CHAPTER ELEVEN
“The Birth of New Peter”
“MAKE THIS THING STOP!!!” I screamed loudly but nobody heard me. My voice just echoed throughout the given space of the room. The sound of electric current traveling throughout my entire veins gave me a different feeling. Every time I felt the vibration inside my body, I released a magnetic energy that triggered the electric wires inside this room.
I could control electricity after their successful experiment. Even though I couldn't produce an electric with my own, I could control it if there was an electricity near me. There was a buzzing sound distressing my head, I want that feeling to stop. I didn't want it. When I screamed loud, an electricity from the wires seized the entire room. It was terrifying.
Pagkatapos ng reaping day ay dinala nila ako sa isang lugar na bago sa aking paningin. Isang silid na ang ilaw ay nanggagaling sa isang capsules. Isang babaeng nakasuot ng puting coat ang nasa harap ng capsules at mayroon siyang ginagawa doon na hindi ko maipaliwanag kung ano. Sabi ng isang bantay ay kailangan kong pumasok sa loob ng capsules para sa kanilang eksperimento.
Bago ko pa iyon ginawa ay tinurukan muna nila ako ng isang likido gamit ang isang syringe. Kailangan ko raw iyon para makaya ng aking katawan ang napili ko ability mula sa reaping room. Unti-unting nandilim ang paningin ko habang isinasara nila ang pinto ng capsules.
Simula doon ay hindi ko na alam kung ano na ang sumunod na nangyari. Nagkaroon lang ako ng malay sa silid na ito at nakasuot lamang ako nun ng isang puting slack. Sabay ng pagkakaroon ko ng malay ay naramdaman ko ang napakasakit na pakiramdam sa buo kong katawan. Doon ko napag-alaman na mayroong silang ginawa sa aking katawan. Sa bawat panaghoy na ginagawa ko ay siya namang paggalaw ng mga kawad ng kuryente sa silid.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pag-ilaw ng mga ugat ko sa aking mga braso. Simula noon ay hindi na ako mapakali sa aking nararamdaman.
“The experiment was successful. Congratulations, Nate Peter,” sabi ng isang lalaking boses na nagmumula sa speaker ng kuwarto.
“What the hell did you do to me,” hingal na hingal kong tanong. Mukhang naubos ko ang aking buong lakas kanina. Hindi ko na magawang maigalaw ito at pakiramdam ko ay manhid na ang buo kong katawan.
“You can manipulate electricity, Nate. Your ability comes from the knowledge of CRYPTIC and from the laboratory engineered electric eel,” pagpapatuloy niya, “let me explain more. Aside from controlling and manipulating the electricity with your mind when there’s electricity near to you. You can twist the electrical fields, including the electricity of one’s brain causing them anxiety confusion. You can’t released an electric bolts from your hands but you can hurt people with a painful electric-like jolt through physical contact. Also, you can project electric energy bolts by summoning an electric energy near to you. By using that ability, you can use it to stun, burn, injure, or bring death to your opponent.”
Kinalibutan ako sa kanyang sinabi dahil kapag hindi ko magawang kontrolin ang aking abilidad ay paniguradong makakasakit ako ng ibang tao. Ilang saglit lang ay naramdaman ko na naman ang matinding sakit sa aking katawan para mapasigaw ako sa sobrang sakit. Muntik na akong matamaan ng kuryente mula sa mga kable dahil sa aking ginawa.
“Kaya namin ginawa ito sa iyo para maging isa kang human weapon ng CRYPTIC,” sabi ng boses.
“Papaano ka naman nakakasigurado na susunod ako sa mga sasabihin ninyo?”
“Sa tingin mo ay ganoon kami ka tanga na hindi namin alam na hindi niyo iniinom ng palihim ang gamot na binibigay namin sa inyo?” sabi nito at agad siyang tumawa ng napakalakas, “alam namin kung sino-sino ang mga kabataang hindi umiinom ng gamot. Kabilang ka na doon. Kaya kami na mismo ang naglagay sa katawan ninyo ng exact dosage gamit ang syringe bago umpisahan ang eksperimento.”
Tumayo ang buong buhok ko sa katawan sa kanyang sinabi. Hindi maari na naisahan nila ako. Wala na akong ibang paraan na iwasan ang kanilang gustong gawin sa amin. Ngayong nasa loob ng katawan ko ang gamot ay paniguradong makokontrol nila ako.
“Okay, let me try how I will going to control you,” nang-iinsultong sabi nito at biglang lumiwanag ang aking pulso kung saan nila nilagay ang aking tattoo tracker.
Kahit hindi ko na kayang gumalaw ay pinilit ng aking mga laman na gumalaw na para bang isa akong papet na sumusunod sa bawat galaw ng lubid na nakabit sa bawat katawan nito. Nanginginig ang aking tuhod pero pinilit kong tumayo. Kahit anong gawin kong paglaban sa kanyang ginagawa ay talagang sumusunod lang ako sa gusto niya.
