CHAPTER THIRTY-TWO
“The Man Who killed his Parents”
Agad kong binuksan ng marahan ang pinto kung saan tinatago ni Cruxian ang anak ni Mr. Oliver. Inihanda ko ang aking baril dahil hindi ko alam kung ano ang nasa loob. Dala na siguro sa kalumaan ay lumikha ang pinto ng tunog ng pag-irit nang binuksan ko ito.
Dalawang lalaking CRYPTIC ang nakasalubong ko sa loob at agad ko silang binaril. Hindi manlang nila nahugot ang kanilang mga baril bago ko sila napatay.
Napakalawak ang loob kaya hindi ko agad nahanap ang kinaroroonan nina Eleneor at ang babaeng immune. Nakita ko sa loob ang mga naglalakihang mga cylinder tube na mayroong lamang tubig. Naalala ko tuloy ang unang beses kong pagdating sa laboratoryo ni Erso. Ganito din ang mukha ng mga cylinder nang obserbahin ako ni Beatrice.
Nauna akong pumasok sa loob at nandoon sa labas ang mga kasamahan ko. Sinamahan ako sa loob ni Bain Cane sa paghahanap kay Eleneor pero naghiwalay muna kami para mas mapadali ang aming paghahanap. Nandoon ang iba sa labas para bantayan kami sa loob kapag mayroong magtangkang dumating na mga CRYPTIC.
Nang dumaan ang ilang oras sa paghahanap ko sa kaliwang parte ng warehouse ay nakita ko ang isang lalaking pamilyar sa akin. Kahit malayo ang distansya ko sa kanya ay sigurado akong kilala ko ang lalaking ito. Wala itong malay na nakahiga sa harap ng naghehelerang nga cylinder tube. Siguro ay ilalagay siya sa loob para obserbahin pero bigla namin silang inatake kaya iniwan nila siya dito pansamantala.
“Geek!. Wake up!” sabi ko sabay niyugyug ang kanyang balikat para magising. Ilang ulit ko pang sinabi sa kanya na gumising siya pero ayaw nitong imulat ang kanyang mga mata.
Nararamdaman ko naman ang pagpintig ng kanyang mga pulso sa katawan at hindi na ako nag-alala pa dahil alam kong buhay siya. Mga ilang sandali ang nakalipas ay dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at laking gulat nito nang bigla akong sinapak sa mukha.
“STAY AWAY FROM ME! RELEASE ME!!! PLEASE!” sabi nito habang pilit niyang kumawala sa aking mga bisig. Agad ko siyang pinakalma dahil mukhang hindi niya pa ako nakilala. Medyo masakit ang kanyang ginawang pagsapak sa mukha pero hindi ko na iyon inintindi dahil kailangan ko siyang gisingin sa kanyang ikinikilos.
“Ako ito. Si Nate! Gumising ka!” sabi ko at sabay sinapak ang kanyang mukha para matauhan.
“Nate? H-how did you—?” nagtatakang tanong nito at unti-unti siyang kumalma nang nakumbinsi na niya ang kanyang sarili na ako si Nate.
“What’s going on?” biglang sabi ni Bain Cane habang hingal na hingal itong lumitaw sa harap namin, “narinig ko ang sigawan ninyong dalawa kaya agad ko kayong pinuntahan,” sabi nito na halatang hirap sa paghinga, “w-wait. I-Is that—”
“Geek,” pagputol ni Geek sa sinasabi ni Bain Cane.
Hindi na ako nag-aksaya ng panahon pa at agad na tinanong si Geek kung nakita niya ba ang babaeng hinahanap namin. At tanungin kung nasaan si Cruxian dahil gusto ko ng ipaghiganti ang mga taong namatay sa mga kamay niya. Walang awa ko siyang pahihirapan hanggang sa magmakaawa itong patayin ko nalang siya.
“Nasaan si Cruxian?” tanong ko kay Geek nang may narinig akong paglagitik ng isang bagay sa likod ng ulo ko.
“Welcome home, my boy, Nate Peter Horseson.” Isang lalaki ang nagsalita at sa boses palang niya ay kilala ko na kung sinong hayop ang nagsalita habang tinutukan ako ng baril sa aking ulo. “Turn around. Let me see your face before I’m going to kill you.”
Nilingon ko si Bain Cane at nakita ko na hinahawakan siya ng dalawang CRYPTIC sa magkabilang braso. Pagkalingon ko naman kay Geek ay may kasama na itong CRYPTIC at katulad sila ngayon ng sitwasyon ni Bain Cane.
“Cruxian,” nanginginig kong sabi sa sobrang galit sa lalaking sumira ng buhay ko.
“Look at you. Are you enjoying your gift from us?” pagsasarkastikong sabi nito habang humaharap ako sa kanya,
“drop you weapon or else I will explode your skull within a second.”
“Papatayin kita,” marahang sabi ko habang kinokontrol ang aking sarili sa galit at agad na ibinaba ang aking mga armas sa sahig. Marahan lang ang pagsasalita ko pero napupuno iyon ng poot at pagkainis.
“Paano mo ako mapapatay kung patay ka na?” pagsasarkastiko nitong muli kasabay ng pagtawa niya ng malakas. “Naalala ko ang mukha mo, eh. Ikaw yung lalaking takot na takot sa amin nang pumasok ako sa bahay ninyo,” pagsisimula niya sa pagkukuwento. “Ikaw ang lalaking iyak ng iyak na parang bata matapos kong patayin ang dalawang tao na pinakamamahal mo.”
