CHAPTER EIGHTEEN

“Change”


“ANO ang nangyari noong nakaraang linggo?” tanong ko kay Beatrice nang nasa laboratoryo niya ako para sa sinasagawa niyang obserbasyon sa aking katawan.

Isang linggo na rin ang nakalipas at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakokontrol ng maayos ang aking abilidad. Iilan lang sa mga immunes ang nagagawang makontrol ang kanilang abilidad ng maayos at walang palya. Hindi ko na rin nagawang makapag-report kay Cruxian at Erso dahil hindi pa sila nakakapunta rito. Hindi ko na rin nakausap pa si Kevin at hindi ko na alam ang kanyang binabalak na pagtakas dito.

“I beg your pardon?” tanong ito sa akin habang seryoso siya sa kanyang ginagawa sa kanyang computer.

Kakalabas ko lang ng capsules at inulit ko ang aking tanong sa kanya habang pinupunusan ang buo kong katawan ng isang puting tuwalya. Hindi ko talaga gusto ang berdeng likido na nasa loob ng capsules. Wala naman itong amoy pero hindi maganda sa pakiramdam. Napakalagkit kapag tumagal na sa balat.

“Mukhang nataranta kase kanina si Cruxian at ang ibang mga bantay palabas ng E H. Lab.”

“Bakit mo naman naitanong ang tungkol diyan,” tanong nito sa akin at sa pagkakataong ito ay tinignan na niya ako sa aking mga mata.

Isinuot ko muna ang isang T-shirt tsaka lumapit sa kanya at sinagot ang kanyang tanong.

“Alam mo ba na mayroong nangyari sa pangalawang laboratoryo ni Erso Hallick?” sabi nito at tumayo para umupo sa isang sofa na nasa gitna ng kanyang laboratoryo. Agad ko naman siyang sinundan at doon niya pinagpatuloy ang kanyang sinasabi, “mayroong dalawang binatang lalaki ang nagpasiklab sa buong Laboratoryo. Bilib nga ako sa kanyang ginawa. Napadapa niya ang buong Laboratoryo sa isang iglap. Wala silang mga aking abilidad pero nagawa nila iyon.”

Dahil sa sinabi ni Beatrice ay nagkaroon ako ng interes sa kanyang kinuwento. Hindi ako makapaniwala na mayroong binata ang kayang makipaglaban sa CRYPTIC kahit wala silang aking abilidad tulad namin.

“Kaseng edad ba kami ng lalaking iyon?”

“Siguro. Iyon lang kase ang narinig ko sa mga doktor na nag-uusap tungkol sa nangyari kanina. Ayon din sa mga narinig ko ay mayroong matinding galit ang binatang iyon kay Erso. At mayroon ding isang bagay na hinahanap si Erso sa binatang iyon. Hindi ko alam kung ano iyon,” pagpapatuloy nito.

Bigla nalang umusbong sa aking dibdib ang matinding selos sa binatang binabanggit ni Beatrice. Kaya niyang makipagsabayan sa CRYPTIC kahit sila lang dalawa ng kanyang kaibigan. Kami nga rito ay hindi namin magawang ipaglaban ang aming mga sarili dahil sa voice remote control na nasa pulso namin. Mayroon namang isang beses na nagtangka ang ilang mga immunes na tumakas pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa ang bagay na iyon.

Galit na galit ako sa buong CRYPTIC at binabanggit ko lagi na papatayin ko si Cruxian pero hanggang ngayon ay nakakulong parin kami sa kalagim-lagim na Laboratoryong ito. Mukhang hanggang salita nalang siguro ako at walang ginagawa kundi ang sumunod at tumango sa mga pinag-uutos ni Erso.

“Ayos ka lang?” tanong ni Beatrice sa akin nang mapansin niya yatang malalim ang aking iniisip.

“Iniisip ko lang na bakit nagagawa nilang kalabanin ang CRYPTIC samantala ako ay sunod-sunuran parin na parang aso kay Erso?” mahinahon kong sabi sa kanya at hindi niya ako sinagot bagkus ay tumayo siya at mayroong kinuha sa kanyang lamesa.

Nang makabalik na siya sa akin ay mabilis niyang hinugot ang ang aking kamay. Mayroon siyang inilapat na isang device sa aking pulso at bigla akong namilipit sa sakit sa ginawa niya. Napakapit ako sa kanyang braso para doon kumuha ng lakas dahil sa sobrang sakit na aking nararamdaman.

