CHAPTER SEVENTEEN
“Glowing Eyes”
SINABI sa akin ni Bain Cane ang dahilan kung bakit sila naglaban ni Vel Martin kanina. Ayon sa kanya ay pinahintulutan silang dalawang magduwelo ng mga bantay. Gusto raw ng CRYPTIC na masaksihan ang kanilang mga abilidad kung kaya nitong makipaglaban sa isa’t isa. Dahil sa kanilang ginawa ay nagbigay sila ng libangan sa buong Laboratoryo.
Nang matapos ang aming pagsasanay sa TGSA ay agad akong pumunta sa banyo para maghilamos ng mukha. Ang ibang immunes ay nasa cafeteria para kumain ng kanilang pananghalian. Kailanman ay hindi kami nakatikim ng masarap na pagkain. Palagi nalang walang lasa ang kanilang pagkaing hinahain sa amin at konti lang ang binibigay sa amin bawat araw. Mukhang tinitipid nila kami sa pagkain at pinaparusahan sa pagsasanay.
Habang nakatingin ako sa salamin ay sinubukan kong gamitin ang aking abilidad. Bawat tubig na dumadaloy sa aking mukha ay gumugulo sa aking konsentrasyon. Sinusubukan kong patayin ang ilaw sa buong banyo. Sa tagal ng aking konsentrasyon ay unti-unting lumiliwanag ang bughaw na kulay ng aking mga mata.
My pupil in my eyes started to glow like a neon lights. When I got nervous about what happened, I immediately closed my eyes to convinced myself that I am hallucinating. For the second time, I tried to use my ability to distort all the lights inside this bathroom and when I did that my eyes started to glow again. I closed my eyes and the light bulbs at ceiling started to get back to normal like there’s nothing happened. Therefore, I concluded that whenever I use my ability my eyes started to glow at the same time.
“Are you okay there, dude?” tanong ng isang lalaking immune na nasa labas ng banyo.
“Patapos na ako,” sagot ko sa kanya at agad na binuksan ang pinto at naglakad patungo sa cafeteria.
Twelve fifteen na ang oras at napupuno na ng buong immunes ang cafeteria. Nasa gilid ang mga bantay habang minamatyagan kaming lahat na kumakain. Nasa plato ko ang isang parte ng manok na hindi ako sigurado kung anong klaseng pagluto ang ginawa nila. Steam ba o prito.
Nasa gilid ng parte ng manok ang isang cabbage salad na may kasamang pahabang hiwa ng carrots, boiled eggs, parsley at corn. Mayroon ding kasamang fried hake fish at rice with beans. Kahit nakakaayang tignan ang pagkain na nakaayos sa aking plato ay kung susubukan mong tikman iyon ay parang pinagkaitan ka ng asin dahil sa walang kalasa-lasang pagkain.
Hindi ko nakita sa cafeteria si Bain Cane. Nagkahiwalay kami kanina nang pumunta ako sa banyo para maghilamos. Balak ko na sanang huwag ubusin ang aking pagkain nang biglang may tumawag sa aking pangalan. Nilingon ko kung sino ang nagsalita pero abala ang lahat sa kanilang kinakain.
“Nate,” tawag ulit sa akin ng babaeng boses.
“Who’s that?” pabulong kong sabi sa aking sarili at agad na sumubo ng pagkain.
“Lift your head.”
Habang patuloy ang kanyang pagsasalita ay tumatayo na ang balahibo ko sa katawan dahil sa takot. Nahihibang na ba ang isip ko kaya ko naririnig ang boses na iyon?
Agad na naputol ang malalim kong pag-iisip nang inilapag ng isang immune ang kanyang plato sa tabi ng plato ko. Agad ko namang tinignan ang ang taong gumawa nun. Nang makita ko ang kanyang mukha ay labis ang saya na aking naramdaman. Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman dahil sa gusto ko siyang yakapin o lumundag sa harap niya nang makita ko siya.
“Tellereza?” marahan kong sabi sa kanya at ngumiti ito sa akin.
Hindi niya ako sinagot bagkus ay biglang lumiwanag ang kanyang mga mata at narinig ko na naman ang boses na tumatawag sa akin kanina. Ngayon ko nalaman na siya pala ang babaeng tumatawag sa akin kanina gamit ang kanyang abilidad na tinatawag na telepathy.
“Nice Ability,” pagpupuri ko sa kanya gamit ang aking isipan. Nagulat din ako kase kaya kong makipag-usap sa kanya gamit lang ang aking isipan.
"Your mood ring turns into color violet,” sabi nito sa akin at agad kong tinignan ang singsing. Sinabi niya dati sa aking ang ibig sabihin ng kulay na nasa aking singsing pero hindi ko iyon matandaan.
“What does it mean, again?” tanong ko sa kanya pero nginitian niya lang ako at pinagpatuloy niya ang kanyang pagkain.
“Secret,” sagot nito at mas lalong lumapad ang kanyang ngiti. Sa ginawa niyang iyon ay nahawa narin ako sa kanyang pagngiti.
Nang mailibot ko ang aking paningin ay nakita ko ang ibang immunes na nakakunot ang noo nito sa pagtataka kung bakit pareho kaming nagkakaintindihan ni Tellereza na walang binibigkas na salit mula sa aming bibig. Ang hindi nila alam ay nag-uusap kami gamit ang abilidad ni Tellereza. Kung gagamitin ni Tellereza ang kanyang abilidad sa isang tao ay kaya din ng taong iyon makipag-usap kay Tellereza gamit lamang ang utak. Kaya din niyang basahin ang nilalaman ng utak ng isang tao.