Hindi pa rin niya inaalis ang kanyang baril sa deriksyon ko habang nakataas ang aking dalawang kamay. Nakangisi itong nagkukuwento sa akin habang ako naman ay abala sa kakaisip kung ano ang puwede kong gawin sa sitwasyon naming ito. Hindi ko alam kung ano na nangyari sa mga kasamahan ko sa labas.
“Tapos, nakita ko na naman ang parating mukha ni Nate kapag mayroong namamatay sa harap niya katulad nalang sa pagpatay ko kay Beatrice. Hindi mo naman ako masisisi kung pinatay ko siya dahil traydor ang babaeng iyon,” sabi niya at agad na pinutok ang baril sa harap ko. Sinadya niyang huwag akong tamaan para magulat kaming lahat at matakot sa kanya. “Teka lang. Nandito ka ba para patayin ako?”
“Hindi,” seryosong sabi ko sa kanya, “nandito ako para tapusin na ang kasamaan mo. Nasaan ang babaeng immune at ang babaeng dinukot mo?”
Hindi niya direktang sinagot ang aking tanong bagkus ay binigyan niya ako ng isang pagpapaliwanag.
“Here’s the situation. Half of the immunes went missing. And another half are still on the run. Sila ang mga immune na hindi pa natatanggal ang mga tracker tattoo sa mga pulso nila. Kaya kinokolekta namin ang mga nawawalang mga immune. And lucky to us because nandito ang isang Project Five at ang isang immune na si Bain Cane.”
“Bakit mo dinukot si Eleneor?” Seryoso ko pa ring tanong sa kanya.
“Babaeng iyon?” pakunwaring nagtanong sa akin at agad siyang tumawa ng malakas, “gagawin namin siyang katulad ninyong mga nakatakas. Baka kapag hindi namin mahanap ang buong immune ay mayroon kaming reserba,” sabi nito at agad na tumawa ng malakas.
Habang masaya siya sa kanyang pagtawa ay doon ako nagkaroon ng pagkakataon na atakihin siya para agawin sa kanya ang hawak niyang baril. Pero dahil mayroon siyang kasama ay agad nila akong napigilan.
“What the f—” galit na galit na sabi ni Cruxian at agad na binaril ako sa aking kaliwang balikat, “ngayong marahas ka ay ako naman ang babawi sa iyo!” sigaw nito at agad akong pinagtatadyakan sa mukha habang naririnig ko ang sigaw nina Bain Cane at Geek na pigilan si Cruxian sa kanyang ginagawa.
“Kung ayaw niyong tumahimik ay lalagyan ko kayo ng bala sa mga bungo ninyo!” pagbabanta ni Cruxian sa dalawa.
“Gusto mo na bang makita ang mga magulang mo? Ito na ang pagkakataon, Nate, para makita mo silang lahat,” pang-iinsulto nito sa akin habang tuwang-tuwa siya sa kanyang ginagawang pagpapahirap sa akin.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay mayroon akong narinig na ingay sa likuran ni Cruxian at nakita ko ang aking mga kasamahan na pinagbabaril sina Cruxian at ang iba niyang mga kasama. Natamaan ang dalawang kasama ni Cruxian habang siya ay nagawang makailag.
Pinilit kong bumangon mula sa sahig at tinakpan ang butas ng aking sugat mula sa pagkakabaril ko kay Cruxian. Pinuntahan ko si Cruxian kung saan siya nagtatago mula sa mga pag-atake ng mga kasamahan ko sa kanya.
Agad kong hinablot ang kwelyo ng kanyang damit at hinagis ang hawak nitong baril at sinimulan siyang sinuntok ang mukha niya. Hindi niya magawang makabawi sa akin dahil sa mga mabibilis kong pagsuntok sa kanyang mukha.
Nagsama-sama ang buo kong galit sa lalaking ito mula sa pagkamatay ng aking mga magulang, sa pagpapahirap nila sa akin sa loob ng laboratoryo, sa pagsira nila sa buhay ko, at sa pagkamatay ni Beatrice.
Habang duguan na ang buo kong kamao sa kakasuntok sa kanyang buong katawan ay siya namang pagpatak ng mga luha ko sa sobrang galit. Napasigaw ako sa sobrang galit ng aking nararamdaman. Hindi sapat na pagsuntok lang ang gawin ko sa kanya matapos ang mga ginawang kasamaan niya sa akin at sa mga kaibigan ko sa loob ng laboratoryo.
Agad kong inilapat ang dalawa kong mga palad sa kanyang ulo at bigla siyang kinuryente at nanginig ang buo niyang katawan. Natatandaan ko ang sinabi nila sa akin nang nasa Laboratoryo pa ako. Hindi ko kayang makapaglabas ng electric bolts sa mga kamay ko pero kaya kong kuryentehin ang mga kalaban gamit at pagdampi ng aking mga palad sa kanila kaya ito nga ang ginagawa ko ngayon.
“Y-you…w-will… die!” pilit na sabi ni Cruxian habang kinukuryente ko ang kaniyang ulo. Pinilit niya pang tumawa kahit sa lakas ng kuryente na binibigay sa kanya. Biglang may narinig akong putok na baril malapit sa akin at tinamaan ang ulo ni Cruxian ng bala. Tinignan ko kung sino ang bumaril at nakita ko si Krayken.
“Enough. You’re not like him,” sabi ni Bain Cane at agad akong may naramdaman na mahigpit na pagkakayap mula sa aking likuran.
Nararamdaman ko ang init ng katawan ni Tellereza at doon na ako nagsimulang umiyak ng napakatindi. Lumapit si Bain Cane sa aming dalawa at niyakap din ako. Ibinuhos ko ang aking buong galit sa matinding pag-iyak habang pinapatahan ako nilang dalawa.
Thank you for reading :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top