CHAPTER THIRTY

"Hope"

Nasa loob kami ngayon ng kanyang kuwarto at kasama ko si Bain Cane. Nagbago ang pagturing nito sa akin dahil sa aking sinabi. Kating-kati na siyang ipakita sa aming dalawa ni Bain Cane ang magagawa ng kanyang imbensyon. Hindi niya pa ito nasusubukan at mayroon itong limitasyon. Hindi niya magagawang ma-hack ang mga surveillance cameras ng Palace. Hindi ko alam kung bakit pero siguro ay napakahirap iyong pasukin.

“Dito nalang muna tayo. Mas maganda rito kapag gagamitin ko ang aking naimbentong software,” sabi niya at agad na umupo sa harap ng kanyang sariling mga computer.

Mayroon pa siyang ibang ginagawa bago niya simulan ang paghahanap sa taong dumukot kay Eleneor. Muli na naman siyang ipinaliwanag sa amin ang kayang gawin ng kanyang software na tinatawag niyang CIPHER’S eye. Cipher kase ang tawag sa kanya rito at hindi naman malayo ang dahilan kung bakit tinawag niya ang kanyang software na CIPHER’S eye.

“Okay. We’re ready. Sino ang gusto mong hanapin?” tanong nito habang nakatutok ang kanyang mga mata sa screen ng kanyang computer. Sa kanyang lugar kase nito ay malakas ang signal kaya malaya niyang magagamit ang kanyang imbensyon.

“May nakita kase akong surveillance camera sa lugar na ito,” sabi ko sabay abot sa kanya ng isang pirasong papel na ibinigay sa akin ni Dwell kanina nang nasa loob kami ng siyudad.

“Okay. I just need to encode this coordinate and then…” kinakausap nito ang kanyang sarili habang mayroon siyang ginagawa sa kanyang computer, “here we go,” sabi nito matapos niyang pindutin ang enter button.

Napatulala kaming dalawa ni Bain Cane sa kanyang ginawa at halos mapatalon kami sa tuwa nang makita namin ang ginawa ni Trevor. Maging siya ay tuwang-tuwa sa kanyang ginawa. Agad ko siyang niyakap at nagpasalamat.

Lumabas sa screen ng computer ang bakanateng lote na pinuntahan namin kanina. Nakita ko doon si Reynard na natutulog sa mga gulong. Muling pinindot ni Trevor ang enter button at lumipat ang camera sa ibang posisyon. Mas malapit ang kuha nito sa natutulog na si Reynard.

“Siya ba hinahanap mo?” tanong niya.

“Hindi, eh,” sabi ko, “ang video ba iyan ay nangyayari ngayon?” tanong ko sa kanya.

“Oo. Ang nakikita niyo ngayon ay nangyayari ngayon,” sagot ni Trevor at uminom ito ng tsaa na nasa mesa.

“Kaya ba nitong makita ang video na nakunan ng surveillance cameras noong isang lingoo mula ngayon?” tanong ko sa kanya at nasamid siya sa kanyang iniinom. Napatili ulit ito at halos hindi niya makontrol ang kanyang sarili dahil sa kanyang narinig mula sa akin.

“Oh… I like that, newbie. Pinipiga mo talaga ang software na ito,” nakangising sabi sa akin at mayroon na naman siyang pinindot sa kanyang keyboard, “kahit anong araw ay kayang-kaya ko iyong makita gamit ng sarili kong software. Depende lang kung naka-save iyon sa kanilang computer or deleted na.”

Matapos niyang sabihin iyon ay mayroon na naman siyang ginawa sa kanyang keyboard at napamura ito nang makita niya ang kanyang gustong makita.

Biglang nagbago ang video na nasa screen at nakita ko doon si Reynard na nakikipag-usap sa isang babae. Nagtawanan silang dalawa at paniguradong si Eleneor nga iyon. May dala pa itong bag at malamang ay kakagaling lang niya mula sa Central City High School.

“Ito na ba ang hinahanap mo?” tanong ni Trevor at tumango ako sa kanya bilang pagsagot sa kanyang tanong.