“What was that for?” hingal kong tanong sa kanya nang matapos ang kanyang ginagawa sa aking pulso.
Tinignan niya ako sa aking mata at nagsimulang magsalita. Noong una ay naiilang pa ako sa kanyang mga tingin pero nang maisabi na niya ang kanyang gustong iparating sa akin ay doon ako nagulat sa nais niyang ipagawa sa akin.

“Ang device na ito ang makakapagtanggal sa mga tracker/control mark   ninyo sa inyong mga pulso,” sabi nito at isinauli sa akin ang aking kamay na kanina niya pang hinahawakan, “gusto kong tanggalin mo ang lahat ng tracker na nasa mga katawan ng buong immunes.”

Napakunot ako ng noo sa kanyang mga sinabi. Hindi ba niya tinatraydor ang CRYPTIC. Sa kanyang ginawa ay siguradong mapapahamak siya.

“Ano ba ang pinagsasabi mo? Bakit mo ito ginagawa? Bakit mo ako tinutulungan?” tanong ko sa kanya at nagsimula siyang umiyak.

“Hindi ko na kayang nakikita kayo na nahihirapan at ginagawang mga laruan. Alam mo naman siguro na ang PROJECT FIVE lang ang mayroong matagumpay na eksperimento. Ang ibang immunes ay mayroon lamang limang taon para mabuhay. Hindi ko hahayaan na iuukol ng ibang mga immunes ang limang taon na iyon sa pagseserbisyo sa CRYPTIC. Gusto kong maranasan nila ang pagiging isang mga tao ng Central City. Ang babata niyo pa at karapatan niyong mamuhay ng matiwasay at malayo sa karahasan na ginagawa ng CRYPTIC…” sabi ni Beatrice habang hindi parin tumitigil na tumatagas ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata.

“T-tinutulungan mo ba kami?” tanong ko sa kanya habang pinapahiran niya ang kanyang mga mata gamit ang kanyang palad.

“Mayroon akong kapatid na kaseng edad mo. Pangalan niya ay Colo. Niccolo Jao “Colo” Astro. Pinoprotektahan ko siya gamit ang dalawang mutated na alaga niyang aso. Nakikita ko sa iyo ang aking nakakabata kong kapatid. Alam ko na matapos ko itong gawin sa inyo ay papatayin na ako ng CRYPTIC kaya sana ay hanapin mo ang aking kapatid para maibigay mo ito sa kanya.”

Agad niyang inilahad sa harap ko ang isang itim at maliit na kahon. Gusto niya na ako mismo ang magbigay ng kahong inilahad niya sa akin sa kanyang nakakabatang kapatid na si Colo.

“Matagal na akong naglilingkod sa taliwas na ginagawa ng CRYPTIC. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na gawin ito nang makita ko ang paghihirap ninyo. Gusto kong makontrol mo ng husto ang iyong abilidad para magawa mong makipaglaban sa CRYPTIC. Hanapin mo din ang lalaking nagpadapa sa pangalawang Laboratoryo ni Erso.”

Bawat pagbigkas ng mga salita ni Beatrice ay nagbibigay sa akin ng matinding kalungkutan at pag-asa. Hindi ko alam ang eksaktong pakiramdam ko ngayon. Bawat pagpatak ng kanyang luha sa kanyang mga mata ay nagpapakahulugan na ito na ang huli naming pagkikita. Alam ko na hindi magtatagal na malalaman ng buong CRYPTIC ang ginawa ni Beatrice para sa amin. Ito na ang panahon para tumakas. Kailangan kong kunin ang tracker tattoo na nasa mga pulso namin.

“Gusto kong ipangako mo na maidadala mo ito sa kanya. At ipangako mo rin sa akin na makakatakas kayo dito,” sabi nito habang nakatingin ito sa ilalim. Pumapatak ang kanyang mga luha sa kanyang kamay habang binibigay sa akin ang kahon na hawak niya kanina pa, “kaya mo bang gawin ito sa akin?”

“Ayokong gawin. Matapos kong marinig ang tungkol sa binatang kalaban ni Erso ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na makatakas dito,” sabi ko sa kanya at agad siyang niyakap ng mahigpit. Hindi niya siguro inasahan ang aking magiging sagot sa kanya kaya nagulat siya ng matindi sa sinabi ko,  “hindi ako papayag na papatayin ka nila. Ngayong hindi na nila ako makokontrol ay magagawa ko ng protektahan ka at ikaw na mismo ang makakapagbigay ng kahon na iyan sa iyong kapatid.”

