CHAPTER SIX

Tellereza Regotea


NAKATAYO ako sa gitna ng aking silid para hintayin ang pagdating ni Geek at Bain Cane dahil ngayong gabi nila ipagpapatuloy ang kanilang isinagawang pagpaplano sa pagtakas dito sa Laboratoryo ni Erso.

Nasa 8:16 na ng gabi at kinakabahan ako sa kanilang gagawin. Hanggang ngayon ay wala akong maisip na ideya kung papaano nila ako pupuntahan dito sa aking kwarto para sunduin papunta sa lugar ng pagpupulungan nila.

Maraming bantay ang nakapaligid sa buong Laboratoryo. Sa Cafeteria, sa Gym, sa Laboratoryo ni Beatrice, sa opisina ni Erso, sa opisina ni Cruxian at bawat sulok ng buong lugar ay hindi mawawala ang mga surveillance camera. Puwera nalang kapag mayroon silang invisible cloak kagaya ni Harry. Naalala ko tuloy ang kuwento sa akin ni Dad tungkol sa napanood niyang pelikula nang hindi pa nagkaroon ng Central City.

Ilang minuto ang nakalipas ay hindi pa rin natatanggal ang aking paningin sa pinto. Hinihintay ko ang pagkatok ni Geek pero ikinagulat ko ng lubos ang paglitaw nila mula sa itaas ng kisame. Napaatras ako ng kaunti dahil sa pagkagulat at agad akong nginitian ni Geek. Napansin niya sigurong halos mahimatay ako sa pagkagulat dahil sa biglang pagsulpot nila.

“Mukhang nakakita ka naman yata ng multo. Mutlang-mutla ka,” natatawang sabi niya at ngumiti ng bahagya para ako'y asarin.

Ngayon alam ko na kung papaano sila nagkikita-kita para sa pagpupulong. Dumadaan sila sa loob ng ventilated ceiling para hindi sila mapansin ng mga bantay. Agad kong ipinuwesto ang kama ko para maging patungan namin sa pag-akyat sa itaas ng kisame. Dalawa silang sinundo ako sa aking kwarto. Si Geek at ang kasama niyang lalaki na hindi ko alam kung ano ang pangalan.

Medyo may kalakihan ang espasyo sa loob ng Ventilated Ceiling dahil kasya kaming tatlo sa loob. Dahan-dahan lang ang paggapang sa loob dahil kapag bibilisan namin ang aming mga galaw ay lilikha iyon ng nakakapansing tunog sa mga bantay.

Sa pagkakatanda ko ay tatlong beses kaming lumiko sa kanan at isang beses sa kaliwa hanggang sa nakarating kami sa kwarto ni Geek kung saan doon isinasagawa ang pagpapalanong pagtakas. Sampu ang bilang nila at nang sumali kaming dalawa ni Bain Cane sa kanila ay nasa labing-dalawa ang kabuuang bilang namin. Wala na ding planong maghakot pa ng ibang mga immunes si Geek dahil sa aming bilang palang ay agad na iyong nagpasikip sa kanyang silid.

Nang makita ako ni Bain Cane na bumaba sa kisame ay agad niya akong nilapitan para batiin.

“Mabuti naman ay hindi kayo napansin ng mga bantay. Kami kase kanina ay muntik na kaming mahuli. Mabuti nalang ay nagawan namin ng paraan na makapunta dito ng maayos,” sabi niya at hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin nang biglang ipinakilala sa akin ni Geek ang mga pangalan ng mga immunes na kasama namin sa loob ng kanyang kwarto.

Si Larry Lamentis, 18 years old at medyo may katangkaran sa akin ng kaunti. Si Xentry, 15 years old, ang pinakabata sa grupo pero hindi halata sa kanyang katawan ang tunay niyang edad. Maskulado kasi ito kumpara sa aming lahat. Si Octavia, 17 years old, medyo ayaw makipag-usap sa lahat dahil tinitignan niya ng masama ang sinumang lalapit sa kanya. Kryztel, 16 years old, pangalawang babae sa grupo, mahahalata sa kanyang personalidad ang pagiging masiyahin. Si Mark Gregg, 17 years old, sa tingin palang ay talagang mataba ang kanyang utak dahil sa kung papaano siya kumilos at makipag-usap. Si Torrest, 17 years old, may pagkamaldito at medyo aroganteng tignan. Si Lola, 17 years old, pangatlong babae sa grupo at tahimik lang sa isang tabi.  Si Thung- Ki, 18 years old, ang pinakamaingay sa grupo. At si Tellereza Regotea, 17 years old, ang babaeng umagaw ng atensyon ko. Siya ang babaeng nasagi ako sa cafeteria nung nakaraang araw. Hindi ko mapigilang mapangiti nang malaman ko ang kanyang pangalan.

“Ngayong kilala na natin ang isa’t isa ay magsisimula na tayo sa ating plano,” pagsisimula ni Geek. Siya ang lider namin at medyo nag-aalinlangan ako sa kanya dahil nabanggit niya na bukas nila isasagawa ang pagtakas.

“Mood Ring yan diba?” biglang tanong ni Tellereza sa akin na agad ko namang ikinatuwa.

“A-ah… O-Oo. Alam mo p-pala ang tungkol dun?” kinakabahan kong sagot.