Abala ako sa susunod na mangyayari dahil ilang saglit lang ay malalaman na namin kung sino ang may responsibilidad sa pagkawala ng anak ni Mr. Oliver. Ilang minuto ang nakalipas at mayroong babaeng tumatakbo sa harap nila at nadapa ito. Tinignan ko ng mabuti ang babaeng nadapa at isa siyang immune. Nakikita ko ang kanyang mukha ng nasa E.H. laboratory pa kami.

“I-Is that???” nanginginig na tanong ni Bain Cane.

“Yes. She’s immune. I knew it,” kalmadong sabi ko sa kanya para sa pagsang-ayon sa kanyang iniisip.

Agad na tinulungan ni Eleneor ang babaeng nadapa at biglang nagtago sa mga gulong si Reynard. Napakaduwag talagang bata. Matapos ang ilang sandali ay biglang sumulpot sa harap ng immune at Eleneor ang tatlong CRYPTIC. Lahat sila ay nakasuot ng itim na jacket at mayroong mga dalang mahahabang armas.

Tinadyakan ng isang CRYPTIC ang tiyan ng immunes at sinubukang lumaban ni Eleneor pero agad siyang sinuntok sa kanyang mukha at nawalan iyon ng malay. Nakita ko ang pagliwanag ng mga mata ng immune na babae at hudyat iyon na gagamitin niya ang kanyang abilidad sa tatlong CRYPTIC pero mabilis na hinampas ng isang CRYPTIC ang ulo ng immune at nawalan ito ng malay.

“Mayroon pa bang ibang surveillance cameras na malapit sa bakanteng loteng iyan?” tanong ko kay Trevor nang hindi na nahagip ng camera ang sumunod na pangyayari nang mawalan na ng malay ang dalawang babae.

“Let me see,” sabi ni Trevor at nagsimula na naman siya sa kanyang ginagawa. Ilang segundo lang ay lumabas sa screen ng computer ang paghatak ng tatlong CRYPTIC sa dalawang walang malay na babae papasok sa itim na sasakyan.

Inilibot ng isang CRYPTIC ang kanyang paningin kung may tao bang nakakita sa kanilang ginawa pero lingid sa kanyang kaalaman ay nakuhanan ang lahat ng pangyayari ng surveillance camera. Agad nilang pinatakbo ang kanilang itim na sasakyan at hindi na nakuha ng camera ang kanilang pagtakbo.

Biglang nagbago ang video na nasa screen at nakita ko si Trevor na hinahanap ang mga surveillance cameras sa buong siyudad na nakuhanan ang pag-alis ng itim na sasakyan. Mabuti nalang ay nakikita namin ang pagkatakbo ng ng sasakyang sakay nila. Mabuti nalang ay napakaraming mga surveillance cameras ang buong siyudad kaya madali naming mahanap sila.

Nang lumiko ang sasakyan ng CRYPTIC sa isang tunnel ay hindi na namin sila nakita. Ilang minuto kaming naghintay pero hindi na lumabas ang kanilang sasakyan sa kabilang dulo ng tunnel.

“What the— where did they go?” naiinis na sabi ni Trevor dahil hindi na namin alam kung saan na silang pumunta.

“Wala na bang ibang surveillance cameras ang nasa lugar na iyan?” tanong ko kay Trevor.

“Mayroon. Isang surveillance cameras na nakatutok sa malapit sa tunnel na pinasukan nila. Pero kahit dito ay wala nakuhanan na itim na sasakyan,” sagot sa akin ni Trevor na tila ba ay siya pa ang nainis ng matindi dahil hindi na namin nasundan ang sasakyan ng CRYPTIC.

“Wait a minute,” sabi ko nang mayroong kumudlit sa aking isipan ang isang ideya na puwedeng makatulong sa amin, “mayroon pa bang ibang surveillance cameras na malapit sa tunnel na mayroong mga salamin o mga bintana?” tanong ko sa kanya na ikinalukot ng kanyang noo.