“No. You don’t understand—” putol nitong sabi nang agad akong tumayo. Hinabol niya pa ako hanggang sa pinto ng kanyang laboratoryo. Pilit niyang ibigay sa akin ang kahon pero patuloy lang ako sa pagtanggi.

“Ikaw dapat ang bibigay sa kapatid mo. Hindi ka mamamatay, Beatrice. Trust me. I will protect you,” sabi ko sa kanya at agad na tumakbo papunta sa mga immunes.

“NATE!” sigaw nito sa akin habang patuloy lang ako sa pagtakbo.

Walang mamatay dito. Walang mamatay ngayon. Hindi ko hahayaang madadagdagan mawala ang mga taong malapit sa akin dahil sa CRYPTIC. Ngayong kaya ko nang tanggihan ang pagkontrol sa akin ng CRYPTIC ay magagawa ko nang makatakas dito.

“Nate!” pagtawag ni Kevin sa aking pangalan nang nadaanan ko siya sa hallway.

“Kevin? Nasaan ang ibang mga immunes?!” hingal na hingal kong tanong sa kanya.

“Diba kakatapos lang natin sa TGSA? Nasa Cafeteria na sila ngayon. Nagpapahinga,” mahinahon niyang sabi sa akin pero hindi na ako nakipag-usap sa kanya nang bigla kong hinablot ang kanyang kamay at ginamit sa kanya ang device na binigay sa akin ni Beatrice kanina.

Namilipit ito sa sakit nang simulan ko nang tanggalin ang marka na nasa pulso nito at sa sobrang sakit na nararamdaman niya ay ginamitan niya ako ng kanyang abilidad. Pinatalsik niya ako papunta sa matigas na pader. Napa-ubo ako ng dugo sa kanyang ginawa.

“Dude? Ano yun? Pinagtitripan mo ba ako?” galit nitong tanong sa akin. Mabuti nalang ay nakuha ko na sa kanyang pulso ang marka at hindi ko na siya pinansin.

Pinapagtuloy ko na ang aking pagtakbo papunta sa cafeteria. Alam ko na napapalibutan iyon ng napakaraming nga bantay at kailangan kong gawin ang pagtanggal ng marka sa pulso ng mga immunes ng mabilis na hindi ito mapapansin ng mga CRYPTIC.

Nang nasa loob na ako ng CRYPTIC ay agad akong pinagtinginan ng lahat sa aking pagdating. Pinagpatuloy nila ang kanilang ginawa nang pakunwari akong kumuha ng pagkain. Bawat tingin ng bantay sa akin ay nagbigay sa akin ng matinding kilabot. Hindi ko na alintana ang ingay na ginagawa ng lahat at ang tanging tunog na naririnig ko ay ang pagtibok ng aking puso sa sobrang kaba.

Hindi ko naman puwedeng gamitan sila ng aking abilidad dahil kapag ginagawa ko iyon ay kokontrolin nila ang mga immunes para pigilan ako. Ayaw ko namang kalabanin si Vel Martin at si Kevin Greenwood.

“Dude. May nangyari ba?” tanong sa akin ni Bain Cane nang bigla siyang sumulpot sa harap ko.

Nang makita ko siya ay agad kong sinabi sa kanya ang aking gustong mangyari. Habang nakaupo kami ay pasimple kong tinanggal sa kanya ang marka na nasa kanyang pulso. Mukhang ako ang nahihirapan sa aking ginagawa dahil bawal siyang gumawa ng ingay kahit ano mang sakit ang kanyang mararamdaman.
Kapag nagkataon na sumigaw siya sa sobrang sakit ay katapusan na namin. Hindi na kami makakaalis dito habang buhay. Lumilitaw na sa kanyang leeg ang mga ugat sa sobrang pagpipigil sa pagsigaw sa sobrang sakit.

“Please … don’t scream,” pabulong na sabi ko kay Bain.

Mabuti nalang ay hindi nakatuon sa amin ang mga mata ng bantay kaya matagumpay kong naitanggal ang marka kay Bain Cane. Agad ko namang inutusan siyang pasimpleng sabihin sa buong immunes ang isasagawa kong pagtanggal sa aming mga marka na nasa aming mga pulso.

Malapit na naming makamit ang aming kalayaan. Malapit na.

Thank you for reading :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top