“I’m happy to see you, Nate.”
“Me too. By the way, hindi ba mahirap ang pinapagawa nila sa iyo? Hindi ba mahirap ang pagsasanay mo?” nag-aalalang tanong ko sa kanya pero sinagot niya ako gamit ang kanyang bibig.
“Huwag muna natin pag-usapan ang tungkol dun,” sabi nito at tumango ako sa pagsang-ayon, “gusto mo bang malaman kung ano ang abilidad na nabunot ni Geek?” tanong nito sa akin.
Kahit hindi naman ako interesado sa buhay ni Geek ay nakinig nalang ako sa sasabihin ni Tellereza tungkol sa abilidad ni Geek.
Nang marinig ko ang abilidad na nakuha ni Geek ay halos mapaluhod ako sa pagpipigil sa kakatawa. Hindi ko lubos maisip na iyon ang magiging abilidad ni Geek. Chlorokinesis o Agrokinesis or Botanokinesis.
Ability to manipulate vegetables, fruits, trees, and plants. He can communicate with plants and trees. He can also grow a plants out of nowhere and use them as a weapon such as wrapping the enemies with roots and vines, creating a sharp weapons, and releasing a deadly toxic and fungus. He can grow a plant quickly with a single command. Can mutate a plant by rearranging and restructuring its DNA structure.
“Hindi ko alam ang nararamdaman ko sa kanya dahil kilala ko si Geek. Ayaw niya sa mga halaman. Ayaw niya sa mga bulaklak dahil nakakabawas daw iyon sa pagkalalaki niya pero wala siyang magagawa. Iyon na ang kanyang abilidad,” sabi ni Tellereza.
Kung ako ang tatanungin ay maganda rin ang kanyang abilidad sa pakikipaglaban. Kayang-kaya niyang atakihin ang kalaban mula sa lupa. Hindi tulad sa akin na kailangan ko pang makahanap ng electrical fields para makontrol ang kuryente.
“What about Mark Gregg?” tanong ko sa kanya matapos kong mahimasmasan sa sobrang pagtawa.
“Simple lang ang nabunot niyang abilidad,” sabi nito at agad na uminom ng tubig, “He can accurately aim his target with using different firearms and never misses a single shot. He’s made to be an assassin.”
Hindi ko pa kase nababasa lahat ng mga impormasyon ng buong immunes tungkol sa kanilang mga abilidad kaya napamangha ako sa sinasabi ni Tellereza. Hindi ko lubos maisip na kayang gawin iyon ng CRYPTIC. Pambihira ang taglay nilang talino at kakayahan sa paggawa ng superhuman soldier.
“What’s your ability, Nate?” tanong nito sa akin.
“Electrici—” putol kong sabi nang bigla akong tinawag ng dalawang bantay. Nasa harap silang dalawa at maangas ang isa kung makatingin sa aming dalawa.
“Pinapatawag ka ni Doctor Cruxian,” sabi ng isang bantay.
Agad kong inubos ang aking pagkain at mabilis na tumayo. Nagpaalam din ako kay Tellereza at masyaa din itong nagpaalam sa akin. Sinundan ko ang dalawang bantay papunta sa kinaroroonan ni Cruxian. Wala daw ngayon si Erso Hallick dahil mayroon siyang ginagawa sa isa nilang laboratoryo. Si Cruxian at Celine Page muna ang magiging lider dito pansamantala.
Nang nasa tapat na kami ng pinto ng opisina ni Cruxian ay doon na ako iniwan ng bantay. Walang tao sa paligid at nakatutok ang isang surveillance camera sa opisina ni Cruxian. Nag-iisa lang ang surveillance camera at wala ding katao-tao at ito ang tamang pagkakataon na mapapatay ko si Cruxian na walang kahirap-hirap.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nakita ko sa loob si Cruxian na nakaupo sa kanyang silya habang umiinom ng isang wine. May kausap ito sa telepono at mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan dahil sa ekspresyon ng kanyang mukha.
Nang mapansin niya ako ay agad niyang ibinaba ang telepono at agad na kinuha ang isang voice remote control. Inutusan niya akong umupo at making ng mabuti sa kanyang sasabihin.
“Tell me your report about your job. Mayroon ka bang narinig na mga plano ng immunes. O mga kalabagan na ginagawa nila sa loob ng E.H. Laboratory?” tanong nito at nayroong hinahanap sa kanyang lamesa.
“Wala,” tipid kong sagot sa kanya habang pinipigilan ang sobrang pagkalumo sa kanyang buong pagkatao. Kahit ilang araw na akong nananatili dito ay hindi ko parin maalis sa aking isipan at puso ang ginawa niyang pagwasak sa buhay ko.
“Talagang wala ba—” putol nitong sabi sa akin nang may biglang tumawag sa kanyang telepono. “Yeah.. okay…WHAT!!! NO! IT CAN’T BE!!!!” Sigaw nito sa kanyang kausap sa kabilang linya. Bakas sa kanyang mukha ang labis na galit at paghihinayang sa kanyang narinig. Mayroon na naman siyang tinawagan sa kanyang telepono at nang matapos niya iyong tawagan ay pagalit niyang ibinaba ang telepono.
“Sir, pinapatawag niyo daw kami,” sabi ng isang bantay na bigla nalang pumasok sa kanyang opisina.
“A seventeen-year-d guy ruined our lizard experiment. Nandoon si Erso Hallick sa Laboratoryong iyon. Kailangan nila ng back-up,” sabi ni Cruxian at agad na tumakbo ng mabilis ang bantay.
Thank you for reading :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top