CHAPTER ONE

"Metal Knight Truck"

THIS vehicle had an eight wheels to support the length and width of it. It was design to be invulnerable to bullets. It continued to create an  irritable noises that can affect your good mood to worst.

Every time we passed on rocky surfaces of the roads, our heads bumped up to the ceiling of the truck. The truck called the Metal Knight Truck, served as the transportation of immunes to the E.H. Laboratory.

There were two Metal Knight Trucks behind us and every truck was carrying twenty passengers. All of our hands were locked by a chain that was connected to the chair. There was no window inside aside from the front of the vehicle. If we tried to escape, the chain automatically release an electric jolt to put us in calm.

A random teenage boy suddenly talked to me. He introduced himself and his name was Bain Cane. A very strange name of him, honestly.

“May ideya ka ba kung saan nila tayo dadalhin?” he asked.

“Narinig ko kanina sa isang CRYPTIC na papunta tayo ngayon sa E.H. Laboratory Facility. Hindi ko alam kung ano ang gagawin nila sa atin.” I answered.

“I don’t want to be a Lab Rat.” He released a sad sighed.

Tinignan ko siya at nababakas sa kanyang mukha ang matinding kaba at kalungkutan. Ganoon din ang nararamdaman ko pero hindi ko lang pinapakita. Lahat ng mga kabataang sakay ng truck ay mayroong mga luha ang mga mata. Hindi nila lubos na matanggap na biglaan silang mawawalay sa kanilang mga pamilya.

Sa isang araw ay nagawa ng CRYPTIC na dukutin ang isang daang mga kabataan sa loob ng Central City. Pinilit ng iba na labanan ang CRYPTIC para makatakas pero nauwi lang sila sa isang kasawian. Malakas ang kutob ko na hindi kami mamamatay kapag napasailalim kami sa kanilang eksperimento. Wala akong matibay na basehan na hindi kami mamamatay, tanging ang kutob ko lang.

Ang CRYPTIC ang pinakamakapangyarihang grupo sa buong Central City. Kahit ang mismong gobyerno nito ay walang magawa sa karahasang ginagawa ng nasabing grupo. Sila ang nagdadala ng pagtangis at takot sa buong mamamayan ng Central City.

Tumataas ang bilang ng mga taong namamatay na walang dahilan. Natatandaan ko pa noong bata pa ako na mayroong mga bangkay ng tao na nagkalat sa gitna ng kalsada at walang may nagtangkang lapitan iyon dahil alam ng lahat na kagagawan iyon ng CRYPTIC.

Hindi matuntun ng gobyerno ang pinagtataguan ng grupo at ilang taon na nilang hinahanap ito sa buong siyudad pero wala silang makitang bakas ng pinagtataguan nila. Kahit sa mga sulok ng siyudad at sa mga masusukal na kagubatan ay narating na ng gobyerno para lang mahanap ang grupo pero nabigo lang sila sa kakahanap.

Kahit nagkalat ang mga golden troops na nakasuot ng itim na helmet at itim na war suit ay hindi parin nila nadadakip ang mga myembro ng CRYPTIC. Ang akin ngang inisiip ay kung hindi sila makita dito sa loob ng Central City ay baka nandoon sila sa labas ng mataas na pader na mayroong electric bars. Walang may alam kung ano ang nasa labas. Ayon sa sabi-sabi ay ang grupo lang ng CRYPTIC ang nakakaalam sa kung ano ang naghihintay sa labas ng pader.

Sa unang pagkakataon ay dumating sa punto na ang kasamaan ng CRYPTIC ay mas lalong lumala. Sa loob lang ng tatlumpung minuto ay nadukot nila ang isang daang mga kabataan sa buong siyudad. Dahil doon ay nagtagumpay na naman sila sa kanilang ginawa. Walang may alam kung ano ang hangarin ng grupo kung bakit nila ginagawa ang mga bagay na iyon. Ito ay nananatiling palaisipan sa nakakarami.

Halos naka isang oras na kami rito sa loob ng sasakyan at hindi pa rin ito tumitigil sa pagtakbo. Wala rin kaming ideya kung nasaan na kami ngayon dahil walang bintana ang truck. Mas lalong dumagdag ang kalungkutan sa loob dahil sa napakatahimik ng lahat.

They had no tears left to cry. Crying won’t save them away from CRYPTIC anyway. All they had to do was to stick their butt to their chairs and wait any orders from CRYPTIC. There were four member of CRYPTICS inside the truck. The two of them were driving the truck, and the other two were with us, guarding each everyone because if one of us move any muscle to escape, they would definitely shoot us with their tranquilizer gun.

They called us immunes even though we hadn't yet tried their experiments. Para lang daw masanay kami na tawagin kaming immunes. One guard kept on walking back and forth, and he made me to took a glimpsed of him. He looked every teen with his sarcastic keen look.

Ilang saglit lang ay narinig kong nagsalita siya gamit ang kanyang maliit na speaker na nakakabit sa kanyang dibdib.

“Yes, copy that,” sagot niya at agad na kinausap ang isa pa niyang kasama.

“Anong problema?” tanong ng kanyang kasama.

“Mayroon daw nakawalang kabataan sa hovercraft nina Erso Hallick.”

“Mukhang naisahan ang scientist na iyon ng isang kabataan,” sagot ng kanyang kausap at tumawa pa ng marahan.

“Huwag ka ngang ganyan. Siya pa rin ang leader natin sa unit na ito. Show some respect,” galit nitong wika at nakita niya akong nakatingin sa kanila.

Bigla akong umiwas ng tingin at napayuko sa isang tabi. Akmang lalapitan niya ako nang biglang huminto ang sasakyan. Agad na bumaba ang apat na CRYPTIC at naiwan kaming lahat sa loob. Nagkatinginan ang lahat na para ba'ng naguguluhan sa nangyayari.