“Ano ang ibig sabihin kapag kumukulay orange ang singsing?”

Biglang huminto ang buong isipan ko sa sinabi niya. Nataranta ako dahil hindi ko naman alam kung ano ang ibig sabihin kapag orange ang kulay ng singsing. Agad niya akong tinawanan nang makita niya ang ang naging ekspresyon ng mukha ko sa kanyang tanong.

“Ang cute mo kapag kinakabahan,” sabi niya at agad na itinuon ang kanyang atensyon sa mga sinasabi ni Geek.

“Maraming bantay ang nakapaligid sa buong Laboratoryo kaya ang plano ko ay…” pagpapatuloy ni Geek at inabangan ko ang susunod niyang sasabihin. “… at ito na ang plano. Bukas ay gagawa ng eksena sina  Mark at Larry sa loob ng cafeteria. Magpapanggap silang magsasapakan hanggang maagaw nila ang atensyon ng lahat. Ang importanteng atensyon na kailangan nating maagaw ay ang bantay mula sa surveillance room. Dahil naisaulo ko na ang pasikot-sikot sa Ventilated Ceiling ay ako ang bahala sa pagpunta sa surveillance room. Pagkatapos nating makalabas ng Gym ay pupunta ako sa restroom para gawin na ang parte ko.”

Sa totoo lang ay hindi ko masyadong maintindihan ang mga sinasabi niya. Kahit anong pilit kong pag-intindi ay hindi ko talaga maintindihan. Wala na akong magawa kundi ang pakinggan nalang siya sa kanyang susunod na sasabihin.

“Thanks to Nate Peter dahil nalaman natin na ang gamot na pinapainom nila sa atin ay gamot para mawala ang mga ala-ala natin at maging sunod-sunuran sa kanila. Si Lola ang aarte na mahihimatay nang iinumin niya ang gamot at maglilikha iyon ng pangalawang eksena na ikakabahala ng lahat. Kapag naging matagumpay ang pagpasok ko sa surveillance room ay pagagalawin ko ang mga surveillance camera bilang hudyat na gagawin na nina  Thung-Ki at Torrest ang parte nila. Kasabay ng pagpasok ko sa restroom ay siya namang paghahanda nila sa pagpapasabog ng mga bomba. Dahil maraming mga lamang chemical ang buong Laboratoryo ay lilikha iyon ng malakas na pagsabog upang magkaroon ng malaking sunog na ikakataratanta ng lahat. Buong E. H. Laboratory ay magkakagulo at hindi na nila mababantayan ang buong immunes dahil sa mga eksenang mangyayari. At doon na natin gagawin ang pagtakbo palabas ng Laboratoryo. The End,” taas-noong pagtatapos ni Geek sa kanyang sinasabi.

“Can I ask?” bigla kong tanong at nabaling ang buong atensyon nila sa akin.

“Ano iyon?” tanong ni Geek.

“Papaano ka nakakasigurado na hindi tayo mahuhuli ng bantay sa labas? At papaano naman papasabugin nina Torrest at Thung-Ki ang laboratoryo ni Beatrice?”

“Simple,” Geek said as he showed as a flammable toxic compound that will create a huge explosion called Hydrogen Bomb. I’m sure that explosive weapon was made here in this Laboratory.

“Where did you get that?”

“Well, nakuha ko iyon nang minsan akong naglibot sa buong Laboratoryo. Dahil hindi naman nila ako nakikita dahil nasa ibabaw ako ng kisame ay malaya kong nalilibot ang buong E.H. Laboratory. Nakita ko ang transaksiyon nila sa Hydrogen Bomb. Ang Laboratoryo ang lumilikha ng nasabing bomba at binibigay ito sa bawat truck ng CRYPTIC na pumupunta dito. Doon ako nagkaroon ng ideya sa pagtakas.”

“Pero paano naman—” Hindi niya pinatapos ang sasabihin ko at nagsalita ulit siya.

“Any questions? Ito na ang ating plano. Isang palpak lang ay siguradong sira na ang buong plano. Magtiwala lang kayo dahil makakatakas tayo sa lugar na ito,” sabi ni Geek at agad niyang nakuha ang tiwala ng lahat.

“P-Pero paano kapag nabulalyaso ang plano mayroon ba tayong Plan B?” pagsingit kong muli.

“Wala kabang tiwala sa akin, Huh, Nate?” maangas na tanong ni Geek sa akin na agad namang ikinainis ko. Medyo hindi ko lang nagustuhan ang tono ng kanyang pananalita.

“Alam mo ba na kapag may nangyari sa kanila ay magiging kasalanan mo? Dapat mayroon—”

“Are you with us or not?”

Sa puntong iyon ay agad na kaming inawat ni Bain Cane. Marahan akong itinulak ni Bain Cane dahil pareho na kaming sasabog sa galit ni Geek.

“That’s it. I’m out here. Good luck to your plan,” sabi ko at tinignan sila isa-isa.

“Good. We don’t need a person who contradicted my plan. This person thought that he is more intelligent than me. How pathetic, bro,” pang-iinsulto niya at akmang papatulan ko siya nang pinilit na ako ni Bain Cane na umakyat sa kisame para makaalis upang hindi pa lumalala ang lahat.

What an asshole!

Thank you for reading:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top