“S-stop!. I can’t stand anymore,” pagmamakaawa ko sa kanya.
Hindi siya nakinig sa aking sinabi at nang makatayo na ako ng tuwid ay biglang nag-init ang buo kong katawan. Napasigaw ako ng napakalas at nakontrol ko ang buong kuryente gamit lang ng aking isipan. Hindi ko kayang patigilin ang aking ginagawa at sumunod lang ako sa gusto niya.
Wala akong ibang pagpipilian. Kahit hindi na kaya ng aking katawan ang kanyang pinapagawa sa akin ay pilit ko pa rin iyon sinusunod.
Habang patuloy kong ginagamit ang aking abilidad at tuwang-tuwa naman siyang pinapanood ako mula sa kanyang camera. Masaya ito sa naging resulta ng kanilang eksperimento. Ilang saglit lang ay nagkaroon ng power shortage sa aking silid dahil sa nangyari. Kasabay ng pagdilim ng buong paligid ay ang pagkawala naman ng aking kamalayan.
Hindi ko alam kung ilang oras akong walang malay. Nagising nalang ako sa pagkakaladkad nila sa akin palabas ng silid. Kahit nakatulog ako ay hindi ko pa rin nababawi ang lakas na nawala ko kanina. Hindi ko makontrol ang aking abilidad at dahil doon ay masyadong napupuwersa ang buo kong katawan kaya madali akong nakakaramdam ng pagod.
Malakas ang kanilang paghagis sa akin sa loob ng banyo at muntik na mauntog ang ulo ko sa pader dahil sa kanilang ginawa. Napansin ko sa mga bantay ng E.H. Laboratory ay lahat ng CRYPTIC ay nakasuot ng itim na jacket. Mukhang iyon ang kanilang uniporme para matukoy na sila ay miyembro ng CRYPTIC.
“Maligo ka at mamaya ay kakausapin ka ni Erso Hallick,” maangas na sabi ng isang CRYPTIC at agad nila akong iniwan sa loob ng banyo.
Medyo malamig ang tubig at nag-aalangan pa akong maligo. Nang idinampi ko ang aking palad sa tubig na umaagos sa gripo ay agad akong mayroong naramdaman na kakaibang kuryente na dumaloy sa buo kong kamay.
Mabilis kong inilayo ang aking palad sa tubig at hinimas iyon para pakalamahin ang kuryenteng nasa loob ng katawan ko. Kung magpatuloy ito ay hindi na ako makakaligo kailanman. Huminga ako ng malalim at pinakiramdaman ang aking sarili. Kailangan kong matutunan na kontrolin ang aking abilidad para sa aking kabutihan at sa kabutihan ng mga taong nasa paligid ko.
Sa pangalawang pagkakataon ay sinubukan kong hawakan ang tubig na umaagos sa gripo pero agad akong tumalsik ng malakas sa kabilang pader ng banyo. Sa lakas ng pagkakatalsik ko ay napaubo ako ng dugo at agad iyong sinalo ng aking kaliwang palad.
“Shit...”
Pinakalma ko muna ang aking sarili bago ko sinubukang muli ang paghawak sa tubig. Wala naman akong ibang magagawa kundi ang kontrolin ang aking kakayahan na hindi ko naman hiniling mula sa CRYPTIC. Nang kumalma na ang pagpintig ng aking puso ay pinagpatuloy kong hawakan ang tubig. Nag-isip ako ng masasayang mga ala-ala para kumalma ang aking isipan pero wala akong maisip. Buong buhay ko wala naman akong masayang ala-ala.
Sa ilang sandali lang ay lumitaw sa aking isipan ang mukha ni Tellereza. Nakangiti itong nakatingin sa akin at agad na nagayak ang aking damdamin. Hindi ko napansin na nakangiti ako ngayon habang nakapikit ang aking dalawang mga mata.
Hindi ko rin napansin na nababasa na pala ng tubig ang aking dalawang kamay at wala akong ibang naramdamang reaksyon sa aking katawan.
Sa labis ng aking pagkatuwa ay hindi ko napagilan ang aking sarili na mapalundag sa nangyari. Hindi ko lubos akalain na magagawa kong kontrolin ang aking abilidad. Kailangan ko lang talagang subukan para sa ikabubuti ko. Sa sobrang kasiyahang naramdaman ko ay bumilis ang pagtibok ng puso ko at lumikha iyon ng kakaibang pakiramdam.
Sa sobrang saya ko ay muli akong tumalsik sa pader at lumabas sa aking bunganga ang napakaraming dugo. Mukhang kailangan ko pa talagang kontrolin ng maayos ang aking abilidad.
Kahit ganoon ang nangyari ay masaya ako na kahit papaano ay nagawa ko pa ring makontrol ang abilidad na ibinigay sa akin ng CRYPTIC… pero pagbabayaran nila ang ginawa nila sa aming lahat.
Thank you for reading :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top