“Bakit?” tanong nito.

“Naiisip ko lang ay talagang iiwas sila sa mga surveillance cameras pero kapag mayroong mga reflection sa paligid ay maari pa rin nating makita sila gamit ang mga surveillance cameras na nasa paligid,”
napangiti naman si Trevor sa aking naiisip at agad na humanap ng mga cameras malapit sa tunnel na mayroong mga bintana o mga salamin.

“Bingo,” sabi niya at nakita ko sa screen ang isang surveillance cameras na nakatutok sa isang bintana ng isang gusali. Sa repleksiyon na ginagawa ng bintana ay nakita namin ang paglabas ng itim na sasakayan mula sa gilid ng tunnel. Mukhang alam nila na mayroong lihim na labasan ang tunnel kaya doon sila lumabas para makaiwas sa mga surveillance cameras.

Inilipat ni Trevor ang video sa ibang deriksyon at isang repleksiyon ng bintana ng gusali ang tumulong sa aming makita ang pagpasok ng itim na kotse ng CRYPTIC sa loob ng kagubatan.

“Alam mo ba kung nasaan ang lugar na iyan?” tanong ko kay Trevor.

“Parang pamilyar. Mukhang nakita ko na ito dati,” sabi niya at nang matandaan na niya ang lugar na iyon ay agad niya itong sinabi sa akin at sabi niya ay sasamahan niya kaming pumunta doon. Sa kanyang pagkakaalam ay mayroong abandonadong warehouse ang lugar na iyon. Paniguradong doon itinago sina Eleneor at ang babaeng immune.

Agad akong nagpasalamat kay Trevor at halos abot langit ang kanyang ngiti nang napatunayan niya na nakakatulong ang kanyang software sa aming problema. Pinuri ko ng husto ang kanyang imbensyon at sa pangalawang pagkakataon ay niyakap niya na naman ako ng mahigpit at halos hindi na ako makahinga.

Sa sumunod na pangyayari ay biglang mayroong nasagi si Trevor sa kanyang holoboard. Isang random coordinate at lumabas sa screen ang isang lugar na hindi pamilyar sa aming paningin.

"I-Is that from Central City?" tanong ko pero maging siya ay hindi sigurado kung nasa Central City ba ang video na nakikita namin.

Sa video ay nakikita ko ang mga nakapilang mga sibilyan, lahat sila balisa at nakikinig lamang sa mga sinasabi ng isang lalaking nakasuot ng magarang kasuotan sa itaas ng entablado. Nasa likuran niya ang mga nakahelerang mga golden troops.

"Is this from an old footage?" I asked him.

"No, it's actually happening right now. But where it could be? Base sa lugar ay parang walang ganyan sa Central City."

Sa isang iglap ay nagkaroon ng glitches sa kanyang holoboard at bigla itong namatay.

"Well, as usual. My holoboard is rebooting," he tried to laugh.

Mabilis naming kinalimutan ang aming nakita at muli akong nagpasalamat kay Trevor.

“Sabihin mo kay Dwell na pupunta tayo bukas sa lugar na iyan at mahahanap na natin si Eleneor,” sabi ko kay Bain Cane at agad siyang tumakbo papuntang Dining Room para hanapin si Dwell.

Agad na akong nagpaalam kay Trevor at dumeritso sa aking silid. Inihanda ko ang aking kakailanganin bukas dahil nararamdaman ko na magagawa namin ng maayos ang aming misyon.

Ito ang aking unang misyon kaya kailangan kong tulungan ang buong RAPSCALLION na umunlad. At kailangan ko ding tulungan sa pagbibigay ng kakailanganin ng buong grupo sina Krayken at ang kanyang mga kagrupo.

Kailangan din naming magbigay kontribusyon sa buong RAPSCALLION. Ayaw ko namang maghintay dito habang ang iba ay halos magpapakamatay kakatanggap ng mga misyon para sa buong grupo.

“This is it. We will find Eleneor,” sabi ko sa aking sarili at lumabas ng silid.

Thank you for reading:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top