“Kinakabahan ako,” biglang sabi ni Bain Cane.

“Ako rin.”

“Siya nga pala. Ano nga pala pangalan mo?” tanong niya sa akin.

Hindi ko pa pala naipapakilala ang aking sarili sa kanya. Naghihintay ito sa aking pagpapakilala at wala na akong nagawa kundi sabihin sa kanya ang aking pangalan. Inilahad ko muna ang isa kong kamay bago ako nagsalita.

“Nate Peter Horseson. Nice to meet you, Bain Cane,” sabi ko at agad naman niyang tinanggap ang pakikipagkamay ko.

Pagkatapos naming gawin iyon ay biglang lumuwag ang kadenang nakagapos sa aming mga kamay. Nagulat ang lahat sa biglang pagbukas nito at kasabay no'n ay ang pagpasok ng isang lalaking may suot na puting tuxedo.

“Let me introduce myself. I’m Doctor Cruxian Fu. I’m your guide to this new world,” pagpapakilala niya at ngumiti ito na parang mayroong masamang balak sa aming lahat. Nakikilala ko ang kanyang mukha. Siya ang lalaking pumatay sa aking mga magulang.

Hindi ko makakalimutan ang mukhang iyon dahil siya ang kumitil ng buhay ng dalawang kayamanan ko dito sa mundo. Biglang umalab ang dibdib ko sa galit dahil muli kong nasilayan ang lalaking kinamumuhian ko. Balak ko sanang tumayo para sapakin siya nang biglang mayroong nagsalita mula sa aking likuran.

“Where are we?!” tanong ng isang lalaki at akma niya nitong aatakihin si Cruxian. Bago pa masuntok ng isang binatang lalaki si Doctor Cruxian ay agad siya nitong binaril sa ulo.

Napasinghap ang lahat sa nangyari. Maging ako man ay nagulat sa aking nakita. Hindi ko lubos maisip na papatayin niya lang ang isang batang lalaki na walang awa.

Napaluhod ang lalaki habang umaagos sa kanyang ulo ang dugo. Hindi pa nakuntento si Cruxian at binaril niya pa ito sa pangalawang pagkakataon. Sa sobrang lakas ng pagputok ay tumilapon ang mga laman nito sa buong sasakyan na lalong ikinatakot ng lahat. Napaiyak ng matindi ang mga kabataang babae at ang iba naman ay hindi makapaniwala sa kanilang nakita.

Dahil doon ay alam ko na sa aking sarili na hindi ko siya magagawang masapak dahil sa sitwasyon namin ngayon.

“Hindi lang ganyan ang mangyayari sa inyo kapag gagamit kayo ng rahas. You are CRYPTIC’s property now.  You all should listen. If you’re not, then, goodbye to your precious lives,” nakasuot ang mukha ni Cruxian ng kahindik-hindik na ekspresyon habang  binibitawan ang mga salitang nagmumula sa kanyang bunganga. Tumawa pa ito ng napakasarkastiko.

Matapos na kaladkarin ng dalawang miyembro ng CRYPTIC ang bangkay ng binata palabas ng truck ay isa-isa kaming bumaba. Napapikit ako ng aking mga mata dahil biglang tumama ang sinag ng araw sa aking mukha. Nanibago ang aking paningin sa paligid dahil nasanay ang aking mga mata sa madilim na lugar sa loob ng truck.

Sa hindi kalayuan ay naririnig ko ang mga iyakan at sigawan ng ilang mga kabataan na pumipila papasok sa isang gusali. Isang gusali na malayo sa siyudad. Sa likod nito ay ang mataas na pader ng Central City. Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako kung ano nga ba ang nasa labas ng Central City. Pero ang mas bumabagabag ng matindi sa aking isipan ay kung bakit hindi mahanap-hanap ng gobyerno ang grupong ito.Ang grupong dumukot sa isang daang mga kabataan sa loob ng siyudad.

Napalingon ako kay Cruxian nang bigla itong nagsalita. Hanggang ngayon ay nakangiti pa rin itong tinititigan kami. Namantsahan ang kanyang laylayan ng dugo ng binatang lalaking napatay niya kanina. Dahil daw kulang ang bilang namin ay inutusan niya ang isang CRYPTIC na dumukot ulit ng limang kabataan. Ibig sabihin lang iyon ay mayroon silang napatay na limang kabataan dahil ito ay naglaban.

“Welcome to the E.H. Laboratory. May gagawin lang kaming mga eksperimento sa mga katawan ninyo. Don’t be scared, after this experiment, you might all thank us for giving you a great power beyond your imagination," sabi ni Cruxian at tumawa ito ulit ng napakalakas.

Kabaliktaran ang tawang binibigay nito sa aming lahat. Hindi kasiyahan ang nararamdaman namin kundi matanding takot. Takot dahil magiging produkto kami ng kanilang Laboratoryo.

“Lets’s go, kids,” ang huling sabi niya at tumawa ulit ito bago tuluyang pumasok sa gusaling nasa harap namin.

Medyo may kalakihan iyon at napupuno ng malalaking salamin. Makakapal ang punong nakapalibot dito at sa distansya nito mula sa siyudad ay hindi maiisip ng ordinaryong tao na mayroon palang isang gusaling nakatayo sa gitna ng masukal na kagubatan.

“Tara na,” biglang sabi ni Bain Cane at nagulat naman ako sa kanyang sinabi.

Ngumiti ito sa akin pero binigyan ko lang siya ng walang emosyong tingin na ikinalusaw ng kanyang ngiti.

Thank you for reading.
Stay safe and stay colorful :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top