga sugatang mga RAPSCALLION. Malaki naman ang pakinabang nila sa buong grupo lalo na sa pagsisilbi sa kanilang Empress.
“Handa na ba kayong pumunta sa lugar ng receptionist?” tanong ni Dwell nang nasa mahabang pasilyo kami. Ito ang pasilyo na kung saan ang ilaw lang ay nagmumula sa mga bunker lights na nakakabit sa magkabilaang mga pader.
“Gusto ko kaseng ipakita sa inyo kung paano tumanggap ng mga misyon galing sa ibang tao,” pagpapatuloy niya.
“Ano pa ang aming magagawa kung nasa bunganga na kami ng bunker?” sarkastikong sabi ni Bain Cane at napatawa ang lahat sa kanyang sinabi.
Kagaya ng dati naroon ang mga bantay na mayroong suot na sunglasses. Binabantayan ang pasukan ng bunker. Binati sila ni Dwell pero wala silang sinabi at hindi na niya iyon pinansin pa at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Kagaya ng dati ay masukal ang kagubatan. Walang magandang daan ang aming tinatahak ngayon at hinahawi namin ang mga dahon na humaharang sa aming daan. Mabuti nalang ay maganda ang panahon ngayon. Hindi kami nahihirapan sa paglalakad. Kapag nagkataon na unulan ay malamang nadudulas na kami sa daan.
Kung minsan daw ay nakikita nila sa malayo ang mga CRYPTIC na naglalakad. Kahit mortal nila iyong kaaway ay hindi nila sila tinangkang patayin. Kailangan nilang itago ang kanilang sarili para sa kanilang grupo.
Ilang oras kaming naglalakad at nakarating kami sa lugar ng kawalan.
Napapalibutan pa rin kami ng matatayug na mga puno at walang kung ano man sa lugar na ito.
“Sigurado ka bang tama ang tinatahak nating daan?” tanong ni Bain Cane kay Dwell at hindi ito nagsalita.
Ilang sandali lang ay may narinig kaming kaluskus sa likuran ni Bain Cane. Mabilis kong hinugot ang aking baril para ihanda ang aking sarili kung sakali mang mga kalaban iyon.
“Nababasa ko ang iniisip nila,” biglang sabi ni Tellereza na naroong umiilaw na ang kanyang mga mata na nagpapakahulugan na ginagamit niya ang kanyang abilidad.
“Ano ang inisiip nila?” mahinang tanong ko kay Tellereza.
“Sabi nila ay—” putol na sabi niya nang makita ko ang dalawang lalaki na mayroong kasamang isang lalaki na mayroong maliit na sako ang ulo.
“What the—”
“Woah! Woah! Don’t shoot, Nate!” pagpipigil sa akin ni Dwell nang makilala niya ang dalawang lalaki.
“What is happening?” tanong ko.
“They are the receptionist,” pagpapakilala ni Dwell at nginitian ako ng dalawang lalaki at sabay nilang binigkas ang mga salitang…
“Long live and thrive!!!”
Thank you for reading :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top